More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano pushes generational development plan for Indigenous Peoples

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Wednesday pushed for a generational development plan for Indigenous Peoples, with five-year targets that can serve as benchmarks for measuring progress in health, infrastructure, education, and other basic services.

“We need a generational plan with five-year targets,” Cayetano urged the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) during a public hearing of the Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs on October 21.

He explained that establishing five- and even 10-year targets would allow government agencies, lawmakers, and the IP communities themselves to regularly measure actual spending and outcomes against the communities’ goals and aspirations.

Cayetano emphasized that IPs make up around nine percent of the country’s population and therefore deserve adequate government attention, especially in key sectors.

“I wonder if at least 9 percent ng health budget ay napupunta sa kanila. I wonder if 9 percent of infrastructure budget ay napupunta sa kanila,” he said.

He stressed that large allocations for provinces with significant indigenous populations do not necessarily mean that the funds directly benefit IP communities or ancestral domains.

“Let’s say sa isang lugar, malaki ang budget ng infra, ng national. But I wonder, sa IP at ancestral domain mismo, and for the IPs, doon ba na ilalagay y’un?” he said.

Cayetano added that a long-term plan should also cover education and how indigenous communities are represented in the curriculum, warning that broad anti-discrimination lessons may not be enough to build genuine understanding.

“Lahat tayo ay Pilipino… Baka naman pwedeng ilang page lang sa libro [ay represented sila]. Dapat walang discrimination,” he said.

In response, the NCIP told the committee that it had recently completed an IP Master Plan, alongside Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plans for individual communities.

Cayetano welcomed this and expressed willingness to review it to determine whether it could serve as the basis for clearer national targets.

He added that once the NCIP has come up with the actual generational plan, the Senate can draft a resolution supporting it.

Filipino Version

Cayetano isinusulong ang pangmatagalang planong pangkaunlaran para sa mga katutubo

Isinusulong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pangmatagalang plano para sa kaunlaran ng mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs), na may mga target kada limang taon upang masukat ang progreso sa kalusugan, imprastraktura, edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo para sa kanila.

“We need a generational plan with five-year targets,” panawagan ni Cayetano sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pagdinig ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs nitong October 21.

Ayon sa senador, makatutulong ang pagtatakda ng mga target sa loob ng lima hanggang 10 taon upang regular na masukat ng mga ahensya ng gobyerno, mga mambabatas, at mismong mga komunidad ng katutubo kung naaayon sa kanilang mga pangangailangan at mithiin ang mismong paggastos ng gobyerno at mga resulta nito.

Diin ni Cayetano, siyam na porsiyento ng populasyon ng bansa ay binubuo ng mga katutubo kaya dapat lang silang mabigyan ng sapat na atensyon ng pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing serbisyo.

“I wonder if at least 9 percent ng health budget ay napupunta sa kanila. I wonder if 9 percent of infrastructure budget ay napupunta sa kanila,” wika niya.

Paliwanag ng senador, hindi nangangahulugang direktang napapakinabangan ng mga katutubo at ng kanilang mga lupang ninuno ang malaking pondong inilalaan sa mga probinsyang may malaking populasyon ng IPs.

“Let’s say sa isang lugar, malaki ang budget ng infra, ng national. But I wonder, sa IP at ancestral domain mismo, and for the IPs, doon ba na ilalagay y’un?” wika niya.

Dapat din aniyang saklawin ng pangmatagalang plano ang edukasyon, kabilang ang pagkilala at representasyon sa mga katutubo sa mga aralin sa paaralan.

Aniya, maaaring hindi sapat ang pangkalahatang pagtuturo laban sa diskriminasyon upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ng Pilipino ang kultura at kalagayan ng mga IP.

“Lahat tayo ay Pilipino… Baka naman pwedeng ilang page lang sa libro [ay represented sila]. Dapat walang discrimination,” wika ni Cayetano.

Sa pagdinig, iniulat ng NCIP na katatapos lamang nitong bumuo ng IP Master Plan, kasama ang mga Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan para sa mga indibidwal na komunidad.

Malugod itong tinanggap ni Cayetano at nagpahayag ng kahandaang suriin ang plano upang malaman kung maaari itong gawing batayan sa pagtatakda ng mas malinaw na pambansang target para sa kaunlaran ng mga katutubo.

Dagdag ng senador, kapag nabuo na ng NCIP ang pangmatagalang plano, maaaring maghain ang Senado ng resolusyon bilang suporta rito.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano