More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Senator Alan shares hope, practical steps to overcome life’s pains

Acknowledging the social challenges facing people locally and globally, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Tuesday urged Filipinos on Facebook to reflect on their personal “pains” as a first step toward healing.

In the second part of his livestream dubbed “Are You Looking for Trouble?” on October 13, Cayetano shared three practical steps to overcoming emotional, spiritual, or even physical hurts.

The first step, he said, is identifying one’s pains and listing them down, whether relational issues, financial hardships, or physical illness.

“Kasi ‘pag hindi mo alam y’ung problema, how will you solve it? Kung hindi mo ma-identify ano y’ung problema, how do you even begin to deal with it?” the senator emphasized.

After acknowledging one’s hurts, he said the second step is to lift them up to God.

He said rather than grumbling which “does not solve problems,” it is much better to “speak out your heart to the Lord” and meditate on one’s struggles through the lens of His Word.

“Kasi dalawa po ang boses. Y’ung isa, y’ung demonyo na nagsasabing wala kang pag-asa, dayain mo lang ‘yan. At y’ung isa naman, nagsasabing, ‘Anak, mahal kita.’ Y’ung nagsasabing, ‘He who began the good work in you will be faithful to complete it,’” he said.

The third step, Cayetano said, is to continue building one’s life on the “rock,” which is God’s Word and truth.

“Lahat po ay babagyuhin. Lahat ay babahain. Pero ang question, where did you build? ‘Pag sa buhangin, great is the fall. Pero if you build on the rock, ibig sabihin po maganda ang foundation mo,” he said, quoting Matthew 7:24 from the Bible.

Cayetano reminded his viewers that while life’s troubles or attacks from other people are ultimately out of one’s control, how one reacts is still within one’s control.

“Whether we’re looking for trouble or trouble is looking for us, it’s part of our life. And the sooner we learn how to deal with trouble, the sooner na magiging purpose-driven talaga ang ating buhay, magiging meaningful,” he said.

Earlier in the livestream, the senator also offered prayers for overseas Filipino workers (OFWs) who were affected by the airport attack in Riyadh, Saudi Arabia.

“My heart goes out to those OFWs na nalayo na nga dahil sa trabaho tapos naapektuhan pa,” he said.

With the national budget talks set to resume in the Senate this week, the Minority Leader also reaffirmed his commitment to pushing for reforms in the country’s infrastructure, health system, and other pressing issues.

He encouraged Filipinos to continue using social media to monitor the government and hold officials accountable.

“Kayo ang equalizer. Sa Kongreso, sa Senado, sa Supreme Court, sa Sandigandayan, kayo po ang bantay. At ngayon may tools po tayo,” he said.

Filipino Version

Senator Alan nagbahagi ng pag-asa, praktikal na payo sa pagharap sa mga pagsubok

Sa gitna ng mga problema sa loob at labas ng bansa na nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino, hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes ang mga kababayan na harapin at pagnilayan ang kanilang mga personal na “pains” bilang unang hakbang tungo sa paghilom.

Sa ikalawang bahagi ng kaniyang livestream na “Are You Looking for Trouble?” nitong October 13, nagbahagi si Cayetano ng tatlong praktikal na hakbang para malampasan ang mga pasakit na emosyonal, espirituwal, o pisikal.

Una, kailangan aniyang tukuyin at isulat ang mga problemang nagdudulot ng pasakit sa relasyon, pinansyal, o pisikal na kalusugan.

“Kasi ‘pag hindi mo alam y’ung problema, how will you solve it? Kung hindi mo ma-identify ano y’ung problema, how do you even begin to deal with it?” diin ng senador.

Matapos kilalanin ang mga sakit na dinadala, ikalawang hakbang aniya ay ang paglapit at pagsuko ng mga ito sa Panginoon.

Imbes aniya na puro pagrereklamo na hindi naman nakatutulong sa paglutas ng problema, mas mabuting ibuhos ang mga ito sa Diyos at pagnilayan ang mga ito batay sa Salita ng Diyos.

“Kasi dalawa po ang boses. Y’ung isa, y’ung demonyo na nagsasabing wala kang pag-asa, dayain mo lang ‘yan. At y’ung isa naman, nagsasabing, ‘Anak, mahal kita.’ Y’ung nagsasabing, ‘He who began the good work in you will be faithful to complete it,’” aniya.

Ikatlong hakbang, ayon kay Cayetano, ay ang patuloy na pagsisigurong ang buhay ng isang indibidwal ay nakatayo sa “rock” o bato: ang Salita at katotohanan ng Diyos.

“Lahat po ay babagyuhin. Lahat ay babahain. Pero ang question, where did you build? ‘Pag sa buhangin, great is the fall. Pero if you build on the rock, ibig sabihin po maganda ang foundation mo,” aniya, kaugnay ng Matthew 7:24 sa Bibliya.

Paalala ni Cayetano, bagama’t hindi kontrolado ng sinuman ang mga problemang darating o ang mga pag-atake ng ibang tao, kontrolado naman ng isang indibidwal kung paano siya tutugon.

“Whether we’re looking for trouble or trouble is looking for us, it’s part of our life. And the sooner we learn how to deal with trouble, the sooner na magiging purpose-driven talaga ang ating buhay, magiging meaningful,” aniya.

Sa unang bahagi ng livestream, nagpaabot ang senador ng panalangin sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng pag-atake sa paliparan sa Riyadh, Saudi Arabia.

“My heart goes out to those OFWs na nalayo na nga dahil sa trabaho tapos naapektuhan pa,” aniya.

Ngayong nakatakdang ipagpatuloy sa Senado ang pagtalakay sa pambansang budget ngayong linggo, muli ring tiniyak ng Minority Leader na isusulong niya ang mga reporma sa imprastraktura, sistemang pangkalusugan, at iba pang mahahalagang isyu sa bansa.

Hinimok din niya ang mga Pilipino na patuloy na gamitin ang social media para bantayan ang gobyerno at panagutin ang mga opisyal.

“Kayo ang equalizer. Sa Kongreso, sa Senado, sa Supreme Court, sa Sandigandayan, kayo po ang bantay. At ngayon may tools po tayo,” aniya.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano