More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano brings annual birthday outreach to Benguet orphanage

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano continued his annual birthday outreach on Wednesday, October 28, with a celebration for orphaned children, teachers, and pastoral staff of Bethesda Ministries International in Itogon, Benguet.

The event featured meals, games, prizes, and special recognition for community members also celebrating birthdays in October.

The activity highlights Cayetano’s three-decade relationship with Bethesda, a faith-based child-caring ministry in the Cordillera region that has long been part of his birthday and Christmas traditions.

Last January, Cayetano hosted over 100 Bethesda youth in Taguig, acknowledging their early contribution in planting the seed for the city’s healthcare system and encouraging them to hold on to vision and faith.

“The planting of the seed matters… you have to see the tree, you have to see the fruit. Kailangan makita niyo iyon, because when you have a vision and you know your purpose, that will guide you,” he said at that time.

Their ties date back over 20 years, when Bethesda and its international partners donated a container van of hospital beds and equipment to help establish Taguig City’s first public hospital.

Cayetano’s partnership with the ministry has also influenced his legislative agenda, including Senate Bill No. 106, or the Trust Fund for the Abandoned, Neglected, or Voluntarily Committed Child, which pushes for a national care system and long-term financial safety nets for orphans.

Cayetano also marked his birthday with a medical caravan for persons deprived of liberty at the Quezon City Jail Male Dormitory in Payatas, providing free checkups, diagnostic services, and medicines.

Filipino Version

Cayetano muling dinala ang kanyang birthday outreach sa bahay-ampunan sa Benguet

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong Miyerkules, October 28, muling naghandog si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng selebrasyon para sa mga batang nasa pangangalaga ng Bethesda Ministries International sa Itogon, Benguet, kasama ang kanilang mga guro at pastoral staff, bilang bahagi ng kanyang taunang birthday outreach.

Nagkaroon ng salu-salo, palaro, at pamamahagi ng mga papremyo sa selebrasyon, kung saan espesyal ding binati ang mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan.

Halos 30 taon nang may ugnayan si Cayetano sa Bethesda, isang Christian ministry na nangangalaga sa mga bata sa Cordillera. Taun-taon na rin siyang nakikipagdiwang at nagbabahagi ng tulong sa komunidad nito tuwing kanyang kaarawan at panahon ng Pasko.

Noong January, nagdaos si Cayetano ng pagtitipon para sa mahigit 100 kabataan mula sa Bethesda sa Taguig City. Kinilala niya ang naging kontribusyon ng mga ito sa pagsisimula ng healthcare system ng lungsod.

Hinikayat din niya ang mga kabataan na panghawakan ang kanilang pananampalataya at mga pangarap sa buhay.

“The planting of the seed matters… you have to see the tree, you have to see the fruit. Kailangan makita niyo iyon, because when you have a vision and you know your purpose, that will guide you,” wika niya.

Mahigit 20 taon na ang nakalipas nang magpadala ang Bethesda at mga international partner nito ng isang container van na puno ng mga hospital bed at medical equipment na nakatulong sa pagtatayo ng unang pampublikong ospital sa Taguig.

Makikita rin ang matagal nang ugnayan ni Cayetano sa Bethesda sa kanyang mga isinusulong na panukala sa Senado, kabilang ang Senate Bill No. 106 o Trust Fund for the Abandoned, Neglected, or Voluntarily Committed Child.

Layunin ng panukala na magtatag ng national care system at pangmatagalang suportang pinansyal para sa mga batang ulila, inabandona, o napabayaan.

Bukod sa outreach sa Benguet, minarkahan din ni Cayetano ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang medical caravan para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, kung saan nagbigay ang kanyang grupo, sa tulong ng mga medical specialist, ng libreng checkup, diagnostic services, at mga gamot.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano