Cayetano mamamahagi ng cash aid sa Northern Luzon

Mamamahagi muli ng ayuda ngayong Biyernes, Hulyo 2, sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso sa ilang mga residente ng Baguio at iba pang mga na lugar sa hilagang Luzon bilang bahagi ng kanilang programang Sampung Libong Pag-Asa. 

 

Mahigit-kumulang 400 na benepisyaryo mula sa Baguio, Pangasinan, at La Union ang mabibigyan ng P10,000 bawat isa mula sa grupo ni Cayetano. Aabot naman sa 100 commenters sa Facebook livestream ng programa ang makatatanggap ng ayuda.

 

Bago ang pangunahing programa, magkakaroon muna ng Ayuda Bayanihan Caravan, isang pre-show na ipalalabas sa opisyal na FB page ni Cayetano. Isang Sugod Bahay na benepisyaryo at sampung FB commenters ang bibigyan ng ayuda sa Baguio Convention Center. 

 

Pangungunahan ito lahat nina Cayetano, kanyang kabiyak na si Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano, at kanilang mga kaalyado na sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr., Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, at ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor.

 

Sasamahan din sila nina Baguio City Rep. Mark Go, Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico III, La Union 1st District Rep. Pablo Ortega, Pangasinan Governor Amado Espino, Jr., La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Dagupan City Mayor Brian Lim, at San Carlos City Mayor Julier Resuello.  

 

Nagsimula ang programang Sampung Libong Pag-Asa noong Mayo Uno. Bunga ito ng panukalang economic recovery plan ni Cayetano na naglalayong mamahagi ng ayuda sa bawat pamilyang Pilipino upang mabili nila ang kanilang mga batayang pangangailangan at buhayin muli ang kanilang mga hanapbuhay sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

 

Lampas na sa 3,000 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda mula sa programa. Marami sa mga benepisyaryo na ito ay ginamit ang salapi upang maibangon muli ang kanilang mga negosyo.

RECOMMENDED POSTS

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *