Addressing bribery allegations against witnesses

Senator Alan Peter Cayetano questioned allegations that the 18 former Marines were paid for their testimony, giving the witnesses an opportunity to publicly deny the claims and explain their circumstances before the committee.
Transcript

SEN. MARCOLETA:

(0:00:00) Kung totoo pong ganon kayaman si Mike Defensor. Magkano Mr. President? 5 Million each?

SP ALAN CAYETANO:

(0:00:14) Sa nakita ko 5 million lang, walang each. Pero meron din finorward si Senator Imee na Inquirer.

SEN. MARCOLETA:

(0:00:23) So kayo po ngayon ay narinig po ninyo ang diumanoy balita na kayo po ay binribe ni Mike Defensor sa halagang limang milyon, each ba? 

SEN. IMEE:

(0:00:38) Each po. So, 90 yun. 

SEN. MARCOLETA:

(0:00:40) So, 90 milyon po ang pinambribe sa inyo ni Mike Defensor para lang gumawa kayo ng ganitong salaysay na sa aking pananaw ay ginawa ninyo sa… 

SP ALAN CAYETANO:

(0:00:53) To clarify, Mr. Chair, sa Inquirer.net naman, yan, nakalagay na…Allegedly bribed each of the 18 ex-Marine 5 million. So each, so bawat isa. 

SEN. MARCOLETA:

(0:01:07) So, simple lang po ang tanong. Totoo po ba kayo ay binigyan ng pabuya ni Mike Defensor? Bawat isa sa inyo ay tig-li-limang milyong piso para gumawa kayo ng salaysay na ito na inyo ngayong ibinigay sa amin kagunay ng pagsisiyasat sa flood control scandal? 

MARINE:

(0:01:28) Hindi po, Your Honor. Pwede po bang ihirap dito, Your Honor, yung nagsabi niyan? Para patotohanan niya? Sa ngayon po, Your Honor, halos nga yung pamilya nga namin ngayon. Yung kakapiranggot na ipon namin, hanggang ngayon, yun po ang pinagkakasya namin. At yung pagkain po namin, nagkakaroon lang po kami ng sa ngayon. Nagkakaroon po kami ng yung mga konting ipon, tawag nito, yung chip in chip in, nagtyatyaga po kami sa sardinas na makain. Kung nabayaran po kami ng ganiyang halaga, edi napaganda na po sana namin yung buhay namin, Your Honor. 

SEN. MARCOLETA:

(0:02:18) Salamat po sa inyong confirmation na hindi po kayo talaga nabigyan ng kahit anong halaga. 

ATTY. BALIGOD 

(0:02:24) With your permission, Honorable Chair. Yung kung 5 milyon bawat isa, sana medyo okay na ang buhay nila kung tutuusin. Pero makapagpapakita po ako ng mga katibayan na halimbawa, nung na-hospital ang anak at asawa ni Belnard Tube, kumakailan lamang, ay kailangan po namin hanapan ng makakatulong. 30 mil, 30 mil po yung hospital bill ng bawat isa, asawa, anak.

(0:02:56) Nung naoperahan yung nanay ni Bobares, talagang pinaghirapan ko rin po na makaambag. At nasa akin din po yung resibo nung binayaran. Nung namatay po ang tatay ni Buduan, kumakailan lang din po, ay kailangan din pong pagtulungan namin para makabili ng kabaong ng tatay niya.

SEN. MARCOLETA:

(0:03:23) Baka naman, Atty. Baligod, nung kayo po’y nagtulong-tulong para makakalap ng halagang may tutulong nyo, baka naman isinilid nyo pa sa maleta kasi? Baka napagkamalang akala mo na napakalaking pera naman nung nakalap nyo itulong sa mga na-hospital, na kamaganak ng inyong mga kliyente. 

ATTY. BALIGOD:

(0:03:46) Alam mo po yung, your honours, ang motivation ng mga sundalo na ito, bago nila gawin yung kanilang affidavit. Ang sabi nila sa akin ay, Atty, nasubukan namin ang nakipaglaban. Muntik nang mawala ang aming buhay. Pero sa panahon ngayon, gusto naming magpakasundalo sa mga Pilipino, yun po ang motivation nila. E kung yung, alam nyo po, kung accusation lang na galing kay Matibag,

(0:04:19) Naaawa po ako sa NBI eh dahil eroded na yung credibility dahil kay Matibag. 

SEN. MARCOLETA:

(0:04:25) Alam natin gagawa lahat sila ng anong klaseng usap para lamang bigyan kayo ng batik para lang hindi kayo paniwalaan ng ating mamamayan. Ang mamamayan po ngayon ay nakikinig. Sila po ay sumusubaybay sa pagdinig na ito. Sila po ang higit na nakakaalam kung sino kayo dahil alam nila ang katotohanan sa likod ng inyong mga sinasabi. Attorney Baligod, inumpisahan ko ito nung dumating dito si Master Sergeant Orly Guteza. Pinagsisihan ko nga na naipresenta ko pa sa hindi ko kasi alam na ganun ang gagawin sa kanya. Ang bunga kala ko kasi, Attorney Baligod, ang isang taong katulad niya, talagang hindi ko siya kilala. Wala akong panahon noon nakausapin siya, kaya lang nagmakaawa siya na kung pwedeng makausap ko kayo. Sabi ko, mag-aalas tres na. I can only spend at least 10 minutes. Kasi babalik ako, ayaw ko mag-absent dito. Nakikita ko siya, may daladala siyang kasulatan. Nung binasa ko, sabi ko, mabigat ito, nakahanda ka bang itestify ito? At ano naman ang motivation mo para gawin ito?

(0:05:36) Unang-una po kanya, ako po ay naliligalig na po ang aking kalooban dahil ito po palang trabaho namin. Nakikita namin sa pinag-uusapan po ninyo dyan sa Blue Ribbon Committee. Ito po lang mga maletang ito ay puro pala, pera po ng bayan pala ito na kung saan sa lang napupunta. Kaya gusto ko pong mag-testify. Alam mo ba ka kong kahihinatnan mo dito? Alam ko po. Alang-alang na lang po sa bansa. Alang-alang na lang po sa pamilya ko at mga apo ko. Hindi pa rin ako naniwala ron eh.

(0:06:07) Parang added na lang na kumpiyansa. Sige, panotaryo mo nga yan. Kasi talagang alam kong mabigat ang gagawin niya. Panotaryo mo nga yan. Pinanotaryo niya po. Nagkaroon pa ng problema. Ginamit pa ang dahilan sa kanya yung notaryo. Walang kasalanan ng tao. Parang siya pang pinalitaw na naging bintari. Para ba siya nakahanap ng notarial seal, nakahanap ng dry seal, at siya pang pumirma. Ganun po yung nangyari. Tinakot yung tao.

(0:06:35) Hindi namin malaman, mga ilang araw namin siyang hinahanap, wala ng kontak. Palagay ko, yung mga kayo ay nakontak nyo siya one way or the other, pero nawala na lang siyang parang bula. Bagamat yung kanyang salaysay, kagaya ngayon, ay pinanumpaan niya. Pero kailangan pa niyang usigin sa notaryo. Nawala na pong kinalaman dahil sumumpa na po siya sa harap namin eh.

(0:07:01) with or without the notary, pwede na yun eh. Pero ginamit pa yun na pantakot sa kanya. Kaya kayo po’y tatakutin din eh. Kaya ganyan sinabi ngayon, hindi pa tayo natatapos dito, kayo’y nabigyan na ng 5 million pesos each. Ganyan po, ganyan po ang gagawin. Sino po po ang gustong magsaysay ng kanyang personal na kaalaman tungkol sa pagdideliver ng pera?

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano