Cayetano, mga kaalyado nangako ng tulong sa Batangas matapos mag-alburuto ng Taal

Nangako si dating Speaker Alan Peter Cayetano at ang kanyang mga kaalyado na magpapaabot sila ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulang Taal kamakailan.

 

Bago simulan ang pamamahagi ng ayuda sa Baguio, Pangasinan, at La Union noong ika-2 ng Hulyo bilang bahagi ng kanilang programang Sampung Libong Pag-Asa, sinabi ni Cayetano na mamimigay sila ng masks, pagkain, at pinansyal na tulong sa mga residente at opisyal ng Batangas.

 

Sa mga gustong magbayanihan, lalo na po sa mga area na malapit sa Taal, kailangan po nila uli ang ating tulong,” wika niya. 

 

Nilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) ang Bulkang Taal sa Alert Level 3 nang magkaroon ito ng phreatomagmatic eruption noong Huwebes, ika-1 ng Hulyo.

 

Nagpaabot naman ng suporta ang mga miyembrong mambabatas ng grupong Balik sa Tamang Serbisyo sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan.

 

Sinabi ni Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu na babalik siya agad sa probinsya upang pangunahan ang pagresponde ng lokal na pamahalaan sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. 

 

Di tayo magpapatalo sa Bulkang Taal,” aniya. 

 

Hiniling naman ni Bulacan 1st District Rep. Jonathan Sy-Alvarado na magpakatatag ang mga apektadong residente.

 

Tatagan niyo lang po ang inyong kalooban. Mag-isip parati ng positibo at tutulungan tayo ng Panginoon,” wika niya.

 

Sa pangunguna ni Cayetano, naglunsad ang Kamara ng plenary session sa Batangas City Convention Center matapos pumutok ang Bulkang Taal noong nakaraang taon.

 

Itinulak ng mga mambabatas na maglaan ang pamahalaan ng P30-billion supplemental budget para sa mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Sinuportahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

*10K Ayuda Bill*

 

Muling nanawagan si Cayetano sa Kongreso na suportahan at ipasa ang 10K Ayuda Bill na naglalayong mamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemyang COVID-19. 

 

Nagdecide tayo na P10,000 kasi gusto natin pang-ahon di lang pangtulay,” wika niya. “Di natin kailangan hintayin na mawala ang COVID-19 bago tayo bumangon.

 

Inihain ang 10K Ayuda Bill noong ika-1 ng Pebrero bilang tugon sa lumalala na gutom at kawalan ng trabaho sa bansa. Naisama ang panukalang batas sa Bayanihan 3 pero hindi nasali ang probisyon nito tungkol sa pamamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pilipino.

 

Noong Biyernes, namahagi si Cayetano at ang kanyang mga kaalyado ng P10,000 kada tao sa 400 na benepisyaryo mula sa Hilagang Luzon at 100 na commenters sa Facebook livestream ng programang Sampung Pag-Asa.

 

Nagsimula ang programang Sampung Libong Pag-Asa noong Mayo Uno dahil sa adbokasiya ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado para sa 10K Ayuda Bill. Lampas na sa 4,000 na benepisyaryo ang naabot ng programa.

 

Hinikayat naman ni Cayetano ang mga benepisyaryo na gamitin ang ayuda para magsimula ng negosyo.

 

Wag matatakot magsimula ng negosyo. Marami ang nagsasabi wag magnenegosyo ngayon dahil pandemic,” sabi niya. “Sa Sampung Libong (Pag-Asa), it’s our pleasure na makatulong na masimulan ang business niyo.”

 

*Pag-asa*

 

Isa sa mga benepisyaryo ng programa ay si Fredielyn Garcia, isang tindera mula sa Bugalion, Pangasinan. Ginamit raw niya ang kanyang natanggap na ayuda para magsimula ng negosyo mula sa pagbebenta ng bigas at uling.

 

Wag po tayo mawalan ng pag-asa. Lagi lang po tayo manalig sa Diyos. Maraming tutulong po sa atin,” wika niya.

 

Sinabi naman ni Bienvenido Villaluna, isang pintor mula sa Baguio, na matindi ang naging epekto sa kanya at sa mga kapwa artista niya dahil nawabasan sila ng kliyente at humirap ang paghahanap ng bagong materyales. 

 

As an artist, yung epekto ng pandemic na ito, parang kang sinasakal. Para matuluyan ka na,” sabi niya.

Gagamitin ko yun (cash aid) sa mga paintings since yan ang kinakabuhay ko. Makakabili na ako ng pintura. ‘Tas yung mga lumang brush, mapapalitan ko na,” dagdag niya.

RECOMMENDED POSTS

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *