More Press Releases

Cayetano: Philippines must end culture of corruption

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner
Cayetano: Philippines must end culture of corruption

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano said the country must do more than prosecute corrupt officials, stressing that the Philippines also needs to end the culture of corruption that allows wrongdoing to persist.

In his Kontra-SONA on Tuesday, July 28, Cayetano said corruption will continue unless the mindset and system behind it are changed.

“We have to address corruption. But we have to address [also] the culture of corruption,” the Minority Leader said.

According to Cayetano, corruption begins with small dishonest acts that gradually become accepted as normal in society.

“Sasabihin natin huwag magnakaw sa flood control pero ina-address ba natin yung simpleng pagsisinungaling sa araw-araw? Ina-address ba natin na sa bawat kailangan ng Pilipino [tulad ng pagkuha ng] lisensya, business permit, real property tax, customs, ay may lagayan?” he said.

Cayetano said it is not enough to arrest people involved in scams if the root cause of corruption remains unaddressed.

“The culture of corruption continues to lay hold, [and] I believe there’s a spiritual aspect to that battle,” he said.

The senator also referred to the alleged irregularities in flood control projects, an issue that President Ferdinand Marcos Jr. also discussed in his SONA.

Cayetano said restoring public trust in government requires genuine reforms and accountability for those responsible.

“Importante [na] ma-resolve yan. Importante [na] malaman ng taong bayan y’ung nangyayari, [Dapat malaman nila kung] ano ang ginagawa, ano ang pwedeng gawin, anong reporma ang pwede,” he said.

“Dapat kasi bumalik ang tiwala sa leaders at sistema. ‘Pag y’an ay hindi binanggit at hindi inayos, lahat ay suspect [sa korapsyon,]” he added.

Cayetano also emphasized that no country has achieved lasting progress without confronting corruption.

“Walang bansa sa mundo nang hindi dumaan sa korapsyon. At walang bansa na umunlad na hindi, kahit papaano, na-address ang korapsyon,” he said.

Cayetano: Dapat nang wakasan ang kultura ng korapsyon sa bansa

Hindi lang dapat habulin ang mga tiwaling opisyal – dapat ding wakasan ang mismong kultura ng korapsyon sa bansa.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa kanyang Kontra-SONA nitong Martes, July 28, kung saan sinabi niyang hindi matatapos ang problema sa katiwalian kung hindi mababago ang nakasanayang sistema.

“We have to address corruption. But we have to address [also] the culture of corruption,” sabi ng Minority Leader.

Ayon kay Cayetano, nagsisimula ang katiwalian sa maliliit na maling gawain na kalaunan ay nagiging normal sa lipunan.

“Sasabihin natin huwag magnakaw sa flood control pero ina-address ba natin yung simpleng pagsisinungaling sa araw-araw? Ina-address ba natin na sa bawat kailangan ng Pilipino [tulad ng pagkuha ng] lisensya, business permit, real property tax, customs, ay may lagayan?” sabi niya.

Sinabi rin niya na hindi sapat na mahuli lamang ang mga sangkot sa iba’t ibang scam kung hindi rin mababago ang ugat ng problema.

“The culture of corruption continues to lay hold, [and] I believe there’s a spiritual aspect to that battle,” wika niya.

Binalikan din ni Cayetano ang usapin ng umano’y iregularidad sa mga flood control project na una ring tinalakay sa SONA ni President Ferdinand Marcos Jr.

Wika ng senador, mahalagang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng tunay na reporma at pagpapanagot sa mga may sala.

“Importante [na] ma-resolve yan. Importante [na] malaman ng taong bayan y’ung nangyayari, [Dapat malaman nila kung] ano ang ginagawa, ano ang pwedeng gawin, anong reporma ang pwede,” sabi niya.

“Dapat kasi bumalik ang tiwala sa leaders at sistema. ‘Pag y’an ay hindi binanggit at hindi inayos, lahat ay suspect [sa korapsyon,]” dagdag niya.

Binigyang diin din ni Cayetano na walang bansang umasenso nang hindi nilabanan ang korapsyon.
“Walang bansa sa mundo nang hindi dumaan sa korapsyon. At walang bansa na umunlad na hindi, kahit papaano, na-address ang korapsyon,” sabi niya.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano