(0:00:02) Praise God for a new day, Huwebes ng hapon sa ating mga kapatid, sa ating mga pamilya sa Facebook sa Luzon, Visayas, Mindanao, sa ating mahal na mga OFWs na sobra ang sipag at sobra ang tulong sa ating bansa. Magandang magandang hapon po sa inyong lahat.
(0:00:29) Of course, I was looking forward to a meaningful and busy Thursday and Friday and then weekend. Maraming kailangan tapusin at gawin pero nabulaga na naman ako sa post ni Sen. Panfilo Lacson at sa kanyang mga bagong allegation. Having said that, tamang-tama naman kasi dahil meron na talaga akong mga ire-report sa inyo. So tatlo pag-uusapan natin ngayon kung ano yung similarity sa SONA [at] kontra SONA at ano din po yung kulang na kailangan doon sa SONA.
(0:01:08) Isang element lang ‘to tapos meron pong nareceive from the Supreme Court so gusto ko itong basahin sa inyo at gusto ko sanang hingin na pag-pray nyo and then of course tugon or pag-usapan po natin ang sinabi ni Senator Lacson today and also the past few days let’s do it in a very sober manner.
(0:01:35) Niremind ako ng wife ko na may panahon na makipag-alaskahan, may panahon na whether you’re playful or whether umiinit ang ulo. But sabi nga niya, people deserve, especially mga Taguigeño, to know na nasa magandang kamay ang siyudad ng Taguig, na pataas nang pataas ang antas ng kabuhayan sa Taguig, na hindi po kami nagtotolerate ng corruption at ghost projects o mga anomalya. Yan po man ay local or national government [or] yan po man ay private. Wala pong perfect pero ang importante ay yung kung pinapayagan ito or hindi.
(0:02:19) So, let me start by thanking God for this opportunity na makausap kayo directly. I thank God that kahit umiiba ang panahon, social media, media, ang kampihan ng bawat isa, I mentioned some of this sa kontra SONA. If hindi niyo po napanood, nasa Facebook po natin, pakitignan niyo. I think it will also be on YouTube. So let’s start po with the biblical principle that we’ve been talking about. Kung anong ating itatanim, yan ang ating aanihin.
(0:02:53) Again, kung ano ang ating itatanim, yan ang ating aanihin. Ang common example na binibigay diyan, hindi ka pwede magtanim ng buto o ng seed ng mangga tapos ang gusto mo anihin ay santol. So sa isang bansa, hindi pwedeng bad governance. For example, kulang sa planning. Wala kang planning sa mass transportation. Yan ay maging mga bus lane o yung mga rapid bus systems. Yan po ay maging mga…
(0:03:22) Trains, mga ferries, tayo archipelago, kaya yung RoRo napakaimportante. Pag hindi mo plinano yan, tapos magkagulo, traffic parati, baha parati, hindi mo pwedeng sabihin ngayon, ba’t nagkaganon? Kasi ano ba ang tinanim natin? Kung ano tatanim natin, yan ang ating anihin. So napakaimportante din malaman yung why, yung bakit, di ba?
(0:03:46) So, why do we have to talk about all of this and why do we have to talk about yung allegations ni Sen. Lacson? Siguro yung iba, meron pong ilan na kahit sa page natin na tumutuligsa saakin, sa aming magkapatid ni Sen. Pia at sabi, tumahimik na lang kayo. So, bakit po namin kailangan magsalita?
(0:04:08) Let me address myself to Christians. Ano man ang church, Catholic, Aglipayan, Evangelical churches, lahat ng Christian churches.
(0:04:23) And I reference the Christian churches because alam ko yung prayer. Hindi ko alam yung prayer ng ibang religion. Although may curiosity din ako at pinapakinggan ko minsan. But diba sa lahat ng Christian, meron tinatawag na the Lord’s Prayer or yung tinuro ng Panginoon Hesukristo. At may part doon na nagsasabing, your kingdom come, here on earth, as it is in heaven.
(0:04:48) So ibig sabihin may recognition tayo na ibang iba po ang kingdom sa heaven at yung kingdom dito sa earth. Ibang iba po kung ang Diyos natin ay tunay na Diyos kasi dun walang sakit, walang sinungaling, walang pagnanakaw, walang gutom.
(0:05:04) And kultura din yun pero sa ating bansa at sa kahit anong bansa sa buong mundo stealing, cheating, lying Yung makaisa ka sa kapwa mo. So even in the best-run countries Hindi rin po perfect Pero dun sa hindi maganda ang pagpapatakbo ng bansa, inaani po talaga natin ay kahirapan. Hindi mapagamot ang mga kamag-anak. Hindi makapag-aral mga anak.
(0:05:32) Napipilitan humanap ng trabaho sa abroad, hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw, tapos hindi talaga mawala-wala sa atin ang mga may trabaho nga pero isang kahig, isang tuka. Meaning, hindi man lang makapagpahinga o hindi man pwede umabsent kahit may sakit na. Kasi pag umabsent, wala talagang kakainin.
(0:05:54) So yung bakit, kailangan natin lumaban kasi po, iilan lang po kaming nagsasalita. At kahit naman po ako, nung hindi po ako yung front and center, iilan silang nagsasalita. At marami sa kanila ay kinukulong, kinakasuhan. Yung KKK kung tawagin ko po, Kuyog, tapos Kaso, tapos Kulong.
(0:06:14) At isa si Sen. Lacson sa nagpapairal din nun. Makita po natin sa Blue Ribbon Committee, nung nagumpisa kay Sen. Marcoleta, maganda po yung umpisa. Pag takeover ni Sen. Lacson, biglang tinuro kay Sen. Jinggoy, kay Sen. Joel Villanueva, kay Sen. Chiz Escudero. At nung matuturo yung ibang senador, pero kakampi niya, parang medyo natigil doon. So, ganun din po, no? Nung una, kung saan saan tinuturo, kung umaabot na sa mga secretary, umaabot sa Malacañang, pero si Senator Lacson, hindi na dinala yung witness, siya na yung sumagot. On the record po lahat yan. At siya naman po, sinasagot niya yan.
(0:06:59) So, paano tayo humantong dito? So, dun po muna po ako sa bakit. Pag wala na pong nagsalita at na-cover up po, to be fair to this administration, to be fair to President Marcos Jr., umuusad, may mga nakukulong, may imbestigasyon, may lumalabas. To be fair to Secretary Dizon, for example, iniikot niya yung mga lugar at pinabibilisan. Pero yung hinahanap natin na komprehensibo na lahat ng lugar at lahat ng kontrata, wala or bitin pa.
(0:07:35) And then you have, of course, people, hindi ko na sila isa-isa yan, ayaw ko sila maging target, whether yan ay mga Kongresista, yan ay mga progressive groups, yan po ay mga kolumnista, yan po ay matagal na sa politika, or mga former secretaries ay nagsasalita. Talagang may tinititigan, di ba? So there are much, much bigger contractors, especially if they’re powerful or powerful contractors of the powerful people.
(0:08:02) Na parang hindi tinitignan, pero tignan niyo po, katulad sa akin, sa Taguig. After May 11, sinabi ko na po sa inyo, handa ako sa cost. Mahirap po, mahirap. Marami akong kailangan sabihan na huwag niyo ako alalahanin. Kung ako’y kasuhan nila o ikulong, sana naman po walang patayan, sana po walang assassination plot. And I don’t think naman na meron.
(0:08:28) Pero yung kaso at kulong, tinanggap na po namin yan, di ba? At marami nagsasabing, yung kaso ni Sen. Marcoleta, wala yan, hindi totoo yan, never nagkaroon ng ganyan na campaign donation, sasabihin plunder, tapos sinabi yan sa mga nag-donate like Mike Defensor, huwag kayong mag-alala, bailable yan kasi hindi naman, porke nag-donate ka at siya na-plunder, ikaw rin, pero kita mo, nakakulong na sila ngayon, di ba?
(0:08:56) Sabi nga ni Sen. Jinggoy, sa tamang panahon, yung ebidensya din ang hawak niya. So, mabigat po kung tingin niyo po hindi stressful, kung tingin niyo po kahit kami nakasmile na parang araw-araw, tinatanong namin sa sarili namin kailan magbabago, kailan po ang mahirap, hindi na kailangan isipin, ang pagpapagamot sa kanilang mga anak.
(0:09:21) Kailan po ba yung mga probinsyang napabayaan ay magkakaroon din ng tren, ng internet? Yan po ipangarap natin lahat. Ang question, sinong tatayo, sinong lalaban, sinong magsasalita? Madali pong sabihin matapang pag nasa administrasyon. Senator Lacson ay never doubted na matapang.
(0:09:42) Pero katulad ngayon, kaya madaling magturo sa lahat, eh lahat na sa kanya, lahat sa administrasyon, lahat kakampi niya. So, ibig sabihin, magpalitan man kami ng akusasyon, hawak niya lahat. Eh sa akin, sinong tutulong?
(0:10:00) Sinong may hawak ng dokumento na ilalabas? Pagfinile ko halimbawa, libel. Kasi kung ano-ano sinasabi, baka matanggal pa ang piskal kapag kafinile nila. Yung kaso sa mga committees, I believe naman, hindi independent sa bawat isang mga senador. Pero yun nga kasi style ni Senator Lacson, old style yun. May dossier ka, may hawak ka, tapos ili-leak mo through your other colleagues na, oh, eto mga hawak pagka nagkalaban o kaya makipagkaibigan sa’yo. Pero once na hindi kayo nag-agree, tututukan ka na. At ngayon, ako naman ang sinasampulan niya. Di ba? So, may score yan eh. So, sinampulan niya si Jinggoy, sinampulan niya po si Senator Marcoleta, Senator Chiz, Senator Joel. So, two all ang score.
(0:10:50) So, siyempre, medyo nagtatampo din si Senator Lacson. Ba’t nagkaganon? Eh, problema. Di ba? Nagkaroon ng coup sa Senate. Nakaupo kami. Trese. Kailangan nila ng boto. So, now, ako naman po ang tinututukan niya. Sabi nung iba, Sen siya lang po yun. Walang kinalaman ang Malacañang. Wala yung iba. I don’t really know. And I’ll give Malacañang the benefit of the doubt. Of course, naging klaro sa amin na maraming bawal.
(0:11:23) Halimbawa, bawal maging Senate President ang oposisyon kasi gagalaw talaga ang lahat para ang makaupo ay kakampi nila. But so far naman, masasabi ko naman na very straightforward, honest.
(0:11:38) Very, how do I put it, patas ang pagpapatakbo ni Senator Win. Of course, umangal kami sa impeachment dun sa presiding officer. Wala naman akong doubt maganda ang pagpapatakbo ni Senator Escudero. Ang question lang, eh, kung nasunod yung rules, di ba? So, walang doubt po sa amin, nung tinigil yung pagbibigay ng medical assistance, kasi napakarami po tayong tinutulungan sa medical assistance, nireport po sa akin na…
(0:12:08) Maraming project hindi napopondohan. DBM naman daw, hindi naman DPWH, pero dapat DPWH yung nagfa-follow up. At pag na-delay ito, hindi naman si Alan Cayetano magsa-suffer. At hindi lang Taguigeño kasi nga marami na pong dumadaan sa mga kalye ng Taguig na hindi po taga-Taguig. Ulitin ko po yun.
(0:12:29) Yung mga ibang projects po na sinasabi ni Sen. Lacson, pinapakinabangan ng daanlibong tao yan. Yung ilang mga parks, pag Christmas lang po, 20-30,000. Yung daanan na isang sinasabi nila, dinadaanan ng mga galing Laguna papuntang Rizal. Alam niyo naman po, Arca South, BGC, whether mga kapitbahay namin sa…
(0:12:54) sa Muntinlupa, Las Piñas, Makati, Pasig, Pateros ay dumadaan din diyan. So, pag tinigil yung mga projects, or binitin, or hindi nilabas ang pondo, ang nagsa-suffer diyan mga tao. Balita ko sa House din, maraming kongresista na hindi po naman sa impeachment. Hindi ko alam for sure kasi hindi ko sila nakakausap. At yung ilan na nakakausap ko ay nagsabi nga natigil yung kanilang pondo. So ang hiling na lang namin, so tanggap na namin yun. Marami kaming tanggap. Tanggap namin maging target, tanggap naming imbestigahan kami, tanggap namin kakasuhan kami, tanggap namin na bawal na maging majority o senate president, bawal yung ibang projects. But hiling namin, ang Constitution, ang constitutional processes ay respetuhin, di ba?
(0:13:47) Huwag natin isantabi yung batas. So, sabi nga nila, sabi po ni Usec. Claire na, wala ba akong faith sa korte? May faith ako sa korte. Tapos sabi niya, mag-abogado na lang ako para kila Senator Jinggoy sila Senator Marcoleta. Hindi yun yung point eh.
(0:14:02) Wala naman choice ang korte pag may finile. Pero ano ang fina-file? Kasi pag finile mo non-bailable, katulad nito, baka matapos yung impeachment, hindi po makapag-participate si Sen. Jinggoy [at] Sen. Marcoleta. Napaka-importante nung kanilang participation. Special treatment daw pag sila nag-participate. Hindi po. Kasi unlike an MTC judge, an RTC judge…
(0:14:30) Unlike sa Supreme Court, not sa Supreme Court, unlike Court of Appeals, Court of Tax Appeals na kung mag-isa lang yung judge, let’s say sa RTC, pwede mo ilipat yung kaso na yun sa ibang branch.
(0:14:45) Sa Sandigan or CA, pagka hindi pumwede, nag-inhibit yung isang justice, may papalit na isang justice. Sa Supreme Court, of course, kung labing lima sila, sila lang. Pero kahit na mag-inhibit yung isa, may labing apat ka pa. Pero sa impeachment po, two-thirds of all members. So as long as member pa rin sila, pag hindi po sila nag-attend, counted as acquitted yung boto nila.
(0:15:11) Pero hindi sila nakakapagtanong, hindi nila nao-observe ang sagot ng witness ng bawat isa. Kaya nga sinasabing sui generis or one of a kind yung impeachment. So, dito po ako nagtataka kay Sen. Lacson. Pagka nagsasagutan kami, siya nagagalit pero siya naman po ang araw-araw may pino-post o sinasabi, ako naman po ay sumasagot.
(0:15:37) Pagka may sinabi ako, babaliin niya. Tapos sasabihin niya I crossed the line. Ano pong example nun? Di ba po ang topic natin kung tama na yung Supreme Court ay magbigay ng subpoena sa BIR, sa AMLA at saka sa mga bangko. At ang sabi po ng prosecution kasi nga hindi tumugon o hindi tumama sa kanyang kita at sa kanyang SALN ng Vice President. So, cinompare ko lang ito.
(0:16:09) So sabi ko, eh, kung si Senator Lacson, tumaas ang SALN, ibig ba sabihin, pwede na natin i-subpoena? Di ba? Yung, ah, yung, ah, BIR, AMLA, at saka… Ako din ang sumagot. Sabi ko, hindi. Kasi just because tumaas ang SALN mo, hindi ibig sabihin may mali. So, hindi ko na siguro kasalanan kung, kung, ah, mali ang rinig niya. Of course, sa kanyang pamilya or sa mga malalapit sa kanya na stress, paumanhin na na-stress kayo kasi kung yun yung interpretasyon. Ang interpretasyon na sinasabi ko nga, walang masama. Kaya nga sabi ko, dapat may ebidensya, may accusation na may mali or may corruption. Hindi ko sinabing ganon. Pero nung sinabi niya kasi sa akin na may anomalya sa Taguig…
(0:17:05) So syempre, sabi ko, side by side tayo, lista ako ng dalawa tatlo na meron din ako suspicion na hindi maayos sa iyo. O tapos yung sa akin, and then yung sa bayan. So ulitin ko po, nung nagumpisa ito, sabi ko, gusto mong imbestigahan si Alam Cayetano, o kahit anong tingin mong link sa akin, sige, pero isabay natin sa imbestigasyon sa iyo…
(0:17:30) And then, ang dapat primary investigation, yung sa pangkalahatan sa buong bansa, yung flood control. E sabi niya, hindi, hindi. Unahin natin si Alan Cayetano. Okay. So, ano nangyari? At bakit niya sinasabing humihingi ako ng ceasefire? So, nung nagsimula siya magsabi ng mga alegasyon, nakikinig lang ako. Sabi niya, may ghost. Di naman niya sinabi ko, saan? So, syempre, sinabi ko lang, wala. O, tapos, inaraw-araw na niya ako.
(0:18:00) Tapos totoo na nag-uusap-usap yung mga senador. At alam niya yun. At isang senador nagsabi sa akin, actually mahigit sa isa, Alan, hanggang saan ‘to? Sabi ko, yung para sa bansa, kailangan lumabas yung totoo. But reasonable kami. At hindi kami papayag sa sinungaling, hindi kami papayag na kung saan-saan dinadala. Ang gusto lang namin, patas at lumabas yung totoo, katotohanan. So sabi niya, pero Alan, pag naglaban-laban yung mga senador at araw-araw na lang laban-laban senador, tatlo mangyayari.
(0:18:34) One, baka bumaksak ang rating ng senador, baka bumalik yung plano na mag cha-cha or mag charter change at alisin ang senador. Ayaw naman natin yan. Sabi ko, yes, ayaw natin yan. O, pangalawa, baka mawala yung focus sa mga anomalya na dapat tinitignan natin sa iba’t ibang mga ahensya. Sabi ko, yes, unless yan ang gusto ni Sen. Lacson. Unless ginagamit niya talaga ito para pang-distract, unless may nag-uutos sa kanya at ayaw niyang doon mapunta, gusto niya, nasa amin yung focus o siya yung nasa dyaryo araw-araw. Sabi niya, pangatlo, Alan, hindi mo ba nare-realize yung hirap ng ating kababayan? Sabi ko sa senador na mga kausap ko…
(0:19:17) Alam ko. Bakit? Hindi naman ako sa subdivision nakatira. So, yung mga kapitbahay ko na nagtatricycle na naglalakad na lang, o yung mga kapitbahay ko na may tricycle na minsan tumitigil na lang sa pagpapamasada dahil nga sa taas ng presyo ng gasolina at ng diesel, o dun sa mga nagre-reklamo sa presyo ng kuryente, yung iba nababasa lang sa dyaryo. Sa amin, na nakatira kami sa isang community na very humble at sa amin na very open kami sa aming community, may lumalapit talaga para sa tulong, whether yan sa kuryente, sa pagkain, sa panggagamot.
(0:19:55) Tapos tatanggalan pa kami ng pondo or ng karapatan na mag-endorse pagka dito sa medical assistance. So, tignan niyo naman po kalagayan ko. Kami na po kinukuyog. Kami na po kinakasuhan. Kami na gustong ikulong. Sinabi na po deretso ni Sen. Lacson yan na dapat si Alan ikulong. Oh, okay na. Ang hinihingi ko lang, patas at huwag gamitin ang batas sa pabor lang sa iyo. Okay. So, sabi nung ibang mga senador, anong pwede nating gawin? Sabi ko, ayusin lang natin.
(0:20:26) Di ba? Imbestigahan ang dapat imbestigahan. Wala naman nagsa-suggest nang kung ano-ano. Ang salitang si ceasefire hindi po nanggaling sa akin. Tinanong ako ng isang senador na, habang inaayos natin lahat, wala pa naman members yung ibang committee, habang hinihintay natin ang SONA, yung LEDAC, ano ba tingin mo, Alan?
(0:20:46) So, sabi ko, walang problema ako kung ano na sa harap ko, yun ang gagawin ko. Basta pag may lumabas na ebidensya or may bagong issue, kailangan lumabas yung totoo. So, for example, sa kuryente, di ba? Yan po ba ay batas lang o meron talagang kumikita dyan? Yung presyo ng langis, yan po ba talaga ay dala lang po ng conflict sa Middle East, o meron po talagang mga oil companies na nagte-take advantage.
(0:21:14) Kaya maraming nagagalit sa akin. Kasi whether yan po ay online gaming, whether yan ay vape, hindi ako pwedeng tumahimik diyan. Bakit? Eh mas takot po ako sa Diyos kesa sa tao. Di ba? So syempre po, gusto ko na may tiwala sa akin ng tao. But if it’s a choice between one audience, God and pagmamahal ng tao, ang pipiliin ko pagmamahal ng Diyos. So, blessing sa akin ng Panginoon na nandyan kayo at sumusuporta at lalo kayong dumadami na nanonood diyan sa Facebook at sa YouTube at sa social media. Mamaya, I’ll go to talk about yung traditional media.
(0:21:55) So, nung ako’y tahimik, nagagalit si Senator. Nung ako’y salita, nagsasalita, hindi naman araw-araw din yun eh. Sabi niya, araw-araw nagfe-Facebook. Tignan niyo po yung mga posts ko. Hindi po. Hindi po araw-araw yun. I think it was 2024 or 2025 yung aking Cayetano in Action 365. At iba din mga topic natin doon. But ang point ko, nung ako’y nagsasalita, ang daldal ko raw, ang dakdak daw nang dakdak, kung ano-ano daw sinasabi, ano na nangyayari sa akin. Nung tumahimik naman ako, araw-araw may bago. Baka guilty, hindi mapaliwanag. Tapos ngayon sasabihin na humihingi ako sa kanya na itigil niya. Hindi po.
(0:22:39) Sabi ko, haharapin ko. Ang hiningi ko nung tinanong ako, yung salitang ceasefire, sa ibang senador na galing yun. At ang sagot ko nga, guys, hindi niyo ako kailangan kausapin kasi titignan niyo nga. Tahimik nga lang ako, hinihintay ko lang yung alegasyon. But syempre, pagka medyo may sinabi na tingin ko ay kailangan sagutin, sasagot ako.
(0:23:01) So, for example, let’s go to the mainstream media or traditional media, TV, radio, dyaryo. Nung bata ako, pag sinabi ko, halimbawa, magnanakaw si Juan dela Cruz, siguro on the first day, lalo kung si Juan dela Cruz ay kilala, lalabas yan sa front page, sa inner pages, babasahin sa radio yan, baka lumabas sa news na Cayetano says…
(0:23:24) Juan dela Cruz is allegedly magnanakaw. Pero pag yung second day, sinabi kong nagnakaw ng bahay yan, nang-agaw ng lupa, pero wala akong pruweba, wala akong nilabas na specific, eh baka hindi na ilabas sa news yan. Pag susunod na araw, sasabihin ko, carnapper yan, pero hindi ko maturo kung anong kotse ang cinarnap.
(0:23:48) Hindi na lalabas yan. Pero kay Sen. Lacson, everyday nag-tweet-tweet, may ghost, baka hindi ghost, double appropriation, baka isang picture, baka ganito. Araw-araw, na sa lahat ng dyaryo, nasa news. Hindi ko alam kasi hindi ko naman pinapanood interviews niya kung tinatanong man lang siya, Sir, ano yan, saan? Pero nire-report, di ba?
(0:24:10) So, huwag din magtaka yung mga kapatid natin sa traditional media, sa mainstream media, kung bakit mas marami ang may tiwala ngayon sa independent vloggers, kung bakit sa Facebook, YouTube na nanonood yung iba. Kasi nung araw, iba yung editorial standards, iba yung journalism, yung bigat. So, I mean, in general, nandiyan pa. Pero in my case, no? And in many cases, tignan niyo yung sinasabi ko, di ba?
(0:24:39) Na one week, inaaraw-araw kami. Tapos halimbawa, yung sinabing, we are worse than Bulacan. Napakalaking, ano ba yung pondo sa Bulacan, sa isang distrito lang yun? Times five ba kaso sa Taguig? Tapos sa Taguig yung pondo, kasama naman diyan mga kalye, kasama dyan mga multi-purpose buildings, school buildings. At sa Taguig, makikita nyo, gumaganda ang buhay ng mga tao.
(0:25:09) I really don’t mind the investigation. Basta patas lang. So, concern po yan ng buong Senado at ng mga kasamahan. Kaya lang nga, medyo ilang din kay Sen. Lacson. And ayaw ng maraming senador na may gulo. So, for example, today, di ba? Alam niyo po, hindi ko ka-close, hindi ko kasundo si Senator Erwin. Pero I support yung hearings niya sa Committee on Energy para mapababa ang presyo ng kuryente. Nag-privilege speech siya, ne hindi nga ako nag-interpellate. Bakit? Eh baka matumbok niya eh. Pag natumbok niya, kahit hindi ko siya ka-close, at bumaba presyo ng kuryente, good for all of us.
(0:25:54) So, hindi ko na po sinagot yung mga reasons kung maghi-hearing o wala. Kasi nga, marami pang pag-uusap. Ako mismo, without Senator Marcoleta, without Congressman Mike Defensor, I don’t know sino pa ngayong mga witnesses na pwede. Marami akong alam, marami akong nakita. Pero hindi naman pwedeng ako mag-testify, lalo kung hindi ko hawak yung mga dokumento or nakita ko lang ito. Pero alam ko na marami pang dapat imbestigahan.
(0:26:27) So ang point ko po mga kababayan, parang sala sa init, sala sa lamig ang gusto po ni Sen. Lacson. Pag tumahimik, guilty na o umaareglo, etc. So ako pwede ako either way. Pag sinabi ng mga senador, focus tayo sa ekonomiya, naghihirap mga tao. Siguraduhin natin maganda takbo ng impeachment. Pag sinabing ilagay natin sa tamang timing yung hearing.
(0:26:51) To be fair to everyone, I think ang sinasabi, ano ang hearing, timing ng hearing, etc. Walang nagsasabing, meron pa isa-isa na gustong i-cover up ‘to. So, kung si Senator Lacson sinasabi niya, mali ako at hindi siya kasama sa cover up, edi itama niya yung daan.
(0:27:10) Pero yung pinapakita niya sa tao ngayon na paggising niya sa umaga, ako lang nasa isip niya. At kami lang masama. Samantalang makikita niyo yung kagandahan ng aming syudad. Very, very unfair po ito. So, I’m giving Malacañang the benefit of the doubt. Kaya lang, siyempre pag sinasabayan ng NBI na kung ano-ano sinasabi, tapos mali-mali, tapos hindi iko-correct ang kanilang sarili. Alam niyo po, yung sinabi kong tapang nila kasi…
(0:27:39) Nasa kanila naman ang lahat. Yun po yung sinasabi ni Sen. Lacson na sabi niya na wala akong hawak ng mga bala, pupunta ako sa gera. Hindi ko na iisa-isa yun. But I have instances and I have evidence na kung saan binabaliko niya. Kasi kaya niyang sabihan yung witness, ito sabihin eh. And then nakakulong ka na.
(0:28:01) Tapos yung witness, pagka ano, isa-suggest niya, yun ang state witness o hindi. So, I’m not accusing anyone else as of now muna. Kasi nga, maselan ‘to. And pwede namang ipakita yung ebidensya na hindi yung parang palengke yung atmosphere. So, I’ve told everyone, kahit yung kumakausap sa akin, kumakausap sa amin o kung ano man. So, hindi ko alam kung ano yung fear ni Senator Lacson.
(0:28:31) Ako ay tumahimik at sabi ko sa tamang venue at nasabi ko na po sa inyo, dito po sa Facebook, at uulitin ko, maraming katotohanan, next administration pa natin malalaman. Bakit po? Kasi yung atmosphere, yung mekanismo, yung batas, yung control din sa Senado and sa ating buong bansa ay ibang-iba po ngayon. Di ba? Pwede ba isabay-sabay? Oo. Pero ayaw isabay-sabay. Ang gusto unahin, lahat muna ng oposisyon. So, kung sasabihin Pangulo para sa lahat, let’s give him the benefit of the doubt. But, na sa action eh. Wala sa salita eh. Di ba? So, kung isa-isahin kami mga oposisyon, tapos sasabihin ni Senator Lacson, ah, kita mo, hindi guilty, etc. Siya na lang namimili eh.
(0:29:16) Si Senator na lang, Lacson na lang namimili kung sino dapat kasuhan o hindi. So, kung finile mo sa ombudsman, e di pabayaan mo yung Ombudsman mag-imbestiga at tignan natin. O kung gusto mo naman sa mga committee, iba’t ibang committee sa senado, basta’t patas. Ilabas ko rin yung alam ko whether sayo or kung paano mo tinatakot yung ibang mga Senador. So, napakarami nito guys.
(0:29:43) Siguro bukas or Saturday na yung sa Kontra SONA-SONA, ano lang, konting teaser lang. Ang tingin kong kailangan talaga natin is a common vision. So, hindi ko sasabihin sa SONA lang. Sasabihin ko pati sa Kontra SONA. Aside from the preamble, how do we articulate a vision that everyone can come behind? But anong similarity ng SONA at Kontra SONA? At I think this week, sa Monday, Tuesday, mga congressman naman sa oposisyon ang magko-kontra SONA. Papanoorin ko rin yan. Mahirap lang dahil sabay-sabay sa Senate. I think ang magiging common theme yung hirap ng nararamdaman ng ating mga kababayan.
(0:30:26) Kahit maganda ang trabaho ng ating mga OFW, kahit po medyo gumanda na ang negosyo ng iba nating kababayan, ang common word po ngayon ay mahirap. May konting common question, may pag-asa pa ba? Ang sagot jan, parati meron, kasi kung sa Panginoon tayo aasa, meron talagang pag-asa. Let me close by reading this.
(0:30:49) I was looking for sabi ko nga biblical principle. Kung anong itatanim, yan ang aanihin. But I was really praying. I was asking God, asking the Lord Holy Spirit to lead us. Dinala niya ako dito sa Psalm 9, 17 and 18. Sabi sa Psalm 9, 9, 17, 18. The wicked will go down to the grave. This is the fate of all nations who ignore God.
(0:31:17) But the needy will not be ignored forever. The hopes of the poor will not always be crushed. So hindi po ako nag-focus doon sa the wicked will go down to the grave kasi mahirap po, lalo kung leader ka sasabihin mo, siya righteous, siya wicked, etc. Let’s let God judge. But we know that a community, a church, a nation, business can become wicked. Pero nakalagay dito kasi, this is the faith of all nations who ignore God. So rule number one for me now, sa lahat ng pinagdadaanan natin, even sa disputes among the senators, huwag na natin sabihin ito. Hindi ko naman sinasabi, ako maka-Diyos, kayo hindi. Ang sinasabi ko, hindi natin pwedeng exclude ang Panginoon…
(0:32:04) sa usapan, kasi siya lumikha sa atin, siya may kapangyarihan. At ang sinasabi ko, hindi yung sinong kakampi ni Lord. Dapat tayo kumampi kay Lord. At sabi dito, hindi dapat i-ignore ang Panginoon. Pangalawa, the needy will not be ignored forever. So yes, nababanggit sa bawat speech, sa SONA, I do believe all 24 senators care for the needy.
(0:32:28) Pero kahit papaano po, nai-ignore pa rin kasi hindi rin natututukan. Yun lang, Secretary of Health, bago po inalis ba o nag-resign talaga, sobra po ang dinulot na damage sa ating health system at sa mga hindi nabiling gamot, sa mga bakuna and everything. Tapos nakalagay dito, the hopes of the poor will not always be crushed.
(0:32:51) So, hindi sinabi dito na meron may hope, meron wala. Ang sinasabi, minsan, nakra-crush. Di ba? Tama, di ba? Kasi kung halimbawa po kapatid mo o anak mo nagkasakit, namatay dahil walang gamot o gutom na gutom, na bansot, na stunt o kaya hindi nakapasok sa trabaho o naging baldado dahil nga sa malnourishment, sa sobrang malnourished na, nakra-crush yung hope ng tao. So, yun po ang pakiusap ko sa buong Senado, even kay Senator Lacson.
(0:33:28) Even po sa lahat ng nanonood dito, let us be bringers of hope. I have no problem finding a solution na matuloy lahat ng imbestigasyon. Hindi lang Senado ang pwede mag-imbestiga pero dapat din mag-imbestiga ang Senado. Pero hindi venue ang Senado na magtirahan ang bawat senador kasi kung hindi, wala na tayong magagawa.
(0:33:53) Pero hindi mo rin masisi ang isang senador kasama na ako doon na kung tatargetin niyo doon, e magde-debate talaga tayo araw-araw kasi nga kailangan kung ano ilalabas niyo sa akin, may ilalabas din ako. At huwag niyo pong sisisihin if we will defend ourselves because we cannot defend the nation if we cannot defend ourselves.
(0:34:12) You want us to lose credibility para hindi kami pwedeng tumayo para sa ating bansa. Tapos kami ang sisisihin niyo pagka yung credibility nyo ay apektado. So kung gusto niyo, zero-zero. Start tayo from scratch. But what’s the point? The point is, let’s all start from the basis of truth. And kaya nga tayo nagdadasal bago mag-session. In the hopes na ang manaig, hindi yung gusto natin pero gusto ng Diyos.
(0:34:39) So salamat ulit sa lahat ng ating mga kababayan and I hope to find the time by Sunday or before Sunday sa mga recap and pasensya na po kayo kung ang laman parati ng news ay bangayan ng mga senador rather than yung napaka-importante na unang pangangailangan ng ating mga kababayan. Lastly, sa mga senador na nag-a-act ng peacemakers, blessed are the peacemakers. So, ang Diyos na ang mag gantimpala sa inyo. So, kung namimisinterpret ang sinasabi niyo at nagagamit sa mali ang word na ceasefire o ilagay natin sa tama. Mga kasama, ibang-iba po ang areglo sa sinasabi.
(0:35:23) So ang sinasabi lang, ilagay natin sa tama para hindi maantala ang trabaho. Ito magandang example. Sabi nung isang senador, pwede ba kapag ka iba ang pag-uusapan huwag na dito sa impeachment court? Tapos sabi ni Sen. Escudero, dahil meron naman sesyon, doon natin i-bring up sa sesyon. So hindi sinabing huwag.
(0:35:46) Hindi sinabing walang karapatan, hindi sinabing ceasefire. Ang sinabi lang, ilagay natin sa ayos. At siguro, doon na misinterpret ni Senator Lacson na sinabing ang feeling niya nagsasabing tumahimik ka na. Wala po, kahit kami hindi namin hiningi na tumahimik na. Ang sinasabi lang namin, gawin specific yung allegation, ilagay sa tama. Pero yung araw-araw na general allegation, it’s unfair to everyone. God bless you guys. Magandang magandang hapon sa inyong lahat.