More Press Releases

Cayetano renews call for disaster response beyond relief, says rehabilitation must follow

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Tuesday renewed his call for a disaster response system that goes beyond relief operations, saying rehabilitation must follow to help calamity-hit communities recover and rebuild.

Cayetano made the statement during a Facebook livestream with Senator Robin Padilla while they were in Davao City before proceeding to Sarangani and General Santos City to extend help and construction materials to victims of the magnitude 7.8 offshore Sarangani earthquake.

“Y’ung relief efforts maganda ‘yan, pero importante y’ung rehabilitation,” the Minority Leader said on June 23, 2026.

While relief assistance remains important, Cayetano said the government must provide longer-term support for families whose homes were destroyed and for residents who lost their sources of income after the earthquake.

“They appreciate the help. Any help. Relief is very important. But we have to see things through. Hindi pwedeng kaunting tulong ang gobyerno tapos bahala na si Batman o bahala na kayo,” he  emphasized.

Cayetano said this is especially true for affected communities in Sarangani and General Santos City, where hundreds of families lost their homes and livelihoods.

“Maraming totally damaged, partially damaged [ang bahay]. Maraming nawalan ng trabaho muna kasi nga nasira din y’ung kung saan sila nagtatrabaho. Then siyempre, y’ung mga estudyante na-trauma din,” he said.

The Minority Leader also called for prayers for the country, citing the Philippines’ exposure to typhoons, volcanic eruptions, and earthquakes.

Cayetano has long been pushing for a more comprehensive disaster response system covering relief, risk mitigation, and rehabilitation.

He has warned that without proper rehabilitation, communities hit by past disasters risk being forgotten before they are even able to recover, especially when another calamity strikes.

“We’re a country na mahigit 15 ang bagyo every year. May mga active tayong bulkan. Tapos y’ung lindol,” he said during the livestream.

Cayetano earlier filed Senate Bill No. 105, which seeks to create an Emergency Response Department that will serve as a “science-based, people-centered” agency in charge of disaster management from risk mitigation to rehabilitation.

The bill seeks to replace the current ad hoc setup that is activated only when calamities strike.

“Magaling na po tayo sa relief programs, pero sa rehabilitation at disaster management, mahina pa ho,” Cayetano earlier said.

“Kailangan po pagdating sa pagmi-mitigate ng mga disasters at tsaka pagdating po sa rehabilitation, may isang natuturo, may isang pong accountable, at isa pong nakatutok talaga d’yan,” he added.

Ahead of his Tuesday visit, Cayetano’s team, together with the office of his sister, Senator Pia Cayetano, had already provided hot meals, essential aid, and on-the-ground support to more than 2,800 earthquake victims across Sarangani, General Santos City, and Davao City from June 9 to 13, 2026.

Their teams were the first to reach the hard-to-access barangays of Mudan, Taluya, and Kaltuad in Glan, Sarangani, bringing urgent aid to residents after the quake.

Cayetano sa pagtugon sa kalamidad: Dapat may rehabilitasyon kasunod ng relief

Muling binigyang diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes na hindi dapat magtapos sa relief ang tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga nasalanta ng sakuna, kundi dapat tulungan ding makabangon at makapagsimulang muli ang mga biktima. 

Ipinahayag ito ni Cayetano sa isang Facebook livestream habang nasa Davao kasama si Senador Robin Padilla, bago tumungo sa Sarangani at General Santos City para maghatid ng tulong at construction materials sa mga residenteng naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol.

“Y’ung relief efforts maganda ‘yan, pero importante y’ung rehabilitation,” sabi ng Minority Leader nitong June 23, 2026.

Giit niya, mahalaga ang agarang tulong, ngunit hindi dapat roon natatapos ang suporta ng pamahalaan. Aniya, kailangan ding tulungan ang mga pamilyang nasiraan ng bahay at nawalan ng hanapbuhay dahil sa lindol. 

“They appreciate the help. Any help. Relief is very important. But we have to see things through. Hindi pwedeng kaunting tulong ang gobyerno tapos bahala na si Batman o bahala na kayo,” wika niya.

Sinabi ni Cayetano na ito rin ang sitwasyon ng maraming pamilya sa Sarangani at General Santos City, kung saan daan-daang bahay ang nasira at maraming residente ang pansamantalang nawalan ng kabuhayan. 

“Maraming totally damaged, partially damaged [ang bahay]. Maraming may trabaho, nawalan ng trabaho muna kasi nga, nasira din y’ung kung saan sila magkatrabaho. Then siyempre, y’ung mga estudyante na-trauma din,” aniya. 

Nanawagan din ang senador ng panalangin para sa bansa dahil sa patuloy na banta ng mga bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan.

Matagal nang isinusulong ni Cayetano ang pagkakaroon ng mas komprehensibong disaster response system na hindi lamang nakatuon sa relief operations kundi pati sa risk mitigation at rehabilitasyon. 

Nauna na rin niyang sinabi na kung walang maayos na rehabilitasyon, maaaring makalimutan ang mga komunidad na tinamaan ng kalamidad bago pa man sila tuluyang makabangon, lalo na kung may panibagong sakunang dumating. 

“We’re a country na mahigit sampu, labing lima ang bagyo every year. May mga active tayong bulkan. Tapos y’ung lindol,” aniya.

Bilang solusyon, muling naghain si Cayetano noong nakaraang taon ng panukalang batas na lilikha sa Emergency Response Department (ERD), isang bagong departamento na mangangasiwa sa paghahanda, pagtugon, at rehabilitasyon tuwing may kalamidad.

Hindi tulad ng Disaster Risk Reduction and Management Council na ad hoc ang set up at gumagana lang sa oras ng sakuna, buong taon kikilos ang ERD para magpatupad ng national programs na maghahanda sa mga Pilipino sa sakuna at mangunguna sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad.

“Magaling na po tayo sa relief programs, pero sa rehabilitation at disaster management, mahina pa ho,” pahayag noon ni Cayetano.

“Kailangan po pagdating sa pagmi-mitigate ng mga disasters at tsaka pagdating po sa rehabilitation, may isang natuturo, may isang pong accountable, at isa pong nakatutok talaga d’yan,” dagdag pa niya. 

Bago ang kanyang pagbisita ngayong Martes, nakapagbigay na ang grupo ni Cayetano, kasama ang tanggapan ng kanyang kapatid na si Senator Pia Cayetano, ng hot meals, relief goods, at iba pang tulong sa mahigit 2,800 biktima ng lindol sa Sarangani, General Santos City, at Davao City mula June 9 hanggang 13, 2026.

Ang grupo rin ng magkapatid na senador ang isa sa mga naunang nakarating sa mga liblib na barangay ng Mudan, Taluya, at Kaltuad sa Glan, Sarangani upang maghatid ng agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano