Cayetano: Five-year economic recovery plan kailangan para makabangon ang agrikultura

Kailangan ang isang five-year economic recovery plan upang ibangon ang sektor ng agrikultura, ayon kay dating Speaker Alan Peter Cayetano.

 

Sa kanyang panayam sa media matapos makipagkwentuhan sa mga magsasaka sa Mabalacat, Pampanga noong ika-12 ng Hulyo, igniit ni Cayetano na mahalaga ang pagkakaroon ng isang economic recovery plan para iangat ang investor confidence at masigurado ang predictability ng mga programa ng pamahalaan.

 

“Kapag tayo po ay naglabas ng plano at nasunod ang plano, marami po ang mag-iinvest,” wika niya.

 

Para kay Cayetano, kailangang gawing prayoridad ang agrikultura sa pagbangon ng bansa mula sa mga epekto ng pandemya at ipalaganap sa publiko ang papel ng mga magsasaka sa ekonomiya.

 

“Dito sa inyo, napakadaling sabihin na agriculture is a priority. Pero bumalik tayo sa siyudad, gagarantiya ko sa inyo, makakalimutan ang agriculture,” aniya. “‘Di po talaga nalilink na yung mga farmers talaga yung naghihirap.”

 

Sa pamamagitan ng isang pangmatagalang plano, maaaring lumawak ang irigasyon, farm-to-market roads, at pamamahagi ng abono, ayon kay Cayetano..

 

Nanawagan muli ang dating Speaker sa mga nagbabalak tumakbo na Pangulo sa susunod na halalan na makipagtulungan sa mga eksperto sa pagbuo ng iisang plano para sa pagbangon ng bansa.

 

“Ako’y naniniwala talaga lahat po ng nagbabalak tumakbong Pangulo ngayon, aminin man nila o hindi, dapat magsama-sama at gumawa ng five-year plan,” wika niya.

RECOMMENDED POSTS