SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan.
REPORTER:
(0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and join the protesters ngayon araw?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00:12) Alam niyo po mahirap, kami senador na. You know, it’s hard. We are a senator. But whether you talk of magkapatid na Villar, alam naman natin kaliwa’t kanan ang kaso dahil nga naninindigan o dahil nung eleksyon may tampo sa kanila.
(0:00:30) Si Senator Padilla tuloy-tuloy ang batikos sa kanya pero nakita niyo yung mga sakripisyo. Si Senator Bato, hindi naman niya kailangan magpakita doon but he wanted yung pagbabago. Si Senator Bong Go papalabas na yung kanyang warrant. Of course, si Senator Jinggoy kinulong na and he’s willing to present evidence na bina-bargain sa kanya na lumipat lang siya ng side, ay hindi siya ikukulong. So hindi ko na ibabanggit lahat ah. Narinig niyo yung speech ko kanina.
(0:00:57) So kung kami, nahihirapan kami sa sitwasyon na may covered up sa pagnanakaw sa ating bansa, dito sa flood control. Nahihirapan kami na ang sinasabi ah maging fair lang yung impeachment pero ayaw nila na magpreside, hindi sila. Ayaw nila na iba ang majority. What more the ordinary Filipino na konting ulan, baha na. What more the ordinary Filipino na yung pagtaas ng gasolina either nawalan ng trabaho, or hindi na nila mahatid yung crops nila.
(0:01:30) So yung paghihirap nandiyan at ang pilipino is very ano mapagtiis. Habang hindi kailangang umangal hindi aangal. Pero itong after Jinggoy. Sinasabi na kay Bong Go, palabas na yung ICC warrant tapos plunder for campaign contribution na hindi na kinabang in the sense that hindi naman yumaman si Senator Marcoleta dun. So when I saw that spontaneously lumabas ang mga tao, I felt I owe it to them na the fight is not just in the senate, it’s in the hearts and minds.
(0:02:04) So pwedeng sa Facebook yan. Pwedeng sa Instagram yan. Pwedeng nasa iniinterview niyo. Pwedeng nasa schools. Pwede. And despite all of this, yung day to day problems, drugs, violence sa ating mga kabataan, tuluy-tuloy yun. So for people to sacrifice their time, umabsent, magutom to be here, siguro maliit na bagay na dumating tayo’t makiisa.
REPORTER:
(0:02:30) Do you find it strange na the case against Sen. Marcoleta may be filed a week before the impeachment trial?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:03:00) In a sense it’s strange because for me, it’s nonsense. But we expected it nung February 4 nung una kaming nakatikim ng pag kami naging majority, ibabargain na yung kaso. So akala namin totoo yung sinabi nilang wag lang si Loren. Nung ako na umupo at willing silang ipadala ang NBI na armado, not just once but twice sa senado. Tapos nung kitang-kita pano kinulong si jinggoy, naging reality na sa amin to.
(0:03:07) So lahat kami we’re on borrowed time pero ipinasa-Diyos namin. You know, 40 years of EDSA. Ano ba sabi ni dating Senator Ninoy Aquino, di ba? The Filipino is worth fighting for. Then nagging worth dying for because he gave his life. So siguro naman yung konting oras na samahan ko ang mga naninindigan dito is a little inconvenience but it can be. So, pasensya na po yung mga nata-traffic but protests are meant to inconvenience para magising tayo sa nangyayari.
REPORTER:
(0:03:42) Have you spoken to Senator Marcoleta? Pupunta rin po ba siya rito?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:03:45) Not yet. I haven’t.
REPORTER:
(0:03:47) Hanggang kailan daw po magtatagal itong..
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:03:49) Ay lahat kami no idea. So actually since this morning to different channels, nagpapa-abot ako until nung naglalunch ako. Another common friend that said, “You’re welcome to come.” I think sumagot one si Senator Marcoleta na parang nagtanong yung isa kong friend, “Paano kami tutulong, Sen?” ang sinabi lang “padala ng tubig.”
REPORTER:
(0:04:15) Sir, meron pa pong ilang senador sa minority na inaasahan nating pupunta dito?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:04:19) I think so.
REPORTER:
(0:04:20) Sino po Sir?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:04:20) I know Senator Imee. I don’t know the others kasi nga kahapon lang namin nalaman. In fact meron ako isang trip, and I was intended to meet some OFWs. i had to cancel it this morning nung nalaman ko yesterday na yan na yung statement nung Ombudsman.
(0:04:42) Thank you guys. Thank you.