Bringing hope to earthquake-hit communities

Senator Alan Peter Cayetano assured earthquake victims in Glan, Sarangani of continued support, stressing that recovery should go beyond relief through rehabilitation and reforms that strengthen government accountability.
Transcript

(0:00:00) para sa inyo. Planong pagpalain kayo, hindi saktan. Planong bigyan ng pag-asa at kinabukasan. Naniniwala ba kayo may plano ang Diyos sa inyo? Kahit na panay tent city tayo ngayon, kahit tuloy-tuloy na yung mga aftershocks, kahit na nahihirapan ang ating bansa at panay pagnanakaw kaliwa’t-kanan, pakisabi sa katabi mo may plano ang Diyos sa iyo.

(0:00:28) Ako kay Mayor, kay Mayor Yap ko sasabihin at sa kanyang asawa, Mayor, may plano ang Panginoon para sa inyo. Pakisabi sa katabi nyo, babangon tayo. Alam nyo po, nung mga panahon na nawawalan kami ng pag-asa sa Senado, dalawa po nagbigay ng pag-asa sa amin. Una po ang Panginoon. Pag sinabi ng Panginoon, laban ko ‘to, kaninong laban yun?

(0:00:55) Laban niya. Pangalawa po, yung mga bata. Ang bata po kasi, hindi sinusunod yung sinasabi natin. Ang bata, sinusunod yung ginagawa natin. So, ko-konti man po ang dala namin ngayon, konting grocery, konting bigas, tubig, at konting building material, gusto namin makita ng inyong mga anak na ganito man inabot nyo, babangon po kayo.

(0:01:24) At mas maganda pa. So, ang ating pong layunin ay tatlong R. Nung bata pa kami ni Mayor at ni Robin, tatlong R natin. Actually, hindi R yung isa eh. Reading, Writing, Arithmetic. Di ba? Si Cong Carol, kasama ko sa Congress. Hindi nakakalimot yan. Kay Ate Pia, yung ospital. Di ba? Yung munisipyo. Hindi naman natin alam magkakalinog. Di ba? 

(0:01:51) Pirming kasturyahan ko si Carol. Kinahang lang daw ng ospital, kinahang lang daw ng barangay hall, kinahang lang daw ng munisipyo. Ang pangutana ko sa kanya, maliit na bayan… 

(Bisaya translation: Lagi kong kausap si Carol. Kailangan lang daw ng ospital, kailangan lang daw ng barangay hall, kailangan lang daw ng munisipyo. Ang tanong ko sa kaniya, maliit na bayan…)

(0:02:09) Bakit napakadaming pangangailangan? Hindi naman natin alam. Dito tayo dadalhin ng Panginoon kasi dito siya maggagawa ng malaking milagro na babangon ang inyong lugar. Di ba? Okay. So, tatlong R. Ngayon, relief. Relief. Relief ang dala natin. Di ba? Pero pinapangako namin kay Mayor, recovery or rehabilitation. Di ba? Di ba?

(0:02:36) Pero ang dasal po namin, suportahan nyo kami, magkaroon ng reporma ang ating gobyerno. Reporma ang ating pamahalaan. Hindi pwedeng panay nakaw na lang nang nakaw. So hindi ito ang oras at panahon na pag-usapan ang political issue. Pero gusto kong malaman nyo…

(0:02:58) We are sorry for what is happening in the government. We will take responsibility and we commit to you pagbabago ay dadating sa ating bansa. God bless you po.

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano