On World Lake Day, Cayetano hails Laguna Lakeshore potential, calls for better stewardship
Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano marked World Lake Day on Thursday by highlighting the remarkable progress Laguna Lake in the City of Taguig has seen in recent years and its vast untapped potential.
“Nung congressman pa ako ng 1998, naging passion ko na po kung paano pagandahin ang Laguna Lake. Nagkaroon lang po siyempre ako ng opportunity sa side ng Taguig dahil nga ito ang aking home city… Napakarami po kasing gamit ng lake,” Cayetano said in two August 27 live streams along Taguig Lakeshore.
He reminded everyone that every person, whether tending a fish pond, a river, or a lake, has an obligation to be a good steward of God’s creation.
“Ang pagiging sa gobyerno, ang pagiging public servant — hindi po kami ang may-ari ng resources… Kami po ay stewards, tagapamahala lang. Lahat ng tao kahit na wala sa gobyerno, meron po tayong obligasyon maging good stewards,” he said.
Cayetano related the City of Taguig’s lakeshore projects as concrete acts of stewardship, designed to protect the lake from erosion, pollution, and illegal settlements while ensuring publicaccess for all.
“Nung ginawa y’ung C6 or road dike, basically, pinoprotect po y’ung lakeshore. And part of its protection is not only na huwag mag-erode, (but para) hindi bahayan ng informal centers kasi kung mabahayan yung dumi, dito mapupunta sa lawa. The other thing is to make it for public use,” the senator explained.
He countered allegations of land-grabbing by pointing out that the local government actually reserved the area for public use, reversing the historical pattern of private encroachment along the lakeshore.
“May allegations na may kinakamkam kami. Hindi ko lang alam kung pag sinabing kami, kung kaming mga Cayetano, kung ako, o kami ng ibang leaders… Doon sa bandang gitna, marami na pong private (land) kasi may 1,100 hectares ng lupa na nasa labas ng road dike. Meron po doon na private property, merong gobyerno,” he said.
“Pero ito lahat po, precisely ni-reserve at ginawan ng paraan ng local government na maging public para hindi kamkamin. So baliktad sa allegation na kinakamkam. Titingnan niyo po y’ung history. Maraming kumakamkam po ng lupa dito. Pero ang history po ng Cayetano ay tumutulong na maging good stewards para sa gobyerno,” he emphasized.
The senator also called on the Laguna Lake Development Authority (LLDA) to take stewardship more seriously by leading World Lake Day celebrations, emphasizing that caring for the lake begins with respect for it as a divine gift.
“Baka naman dapat ang LLDA at iba pang mga namamahala sa lawa ay nagse-celebrate kasi parang second year na ito na Taguig pa ang nagse-celebrate ng World Lake Day. Baka nakaligtaan lang … But syempre, kung ikaw ay mismo ang trabaho mo ay sa lake, dapat naman siguro, diba?” he said.
“That’s why Taguig as a city, kami as legislators, mga konsehal, mga kapitan namin na may kinalaman sa lake, we’re all trying to do our part na maging mas productive po ang lake. But magsisimula po iyan sa pangangalaga, sa pamamahala. Meaning, dapat walang hindi polluted at dapat nirerespeto na ito ay gift at gawa ng Panginoon,” he added.
Filipino Version
Cayetano ibinida ang potensyal ng Laguna Lake sa World Lake Day
Nakibahagi si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagdiriwang ng World Lake Day nitong Huwebes sa pamamagitan ng pagbibida sa naging malaking pag-unlad ng Laguna Lake sa lungsod ng Taguig nitong mga nakaraang taon, pati na rin ang napakalaking potensyal nito na hindi pa ganap na nagagamit.
“Nung congressman pa ako ng 1998, naging passion ko na po kung paano pagandahin ang Laguna Lake. Nagkaroon lang po siyempre ako ng opportunity sa side ng Taguig dahil nga ito ang aking home city… Napakarami po kasing gamit ng lake,” wika ni Cayetano sa dalawang livestream nitong August 27 habang nasa Taguig Lakeshore.
Ipinaalala niya na bawat tao — maging nag-aalaga man ng palaisdaan, ilog, o lawa — ay may responsibilidad na maging mabuting tagapangalaga ng mga nilikha ng Diyos.
“Ang pagiging sa gobyerno, ang pagiging public servant — hindi po kami ang may-ari ng resources… Kami po ay stewards, tagapamahala lang. Lahat ng tao kahit na wala sa gobyerno, meron po tayong obligasyon maging good stewards,” aniya.
Inilarawan ni Cayetano ang mga proyekto ng Taguig City sa lakeshore bilang konkretong paraan ng pangangalaga sa lawa. Aniya, layunin ng mga ito na protektahan ang lawa laban sa pagguho ng lupa, polusyon, at mga ilegal na tirahan, habang tinitiyak na magagamit ito ng publiko.
“Nung ginawa y’ung C6 or road dike, basically, pinoprotect po y’ung lakeshore. And part of its protection is not only na huwag mag-erode, (but para) hindi bahayan ng informal centers kasi kung mabahayan yung dumi, dito mapupunta sa lawa. The other thing is to make it for public use,” paliwanag ng senador.
Sinagot din niya ang mga paratang tungkol sa pangangamkam ng lupa. Taliwas sa alegasyong ang lokal na pamahalaan ay nang-agaw ng mga lupa, sinabi ni Cayetano na naglaan pa ito ng mga lugar para mapakinabangan ng publiko.
“May allegations na may kinakamkam kami. Hindi ko lang alam kung pag sinabing kami, kung kaming mga Cayetano, kung ako, o kami ng ibang leaders… Doon sa bandang gitna, marami na pong private (land) kasi may 1,100 hectares ng lupa na nasa labas ng road dike. Meron po doon na private property, merong gobyerno,” wika ng senador.
“Pero ito lahat po, precisely ni-reserve at ginawan ng paraan ng local government na maging public para hindi kamkamin. So baliktad sa allegation na kinakamkam. Titingnan niyo po y’ung history. Maraming kumakamkam po ng lupa dito. Pero ang history po ng Cayetano ay tumutulong na maging good stewards para sa gobyerno,” giit pa niya.
Nanawagan din ang senador sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) na mas seryosohin ang tungkulin nitong pangalagaan ang lawa at manguna sa pagdiriwang ng World Lake Day.
Binigyang diin niya na ang pangangalaga sa lawa ay nagsisimula sa paggalang dito bilang biyayang mula sa Diyos.
“Baka naman dapat ang LLDA at iba pang mga namamahala sa lawa ay nagse-celebrate kasi parang second year na ito na Taguig pa ang nagse-celebrate ng World Lake Day. Baka nakaligtaan lang … But syempre, kung ikaw ay mismo ang trabaho mo ay sa lake, dapat naman siguro, diba?” sabi ng senador.
“That’s why Taguig as a city, kami as legislators, mga konsehal, mga kapitan namin na may kinalaman sa lake, we’re all trying to do our part na maging mas productive po ang lake. But magsisimula po iyan sa pangangalaga, sa pamamahala. Meaning, dapat walang polluted at dapat nirerespeto na ito ay gift at gawa ng Panginoon,” dagdag niya.
Share This Post