Inisa-isa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga tinawag niyang “pagkakamali” sa usapin ng flood control investigation at impeachment proceedings sa kanyang Facebook Live nitong Biyernes ng gabi, July 17, 2026.
Una niyang tinukoy ang naging pahayag ni Senator Erwin Tulfo na dapat umano siyang “mag-relax” sa isinusulong na imbestigasyon sa flood control projects.
“Sinabi po ni Senator Erwin Tulfo, ‘Wag daw ako masyadong ‘hot’ doon sa flood control investigation. Ang sabi niya, ‘Relax lang daw ako.’ So mistake number one, hindi po ako y’ung hot at hindi po ako yung hindi nagre-relax, ang atin pong mga kababayan [ang nagagalit,] sabi ni Cayetano.
“Every single Filipino has asked for an accounting of the biggest corruption scandal in our country in history involving not billions, not tens of billions, not hundreds of billions, but it involves trillions of pesos,” dagdag niya.
Ayon kay Cayetano, mali rin ang pahayag na hindi maaaring magsagawa ng flood control hearings dahil sa impeachment trial.
“Ang sabi niya [Erwin Tulfo,] araw-araw, nag-iimpeachment. So, paano mag-he-hearing? Monday to Wednesday lang tayo, naghe-hearing. Paano raw gagamitin ang session hall? Maraming kwarto po ang Senado. Even sa session hall, walang gumagamit ng Thursday at Friday,” aniya.
Ipinaliwanag niyang maaaring pagsabayin ng Senado ang impeachment trial at ang mga pagdinig ng mga komite.
“Si [NBI] Director Melvin Matibag… huwag niyo masyadong pansinin. Sumusunod lang yan (sa) boss niya. Akala nila, akala ni Senator [Panfilo] Lacson, akala ni Senator Erwin Tulfo, akala ni Director Matibag, akala ni [ Presidential Spokesperson] Ate Claire [Castro,] tanga ang mga tao. They think we’re all stupid,” wika niya.
Binalikan ni Cayetano ang mga pangyayaring aniya’y nakaapekto sa flood control investigation, kabilang ang pagpapalit sa namuno sa pagdinig, ang pagkakaaresto kay Senator Rodante Marcoleta, at ang mga naging hakbang ng pamahalaan kaugnay ng Senado.
Iginiit ni Cayetano na hindi dapat mapabayaan ang imbestigasyon sa flood control dahil mas malaking halaga ng pondo ng bayan ang nakataya.
“Thirty weeks po y’ung impeachment. Importante po iyan. Sige po. Daang milyon, bilyon ang pinag-uusapan [sa trial.] Pero daang milyon hanggang bilyon kung sakali ang pinag-uusapan naman sa flood control. [Umabot sa] trilyon po ang ninakaw. Hindi ba importante [rin iyon?]” sabi ni Cayetano.