Cayetano’s birthday outreach promotes wellness and hope to Persons Deprived of Liberty
Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano marked his birthday on Wednesday by continuing his annual tradition of sharing blessings with Persons Deprived of Liberty (PDLs), bringing a medical caravan to the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon City Jail-Male Dormitory in Payatas, Quezon City.
Held on October 28, the medical caravan served hundreds of PDLs by giving them free medical consultations, X-rays, electrocardiograms (ECGs), whole-abdomen and prostate ultrasounds, urinalysis, blood tests, and free medicines. The senator’s team also handed over hygiene kits and food packs to all PDLs.
This marks Cayetano’s 15th year celebrating his October 28 birthday with visits to jails. For the senator, the initiative goes beyond celebrating another year of life.
During his birthday visit to the BJMP last year, he expressed his desire to bring medical specialists to the facility to help address the healthcare needs of PDLs and provide them with compassionate comprehensive care.
“Naisip ko ang health — mental, physical, and spiritual – na all throughout the year baka pwedeng may magtingin (sa PDLs) na iba’t ibang espesyalista,” he said in his 2025 visit.
“Human right naman ang health check para magkaroon tayo ng mas magandang sistema ng check-up… Para pagdating na kayo ay makakalaya na ay malusog na ang iyong katawan, isipan, at ang inyong espiritu,” he added.
The initiative also reflects Cayetano’s support for the BJMP’s rehabilitation programs and his belief that every person deserves a chance at a new beginning.
“Kayo ba naniniwala na kahit kayo ay persons deprived of liberty, maganda ang plano ng Diyos para sa inyo?” the senator asked the PDLs in his 2025 celebration, citing Jeremiah 29:11 which speaks of God’s good plans for His people.
Cayetano had then emphasized that a person’s worth and purpose are not defined by their circumstances or past mistakes.
“Ang message ko po sa inyo ay ang purpose ninyo. Kung bakit kayo nilikha at nandito, hindi nawawala iyan. Nagkamali man kayo, may purpose pa rin kayo diyan,” he said.
Through the annual initiative, Cayetano continues to use his personal milestone as an opportunity to extend care, support rehabilitation, and bring hope to PDLs as they work toward a fresh start.
Filipino Version
Birthday outreach ni Cayetano naghatid ng tulong sa mga Persons Deprived of Liberty
Ipinagpatuloy ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kanyang taunang tradisyon ng pagbabahagi ng tulong sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong Miyerkules, October 28, 2026.
Nagsagawa ang grupo ng senador ng medical caravan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas, Quezon City upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga PDL.
Daan-daang PDL ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal kabilang ang konsultasyon sa doktor, X-ray, electrocardiogram (ECG), ultrasound sa tiyan at prostate, urinalysis, at mga pagsusuri ng dugo. Namahagi rin ang grupo ng senador ng mga libreng gamot, hygiene kits at food packs para sa lahat ng PDL.
Sa loob ng 15 taon, nakagawian na ni Cayetano na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kulungan. Para sa senador, pagkakataon ito upang makatulong at magbigay ng pag-asa sa mga PDL.
Sa kanyang pagbisita sa BJMP noong nakaraang taon, sinabi ni Cayetano na nais niyang makapagdala ng mga medical specialist sa pasilidad upang mas matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga PDL at mabigyan sila ng komprehensibo at makataong pangangalaga.
“Naisip ko ang health — mental, physical, and spiritual – na all throughout the year baka pwedeng may magtingin (sa PDLs) na iba’t ibang espesyalista,” wika ng senador sa kanyang pagbisita noong 2025.
“Human right naman ang health check para magkaroon tayo ng mas magandang sistema ng check-up… Para pagdating na kayo ay makakalaya na ay malusog na ang iyong katawan, isipan, at ang inyong espiritu,” dagdag niya.
Ipinapakita din ng inisyatibang ito ang suporta ni Cayetano sa mga rehabilitation program ng BJMP. Naniniwala ang senador na bawat tao ay nararapat bigyan ng pagkakataong magbago at magsimula muli.
“Kayo ba naniniwala na kahit kayo ay persons deprived of liberty, maganda ang plano ng Diyos para sa inyo?” tanong ng senador sa mga PDL noong 2025, batay sa Jeremiah 29:11 na tumutukoy sa magandang plano ng Panginoon.
Binigyang diin din ni Cayetano na hindi nababawasan ang value at purpose ng isang tao dahil lamang sa kanyang pagkakamali o kasalukuyang sitwasyon.
“Ang message ko po sa inyo ay ang purpose ninyo. Kung bakit kayo nilikha at nandito, hindi nawawala iyan. Nagkamali man kayo, may purpose pa rin kayo diyan,” wika niya.
Sa taunang inisyatibang ito, ginagamit ni Cayetano ang kanyang personal milestone upang magbigay ng tulong at pag-asa sa mga PDL at suportahan ang kanilang rehabilitasyon at pagkakataong magsimula muli.
Share This Post