Building the nation on truth and the rule of law

Senator Alan Peter Cayetano said nation-building begins with truth, justice, and the rule of law, urging Filipinos to reject corruption and support efforts to uncover the truth behind alleged anomalies
Transcript

(0:00:02) Praise God for this opportunity. Ma-kamusta kayo, thank you sa lahat ng nangangamusta. Lalong lalo po dun sa mga nagpre-pray, nag-encourage, at kahit sa inyong mga nag cri-criticize, importante sa ating demokrasya, na kung tingin niyong tama ay mag encourage, at kung tingin niyong mali ay mapakinggan ang inyong boses.

(0:00:25) Kaya nga starting today, pipilitin namin na hindi lang po ako nagsasalita, kung hindi nakikinig kami ng mabuti sa inyo. So sa comments po kung may mga questions kayo, unlike before po na ako mismo may hawak ng phone at kapag nag-live binabasa ko po, but ngayon po ililista po namin and then in our next broadcast. 

(0:00:48) We’re also inviting groups, not only those who are supportive, those po na hindi naniniwala sa ating mga paninindigan, student groups, teachers group, mga healthcare, we’re willing to sit down with you in private or with Facebook at pag-usapan po natin ang mga issues sa ating lipunan. 

(0:01:09) Why do we start out by praising and thanking God? Because we are here for one reason. Because we are God’s creation and because God has a purpose sa ating buhay. So let me start out with that. 

(0:01:22) Sa aking pagbabati sa lahat sa inyo, sa Luzon, Visayas, Mindanao, sa lahat ng ating kababayan, lalong-lalo na sa ating OFWs na grabe ang sakripisyo lalo po sa mga panahon ngayon ng krisis. Sa aming pagbati sa inyo, obligasyon po namin na magtrabaho. 

(0:01:41) So the last few weeks, napakinggan niyo yung word na work or parating sinasabing trabaho-trabaho. Kasi actually kung pumunta ako sa Senate yesterday at tinanong ako, Sir, are you going to work? Or Sir, magtatrabaho ba kayo? Ang isasagot ko sa kanila kasi mali ang tanong nyo. Bakit po? Never naman tayo tumigil sa pagtatrabaho. 

(0:02:05) From May 11 when we were elected as Senate President until yesterday when we were replaced as Senate President, hindi naman tumitigil ang pagtatrabaho. Ang kwestyon, anong tinatrabaho natin? What is our work? Siguro, if I may use a term, nation building.

Yan kasi maintindihan ng lahat, nation building. Pero babalikan ko muna yun. There was a time sa Bible po na alam nyo naman po, nung araw, ang pagbibiyahe ay meron na rin po silang mga bapon non or mga bangka. Pero of course ang most na biyahe ay mga kabayo, donkey, may gumagamit po ng camels. 

(0:02:46) But most people, they walk. That’s why nga po ang mga hudyo, pagkapapasok po sa isang bahay, ang paa ang huhugasan kasi sandalyas, wala pa namang On, Nike, Adidas, Puma, nung mga panahon na yun. Wala rin pong mga hotel, mga Shell, Phoenix, mga gasolinahan na kumpleto ng mga restaurant na may Kenny Rogers or KFC or McDo or Jollibee nun. So nung isang beses po na maglalakbay ang mga apostles kasama ang Panginoon Hesukristo, nabasa po ng ating Panginoon Hesukristo ang pag-iisip po ng mga apostles. So nung tinanong po siya, because they were asking each other, nagtatanungan sila, ang tanungan nila sa isa’t isa, san tayo kakain? San tayo matutulog? May pera ba tayo? And miracle after miracle, nasaksihan nila.

(0:03:40) So ang sabi ng Panginoon Hesukristo sa kanila, seek first my kingdom and righteousness and everything shall be added unto you. So there are many many lessons there. But what are the relevant lessons for us today? 

(0:03:57) One, seek the kind of nation we want. Parati natin sinasabi, ganito ang gusto natin Pilipinas. Actually, mas madalas natin sabihin ano yung Pilipinas na ayaw natin. Pero we have to envision the Pilipinas na gusto natin. So hindi ba pag nagdadasal, let me address myself to Christians, whether you’re Anglican, Catholic, Evangelical Christians. Di ba parati natin sinasabi sa Lord’s Prayer or apostles, yung tinuro ng Panginoon Hesukristo sa mga apostles, yung part na sinasabing, Your kingdom come here, here ah, here on earth, as it is in heaven. Ano po ibig sabihin na? Bakit po tayo nagdadasal na yung kingdom mo sa heaven dumating dito sa earth? 

(0:04:42) Kasi po, perfect ang kingdom sa heaven. Walang gutom, walang injustice, wala pong nag-aaway-away, wala pong corruption, wala pong baha. Kaya wala rin flood control scandal. Walang may sakit, di ba? So, but it’s also about a culture. So when the British colonized Singapore, they brought the British culture. When the Americans colonized the Philippines, they brought the American culture. Kaya tayo, halo-halo po yung culture because ancient times, marami ng Chinese traders, and then dumating ang Kastila, then for a short while, dumating ang mga Japon, but that was a different story, and then the Americans until Commonwealth.

(0:05:27) So what’s my point? My point, lesson number one, seeking his kingdom, dapos sabi, everything comes to you. Same thing po, if we build the kind of environment, the kind of culture, the kind of nation we want, hindi na nating kailangan pag-usapan yung corruption, yung equality, lack of opportunity, because magiging built-in na yun. So despite miracle after miracle, the Lord Jesus had to remind the apostles, huwag nyo nang isipin anong kakainin nyo.

Huwag nyo nang isipin saan tayo matutulog. Huwag nyo nang iisipin na mapapagod ba tayo saan tayo magpapahinga. Ang isipin nyo ang kaharian ko at sino ako or yung righteousness ng Panginoon.

(0:06:11) So I am constantly reminded, despite po na nagro-rotation po ang bagong trese o bagong majority sa pagcricriticize, I have to keep on message, I have to continue talking to you and explain what we’re fighting for. 

(0:06:29) Let me read this and let me ask you if it resonates with you, no? So siyempre, pag nag-survey halimbawa tayo ngayon, tapos inisa-isa, anong klaseng Pilipinas ang gusto nyo? Anong napipicture niyo? Siguro the easiest way to say it is some will say, sir, parang Singapore, sir, parang Japan, sir, parang Switzerland, depende kung anong napuntahan mo or nakita mo. 

(0:06:55) What do you think of this? We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God in order to build a just and humane society and establish a government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve, develop patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, peace, do ordain and promulgate this Constitution.

(0:07:40) So yun, medyo sa umpisa at saka sa dulo, give away kasi hindi po to nilikha lang ngayon or sinulat or hindi to chinatGPT or hindi to yung parang survey kung hindi ito po yung preamble sa ating 1987 Philippine Constitution. Ibig sabihin po, ito po ang attempt na i-articulate kung anong Pilipinas ang gusto natin. Can I highlight for today? 

(0:08:08) One, the aid of Almighty God. So dun po sa inyo ng mga nagsasabing huwag natin isama ang usapin Diyos o ang batas ng Diyos sa batas ng tao o gobyerno. Hindi po mismo ang Constitution natin sinasabing the aid of the Almighty God. I agree with you if you say na huwag natin sabihin ang Diyos kampe kami sa amin or kampe sa inyo o kayo, demonyo kami, ganito. I agree with you kasi nga dapat we’re on God’s side. Hindi dapat natin claim na God is on our side. Ba’t yung salita ng Diyos ay importante. So that’s number one. 

(0:08:40) Number two, malinaw na malinaw dito, rule of law. Ibig sabihin po hindi tao yung masusunod kung hindi batas. Nakalagay din po dito yung sinasabing regime of truth justice. So ibig sabihin po, kailangan maghare ang katotohanan. So let me go to a new word, cover. What does it mean to be covered or to have cover? So sa libro, yung cover, yun yung ibabaw. Pero halimbawa, sa ating mga Kristiyano ulit, mga kapatid nating Muslim, assalamualaikum. 

(0:09:17) Let me use the biblical principles and talk a little bit about what is close to my heart in what I’ve learned dun sa biblical principles. So halimbawa, sa mga Kristiyano, hindi po ang ating sariling gawa or hindi tayo worthy na ma-reconcile sa Panginoon. Pero paano yun? May utang tayo, may kasalanan tayo. We are covered by the blood of Jesus. You are covered, diba? So pag sinabi kong halimbawa, George, in advance mo three months na sweldo? Sir, sabi mo last time pag nag-overtime ako ng etong habang SP ka, covered na yung utang ko, diba? Bayad na yun. 

(0:09:59) So napaka-importante po ng word na cover. Having said that, ano po ang ibig sabihin pag sinabi natin na ngayon na recovered? Ibig sabihin na covered dati, na wala, nire-recover mo. So for example, during the time of President Aquino and the first half bago ng pandemic, President Duterte, napakaganda ng ating ekonomiya. Nagkaroon ng economic recovery. Nag-recover ang ating ekonomiya. But simula ng pandemic, nagka-problema. And then gumanda-ganda after the pandemic. Then ayun, sunod-sunod. Yung ating flood control scandal, actually ano lang po yun. Yun siguro ang pinakamalaki. Pero napakadami pa na systematic corruption na hindi na pag-uusapan.

(0:10:50) And then of course nangyari itong Ukraine-Russia conflict at tapos yung Middle East nakakatapos lang pero we still feel the effects. So what I’m saying, Again, our economy is suffering. We have to re-cover.

(0:11:04) So in terms of nation building, yung trese po ngayon o yung majority, led by Senator Lacson, Senator Sotto, Senator Win Gatchalian, of course as the Senate President, the two Senator Tulfos, Raffy and Erwin, I will not take it away. They want to build a nation. Don’t take it away from us. Yung aming grupo want to build a nation.  So good faith po tayo. Meron kayong vision of a nation you want to build. Meron kaming vision nung gusto natin i-build. Pero tanong ko, anong regime? Regime of truth and justice ba? Kasi kung regime of truth and justice, let me tell you, mga kababayan, there are two groups now. Those who want to uncover the truth and those who want to cover up the truth. Dalawa lang po. 

(0:12:01) One who wants to uncover, one who wants to cover up. Ulitin ko ha? One who wants to cover up, wants to uncover. Dalawa lang parati yan. Dalawa lang. Kung anuman ang ating kulay, politika, ang punto po, we have to meditate, we have to pray, we have to make a decision.

Bakit po? Male-maleta ang reward kung ikaw ay para dun sa cover up. Pero napakalaki ng mga consequences. Kaso, bashing, tatanggalan ka ng kung ano ano. Basta, fifile-an lang ka ng cyberlibel kapag ka ikaw ay for uncovering the truth. That’s just the nature of things. Whether you talk about organized crime, whether you talk about slavery, whether you talk about all the injustices in the world. Those who want to keep the injustice, those who want to cover up, usually have the resources. Kasi kumita sila dun. Nandoon yung kayamanan ng mundong ito.

(0:13:08) But those who want to uncover the truth, to reveal the truth, to show the truth. So why is this important? Because, for example, we’re an agricultural country. Gusto natin hindi lang to produce our own food. We’re an archipelago pero mag-iimport tayo ng isda. Nakakakain tayo pero magsasaka natin, hindi nakakakain. Mga anak nila ayaw na po maging magsasaka kasi walang pera sa pagiging farmer. And there are a lot of good programs. But habang ninanakaw lahat ng pera, habang male-maleta ang pera, hindi lang naman flood control, pati yung irrigation, ninakaw din yun.

(0:13:47) Ilan regimes ang dumaan, pati fertilizer, diba? Tubig ang binigay nung before sa ating mga farmer.  So what I’m saying there is that  in any home,  in any building, in any nation, foundations are important. So kapag ka ikaw ay gumawa ng isang bansa, ang pundasyon niya ay sa buhangin,gigiba yun, gigiba po yun. Kasi hindi tama ang pundasyon.

(0:14:12) So kailangan ang pundasyon natin, katotohanan. So respond lang ako ng konti, sabi ni Sen Lacsson, sayang ang pera. Nung si Alan Cayetano ang Senate President, P700M ang nagastos.

(0:14:25) Sabi ko, saan kaya galing yun? Tapos, sabi ko tutal, magaling mag-divide sila Sen Lacson. Very divisive.  Dinivide ko. Kasi ang ginamit niya, 28 days daw ako naging Senate President. So tignan niyo po ha. Multiply muna. Multiply mo ang P25M na sinabi ni Senator Win na gastos ng Senate a day, i-multiply mo yun sa 28 days, baliktarin mo naman, division. P700 divided by 28 days is P25M.

(0:15:03) Yun din naman ang ginawa ni Senator Win. Tinignan niya lang yung budget ng Senado, tapos dinivide niya, nakuha yung P25M a day. So nasaan yung intellectual dishonesty? Nasaan ang pagtatago ng katotohanan? Simple lang po. Kahit sino po ang Senate President, P25M a day ang gastos ng Senado, kung ganung kasimple ang computation mo. Meaning, yung budget ng buong Senado, divided by the number of calendar days. So may nabasa po ako.

(0:15:35) Sorry, nakalimutan ko kung sino mismo nagsabi. Sabi niya, statistics is like a bikini. Ulitin ko ha? Statistics is like a bikini. Why? What it shows is very revealing, but what it hides is essential. So makikita nyo po, ni-reveal niya, parang pang-intriga, di ba? Kasi magaling naman talaga silang mga intriga eh. Nagt-take turns lang naman po. Si Raffy Tulfo, si Erwin Tulfo, si Senator Ping Lacson, tapos yung iba sa grupo nila, tag-team lang yun o, kayo naman manginis kay Alan. Kayo naman magkalat ng hindi totoo. Kayo naman magkalat ng ganito. Palabasin natin ang gulo-gulo, di ba? Again, ano yung intent? Para hindi malaman ang buong katotohanan tungkol sa korapsyon sa ating bansa. But what– let’s be intellectually honest. Whoever was SP noon, ganun din ang gastos. Question. Pero bakit sila one day may napasa? I challenge all the congressmen and senators. 1998 pa lang, congressman na po ako. Naging councilor po ako. For a short while po, vice mayor. Naging member po ako ng House of Representatives. Apat na term po. Apat na term.

(0:16:47) Pangatlong term ko na po ito bilang senador. I was privileged. God honored me by allowing me to be speaker and then for Senate President kahit maiksi. I challenge lahat ng congressmen and senators. Prove me wrong. Sa huling tatlong araw,  yung Monday to Wednesday, kapag kayo po ay session, diyan po ang ratsadahan. Kasi lahat ng pang-second reading, i-second reading na natin. Lahat ng pang-third reading, i-third reading na natin. Lahat ng halimbawa, pito ang nakapila sa Senate o bente nakapila sa House, sa interpolation, kakausapin na ng majority leader yan. Or mag-uusap majority-minority leader. Pare, isa na lang magtanong. Pasa na natin ito. Yun po talaga ang ano doon. 

(0:17:27) But what did the group of Senator Win and Senator Lacson do? Since May 11 po hanggang yesterday, hindi po sila naglagay ng mga miyembro ng committee nila as minority. Sila po ang ayaw magtrabaho. Hindi po sila naglagay ng mga miyembro para hindi mag-function yung mga committee. Question. Paano po yung mga ready na for bicam na ipapasa? Yun po ay in-authorize namin. Tatanda nyo po May 13, yung pong inatake ang Senado, yung pong sa NBI na sinasabi lang ngayon na halatang-halata na ngayon ay part ng kanilang plano na sa aming bilibintang.  Alam nyo po ba na the next day po ay meron pong bicam tungkol sa voucher system sa DepEd? Yun po ay nakakasa na sa House of Representatives. Nag-confirm ako.

(0:18:26) Tinawagan po mismo si Speaker Dy na pupunta po ako doon. Tapos nagkagulo. Kinancel nila po yun. Kung hindi daw nagkakamali, si Sen. Bam Aquino ang chairman noon. Ang magpapatuloy noon. Meron napakarami pong hearing. Yung hearing si Sen. Piat tinuloy. Yung kay Sen. Pangilinan, nagtanong naman siya sa floor pero sunod-sunod abati ko sa iba’t-ibang mga pahayagan at online. Kawawa daw yung farmers. Dumating po sa Senate. Tapos pagkatapos hindi pinakinggan. Kawawa po talaga kasi nagamit sila.

(0:19:00) Kasi pwedeng ituloy ang hearing. Hindi nila tinuloy. So yung sinasabi po nilang hindi nagtrabaho, waling-waling po yun. Walang katotohanan panay kasinungalingan. And that’s why yesterday po ang main na inuna nila ay isang bill na maganda, na gusto natin lahat, na walang ano. Ang joke nga namin, naalala nyo yung 1990s, yung pagtinanong nung bata na, Anak, parang wala kang ambisyon. What’s your plans? At sasabihin nung anak, plans ko mami may isang pagita, may gumamela, may orchids. Kasi plants pala yun, hindi plans. So nun tinanong yung majority, What’s your plans for the special session? Waling-waling pala.

(0:19:43) So huwag na tayo maglokohan. Yung kahapon kasi may 13 na kayo at gusto nyong palitan ang Senate President kasi gusto nyo tuloy-tuloy na yung impeachment at ang gusto nyo, grupo nyo ang magdikta ng tempo through the presiding officer. That’s been very clear to us from the start. Nung February pa, nung ipupuwesto natin si Senator Loren Legarda bilang Senate President, yun ang sinabi, hindi sila papayag dahil impeachment ang importante. Pero number two lang pala yung impeachment. Ang number one, yung cover up dito po sa Flood Control Act.

(0:20:20) At napakarami pang iba. Kaya ang message ko kay Senator Lacson, simple lang, gusto mo tumahimik muna ako, meditate, pray, ikaw din. Pero Senator Lacson, napakahaba ng iyong karir, nakilala ka bilang nag-expose, nakilala ka na sinusundan mo yung ebidensya. Of course there have been many issues also regarding you, your family, pero yung businesses nyo. Pero sinantabi ng Pilipino yun kasi magaling kang mag-investigate. Pero ngayon bakit? Panay comment mo na lang sa mga witnesses pero ayaw mong humarap sila sa committee.

(0:20:55) So ako hindi ko sinasabi na lahat ng witnesses na ito, former Marines, mga bodyguards, mga former military, active military yung iba, na naging security. Hindi lang ni former Congressman and head of the Appropriations Committee ng House, na si Zaldy Co. Marami pa po dyan kasi alam naman po natin na parating may security naman po ang ating congressman, senador at mga secretary. Alam naman po natin yun. Alam natin hindi sila pipitbingi. So anong mawawala? May hearing na fair at pakinggan. Pero in the meantime inuubos kami. Kaya susunod daw si Sen. Marcoleta and then si Sen.Bong Go. So I want to honor Sen. Bong Go, Sen. Bato, Sen. Marcoleta, Sen. Jinggoy. Bakit? 

(0:21:47) Eh nung before May 11 po, nung nag-usap-usap kami, in fact nagkita kami May 10 eh. At bago ko mapagharap-harap po ang labing dalawa, wala po si Sen. Bato nun, nagsabi na po kaming lahat. Nadadaan tayo sa pagsubok na to at may magsabi na lang pag hindi na kaya. Pero napakarami nagsabi nun, kulong na kung kulong, harapin na natin kung ano to, etc. O walang hiwalayan tayo, grupo tayo.

(0:22:11) So I’d like to honor those who are in the front line. You know, I’d like to honor those who held out, diba? Ba’t ang problema kasi, nagbago yung laban eh. From just having a platform sa Senate para fair yung ating impeachment,para makapag-focus tayo sa economic crisis, at para lumabas ang katotohanan, nakita na namin kung gaano kalaki ang skandalo at yung corruption na to eh. Ongoing to ha? 

(0:22:39) Yung sasabihin nila na wala nang nakawan ngayon? Tell that to the Marines. Nagbabago lang. So, I don’t want to take up much of your time today. And I don’t want to answer each of the issues in a way that will effectively conflict or confuse us, diba? So, kung sinagot ng Panginoon Nesu Cristo yung mga apostles isa-isa, o ikaw, anong pagkain ang inisip mo? O ikaw, san matutulog? O ikaw, diba? Kasi they were not all able.  May nag-limp din, diba? So, ang concern niya, merong bang mule or donkey o kabayo na pwedeng sakyan? Those are all valid. Diba? Kung sasabihin ngayon ng iba, kahit ano, tumahimik ka, gutom na kami, kain muna.

(0:23:25) Those are valid. And we should discuss that. Pero anong una? What’s the priority? So, don’t get me mistaken, I’m talking about the principle, I’m not comparing. Ayan, babalok mo rin naman ng iba, sasabihin, kinukompare natin ang struggle. God is God. And we have to pray that we’re on God’s side. But there are principles He teaches us. So, diba anong sabi ko sa inyo kanina? Nation building. At saan natin umpisan yung nation building? Sa pundasyon.

Rule of law. Diba? Regime of justice and truth. Kung walang justice and truth, yung binibuild po natin para natin nilagyan ng anay. Para natin nilagyan ng payat na bakal. Para nilagyan natin ng bakal yan na may kalawang na. Gigiba at gigiba din po yan.

(0:24:12) So, ang tinitingnan pa lang po natin, ano? Twenty-four, twenty-five budget. Yung twenty-six budget. May nagsasabi ba na napaka-innocente yan? Wala rin mga sinaksak diyan? O, going back, twenty-twenty-three. Ang sabi po ng mga ex-Marines, 2022 pa lang, may deliveran eh. Tapos, hindi lang DPWH yan. Meron din yan po sa farm to market roads. Meron din daw sa school buildings. Meron silang binabanggit na noon 2022, 2023, BIR. So, napakarami po.

(0:24:40) Alam naman na po natin eh na may corruption. Again, don’t get me wrong. What I’m looking at is the systemic, systematical, robbing blind our people in the last few years. There are two systemic na pagnanakaw. Yung sistema natin sa Pilipinas na may papel ka, kailangan may lagay. Diba? So, tatlong natin kailangan tignan.

(0:25:05) Yung una, yung day-to-day corruption. Na parang walang mastermind yan. Yung wala kang plaka, hinuli ka, pengeng sa libo. Yung nahuli ka, walang driver license, pengeng sa libo. Magpa-file ka ng business permit. O, venti mil lang dapat mo bayad, pengeng limang libo.

Diba? So, so yun. We will deal with that.  And we’re dealing with that. And citizens are dealing with that. Churches are dealing with that. Business groups are dealing with that. Pangalawa yung systemic. Yung nasa, ganoon na sa Pilipinas, yan ang kalakaran.So, we have to deal with that through values, through systems.

(0:25:42) But I’m talking about the systematic and continuing robbing us blind now and using the last bastion, which is the Senate, not only to be the rubber stamp but to be their mouthpiece para maraming issue, para hindi tayo tumutok dito. So, that’s the sad thing. That there is an economic crisis. Naghihirap ang ating mga kababayan. So, kailangan natin isabay yun pero hindi natin pwedeng ilihis ang usapan. So, in behalf of the senators I represent, in behalf of the people praying for us, in behalf of students, farmers, healthcare workers, OFWs, seafarers, na sinasabing, Boss, may pag-asa pa ba ang Pilipinas? Boss, hindi kami nawawala ng pag-asa.

(0:26:31) Huwag nyo kaming busin, kayo boss namin. Ilan politiko na dumaan na kayo boss? You do not cover up from your boss. You tell the boss the truth. If you tell your boss lies, he will fire you and even put you in jail. Pero ngayon po hindi. So, may dalawang boss. Boss ng cover up at saka yung boss ng gustong mag-uncover. Please meditate on that. Handa po tayo. So, dati ang capacity po natin bilang Senate President at mga kasama ko bilang mga chairman ng mga committees, gagamitin natin as a platform yun for the truth. Hindi para usigin or i-persecute ang kahit sino. Iba ang prosecute, iba yung persecute. Hindi po. 

(0:27:12) We were going to use that platform. Nakita natin in less than 40 days kung paano inuga ang mga pundasyon ng Senado at inuga ang pundasyon ng ating mga institusyon at paano pinunit ang konstitusyon para lang matuloy yung cover up. Now, we will have other platforms, other venues. And one of these venues is Facebook. 

(0:27:34) So, ito lang ang tanong ko sa mga pamilya ko sa Facebook. Bakit si Senator Lacson at yung Senator Raffy Tulfo, Senator Erwin Tulfo, na gumagamit din naman sila ng Facebook na tingnan niyo nga sa Senate, bawat salita, tumingin lang ng gano’n. May sumusunod sa kanila. Tapos makikita mo pati kay Senator Lacson, yung angal ni Senator Marcoleta, pati sa CA, kahit anong committee, ine-edit, pinapaganda yung itsura. Yung sa NBI, hindi ko alam kung totoo ba yun yung talagang mag-ayos ng hearing. 

(0:28:08) Everyone is aware that it’s not only mainstream, meron din social media. Ba’t kayo galit na galit pag nagpa-Facebook ako? Eh ang hilig niyo rin mag-Facebook. So, sasabihin niyo, hindi kasi mas maraming nanonood, kasi nagsasabi ako ng totoo. Hindi naman parating mas maraming nanonood sa akin. Bakit last year ba mas maraming nanonood sa iyo? Raffy at Erwin Tulfo.

(0:28:30) Eh problema, nabuko kayo na may tinatago kayo, hindi ba? Kung hindi lang sa sarili, para pati ka din sa malacanang. So, walang perpekto sa atin. But it’s time for real change. So yun ang hinihingi kong mga kababayan. Huwag po tayong susuko. Huwag po tayong manghihina. I mean, tao din naman po ako. So, I spent a day yesterday. Sabi ng asawa ko, Pwede kang kumain ng sisig ngayong gabi, kasi nga mataas cholesterol ko. Pero sabi niya, para naman matuwa ka ng konti, yapos sinama niya yung barkada namin na medyo magaling sa akin ng konti yun. Pero kakalevel ko na mag-chess. So, at least hindi ako talo parati.

(0:29:13) Tapos, you know, I spent a day reflecting. Tinext ko mga kasamahan ko. As a group, individually. You know, na kailangan ito ang sitwasyon. Ituloy ang laban. I thanked them. Humingi din ako ng kapatawaran sa pagkukulang ko. Sabi ko, pasensya na kayo. Hindi rin ako perpekto, tao din,  may pagkukulang din ako sa inyo. 

(0:29:35) So, sa ating mga kababayan, kung may pagkukulang din ako sa inyo. Hindi lang bilang Senate President. Hindi lang bilang ordinary senator. Even in how I articulate these issues. Pagpasensya niyo, but like you, let’s all do our best. 

(0:29:49) Let’s not lose hope, and let’s keep praying. I still believe there will be people who will be switching sides. Sabi niyo, hindi sir. Pakonti nang pakonti tayo. Sir, iba talaga yung may pera, may kapangyarihan. Hindi po. You know, the moment you lose hope, that’s the moment. Kasi may spiritual warfare dito. Sabi sa Bible, meron kong principalities, authorities, spirits. Isang spirit doon, yung lying tongue, yung bumubulong. Talo na kayo. Wala na kayo magagawa. Tutal, sila kumikita, kumita ka na rin, di ba? Huwag po tayo makikinig doon, doon po tayo sa tama. 

(0:30:25) Let us build this nation we love, and let us serve the God we love. God bless you po.

Gallery
More Media Resources

The cost of freedom and the fight for truth

(0:00:03) Praise God, Philippine Independence. Sa lahat nating mahal na kababayan sa Luzon, Visayas, Mindanao. Lahat ng kababayan natin na nagiging simbolo kung ano ang pagiging Pilipino sa bawat parte...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano