More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano turns to faith amid political attacks

Facing continuing attacks over allegedly anomalous projects in Taguig City, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Friday turned his own political struggle into a message of hope for people facing “persecution” and other difficult seasons in life.

In a Facebook livestream, Cayetano said people cannot always choose the problems they face but they can choose to trust God and His purpose.

“Kung kayo ay dumadaan sa mga persecution, sa struggle, sa problema – pag-aaral ng anak, sa health – you did not choose that, but you can choose to have faith in God and to fulfill your purpose,” he said.

Cayetano made the remarks as he continues to face repeated attacks from a fellow senator – whom he called a “senator-judge troll” – who has been claiming that there are anomalous projects in the City of Taguig.

The Minority Leader expressed dismay that the attacks had dragged his “beloved city” and its public programs into the controversy.

“Talagang paninira na lang po, hindi hustisya, hindi anti-corruption kundi paninira,” Cayetano said.

Despite this, the lawmaker said one way he copes is by trying to understand the person behind the attacks.

“I try to understand. Siguro tinamaan din kasi y’ung kanyang credibility, kanyang diskarte… Tapos hindi siguro sanay na nakikipagsagutan. Pero hindi rin po ako sanay na inaaraw-araw [ng pang-aatake],” he said.

Cayetano said the experience reminded him of a message that God impressed upon his heart: “You cannot choose.”

“Hindi mo pinili y’un. Pero kung may purpose po ang Lord, you have to have faith that His purpose will not only be achieved, pero sagot ka Niya,” he said.

Cayetano also made an appeal to those causing others’ struggles to examine themselves.

“Kung kayo naman ang nagbibigay ng persecution o kayo ang cause ng problema, baka ang purpose mo ay repentance. Tinatawag ka ng Diyos na mali na ’yan,” he said.

Just last April, Public Works Secretary Vince Dizon himself joined an inspection in Taguig where initial checks found no evidence of ghost infrastructure.

Filipino Version

Cayetano, may mensahe ng pag-asa sa gitna ng mga atake

Ginawang mensahe ng pag-asa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang sarili niyang laban sa gitna ng patuloy na pang-aatake sa kanya kaugnay ng umano’y maanomalyang proyekto sa Taguig City.

“Kung kayo ay dumadaan sa mga persecution, sa struggle, sa problema – pag-aaral ng anak, sa health – you did not choose that, but you can choose to have faith in God and to fulfill your purpose,” wika ni Cayetano sa isang Facebook livestream.

Ipinahayag ito ng mambabatas sa gitna ng patuloy na alegasyon ng isang aniya’y “senator-judge troll” na may ghost projects daw sa Taguig na kanyang hometown at kung saan mayor ang kanyang asawang si Mayor Lani Cayetano.

Ikinalungkot ng Minority Leader na nadadamay sa pang-aatake ang lungsod at ang mga pampublikong programa nito.

“Talagang paninira na lang po, hindi hustisya, hindi anti-corruption kundi paninira,” aniya.

Sa kabila nito, sinabi ng mambabatas na sinisikap niyang unawain ang taong nasa likod ng mga ito.

“I try to understand. Siguro tinamaan din kasi y’ung kanyang credibility, kanyang diskarte… Tapos hindi siguro sanay na nakikipagsagutan. Pero hindi rin po ako sanay na inaaraw-araw [ng pang-aatake],” aniya.

Pagbabahagi ni Cayetano, ipinaaalala sa kanya ng Diyos na sa buhay ay hindi pwedeng piliin ng isang tao kung ano lang ang mga gusto niyang maranasan, kabilang ang mga pagsubok.

“Hindi mo pinili y’un. Pero kung may purpose po ang Lord, you have to have faith that His purpose will not only be achieved, pero sagot ka Niya,” aniya.

Nanawagan din siya sa mga taong nang-uusig ng kapwa na suriin muna ang kanilang mga sarili.

“Kung kayo naman ang nagbibigay ng persecution o kayo ang cause ng problema, baka ang purpose mo ay repentance. Tinatawag ka ng Diyos na mali na ’yan,” apela ni Cayetano.

Nito lang Abril, ininspeksyon mismo ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga pampublikong imprastruktura sa Taguig, kung saan walang nakitang ebidensya ng ghost infrastructure.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano