More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano-backed school voucher bill now law

Filipino families whose children are stuck in overcrowded public schools can now send them to a private school at government expense under a newly signed voucher law carrying Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano’s proposal.

The Basic Education Voucher Assistance Act (Republic Act No. 12327) was signed by President Ferdinand Marcos Jr. on November 12 but was only released on Friday. The law is seen as a landmark measure to ease congestion in public schools.

Cayetano, a long-time advocate for education reform, said the measure advances every Filipino’s constitutional right to accessible and quality basic education. 

“Basic education, especially the early years of a child’s instruction, is important in shaping their future,” the Minority Leader said.

“This law can pave the way for the day na kapag pinanganak ka sa Pilipinas, regardless kung ano apelyido mo, kung mayaman ka o hindi, if you want to go to the best private school sa inyong province or city, you’ll have the opportunity to do that,” he added.

The senator, a former co-chairperson of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), said the law can help bring out-of-school children back into the classroom.

Recently, he pushed for stronger efforts to address the country’s declining school enrollment, which the Department of Education (DepEd) data show fell from 24 million in 2021-2022 to 22.1 million in 2025-2026, and cited an 8 percent dropout rate in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Cayetano’s The Learner’s Choice (TLC) in Private Basic Education Act of 2025 (Senate Bill No. 422) was among the several Senate bills consolidated into the law. Filed in July last year, the bill was inspired by the City of Taguig’s successful voucher program, which the DepEd has praised as a possible model that other regions with crowded public schools could follow. 

Among the features carried over from Cayetano’s bill is the prioritization of learners from officially congested public schools, particularly those from low-income families, to help address overcrowding. It also adopts Cayetano’s version on penalty provisions to prevent ghost learners, delays, and other fraudulent practices.

Under the new law, learners from overcrowded public schools are eligible for a government-funded voucher they can use to enroll in a government-recognized private school of their choice. Priority is given to learners from low-income households. Disadvantaged learners, including persons with disabilities, orphans, and those living in isolated areas, automatically qualify.

Each voucher will be worth an amount “sufficient to ensure reasonable access to private education,” as determined by the DepEd.

Unlike existing subsidies under the Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act (E-GASTPE), which are tied to participating schools and allocated slots, the voucher is learner-held and portable so families decide where their children will study.

To help families make informed choices, the new law requires DepEd to publish a public database of participating private schools, including tuition fees, program tracks, and key performance indicators.

Cayetano earlier framed the measure as a tool to drive a systemic shift in the basic education sector. 

“The collective, balanced, and sustained use of public and private education… will lead to better learning outcomes for Filipinos,” he said.

Filipino Version

Panukalang school voucher na isinulong ni Cayetano, ganap nang batas

Maaari nang makapag-aral sa mga pribadong paaralan ang mga kabataang Pilipinong nasa siksikang pampublikong paaralan gamit ang voucher na sasagutin ng gobyerno, sa ilalim ng bagong batas na isinulong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Makakamit ito sa bisa ng Basic Education Voucher Assistance Act (Republic Act No. 12327) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong November 12 na inilabas lamang nitong Biyernes. Itinuturing itong mahalagang batas na makatutulong na mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan.

Matagal nang nagsusulong ng mga reporma sa edukasyon si Cayetano. Aniya, makatutulong ang batas na ito upang maisakatuparan ang karapatan ng bawat Pilipino magkaroon ng abot-kaya at de-kalidad na basic education.

“Basic education, especially the early years of a child’s instruction, is important in shaping their future,” wika ng Senate Minority Leader.

“This law can pave the way for the day na kapag pinanganak ka sa Pilipinas, regardless kung ano apelyido mo, kung mayaman ka o hindi, if you want to go to the best private school sa inyong province or city, you’ll have the opportunity to do that,” dagdag niya.

Sinabi rin ng senador, na dating co-chairperson ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), na makatutulong ang batas upang maibalik sa paaralan ang mga out-of-school youth.

Kamakailan, itinulak niya ang mas matibay na hakbang upang matugunan ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng naka-enroll sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), bumaba ang bilang ng mga naka-enroll mula 24 million noong school year 2021-2022 patungong 22.1 milyon noong 2025-2026. Binanggit din niya ang 8 percent dropout rate bilang ng mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Isa sa mga panukalang isinama sa bagong batas ang The Learner’s Choice (TLC) in Private Basic Education Act of 2025 (Senate Bill No. 422) ni Cayetano. Marami pang ibang panukala mula sa Senado ang pinagsama-sama bago mabuo ang batas na ito.

Inihain ni Cayetano ang kanyang panukala noong Hulyo ng nakaraang taon. Naging inspirasyon niya rito ang matagumpay na voucher program ng Taguig City. Pinuri rin ng DepEd ang programang ito bilang posibleng modelo na maaaring tularan ng ibang lugar na may mga pampublikong paaralang sobra ang dami ng estudyante.

Kabilang sa mga probisyon mula sa panukala ni Cayetano na isinama sa batas ang pagbibigay-prayoridad sa mga estudyanteng nagmumula sa mga pampublikong paaralang opisyal na kinikilalang siksikan, lalo na sa mga pamilyang kapos sa buhay.

Isinama rin sa batas ang mga probisyon tungkol sa mga parusa na iminungkahi ni Cayetano upang maiwasan ang mga pekeng estudyante, pagkaantala sa proseso, at iba pang uri ng pandaraya.

Sa ilalim ng bagong batas, maaaring makatanggap ng voucher na pinopondohan ng gobyerno ang mga estudyanteng nag-aaral sa mga pampublikong paaralang siksikan. Magagamit nila ito upang makapag-enroll sa pribadong paaralan kinikilala ng gobyerno na kanilang mapipili.

Mas bibigyang prayoridad ang mga estudyanteng mula sa mga pamilyang mababa ang kita. Automatiko namang kwalipikado ang mga estudyanteng higit na nangangailangan ng tulong, kabilang ang mga persons with disabilities (PWDs), mga ulila, at mga nakatira sa malalayong lugar.

Ang halaga ng bawat voucher ay magiging sapat upang mabigyan ang mga estudyante ng makatuwirang pagkakataong makapag-aral sa pribadong paaralan. Ang DepEd ang magtatakda ng halaga nito.

Hindi tulad ng kasalukuyang subsidiya sa ilalim ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act (E-GASTPE), na nakadepende sa mga kalahok na paaralan at sa bilang ng mga bakanteng slot, ang bagong voucher ay direktang nakalaan sa estudyante at maaari itong gamitin sa paaralang kanilang pipiliin.

Ibig sabihin, mas malaya na ang mga pamilya na magdesisyon kung saang paaralan nila gustong pag-aralin ang kanilang mga anak.

Upang matulungan ang mga magulang at pamilya na makapili ng tama, inaatasan ng bagong batas ang DepEd na maglabas ng pampublikong database o talaan ng mga pribadong paaralang kasali sa programa. Nakasaad dito ang matrikula, mga programang maaaring kunin ng mga estudyante, at mahahalagang datos tungkol sa performance ng bawat paaralan.

Nauna nang ipinaliwanag ni Cayetano na ang panukalang ito ay isang paraan upang magkaroon ng malawakang pagbabago sa sistema ng basic education sa bansa.

“The collective, balanced, and sustained use of public and private education… will lead to better learning outcomes for Filipinos,” aniya.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano