(0:00:00) Magandang magandang magandang gabi. Good evening, Luzon, Visayas, Mindanao. Mga kapatid nating sa ibang bansa, ating pong mga mahal na OFWs at saka ating po mga second, third generation na nasa Europe, Japan, US, Middle East [and] all around the world,
(0:00:29) Magandang magandang hapon or magandang gabi na po sa inyong lahat. So first, let’s praise God. A productive day. Medyo long day kasi nga po, first time na nilipat yung schedule. 10 a.m. na yung ating impeachment trial, and then pagkatapos deretso na sa session, meetings in between, medyo maaga lang natapos today, but we expect na Monday to Wednesday ay mahahabang araw dito po sa Senado.
(0:01:06) So let me start out by praising God na sa pamamagitan ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan, malalim ang pagdadasal, pag-iisip, repentance ng ating gobyerno, ng ating mga kababayan. For example po, dahil sa flood control scandal, at parati itong paulit-ulit na binabanggit, kahit ang ating Pangulo, inuna po ito sa SONA kahapon, ibig sabihin po, ito ay top of mind. So ang nangyayari po, everyone is praying. Sana Lord magbago Pilipinas. Sana may accountability. Sana lahat lumabas.
(0:01:48) And also because of that, on the toes, lahat ang ano… pero naka-attention lahat ng politiko whether very very corrupt, not corrupt, corrupt. Kasi nga, alam na nandyan lahat ng mata. So siguro shout out sa mga taga DPWH. Naghihintay pa rin Secretary Dizon ang buong bansa [kung] ano yung major reforms para sure tayo na ang kikita talaga legitimately maganda gawa, yung mga contractors.
(0:02:22) Pero yung iba’t ibang mga sistema na 15, 20, 30% ghost ay mawala. So, of course, this is for all departments, no? Whether yan ay sa DOH, bago ang secretary diyan. Dami-daming balita dyan na… Ano yung balita sa DOH? Walang delivery pero magaling dumeliver. Walang mga deliveries pero magaling mag-deliver Yung walang mga deliveries, ibig sabihin po, katulad sa pagbibili ng mga gamot, bakuna, yung flu shots, delay o wala, eh hindi ko naman alam kung ano ibig sabihin nilang magaling magdeliver.
(0:03:03) Kasi usually, pag sinayang magaling mag-deliver, ibig sabihin, you get the job done, di ba? Corruption is in our culture. That’s why we have to change that. So I praise God na ginagamit niya ang mga struggles ng ating bansa ngayon na… yun nga lang po… so, while we’re praising God, we’re asking Him for mercy kasi as usual po ang tinatamaan yung pinakamaliit. Di ba?
(0:03:29) So, for example, pagtaas ng presyo ng langis lahat umaaray pero syempre yung oil companies kumikita pero yung ating pong tricycle drivers, jeepney drivers, ang ating po mga may negosyo na let’s say, yung mga naghahatid ng gulay galing po sa La Trinidad, apektado sila, no?
(0:03:48) So it’s a special day then because we want to say happy, happy, happy birthday. Sen. Kuya Dante Marcoleta. Miss na miss ka na namin dito sa Senado. Hindi mo man lang naumpisahan yung impeachment process. Assalamualaikum sa ating mga kapatid, sa lahat po, kung ano man religion niyo, nagpapaabot kayo na pinagdadasal nyo kami. Thank you po.
(0:04:14) (Mentioned viewer) yan ang espiya na gusto natin. (Mentioned viewer) Laban, yes, laban. Iba’t ibang paraan po na paglaban ha yung minsan, quiet tayo pero nagre-research, nagdadasal. yung kung minsan ah more paperwork, yung minsan going to other areas, magkaroon ng forum, Siempre my protest rallies, Of course, napakalaking bagay sa atin ang social media at kayo lahat.
(0:04:49) I really pray that the Lord Holy Spirit will really touch all of you, all of us. At talagang mas maintindihan natin ang mga nangyayari. (Mentioned viewer), maayong hapon, maayong gabi sa inyong tanan, diyan sa Davao City, ayan mga taga-California, nanonod din daw. Mga taga-apulong munok.
(0:05:07) Shout out sa mga taga South Cotobato at syempre po yung sunod-sunod tinatamaan ng iba’t ibang mga linog o mga Earthquake. Praying for you po. (Mentioned viewer). Sabi niya dun sa nagko-comment, huwag na manood. Actually, nagtataka nga ako sa ganun, di ba? Kasi wala naman nagpipilit na manood ka ng Facebook na may Facebook or YouTube na may YouTube, pero minsan may…
(0:05:41) Shane, Alaikum asalam sa iyo. Nagtataka ako nga bakit yung ibang manonood para mang bwisit lang. Hindi naman tayo nabu-bwiset because open naman ito sa lahat. So, shoutout kay Sen. Marcoleta. Alam ko naman hindi siya nakakapanood. Siguro kung may bibisita sa kanya, pakikamusta kami but nag-react si Auntie Claire at mag-ano lang ako, rejoinder lang.
(0:06:09) Pumalag siya na tinawag kong political prisoner. Bakit ko po tinawag na political prisoner? And it’s a democracy, no? Malaya naman tayo mag-discuss, okay? I have faith in our justice system. Abogado ako, so whether yan ay Supreme Court, CA, Court of Tax Appeals. Yan po ay Sandiganbayan, yan po ay mga piskalya under the DOJ, ako’y naniniwala sa system of justice natin. It’s not perfect. We are here as officers of the court. We should protect. We should encourage, we should make it stronger.
(0:06:41) Ang sinasabi ko po lahat po na we-weaponize. So, si Sen. Jinggoy, hindi ko na uulitin yung napakarami ko nang sinabi. Siya na magsasabi sa inyo, sabi niya, sa tamang panahon, ilalabas niya yung ebidensya na yun nga na kung sumama siya sa kabilang side o sa administrasyon, hindi na dapat siya nakulong. Si Sen. Marcoleta, nagkakaisa naman po tayong lahat siguro, karamihan sa atin, karamihan ng lawyers na paano naging plunder yung donation sa eleksyon?
(0:07:12) Nung isang araw, kinikwento ko nga sa mga kaibigan ko, talagang, alam mo, hindi kami nagkakausap ni Mike Defensor. Nagkita kami sa hearing, pero taon din hindi kami… minsan to common friends, “Kumusta kayo?” pero hindi kami nagkakausap. Madalas kami magkausap, nung speaker pa ako, and then yung last… hanggang 2022 after that you know, busy siya, busy ako, may kanya-kanyang mga gawain, lugar.
(0:07:39) But sabi ko nga nung kinulong siya, bakit plunder din sa kanya? Let me explain that to you guys. So, for example, may kandidato, wala pang campaign period, iikot sa buong Pilipinas. 1 million kayo na nag-donate ng 50 pesos, para yung sa pangmeryenda niya, pamasahe, etc. So, plunder ba yun?
(0:08:02) Tapos lahat na nagbigay ng 50 pesos, plunder yun? So di ba, meron din po tumakbo, palugaw. Okay po yung lugaw. Kasi nakakatulong na yun, tapos maganda yung symbolism, tapos ambag-ambag. So, kung yung kandidato na yun hindi pa nag-file, pero nagpalugaw sa bawat lugar natin tapos umabot ng 50 million, so lahat ng nagpalugaw, plunder na yun?
(0:08:24) So makikita nyo po, iba pa yung kay Sen. Marcoleta, iba pa yung kay Mike Defensor. Paano naging plunder yung kay Mike Defensor? Whether he gave 1 peso or 20 million pesos, di ba. So kung kinasuhan nIyo siya ng direct or indirect bribery, pero available kasi yun eh. Tapos makikita niyo nga po, bilangin niyo yung kinakasuhan sa administration versus opposition.
(0:08:52) Napanood ko noong isang araw, nagagalit na naman ang NBI Director kasi dun daw sa fake news. Kung tinignan lang daw ng mabuti yung pangalan nang doon sa sinasabing mansion sa Amerika, sana hindi na nagkaganito. And I agree with him na kung magfa-fact check, hindi mangyayari.
(0:09:13) Pero ang problema kay Director Matibag, hindi niya ginagawa yung sinasabi niya. What he preachers, he doesn’t act on. Why? Bilangin niyo nga lahat ng press release, lahat ng pinagsasabi niya about the SEA Games. Hindi daw liquidated, o nakita niya iba’t ibang ahensya fully liquidated, yung amounts na binibigay niya, paiba-iba. Tapos mali-mali naman pala.
(0:09:40) Tapos, si ganito involved, si ganito involved, bakit ganito, bakit ganyan? Kung nagimbestiga ng tahimik at nag-fact check, hindi mali-mali, di ba? Tapos ganun din na admonish siya dito ng aming presiding officer, Senator Escudero, umoo siya. Sabi niya, yes sir, I understand. So ibig sabihin hindi sabihin hindi siya bawal mag-imbestiga pero huwag kang announce nang announce kasi it’s considered intimidating yung mga judges. Apektado yung Impeachment Court. Oh anong ginawa niya, sunod-sunod pa rin yung announcement. Hindi ko iisa-isahin, but yun ate Claire, ang panoorin at tignan mo. You know, when I was in the administration, not only in the Senate, sa Department of Foreign Affairs, pero paglipat ko as Speaker of the House. Paano ko po nakikita yung iba kong ginagawa at naja-judge?
(0:10:38) I try to step into the shoes of the opposite side. So, yun ang ano ko kay… Of course, trabaho ni Claire na Usec. Claire na mag-defend, di ba? But yung defense kasi niya may judgment. So ang problema pag may judgment, ija-judge rin.
(0:11:00) So kung titignan mo po, ilagay niya muna shoes niya sa opposition ngayon. Oh subukan mo ate Claire. I-criticize mo nang matindi yung administrasyon, tingnan natin mangyayari sa’yo.
(0:11:11) So kami, we’re just making it light, pero hindi po madali ang buhay ng isang nasa oposisyon ngayon. Mabigat po. Yung mabigat lang makita namin mga kasamahan namin na panay non-bailable yung kinaso. Makita po namin mga kasamahan namin na kung hindi sila mismo, mga nakapaligid sa kanila ay prine-pressure. So, having said all of that, I won’t focus on that kasi kung nandito po si Sen. Bato, kung nandito po si Sen. Marcoleta, kung nandito po si Sen. Jinggoy, ang pag-uusapan namin… sa SONA at kontra-SONA, saan ba tayo nagkakaisa?
(0:11:50) For example, taas ng presyo ng bilihin. Kailangan talaga magkaisa at hanapan ng solusyon yun. Yung mga nakakakuha ng ayuda, good for you. Pero mas maraming hindi nakakakuha. So ang question, lalo dun sa may small businesses, may karinderya, may barberya, nakabili ka ng motor, so ginagamit mo yung motor sa negosyo. Pati yung mga restaurant, hindi lang mga karinderya, hindi lang mga pagupitan o parlor na maliliit, no?
(0:12:24) Maraming mga negosyo ngayon nahihirapan at walang pantawid na puhunan. Di ba? So whether yan ay sa palengke, whether yan ay turo-turo whether yan ay barbequehan. Sa amin, meron pa rin mga… yung mga pushcart tapos nandun yung mga fishball, etc. They are one sickness away or one, two, three days away from hindi nakakapagtrabaho then they’re in poverty. Actually, pati middle class eh. Pagka tinamaan ka ng matinding sakit, tapos medyo mahal yung treatment at saka hindi ka makapagtrabaho. From being middle class, biglang poverty na ulit. And again, I’m not pointing fingers, I’m not saying, this administration or this president or this senate, we’re equally guilty dyan, lahat na nasa gobyerno kasi whatever we have now, yan ang tinanim natin eh.
(0:13:25) Tinanim 10 years ago, 20 years ago, 40 years ago. So, bago lang ako umuwi, I wanna remind everyone [that] faith moves mountains. So, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Number two, prayers matter. A community… the body of Christ praying together matters, yung mga na sa ibang religion. Pagsasama-sama at pagdadasal. Pray for our enemies, not only our friends. Sabi nga nila yung diplomacy, nakikibati ka sa kalaban, hindi sa kakampi.
(0:13:59) So ganun din, pag-pray natin, hindi lang yung kakampi natin pero pati yung kabilang side. But I’ll continue talking about many, many things. Tutuloy po natin yung laban
(0:14:09) Minsan lang po, siyempre, napupunta sa medyo nagkaka-alaskahan kasi nandun. So, pasensya na po kayo. Minsan, dala rin nang damdamin. But most of the time po, we will… hihimayin natin yung issues. But sabi ko nga sa inyo, Monday to Wednesday, pinipilit ko na less political kasi nasa impeachment tayo.
(0:14:30) So, (Mentioned viewer). Ah… Magandang magandang gabi sa inyo. Kalahati pa lang ng linggo, mag-post din kayo kung anong gusto nating topic. Yun nga, nagkakaroon ng consensus dito. Nag-uusap din kami ng majority at we’re trying to build bridges kasi hindi namin mapapasa yung mga dapat mapasa kung walang sistema—pagkakaisa. So, yung taas ng presyo ng kuryente, yun nga, yung tinutulak ko po, yung anti-stunting, yung tulong po sa buntis or yung first 1,000 na Days sa pagkabuntis hanggang pinanganak. (Mentioned viewer), God is watching.
(0:15:25) Siguro yan po ang itali natin sa integrity. Ang meaning ng integrity is doing the same thing even if no one is watching. So let’s remember God is always watching. Thank you, (Mentioned viewer). It means much to me, everyone na nagpapahayag ng support. (Mentioned viewer). Maraming nanonood, sabi yung ibang senador na ito, prosecution senator judge. Yung iba nanonood, depends, ganyan. So, look at the issues. Matagal pa ito. Pray for everyone, ganyan talaga sa mga impeachment but you never know kung ano talaga ang saloobin ng bawat isang isang Senator-Judge.
(0:16:10) Salamat sa lahat ng Taguigeno, sa mga nag-mamahal sa Taguig, sa mga pupunta sa Taguig. I will just keep telling you guys, to my knowledge, walang malalaking anomalya dyan. It’s unfair na i-compare tayo dun sa nangyari sa Bulacan but I believe time and the truth will bear us out. So, maniwala lang tayo sa proseso. Thank you, (Mentioned viewer). Ingat pauwi. Actually, nagte-text na si Lani. Tinitignan ko lang kung marami pa rin siyang lakad. God bless you guys. Good night po.