(0:00:00) I thank God for this opportunity to again directly talk to you, mahal naming mga kababayan, sa Luzon, Visayas at Mindanao, lalong-lalo na po sa mga nagsasakripisyong Pilipinong nagtatrabaho abroad. Magandang hapon sa inyo, parati po natin pinagdadasal na pagpalain ang ating bansa. Kasama po sa pagpapala ay ang katotohanan.
(0:00:29) This verse, John 8:32, “Then you will know the truth, and the truth shall set you free”. Madalas po ito ma-quote, “the truth shall set you free”. Yan po ay pwedeng gamitin sa spiritual, sa religious. It’s a biblical principle, but it is also applicable to everyday life.
(0:00:57) For example, yung isang addict sa sugal man, sa drugs, pag hindi niya inamin sa sarili niya yung katotohanan na ako’y addict, na siya’y addicted sa drugs, for example, hindi siya mase-set free. Hindi magkakaroon ng pagbabago. Lies continue to enslave us. Truth set us free.
(0:01:21) So today, I’m here to tell you some fundamental truth about what is happening in the Senate and in our country. Let me start with the May 11 change in leadership and also on the walkout by the minority.
(0:01:44) In both cases, my objective, nung May 11, kaya pala nandun yung NBI, kaya pala pinapasok nung mga nasa majority noon at nasa minority ngayon, ayaw nila magkaroon ng palitan ng leadership.
(0:01:56) Ang sinabi nila na hindi katotohanan ay dahil daw ito sa impeachment. Pero yun pala, ito ay tungkol sa maraming bagay kasama po na magkaroon ng independent impartial impeachment but also ayaw na magkaroon ng hearing sa Blue Ribbon na kung saan lalabas ang buong katotohanan. Marami pang ibang issue na sa mga susunod na araw ay pag-uusapan.
(0:02:23) We are listening to you, we hear you, na ang pangunahing issue ay trabaho, ay kita, ay ang taas ng presyo, yung araw-araw na kabuhayan ng ating kababayan. Yan po ay pinakamalaking issue. Ang ating survival, spiritual, physical, financial survival is always a priority. Pareho din sa help po yun, yung po ang speech ko nun, na ang ating spiritual health, physical health, mental health, financial health ay napaka-importante at dapat we look at the bigger picture. Pero tignan niyo po, para siguraduhin na mapagsilbihan kayo ng bagong majority, we want to make sure…
(0:03:09) That kahit anong gawin ng outside forces maging administration o yung labing isa, nandyan yung labing tatlo or at the very least labing dalawa para yung sinasabing subukan naman natin ito.
(0:03:24) Masubukan nyo kung anong madi-deliver namin sa inyo. Ang problema, for the last three weeks, walang ginawa kung hindi takutin kami, i-twist ang aming arm, offeran ng kung ano-ano para lumipat sa kanila. I’ll go back to that later on. What’s my point?
(0:03:45) You want an independent Senate. Our Constitution provides for the separation of power. Bakit separate? Because they are interdependent but they are independent. Ibig sabihin po, one cannot survive without the other. Hindi naman po pe-pwedeng walang Judiciary. Hindi pwedeng walang Executive department. Pero hindi naman po pwede po na executive department lang at puppets lang po ang nasa Judiciary or in this case, the Legislature.
(0:04:16) So, nung nag-walk out po sila, ano sabi nila? Nautakan ang majority, na gamit ang rules ng minority. Sabi nila, master ang play ni Senator Tito Sotto dahil alam niya yung rules. Ayaw po nila na magkaroon ng online dahil sa bibig na rin nila nanggaling.
(0:04:38) Sabi nga nila ang isda sa bibig ng gagaling, may ikukulong daw. Bakit nila alam yung timing sa kulong? Sinabi ni Sen. Jinggoy, hindi lang ngayon nangyari sa kanya yan since February. Wala na daw kaso pag siya po ay sumunod sa kanila. In this case, lumipat. So sabi ni Sen. Jinggoy sa susunod na kabanata na lang, sasabihin niya po or saka na niya sasabihin kung ano ang ebidensya niya kung sino-sino.
(0:05:08) Hindi hearsay sa akin ito dahil napakinggan ko ilan nilang conversation. So alam ko for a fact na totoo na bina-bargain ang kanyang kaso.
(0:05:19) Mabalik lang ang majority sa ngayon na onse o minority. Kaya parati ko inuulit-ulit, huwag kayong magpa-onse sa onse. E sabi nila ngayon, paano na yan, onse-onse na? So, isi-simplify ko po ha. Ito po yung main message ko ngayon. Isi-simplify ko po ha. Main message na naka-ugnay sa truth. Truth.
(0:05:42) Nag-walk out sila dahil ayaw po nila na makaboto yung ilan naming mga kasama. Yun po, sa kanila mismo nang galing yun. Objective ng walk out nila, sila ang maging majority. So ngayon naman po na walang forum at walang session yesterday and today, may kasamang mga protesta yun, protest against a puppet senate na gusto nila.
(0:06:08) But it is also a parliamentary tool to ensure na tuloy ang Blue Ribbon hearing sa Thursday. Ulitin ko po ha, ginamit nila yung parliamentary tool na walk out para po hindi matuloy ang pag-change ng rules. So ngayon po ang majority, ginagamit din po ang rules sa tama, morally, legally.
(0:06:32) To ensure na hindi agawin ang mga committees para po matuloy ang hearing ng Blue Ribbon sa Thursday at ang iba’t iba pang mga importanteng hearing sa bawat committee. Yes, you heard me right. Sa kanilang official or unofficial spokespersons, meaning sila mismo, or yung mga avatar nila, or yung mga vloggers, formal, informal, PR spokesperson, ang nagsabi na, sa 11-11, umabsent lang yung isa, mag-abstain lang yung isa, they can move. Sabi po sa isang…
(0:07:14) Pahayag o isang vlog at sa iba pong mga news reports, pwedeng maging lame duck Senate President si Alan Cayetano. Taga Taguig at pateros po kami. Kahit lame duck, lumalaban pa rin. So alam po namin plano nila. Ang plano nila, abangan tanggalin ang mga committee sa legitimate majority. Why do I say legitimate majority? In a completely independent Senate, 13 is 13. Kahit na sa abroad, kahit fugitive, kahit na nakakulong. In a democracy, you cannot say, I love democracy. Tapos pag minority ka, gusto mo, ikaw masunod.
(0:07:54) Pag minority ka, you have a moral influence to try to influence the majority. But you cannot supplant your decision for the decision of the majority. We have the majority. 13 elected. Senators out of 24, actually 14 kami na pressure nila yung isa. In the future, I can show you paano siya tinakot and I can show you kasama talaga namin ang problema nga tinakot at ang pagpihit ngayon pagkakulong ni Senator Jinggoy ay ginagamit nilang panakot sa iba. Don’t get me wrong, I’m not blaming the Sandiganbayan or the law or legal processes.
(0:08:33) I’m saying later on it will be revealed that they abused the Blue Ribbon Committee. They abused yung paggamit sa investigation ng DOJ at Ombudsman. I won’t go there right now because I want everyone to fully understand the situation.
(0:08:51) The situation now is that we want an independent impeachment. Magaganap po yan. Walang mga scheme, sinister plot. Basta kung anong ebidensya, lalabas yung ebidensya. And I will correct kung totoo yung reports about one senator na pag sila daw majority, malalatag nila ebidensya, hindi po. Ang prosecution dapat ang lumatag ng ebidensya nila to convict. Ang defense ang dapat lumatag ng ebidensya nila para ma-acquit. Ang Senator-Judges ay dapat mag-examine ng mga ebidensya. Okay? So, in accordance with the rules. And there are rules. There are rules of evidence. So, people will be able to judge us. So, that’s one important thing, the impeachment.
(0:09:35) The other important thing is yung ekonomiya natin, presyo. So, in the next few days, we will be announcing to you the hard work that we’re going to do in the different committees to help address inflation, to help address ang problema sa production sa agriculture, to help address yung mga walang pera sa pagpapagamot.
(0:09:58) After summer, pasukan to help address the problems of K-12, to help address the problem ng mga gustong mag-aral, hindi makapag-aral. There are many, many other problems in between that. Sa kabuhayan, marami sa ating mga kababayan sa Middle East, may problema sa trabaho or sa kita. Marami sa ating importers, sa taas ng dolyar ngayon, nahihirapan. So napakaraming problema.
(0:10:22) But if we allow the flood control issue, the biggest corruption issue in our history to go unchecked, let me throw you this question. Alam nyo na ba kung ano talaga ang scheme o scam sa flood control? Ilan ba talaga ang ghost? Ilan ang hindi ghost? Ilan ang substandard? Bulacan lang ba? O maraming lugar sa ating bansa? Senador lang ba? May congressman? May cabinet member ba? May mastermind ba o wala? Ano yung real numbers sa 1 trillion a year sa 2023, 2024, 2025? Ano ba dyan ang tama? Ngayon ba? Wala na bang corruption ngayon sa infrastructure problems? Kamusta ang ating flood control? Pag umulan ba ng malakas ngayon, makakasiguro tayong hindi babaha? So ang dami pong tanong.
(0:11:17) Hindi po ito masasagot kung wala tayong independent, impartial na hearing. May hearing ang ombudsman, may investigation at hearing ang ombudsman at DOJ. But what about the Blue Ribbon Committee? We gave Senator Lacson a chance. Napakatagal yun. Kayo na mag kwenta ilang buwan o isang taon, di ba? So, Senator Marcoleta had one hearing. Pipigilan natin yun? Witnesses. Pag nandyan na yung witness, matatest natin. Kaya ako hindi ako nagja-judge. Pag nakita ko sa Presscon, of course, I’m intrigued. Of course, I listen. I do a little bit of research. But until matesting yan sa cross-examination, dun pa lang ako maniniwala at ibabalandra ko po yan or sa side-by-side ko sa mga existing na ebidensya.
(0:12:07) So again, uulitin ko po ha, kailangan tignan po natin nangyayari sa Senado sa mas malaking konteksto ng katotohanan. Gusto ba natin na ang Senado ay maging kasangkapan ay gamitin para ilabas ang totoo o ito ay kasangkapan para itago ang totoo? Is the Senate for truth or not? Now, it’s quite unique if you say that the number now is 11 – 11. So, what’s important for me is we don’t have a puppet or dependent Senate. And what’s important to me is that on Thursday, matuloy ang blue ribbon and tumuloy-tuloy yung iba’t-ibang mga committee.
(0:12:49) So, we will keep you updated. There are many questions or issues sa mga kapatid natin sa media, send your questions sa aking MRO. This afternoon, I might answer some. If not,
tomorrow, Thursday, Friday, I will be answering one by one all of those questions.
(0:13:05) But for today, I want us to all ask, hindi ba when we passed the 1987 Constitution, ang isang basic principle doon, katotohanan. Di ba nung nagkaroon ng EDSA 1 at 2, katotohanan. Pinakamalalaking skandalo sa buong mundo, Watergate. It’s about truth, katotohanan. Ngayon, lahat ng propaganda sa Iran, sa Israel, sa US, presyo ng langis, hindi ba ang isang isyu dyan katotohanan? Ano ba ang truth tungkol sa lahat na ito? Ang corruption sa ating bansa ay hindi mabibigyan ng lunas kung walang pagbabago at walang pagbabago kung hindi tayo magsisimula sa katotohanan. So, I challenge all senators, both from the minority and majority, what’s more important to us? Position? Huwag mabanggit yung pangalan natin. Huwag tayo makasuhan. Malapit tayo sa administrasyon. 2028, may ambisyon.
(0:14:01) If you say you love the country, then why not fight for it? And you know, you may say a lot of things about Senator Jinggoy. You may talk about his past. But I will reiterate, I am a witness. Narinig ko yung mga offer sa kanya, wala ka ng kaso, huwag ka lang kakalas. Nung una huwag ka sumama dyan kay Senator Loren. Ngayon naman, kumalas ka at join the minority. The minority senators knows this. So stop lying. You know this. Some of you are using it in talking to us.
(0:14:36) Sabi ko naman sa inyo, pumili tayo ng 13. I’m ready to go anytime, any day. Basta’t may 13 na. Show me 13. Wala ng problema. Ang pakiusap ko lang. Let that be 13 that are fighting for the truth, so that the truth can finally set the…truth can finally set all Filipinos free. God bless you. God bless the Philippines.