SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00:00) Ayan po, sorry medyo mahina yung internet. Breakfast muna kami tapos papunta nga sa Sarangani at saka Gen San. So sinasabi ko nga si Brother Robin, kumukuha talaga ng mga pictures, video, pinapakita sa mga kaibigan kasi yung relief operation, maganda yan.
(0:00:21) Pero importante yung rehabilitation, di ba? So yung mga nawalan ng bahay, for example, any amount, 500, 1000, 5000, will help. Pero siyempre, pag yung buong bahay, marami kasi yung buong bahay na wala, di ba? Maraming totally damaged, partially damaged. Maraming may trabaho, nawalan ng trabaho muna kasi nga, nasira din yung kung saan sila magkatrabaho. Then siyempre, yung mga estudyante na trauma din.
(0:00:50) Medyo iba din style dito, yung kanilang sili, may sawsawan, suka, kamatis, ayun yung kanilang timoy at yung suka nila. Yan ang specialty nila, yung suka at sili. Hinihintay ko gulay kasi nagte-text asawa ko.
(0:01:18) So anyways guys, prayers for the Nation, we’re a country na mahigit sampu, labinglima ang bagyo every year, may mga active tayong bulkan tapos yung linog o earthquake diba? Last year sa Cebu, nung nagka-Yolanda, right before that sa Bohol. Grabe yung…Ngayon, napakaraming lugar dito sa Mindanao. So, they appreciate the help. Any help relief is very important, pero rehabilitation. We have to see things through. Hindi pwedeng konting tulong ang gobyerno tapos bahala na si Batman o bahala na kayo.
(0:01:55) Brother Robin, mensahe mo sa kanila?
SENATOR PADILLA:
(0:01:58) Opo. Ang ano ko lang, tama po yung sinasabi nung aming pinuno. Kumbaga po sa may sakit ka, hindi pwede puro Biogesic? Hindi pwede puro relief lang. Dapat meron po talagang plano. May gamot talaga dun sa cancer ng ating lipunan.
(0:02:14) Kaya ako po ay, mga mahal pong kababayan, maraming salamat po sa inyong suporta sa aming pinuno, sa aming samahan at naniniwala po kayo na kami po ay nandito dito para sa inyo. Sa lahat po ng tumutulong dito po sa nangyari sa Mindanao, maraming salamat po at sundan po natin ang mga aksyon ng aming pinuno.
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:02:40) So binabati din namin ni Robin yung mga galit sa Facebook. May mga kasama kasi kami galit na galit pag nag fafacebook kami. Pero so far, natutuwa naman yung mga kasama namin dito. But talking about Facebook, may I encourage everyone, pag may anomalya sa lugar ninyo, may kalye, may covered court, may kung ano man project na hindi natatapos, kung lugar niyo po ay may illegal na mining o kaya nagpuputol ng puno na hindi naman dapat, gamitin natin yung social media natin na panggising sa ating…
SENATOR PADILLA:
(0:03:16) Huwag puro tsismis. Gamitin natin sa tama.
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:03:19) Ang kahit anong tool naman, pwedeng gamitin sa tama’t mali. But tulungan natin ang gobyerno. So, ito baka nanonood kasi asawa ko, maya-maya, may gulay na kami love ah. Masarap yung gulay, tsaka isda naman.
(0:03:36) So, God bless you po. Maya-maya mga naghanda sa Sarangani at Gen San sana makatulong kami ng konti. God bless you po.