Sampung Libong Pag-asa ni Cayetano pupunta sa Caloocan

Mamamahagi muli ng ayuda ngayong Biyernes, Hulyo 23, sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso sa ilang mga residente ng Caloocan City bilang bahagi ng kanilang programang Sampung Libong Pag-Asa.

 

Tinitingala ang Caloocan City bilang isa sa mga nangungunang lokal na pamahalaan pagdating sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya. Noong Abril, napuri ang pamahalaan ng lungsod dahil sa digital na pamamahagi nito ng ayuda na umabot ng P1.3 bilyon.  

 

Sa programa sa Biyernes, 300 benepisyaryo mula sa pinakamataong lungsod sa bansa ang mabibigyan ng P10,000 bawat isa mula sa grupo ni Cayetano. Aabot naman sa 100 commenters sa Facebook livestream ng programa ang makatatanggap ng ayuda.

 

Bago ang pangunahing programa, ang pangalan ng ilan sa mga mapipiling livestream commenters ay iaanunsyo sa Ayuda Bayanihan Caravan, isang pre-show na ipalalabas sa opisyal na FB page ni Cayetano. 

 

Noong nakaraang linggo, binisita ni Cayetano ang Caloocan City upang itatag ang lokal na edisyon ng Sari-Sari Community, isang programa na nagnanais magbigay ng tulong-pinansyal sa mga sari-sari store owners.

 

Isang daang sari-sari store owners mula sa lungsod ang nakatanggap ng P3,500 kada isa bilang dagdag na puhunan sa kanilang mga negosyo.

 

Nagsimula ang programang Sampung Libong Pag-Asa noong Mayo Uno. Bunga ito ng panukalang economic recovery plan ni Cayetano na naglalayong mamahagi ng ayuda sa bawat pamilyang Pilipino upang mabili nila ang kanilang mga batayang pangangailangan at buhayin muli ang kanilang mga hanapbuhay sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

 

Nasa 6,300 na ang bilang ng mga benepisyaryo na nakatanggap ng ayuda mula sa programa. Marami sa kanila ay ginamit ang salapi upang maibangon muli ang kanilang mga negosyo.

RECOMMENDED POSTS

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *