More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano challenges Bulacan youth to help address flooding, shape province’s future

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Saturday challenged young people in Bulacan to help address recurring flooding and take an active role in shaping the future of their communities.

“Alam ng Diyos ang paraan pero may kapangyarihan sa inyong mga bibig. Sabihin nyo ‘Lord, hindi mo ipamamana sa akin ng isang Bulacan na bahain,” he told the young participants in his speech at the Councils of Bishops and Ministers Association of the Philippines Inc. (CBMAP) Youth Conference on October 3.

Cayetano drew from Taguig’s experience to encourage young Filipinos to envision a better future for their province.

He recalled that in the 1990s, long before the city became known for major developments such as Bonifacio Global City (BGC) and Arca South, roughly one-third of Taguig experienced flooding during the rainy season.

“Alam ninyo kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito? Noong 1990, I was 20 years old, one-third ng Taguig, ‘pag umulan ng October hanggang January, binabaha kami,” he said.

The senator shared how faith leaders continued praying for Taguig’s transformation despite having no engineering expertise, political influence, or financial resources.

Cayetano acknowledged that addressing flooding also requires practical solutions through government leadership, engineering interventions, or measures against corruption.

He encouraged young people to recognize their potential to contribute to their communities, stressing that they have a role in shaping the conditions that future generations will inherit.

Drawing from Taguig’s experience, Cayetano expressed hope that the next generation would take an active interest in overcoming their communities’ longstanding challenges, particularly flooding in Bulacan.

“Young people, nasa kamay ninyo ang future ng inyong mga lugar, lalo po dito sa lalawigan ng Bulacan,” he said.

Filipino Version

Cayetano hinikayat ang kabataang Bulakenyo na hubugin ang kinabukasan ng kanilang lalawigan

Hinikayat ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga kabataan sa Bulacan na makibahagi sa paghahanap ng solusyon sa paulit-ulit na pagbaha at magkaroon ng aktibong papel sa paghubog ng kinabukasan ng kanilang mga komunidad.

Sa kanyang talumpati sa Councils of Bishops and Ministers Association of the Philippines Inc. (CBMAP) Youth Conference nitong October 3, sinabi ni Cayetano na dapat maniwala ang mga kabataan na maaari nilang baguhin ang kalagayan ng kanilang mga komunidad at hindi kailangang mamana ng susunod na henerasyon ang mga problemang kinakaharap ngayon.

“Alam ng Diyos ang paraan pero may kapangyarihan sa inyong mga bibig. Sabihin nyo ‘Lord, hindi mo ipamamana sa akin ng isang Bulacan na bahain,” wika niya.

Ibinahagi ni Cayetano ang karanasan ng Taguig bilang halimbawa ng isang komunidad na dumaan din sa malawakang pagbaha bago ito nakilala sa mga malalaking development tulad ng Bonifacio Global City (BGC) at Arca South.

“Alam ninyo kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito? Noong 1990, I was 20 years old, one-third ng Taguig, ‘pag umulan ng October hanggang January, binabaha kami,” wika niya.

Ikinuwento rin ng senador na patuloy na nanalangin noon ang mga lider ng pananampalataya para sa pagbabago sa Taguig kahit wala silang kaalaman sa engineering, impluwensiyang pulitikal o sapat na pinansiyal na resources.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na kailangan ding samahan ng konkretong hakbang ang panalangin upang matugunan ang pagbaha, kabilang ang maayos na pamamahala, engineering solutions at mga hakbang laban sa korapsyon.

Hinimok niya ang mga kabataan na kilalanin ang kanilang kakayahang makatulong sa kanilang mga komunidad at magkaroon ng aktibong papel sa paghubog ng kalagayang mamanahin ng susunod na henerasyon.

Batay sa karanasan ng Taguig, sinabi ni Cayetano na umaasa siyang magiging bahagi ang mga kabataan sa pagtugon sa mga matagal nang problema ng kanilang mga komunidad, partikular ang pagbaha sa Bulacan.

“Young people, nasa kamay ninyo ang future ng inyong mga lugar, lalo po dito sa lalawigan ng Bulacan,” wika niya.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano