Cayetano says national change must begin with personal transformation

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano said lasting change in the Philippines must begin with personal repentance and a revival of the heart, followed by the restoration of the church and reform of society. He stressed that meaningful transformation requires Filipinos to look at themselves, strengthen their values and work together to address corruption and other.challenges facing the country
Transcript

(0:00:06) Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Pakisabi sa katabi mo maganda ang plano ni Lord sa yo. Plano na bigyan ka ng Hope at planong bigyan ka ng future. So, unang una, maraming maraming salamat po sa lahat sa inyo na nagbigay ng oras ngayon kahit na medyo mabilisan lang ang pag organize nito. Prayer for the Nation. Sa lunes may SONA. Many people have used this kapag may SONA, “Sana”. So we were thinking of about discussion kung saan noong narinig namin ang isang kilalang lingkod ng Diyos, Pastor of at one time a church in Mindanao, kasama ko po sa DFA. He was a senior undersecretary, si Pastor Ernie Abella nung narinig namin sya ni Pastor ni Former Secretary ng Anti Red Tape Authority, Atty Jeremiah Belgica, sabi namin, kailangan sila marinig ng iba at kailangan ito marinig lalong lalo na ng Christian Community. At sabi pa nga po ni Kuya Ernie, ni Brother Ernie, Alan dapat lahat ng Kristiyano ha. Pati ang Katoliko, ang Aglipay, lahat ng church na naniniwala sa Panginoong Hesukristo ay dapat makinig sa ating message kasi kailangan ang body of Christ ay nagkakaisa.

(0:01:58) So of course, this is for everyone, maging Muslim, maging hindi believer, maging someone who doesn’t believing in God, or someone who is searching in the sense of nation building. But in the sense of ano ang ating dapat gawin ay para sa ating tong mga kristyano. Let me start with the word, “Sana”. Ano po ibig sabihin ng Sana, sa english po, yung iba, I wish, yung iba, I hope. Hindi ko alam kung narinig nyo na ito sa ibang ministro o sa mga ibang Pastor o sa ibang nag i-speech. Ibang iba po ang salitang Hope sa Hebrew sa Bible sa modern english. Pag titingnan nyo po ang word sa Hebrew ay active, na basically ang sinasabi ay huwag kang mag alala kasi hindi bahala na si Lord, because we can hope in the Lord. 

(0:03:06) Yung isang Pastor nga sa CCF, gumawa sya ng rope. Pinakita nya kasi yung parang salita sa Hebrew ay parang ang equivalent nya ay rope na tinali sabay sabay na kaya mong asahan. Kaya nga pag asa di ba? Kaya mong asahan. Pero sa Pilipinas, so halimbawa nag open air tayo ngayon, Alan pano yon walang bubong baka umulan, I hope it won’t rain. Pano yon wala tayong makakain bukas, hindi, may pag asa. Hindi po yon ang hope o pag asa na sinasabi sa Bible. So halimbawa po sa Bible pag may battle o giyera, sabi, kung yon po ay laban ng Panginoon, panalo na po yon. Ang mga apostles po na kasama ng Panginoong Hesukristo medyo nakita na po nila yung mga miracles. Pero nung sinabing may pupuntahan sila, nagkwentuhan sila, sandali, saan tayo matutulog? Sandali, saan tayo kakain? Bakit, kasi noong panahon naman nila, wala naman pong bus, wala naman pong tren at wala naman pong grab at kapag sila wala pong gasolinahan na kung saan may Chowking, may Jollibee di ba?

(0:04:23) So noong panahon nila kapag maglalakad ka, pag mayaman ka, baka may camel ka or donkey di ba, may karwahe. Pero usually sila ay naglalakad may sandalyas, kung may sapatos, kung may sandalyas, yung iba nakapaa. So nag uusap usap sila, eh alam ng Panginoon Hesukristo kung ano nasa isip nila so ano sinabi sa kanila. Seek First, My kingdom and righteousness and everything else, and everything else should be added to you. So hindi po masama na magdasal na may pang matrikula para sa anak. Dapat nating ipagdasal. Hindi po masama na ipagdasal natin na gumanda ang mga ospital at sagutin ng PhilHealth lahat ng may sakit kahit bata pa tayo. Actually, bata pa tayo ipagdasal na natin para pagka marami ng maintenance na medicine at kailangan na, may answered prayer na. Hindi masama pong ipagdasal yun. Ang sinabi lang ng Panginoon, ang unahin mo muna yung kingdom ko at righteousness kung tutuusin tama po di ba? Bakit, kasi kung inuna natin ang kingdom at righteousness kahit hindi mo ipagdasal na magandang ospital, magandang ospital. Kapag sinabing sana walang baha, kung walang korapsyon, and I am not talking about flood control corruption, I’m talking about gumawa ng bahay sa ilog na hindi naman dapat. Palayan na hindi dapat ma-convert, pinuno na ng mga bahay. Maraming dahilan. Yung pagputol ng puno, illegal logging di ba?

(0:06:04) Maraming dahilan kung bakit bumabaha. Pero tama naman talaga ang sinabi ni Lord di ba? O yung sa eskwelahan, kung maganda ang takbo ng gobyerno, nandyan naman ang pera, and I’m not talking about this administration. I’m talking about every administration. I’m talking about even administration na tatay nyo, lolo nyo na pinagdaanan. Syempre nagbabago. Alam nyo po nung first, kay President Marcos, libre yung elementary, hindi libre yung high school. Pagdating ni President Cory naging libre yung high school. Of course kulang yung pondo kaya nga nagkaroon ng mass yung graduation. Panahon ni PNoy, halos kumpleto na yung classrooms pero dinagdagan ng two years, Kto12 so nagkaroon na naman. Pero ang daming ginawang school buildings at reporma si President PNoy. Pagdating naman kay President Duterte, libre naman ang mga State Universities. Dito naman sa Taguig, since 2010 awa ng Diyos lahat ng graduate may scholarship. But ang point ko po, if we seek his righteousness. We seek his kingdom. Wala pong conflict yon noong tinuruan tayo magdasal ng Panginoong Hesuskristo ano sabi nya kapag nagdasal tayo, Our Father who art in heaven, dinadasal po natin yan whether sa Katoliko, whether sa Aglipay, whether sa Baptist, whether sa Pentecostal, Methodist, lahat po. Ano sabi nya, Lord, your kingdom come here on Earth as it in heaven. Bakit natin dinadasal yun? May gutom ba sa heaven? Mayroong sakit ba sa heaven? May scam ba heaven? Whether yan ay text or pyramiding, wala. Kasi hindi lang because it is heaven where God has his Throne and Kingdom but also because the culture of God’s Kingdom.

(0:08:03) Tingnan nyo po pumunta kayo sa ibang, hindi sya kingdom pero punta kayo ng ibang nation, punta kayong SIngapore, Sa Singapore po ba, kapag po ba naglalakad ang mga dalaga ng ala una, alas dos ng umaga may danger silang mabastos? Almost zero. Tingnan nyo po sa Japan kapag naiwan nyo ang pitaka nyo or Bag nyo sa maraming tao pa, may danger ba yun na manakaw? Malliit po ang danger halos wala, bakit? Kasi po yung kultura. So were here today talking about the Biblical Hope because sa Monday we will hear the SONA. and were praying for leaders, praying for our country, praying for our future. Pero hindi pwedeng yung hope natin nasa tao. Hindi pwedeng yung hope natin nasa pulitika o proseso. May nakita ako kahapon, sabi, Sir, bawi na lang tayo sa 2028. Alam ko ibig nyang sabihin. Pero between now and 2028 or 2028 to 2034, ano ba gagawin natin as God’s people? Para magkaroon ng pagbabago and that’s why we will have time with Pastor Undersecretary Brother Ernie and Brother Jeremiah and may Question and Answer mamaya. So yung short part ko, in-explain sakin to ni I think 2021 ni Bishop Jun Escosar ng Victory of Every Nation. Sabi nya, Alan meron kasing simpleng formula yan. Binanggit nya po ang isang greek philosopher na si Drocious, sabi nya, you cannot rule an empire unless you know how to rule Nation but you cannot rule Nation if you don’t know how to rule a village and you cannot rule a village unless you know how to rule your family. You cannot rule your family or serve your family unless you rule yourself. So ang isang nanay, tatay, kuya, ate na head of family breadwinner pero sugarol, lasenggo, nag aadik adik, hindi nya pwedeng pangunahan yung pamilya nya. Kahit na may leadership potential sya kahit ma-elect sya

(0:10:29) because nga you have to start with yourself. So based of sa kwentong nyang yon sinasabi nga nya so the first part ng pagbabago sa ating bansa ay revival of the heart. We have to admit na patay tayo because of sin di ba? But because God forgave us, because his son came, pwedeng mabuhay tayo ulit at ang mabuhay ulit ay revival di ba?

(0:10:59) So kung lahat tayo patay ang puso, okay lang magnakaw, okay lang mag sinungaling, okay lang mang daya sa exam, ah okay lang may hingian kapag ka-mag babayad ng tax diba? Walang pagbabago kahit baguhin mo yung sistema, kahit napaka-galing ng leader, ng secretary, ng commissioner, ng executive secretary ng pangulo. 

(0:11:26) After the revival of the heart, saan ba pumupunta ang mga taong na-revive ang heart? Diba sa church? Whether yan ay maliit na church, house church, whether yan ay napaka-laki na church. Whether ikaw ay consistently sa isang church o sa maraming church. Yung body of Christ church. 

(0:11:42) So, yung pangalawa po ay restoration of the church. Bakit po restoration? Kasi yung unang church po, yung iniwanan ng Panginoong Hesukristo ay medyo may mga pinagdaanan. Diba nung una yung ibang apostle gusto nga na pagka yan ay Gentiles o hindi Hudyo eh kailangan circumcised, kailangan ganito pagkain nyo, etc. 

(0:12:06) So maraming binago ang Panginoon, nag debate pa si Apostle Paul, diba? At si Apostle Peter, nagkasundo sila nung nagdasal sila. So yung unang mga doktrina, at kung saan yung kapangyarihan. Healing, casting out of demons. Yung mga community magsasama. Maraming wala biglang lahat ibibigay ang pera nila to share to everyone. Nawala po yun over time, nagkaroon ng denominations, nag debate, nagkaroon ng iba’t-ibang doktrina.

(0:12:38) Yung iba church dapat nakikialam sa politika, yung iba hindi tayo nakikialam sa politika. So, hindi tayo dito para mag debate ng doktrina. Pag nag debate tayo ng doktrina ay hindi po tayo matatapos.

(0:12:48) That has been going on for more than 2,000 years and we’re not proposing today na matapos yon but we are proposing that after the revival of heart there has to be a restoration of the church. Bakit po? Gusto po natin magbago lipunan. Halimbawa, ako personally po, isang nilabanan ko po dito po sa siyudad ng Taguig, sa buong Pilipinas but dito yung sugal, diba? 

(0:13:13) Hindi ko jina-judge yung mahilig mag sugal, mahilig mag-libang pero in reality it’s hardwork. Diba? It’s your purpose. So ang daming nangyari kaya hindi tayo nagkaroon ng casino, hindi tayo nagkaroon ng sabungan. In fact kung natuloy po yung casino sa fort hindi ganyan yung BGC ngayon, diba? Ang problema hindi naman natin pinreach ng pinreach yon hindi natin ininculcate sa mga eskwelahan so nung nagkaroon ng online gaming, ang dami din pong nalulong sa online gaming tutal limang piso, sampung piso. Pretty soon tricycle driver, jeepney driver, arawan nasa construction yung pang buong araw nya, naitaya na. 

(0:13:55) What’s my point? Hindi po masasabi ng church sa gobyerno itigil nyo yung sugal. Kung mismong mga nasa church nag susugal. Hindi po masasabi ng church, gusto namin mga opisyal namin ay loyal sa asawa. Madalas ko ‘tong marinig po sa mga Amerikanong pastor na sinasabi nung ibang mas bold na pastor may kilala akong pastor na dalawa tatlo ang girlfriend doon sa kanyang flock. Eh paano mo ngayon sasabihin sa politiko? Paano mo ngayon sasabihin sa head ng university? Paano mo ngayon sasabihin sa ibang mga religious leaders katulad ng pari na may vow of celibacy. Paano mo sasabihin na dito sa church namin nagbabago kami, buhay ang panginoon, samantalang dito sa church namin ganon ang nangyayari.

(0:14:45) So hindi ko po sinasabi na may perpektong church ha? Hindi po ayon ang message natin today, ang message po natin, kung natin kung dati may tatlong r para sa bata matuto… reading, writing, arithmetic. Sounds like yung arithmetic lang, sounds like r. Sa atin po may apat na r. Revival of the heart, R reformation of the church, at pag reformed na yung church, meron na po tayong power sa reformation of society. 

(0:15:15) Sabay sabay naman pong nangyayari yan. Eh kung sampu palang kayo sa church, sampu palang yung na revive na heart pero dumadagdag. Kung sampu yung church na may sampu, isang daan kayo. Kung yung sampu na yon sa church nililinis ang buhay, nililinis yung church, maganda yung patakbo may reformation, meron sila moral ascendency, may power po sila kapag lumalapit po sila kay kapitan, pag lumalapit po sila kay principal, pag lumalapit po sila kay head university, pag lumalapit po sila coast guard, pag lumalapit sila sa LTO diba?

(0:15:50) Ano po yung isang r? Yung isang r na makikita mo sa revival, sa reformation at restoration po ay repentance. And let me stop there by saying this, diba? Sa hope sinabi na natin yon, iba yung hope doon po sa bible sa hope sa english. Sa english parang sana mangyari, i hope so. Sa bible, may active believe ka mangyayari kasi ang pag asa ko sa panginoon, ganon rin po sa repentance.

(0:16:25) Ngayon po yung parang repentance is, “Alan ang ingay ingay mo naman”, edi sorry. “Alan late ka na naman”, edi sorry. Ah, napagalitan ako ng asawa ko “Sinabi ko nang wag mo ‘tong gawin, Alan. Ginawa mo pa” darling, pasensya kana. Hindi po yon yung repentance. Yung repentance po, hindi ka ‘sorry’ dahil nahuli ka. ‘Sorry’ ka dahil mali at may sorrow sa heart mo sa soul mo na nagkasala ka sa panginoon o sa kapwa tao. Diba? Minsan ako nasa argument… napupunta sa heat ng argument lalo pag family member yun diba? O lalo kung ka-close mo. Then afterwards pag lumapit ka, sabihin tol o pare o si pasensya kana talaga. Ramdam mo eh kung talagang he meant it diba?

(0:17:17) So yun po ang… I’ll not elaborate on that but if nakukulangan kayo sa pagbabago sa ating bansa. Sa kahit ano level, sa church, sa ekonomiya, sa gobyerno, sa edukasyon, sa kalusugan. Its because kulang po ang ating repentance. Kaya hindi nagkakaroon ng revival, kaya nabibitin yung restoration. Kaya yung reformation diba. So if we want something new, you need renewal. But something old cannot be something new. So sasabihin ko sa inyo ang bagong Alan ay on time parati, sige po speaker ka ngayon. “Anong oras ka magsasalita? 2:30” “Anong oras ka dadating? 3 o’clock” hindi po new yon. Yun parin yung luma. 

(0:18:08) So we worship together mamaya may Q&A. Ang daming young people dito. Please pray over the weekend for everyone, for everyone. For our nation, for our city. Pray na talagang yung sabi po ni Pastor Ador, thank you Pastor sa pagpapakilala Pastor Ador. Ang sabi mo, kung ano ang itatanim, yun ang ating aanihin. So we have to plant the seeds of prayer, repentance and revival. Napakadali pong ituro yung iba and ako guilty din diba? But we have to look to ourselves but we also have to fight diba? So katulad po sa Taguig, ang dami po nating nilabanan dito. From corruption, to the casinos, to drugs etc. at kaya ganyan yung pagbabago. So pag may challenge ang prayer natin truth. Ang prayer natin mercy, protection, God’s grace. Pero ang prayer natin lalo pong gumanda ang ating city. 

(0:19:14) So to be fair po ang Pilipinas ng 1980 labis gumanda naman nung 1990, labis gumanda non kaya nga po ang question dyan potential, diba? Ibig sabihin po diba kapag sinabi ko sa tatay ko na “Dad, pumasa ako” ang sabi nya “Anak, actually kaya mo mag honor eh. So hindi ako galit na… proud naman ako pumasa ka, hindi naman ako galit, hindi ka naman bumagsak. Pero alam ko potential mo, pwede kang honor” So natutuwa tayo sa pagbabago sa ating bansa pero kung titignan mo po yung kayamanan, influence.

(0:19:54) Tingnan nyo na lamang po lahat ng OFW natin, kung saan po napunta ang mga Filipino, tinitingala sila, maging nanny, pangalawang nanay sa kahit anong bansa po lalo sa Middle East, sa Hong Kong, maging medical workers natin, maging mga engineer natin all around the world, maging mga doctor natin, maging mga scientist natin. Kapag Filipino iba talaga. Mahal ang kanilang kumpanya, mahal ang kanilang ano, pag alas singko na, ayaw pa rin, gusto tapusin ang trabaho. So ang problema pagdating sa Pilipinas, iba yung kultura. Pero sa bansa na medyo maganda ang work ethic, maganda ang kultura, maganda ang ethic sa business, sumusunod tayo. Pagdating dito, yun ang kailangan natin baguhin. 

(0:20:42) So again, welcome, thank you and we’ll be hearing from our two speakers then prepare your questions. God Bless you po at salamat muli na nandito po kayong lahat. Salamat Brother Rommel sa pag li-lead ng ating worship. Bumiyahe pa sila just to be here but birthday din po ni Ate Sue, so sya magpapakain ng early dinner mamaya nandiyan sa likod. Happy birthday.

Gallery
More Media Resources

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano