SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00) … urgent. Marami kasing maraming aspeto at maraming kailangan gawin. Ang point we cannot allow violence at the home, in church, in school. Nung araw yan ang safe space pero ngayon sa ibang parte ng mundo marami na sa school, nangyayari sa atin.
(0:21) So kung ano man ang maging final sa age, etc., ang point, gawing urgent [at] pag usapan kaagad. Yun ang sinasabi ni Robin ah, kung pwedeng mag special session [para] palitan lang yung SP, bakit hindi mag special session doon sa mga urgent na dapat pag usapan.
(0:37) Having said that, yung aming gusto na lumakas ang ating rehabilitation, magaling na ang gobyerno sa relief. Pero yung rehabilitation… ‘di ba yung nangyari sa Bohol, nagka-linog (lindol) ng malakas, then nag Yolanda. Na-shift tayo sa Yolanda, then nag-Yolanda, then ganun din sa Marawi. Tapos nagkaroon ng Covid, nakakalimutan eh.
(0:59) So we have to have a separate entity na panay-rehabilitation. So katulad dito, 34,000 GenSan pa lang na bahay. Iba pa sa Sarangani, Iba pa sa Davao Oriental, Iba pa sa Sultan Kudarat. So hindi pwedeng walang nakatutok. Magagaling ang agency natin pero kalat kapag walang tututok.