Amid weeks of rains, Cayetano urges Filipinos to remain ‘rooted’ through life’s storms
Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Sunday urged Filipinos to remain rooted in their faith and live as ambassadors of Christ as communities endure weeks of heavy rains and other challenges confronting the country.
Speaking at the 44th anniversary of Mandaport Apostolic Pentecostals (MAP) Church on August 30, Cayetano drew from the recent rains and strong winds to remind Filipinos that hardships are inevitable, but those firmly rooted in their faith can withstand life’s storms.
“Kung may bagyo o wala sa ating buhay, dadating at dadating ‘yan kahit saan tayo mapunta… Pero ang sabi sa Bible, ‘pag tama y’ung ugat mo, tama kung saan ka nag-build, madaranas mo lahat ‘yan pero hindi ka mauugat,” he said.
Cayetano said the same principle applies beyond natural disasters as Filipinos confront flooding, lack of jobs, low wages, rising prices, and high fuel costs.
He stressed that remaining rooted in Christ also carries a responsibility to live out one’s faith, reminding Christians that they are called to be “ambassadors of Christ” in their communities.
Drawing from his experience as former Foreign Affairs Secretary, Cayetano likened Christians to ambassadors who represent not themselves but the kingdom they serve.
“Ang ambassador ay walang karapatan sabihin ang kanyang opinion kasi ang nire-represent po niya ay ang kanyang bansa. In the olden days and biblically you are representing the Kingdom and the King,” he said.
He added that living out one’s faith also means recognizing the dignity of others even amid disagreements while focusing on the problems that need to be addressed.
“You have to remember na kahit kalaban mo, kahit galit na galit sa kanya, gawa din siya ng Panginoon,” he said, recalling advice given him by pastors.
The Minority Leader said he carries the same perspective in confronting corruption.
“Halimbawa tingin ko y’ung isang tao, corrupt — hindi siya yung kalaban ko, y’ung corruption ang kalaban ko,” he said.
Cayetano closed by encouraging Filipinos to hold on to their faith regardless of the storms and difficulties they encounter.
“Ang gina-guarantee ng Panginoon, ‘pag ikaw ay nakaugat sa Panginoong Hesu Kristo, hindi ka mauugat,” he said.
Filipino Version
Cayetano hinikayat ang mga Pilipino na kumapit sa pananampalataya sa gitna ng pag-ulan at mga unos
Hinikayat ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na manatiling matatag at kumapit sa pananampalataya sa gitna ng patuloy na pag-ulan at iba pang pagsubok na kinakaharap ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa ika-44 anibersaryo ng Mandaport Apostolic Pentecostals (MAP) Church nitong August 30, sinabi ni Cayetano na hindi maiiwasan ang mga unos sa buhay, ngunit kayang malampasan ng mga taong matibay ang pundasyon sa kanilang pananampalataya ang anumang pagsubok.
“Kung may bagyo o wala sa ating buhay, dadating at dadating ‘yan kahit saan tayo mapunta… Pero ang sabi sa Bible, ‘pag tama y’ung ugat mo, tama kung saan ka nag-build, madaranas mo lahat ‘yan pero hindi ka mauugat,” wika ni Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na hindi lamang mga bagyo at malalakas na ulan ang mga unos na kailangang harapin ng mga Pilipino, kundi pati ang pagbaha, kawalan ng trabaho, mababang sahod, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mataas na presyo ng gasolina.
Binigyang diin din niya na ang pagiging nakaugat sa pananampalataya kay Kristo ay may kaakibat na pananagutan na isabuhay ito at maging “ambassadors of Christ” sa kanilang mga komunidad.
Bilang dating kalihim ng Department of Foreign Affairs, inihalintulad ni Cayetano ang mga Kristiyano sa isang ambassador na kumakatawan hindi sa sarili kundi sa kahariang kanyang pinaglilingkuran.
“Ang ambassador ay walang karapatan sabihin ang kanyang opinion kasi ang nire-represent po niya ay ang kanyang bansa. In the olden days and biblically you are representing the Kingdom and the King,” wika niya.
Ayon kay Cayetano, bahagi rin ng pagsasabuhay ng pananampalataya ang pagkilala sa dignidad ng bawat tao kahit may hindi pagkakasundo, habang nananatiling nakatuon sa mga problemang kailangang lutasin.
“You have to remember na kahit kalaban mo, kahit galit na galit sa kanya, gawa din siya ng Panginoon,” wika ni Cayetano, na ibinahagi ang payong ito sa kanya ng mga pastor.
Sinabi ng Minority Leader na dala rin niya ang ganitong pananaw sa pagtugon sa korapsyon.
“Halimbawa tingin ko y’ung isang tao, corrupt — hindi siya yung kalaban ko, y’ung corruption ang kalaban ko,” wika niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat ni Cayetano ang mga Pilipino na manatiling nakakapit sa kanilang pananampalataya anuman ang unos at hirap na kanilang pagdaanan.
“Ang gina-guarantee ng Panginoon, ‘pag ikaw ay nakaugat sa Panginoong Hesu Kristo, hindi ka mauugat,” wika niya.
Share This Post