More Press Releases

Cayetano urges public service over political dispute

Cayetano urges public service over political dispute

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Tuesday urged government officials to prioritize public service over political disputes as the country continues to grapple with crises such as rising prices and the looming threat of Super El Niño.

“I want to focus sa Super El Niño, sa taas ng presyo ng kuryente at ng gasolina. I wanna focus sa kabuhayan. [Sa] PTK o presyo, trabaho, kita,” Cayetano said in a Facebook livestream on October 20.

The senator made the remarks amid Senator Panfilo Lacson’s continued attacks against him and public projects in Taguig, with the most recent one being a social media post reacting negatively to Cayetano’s clarificatory questions to the Laguna Lake Development Authority (LLDA) during a Senate hearing.

In the livestream, Cayetano reiterated his full support for investigations into alleged irregularities and pursuing reforms, but objected to what he described as the use of intimidation and undue influence in the process.

He cited the reclamation activities in Taguig’s side of Laguna Lake and how the current investigations driven by “vendetta” delay public services and economic activity.

“Hindi lang reputation ng City of Taguig ang naaantala, [pati] public service at nade-delay ang mga project not because may problema, not because may investigation, but because of a simple vendetta,” the Minority Leader said.

He stressed that politicians should never influence the direction of investigations and the handling of witnesses.

“I agree with the Office of the Ombudsman na kailangan ng reforms, kailangang ungkatin lahat. Pero I do not welcome y’ung high-handed, illegal, immoral way of dictating at pananakot sa mga witnesses at y’ung pinangungunahan ang mga ahensya. Patas lang po ang hinihingi namin,” he said.

To support his position, Cayetano cited assessments of Taguig’s lakeshore development.

“Ano sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon? [Ang] pinakamagandang lakeshore sa buong Laguna Lake ay sa Taguig. Ano sinabi ng LLDA? Walang commercial [establishments] doon, Lahat ng naroon ay sa gobyerno. Lahat are for the public,” he said,

Cayetano said scrutiny of a city’s projects not grounded on facts have consequences beyond the reputation of its officials, particularly on investor confidence.

“Hindi nakakapagsalita ang isang siyudad for themselves. But y’ung siyudad na y’an ay may buhay, may ekonomiya y’an. Mayroong investors na nililigawan yan. Obligasyon natin sa kahit anong siyudad na ipagtanggol ang kanilang reputation,” Cayetano said.

Amid these issues, Cayetano said he will remain focused on his duties as a public servant and urged government officials to prioritize the economic pressures and other national concerns affecting Filipinos.

Filipino Version

Cayetano nanawagan na unahin ang serbisyo publiko kaysa away-pulitika

Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes ang mga opisyal ng gobyerno na unahin ang serbisyo publiko kaysa mga alitang pampulitika, lalo’t patuloy na nahaharap ang bansa sa iba’t ibang krisis gaya ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at banta ng Super El Niño.

“I want to focus sa Super El Niño, sa taas ng presyo ng kuryente at ng gasolina. I wanna focus sa kabuhayan. [Sa] PTK o presyo, trabaho, kita,” wika ni Cayetano sa kanyang Facebook livestream nitong October 20, 2026.

Ipinahayag ito ng senador sa gitna ng patuloy na mga pang-aatake ni Senador Panfilo Lacson laban sa kanya at sa mga proyekto sa Taguig. Kabilang dito ang pinakahuling social media post ni Lacson kung saan binatikos niya ang pagtatanong ni Cayetano sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa isang pagdinig ng Senado.

Sa livestream, muling sinabi ni Cayetano na suportado niya ang mga imbestigasyon sa mga hinihinalang iregularidad at pagpapatupad ng mga reporma. Ang tinututulan niya ay ang paggamit aniya ng pananakot at labis na impluwensiya sa mga imbestigasyon.

Binanggit niya ang mga proyekto sa Laguna Lake na sakop ng Taguig, na dahil sa mga imbestigasyong hinaluan ng “vendetta” ay naaantala aniya ang mga serbisyong pampubliko at economic activities sa lungsod.

“Hindi lang reputation ng City of Taguig ang naaantala, [pati] public service at nade-delay ang mga project not because may problema, not because may investigation, but because of a simple vendetta,” sabi ni Cayetano.

Iginiit ng senador na hindi dapat nakikialam ang mga pulitiko sa direksyon ng mga imbestigasyon at sa paghawak sa mga testigo.

“I agree with the Office of the Ombudsman na kailangan ng reforms, kailangang ungkatin lahat. Pero I do not welcome y’ung high-handed, illegal, immoral way of dictating at pananakot sa mga witnesses at y’ung pinangungunahan ang mga ahensya. Patas lang po ang hinihingi namin,” aniya.

Bilang patunay sa kaniyang mga pahayag, binanggit ni Cayetano ang mga positibong komento ng ilang ahensya ng gobyerno tungkol sa ginawang pagpapaunlad ng Taguig sa baybayin ng Laguna Lake.

“Ano sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon? [Ang] pinakamagandang lakeshore sa buong Laguna Lake ay sa Taguig. Ano sinabi ng LLDA? Walang commercial [establishments] doon. Lahat ng naroon ay sa gobyerno. Lahat are for the public,” wika niya.

Ayon kay Cayetano, ang pagsisiyasat sa mga proyekto ng isang lungsod nang hindi nakaangkla sa katotohanan ay nakakaapekto hindi lamang sa reputasyon ng mga opisyal nito kundi lalo sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

“Hindi nakakapagsalita ang isang siyudad for themselves. But y’ung siyudad na y’an ay may buhay, may ekonomiya y’an. Mayroong investors na nililigawan yan. Obligasyon natin sa kahit anong siyudad na ipagtanggol ang kanilang reputation,” sabi niya.

Sa kabila ng mga isyung ito, nanindigan si Cayetano na magpapatuloy siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa publiko at hinimok ang mga kapwa opisyal ng gobyerno na bigyang-pansin ang mga suliraning direktang nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano