More Press Releases

Cayetano urges law enforcers to uphold right to peaceful protest amid INC rally

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Tuesday called on law enforcement authorities to respect Filipinos’ constitutional right to peaceful assembly as thousands of people gathered along EDSA in support of Senator Rodante Marcoleta and protested what they called “bending the law.”

Speaking in a Facebook broadcast on June 30, Cayetano urged authorities to exercise maximum tolerance and ensure that demonstrators are allowed to peacefully express their views.

“Ang pakiusap [lang] sa ating law enforcers, not only maximum tolerance, respect the right for peaceful processes and peaceful protest. Ang hihingi po natin ay sundin ang Konstitusyon. Kaya ang hiningi natin ay peaceful protest,” he said.

 Cayetano’s statement came as the National Capital Region Police Office (NCRPO) maintained a full alert status and deployed more than 5,000 police personnel across Metro Manila, including more than 3,000 along White Plains Avenue. 

Authorities said the situation remained generally peaceful despite earlier tensions and reiterated that they would not disperse the gathering despite the absence of a permit, as long as it remained orderly.

Cayetano encouraged Filipinos to take part in peaceful civic action in whatever way they could, saying participation does not necessarily require joining the rally in person.

“Participate in your [own] way. If what you can do is pray, then pray. If what you can do is pray but also post in your Facebook, in your Instagram, sa kahit anong social media [then participate,] imulat [natin] ang ating mga kababayan sa nangyayari sa ating bansa,” the Minority Leader said.

He added that those unable to join the gathering could organize small community assemblies and use social media to raise awareness.

Cayetano said peaceful demonstrations are protected under the Constitution and should serve as a way for citizens to express their concerns over national issues.

“Napaka-importante po na maramdaman ng gobyernong ito na mali ang kanilang ginagawa, na hindi tayo papayag na pagtatakpan po ang katotohanan,” he said.

Cayetano later joined the rally, which was also attended by members and supporters of the Hakbang ng Maisug coalition.

Cayetano sa law enforcers: Igalang ang mapayapang protesta

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga law enforcers nitong Martes na igalang ang karapatan ng mga Pilipino sa mapayapang pagtitipon.

Ginawa niya ang panawagang ito nitong June 30 sa kabila ng libu-libong Pilipino ang nagtipon sa EDSA bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta at upang iprotesta ang anila’y “bending the law.”

Sa isang Facebook broadcast, hinikayat ni Cayetano ang mga awtoridad na pairalin ang maximum tolerance at tiyaking malayang maipapahayag ng mga raliyista ang kanilang paninindigan sa mapayapang paraan.

“Ang pakiusap [lang] sa ating law enforcers, not only maximum tolerance, respect the right for peaceful processes and peaceful protest. Ang hihingi po natin ay sundin ang Konstitusyon. Kaya ang hiningi natin ay peaceful protest,” wika niya.

Inihayag ni Cayetano ang pahayag kasabay ng pagpapanatili ng National Capital Region Police Office ng full alert status sa Metro Manila. Mahigit 5,000 pulis ang ipinakalat sa iba’t ibang lugar, kabilang ang mahigit 3,000 na nakatalaga sa White Plains Avenue sa Quezon City.

Ayon sa mga awtoridad, nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa kabila ng ilang naitalang tensyon nang magsimula ang rally. Nilinaw din nilang hindi nila bubuwagin ang pagtitipon kahit wala itong permit, basta’t nananatiling maayos at mapayapa ang kilos-protesta.

Hinimok din ni Cayetano ang mga Pilipino na makilahok sa mapayapang pagkilos sa anumang paraang kaya nila. Aniya, hindi kinakailangang personal na dumalo sa rally upang maipakita ang suporta o maipahayag ang saloobin.

“Participate in your [own] way. If what you can do is pray, then pray. If what you can do is pray but also post in your Facebook, in your Instagram, sa kahit anong social media [then participate,] imulat [natin] ang ating mga kababayan sa nangyayari sa ating bansa,” wika ng Minority Leader.

Dagdag niya, maaari ring magsagawa ng maliliit na pagtitipon sa mga komunidad at gamitin ang social media upang ipaalam sa mas maraming tao ang mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Cayetano, pinoprotektahan ng Konstitusyon ang mapayapang protesta at mahalagang paraan ito upang maipahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.

“Napaka-importante po na maramdaman ng gobyernong ito na mali ang kanilang ginagawa, na hindi tayo papayag na pagtatakpan po ang katotohanan,” aniya.

Kalaunan ay dumalo rin si Cayetano sa naturang rally, pati na rin ang mga miyembro at tagasuporta ng Hakbang ng Maisug.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano