Calling for persistence in the fight against corruption

Senator Alan Peter Cayetano urged Filipinos to remain steadfast in pursuing truth and justice, saying persistence is needed to expose corruption, defend constitutional institutions, and protect the country’s future.
Transcript

(0:00:00) Purihin ng Panginoon sa pagkakataon na makausap kayo, deretso, walang filter, walang pag-e-edit ng ating mga sasabihin o gustong iparating. Mag-comment din po kayo or yung mga tanong, ipost nyo po para sa susunod nating pag-uusap ay pipilitin kong masagot din ang inyong mga katanungan.

(0:00:26) Magandang magandang hapon po sa inyong lahat, sa ating mga kababayan sa Luzon, Visayas, Mindanao. Sa mahal nating mga OFW na parati natin sinasabing mga bayani pero madalas hindi natin tinuturing na bayani.

(0:00:43) Sa mga nagsasabing sila ang bayani pero pinagtatakpan ang katotohanan. At lalong-lalo na po sa mga kababayan natin nadadama na ang economic crisis na dulot ng mataas na presyo ng langis at ng mga problema sa ating ekonomiya.

(0:01:05) Today, I want to talk about and inform you about four newsworthy items, the Blue Ribbon Committee, its mission at nasaan tayo ngayon. Pangalawa po yung special session. Pangatlo po, yung finile ng petition ng grupo sa Supreme Court. At yung apat po, yung kung naka martial law  na po ba sa Senado or yung Senate lockdown na kahit ayaw nilang tawagin na ito’y isang lockdown.

(0:01:39) So, let me start po with a story in the Bible that story in the Bible that madalas na madalas ko itong pag-isipan, nakaka-encourage ito sa akin at nag-encourage po sa iba, inaayos lang po yung phone ko, medyo mabigat. Ang tumatagilid po yung phone, hindi po tayo. Ayan. Laban lang po tayo. Okay.

(0:02:10) So, ito pong story na ito ay alam ng napakaraming tao. Ito po yung story ng persistent widow. Persistent widow, meron po isang byuda.

(0:02:25) So may isa pong byuda hindi po nakalagay sa Bible kung ano ang naging problema niya or what injustice she suffered. Pero ang nangyari po dito ay sinasabi na pinupuntahan niya po yung judge, pero hindi po siya binibigyan ng justice.

(0:02:45) So kung baga sa salita natin ngayon, kinukulit niya po ang judge. Pupuntahan sa opisina, pupuntahan sa bahay. Hanggang dumating po yung punto na ang sinabi po ng judge sa kanya is hindi ako takot sa Diyos, hindi ako takot sa tao. So isipin niyo po ang isang tao na magsabing wala siyang takot sa Diyos. Wala siyang takot sa Diyos. Tapos sabihin niya, hindi rin siya takot sa tao ibig sabihin po, or walang kinakatakutan na tao. Meaning, ganun siya ka-siga

(0:03:14) Pero bagaman ganun siya ka-siga ay pinakinggan niya po yung byuda, yung persistent widow, at tinanong niya, ano bang gusto mo? So sabi niya, siga man ako, wala akong kinakatakutan, pero sa kulit mo, ano bang gusto mo?

(0:03:31) At ang sabi po ng byuda, give me justice. And the Bible says, what more ang Panginoon na nagmamahal sa’yo? Hindi ka ba bibigyan ng justice kung parati kang nagdadasal, kung parati kang kumikilos at hiningi ang hustisya.

(0:03:48) So, justice and social justice ang problema ng ating bansa. Ako’y naniniwala, katulad ng problema, ang sinisimulan po kasi ang hustisya o pagbigay ng hustisya sa katotohanan. Pag walang katotohanan, hindi dadating ang justice. Ganon din sa social justice po.

(0:04:07) If we will deny that many of our kababayans are suffering, If we deny na yung billion-billion or abot ng trillion na ninakaw does not affect our economy, does not affect rural areas, does not affect Filipino families, does not affect children who are in danger of stunting.

(0:04:26) Pag dineny po natin lahat to, walang magiging justice. So I’d like to encourage everyone in your own way. Whether it’s prayers, whether posting in your social media whether it’s encouraging your barkada. Talk about entertainment, talk about good things, but also talk about what kind of Philippines you want. What kind of government do you deserve?

(0:04:53) What kind of environment should your children have in school. Ngayon half day na lang yung mga pasok. Nag K to 12 tayo napakamahal para sa ordinaryong tao yung additional 2 years pero nakikita sa mga study, half day lang po kasi. So hindi rin po umaabot ng 12 years ang education ng ating mga anak.

(0:05:17) So that’s a different topic but what I want to say is that number one, we need persistence. So persistence for what? For purpose. Purpose. Kailangan sa lahat, purpose driven tayo.

(0:05:31) That’s a reminder to me. Because this year, so 1992 po ako nagsimula sa gobyerno. So 26 plus 8, 34 years, many times in my career, in public service, in my journey I’ve been such an activist and really joined movements like we have now na magkaroon ng tunay na pagbabago. Many times naman, more intellectual ang laban minsan, sa kalye ang laban, minsan, more debate.

(0:06:11) Kaya nga minsan parang sinasabi, mabait ka rin pala Alan. O kaya sinasabi na wala tayong inaaway ngayon. So, different times, different seasons. But I realized po na there are really seasons, there are really times na nasa crossroad ang bansa. At pag hindi tayo kumilos, it will determine the future of the next generation.

(0:06:35) Para din po yung mga Hudyo or yung Israelis who were in the desert 40 years instead of two weeks na paglalakbay. So will we, after EDSA 1, 1986, ngayon 2026, 40 years later, will we continue to wander in the desert or will we enter the promised land?

(0:06:57) For me, the promised land is a powerful, prosperous Filipino. The empowered Filipino, napakayaman ng ating bansa. Pero dahil talamak ang corruption, dahil mali ang mga public policies, Iilan lang yung yumayaman.

(0:07:12) Hindi po, completely true to say, mahirap ang Pilipino. Hindi po, karamihan ng Pilipino ay mahirap. Kaya nga may mahigit 10 milyon na kailangan pang umalis ng bansa para humanap lang ng trabaho, mabuhay ang pamilya. Pero meron pong iilan kung tutuusin kung sabihin mong 1% marami din yun 1 million but siguro may maybe 50 families that basically control everything.

(0:07:39) And I will not say that they’re the problem, but I will say that we should have thousands, hundred thousands, or millions of families who semi-control our economy together. Hindi yung 50 o 100 lang at yung ekonomiya at politika magkadikit ito.

(0:07:58) So problema, pagka naging corrupt yung isa, damay-damay na, sama-sama na. So we have to be persistent in fighting corruption but there are times in history na meron pong talagang shaking. Ibig sabihin po, yung gulo o yung disruption, may kasama po itong dapat na repentance at revival.

(0:08:20) So hindi ito ordinary yung parang, oy, may corruption dito sa isang hospital na ito, palitan yung accountant, ayusin yung sistema. Oy, sa bidding ng ganito, medyo masama yung sistema, tanggalin na yung back na yan or ipa COA.  Hindi po eh, we’re talking about an environment and system of persistent corruption in our country.

(0:08:46) So nung nangyari yung flood control, tinanong natin sa ating sarili, dapat ba magbago to? That’s why nagkaroon ng ICI, nagkaroon po ng Blue Ribbon Committee. Ang problema po na manipulate, di ba?

(0:08:59) Kaya that’s one reason na galit na galit si Senator Lacson at kung ano-ano sinasabi because he has a reputation and I know for a fact that many times in his life he fought for principles. Ang problema ngayon, naging mercenary na lang at kasama sa pag-manipulate ng Blue Ribbon Committee, para nga ilan lang ay turo pero yung mga tunay na mga mastermind, in fact, he went so far to say walang mastermind.

(0:09:24) But pakonti-konti, lumalabas na ngayon yung totoo at lalabas din po kung sino yung mga kasama niya na nagmanipulate po nito. Ganon din po, kaya galit na galit si Senator Erwin Tulfo at kung ano nung sinasabi kasi whether it’s campaign donations, whether it’s yung mga kontratista, maleta, parati siyang kasama sa pinapangalan.

(0:09:45) So, but my point is this, there will be many, many issues thrown against me individually, thrown against any of the witnesses, thrown against our group of senators. Yes, tama na ibalita ito sa news, whether yan ay yung special session tomorrow, whether yan yung May 13 na pagsugod ng NBI whether yan yung threat sa Senado next week pero tandaan nyo po ha.

(0:10:10) Marami dito, distraction. Marami dito nilihis ang isyu. Kasi ang isyu, pagka ang flood control ay nahimay at nasolve natin, we will be able to come up with a system that will fight corruption effectively. If not, this will be the biggest cover-up for the biggest corruption scandal ever in our country.

(0:10:33) So, eyes on the ball tayo. So, ano po ang sinasabi kong purpose-driven? Our purpose is the Lord’s plan for our country. I believe po the way the Lord made the Filipino, napaka-adaptable, napakadaling matuto, napaka-respectful, hindi nagtatanim ng galit. Kita mo ang Hapon, meron pa rin silang problema sa Chinese, sa Korean.

(0:10:59) Pero kung titignan mo sa atin, best friends na natin, partners na natin in development, makikita mo dati may problema din tayo sa Malaysia, but now we have two disputes with them, but we are cooperating and we have a very good relationship with them.

(0:11:15) Ganon din sa Vietnam, kakabisita lang ng leader nila. Pero meron tayong dispute sa West Philippine Sea sa kanila. So, makikita nyo po ang Pilipino, ang number one asset natin, syempre, yung tao, yung Pilipino mismo. But you name it, whether beautiful islands, mga beach, karagatan, oil, gas, gold… lahat meron ng Pilipinas eh.

(0:11:38) Lupa, napakaraming lupa ng Pilipinas pero napakaraming walang lupa o walang matirahan. Diba? So, corruption is not the only issue. But it is a major issue because with corruption, mali din yung policies natin.

(0:11:53) May mga bansa kasi na may corruption pero tama policies nila. Sa atin, our policies are being driven by that corruption. So like the policy, na ang Senate ay mailagay sa ilalim ng Malacanang.

(0:12:06) At yung 12 daw ay pwede hindi 13. So, may statement po kami, it’s also posted dito sa Facebook, so, yun po ang statement sa finile natin sa Supreme Court

(0:12:17) We believe in the system. Ako ay naniniwala na yung pakikibaka, yung pagiging activist mo, marami po yan. May prayer, may prayer vigil, may rally, may posting, may debate sa Senado, may mga forums, may panawagan. Kasama din po dito ang ating mga branches of government. Sabi po sa ating Philippine Constitution, pag may violation ng Constitution, sa Supreme Court talaga ang punta. So, pakibasa na lang po ang aming statement para hindi ko ituon lahat ng oras dyan but nasa Supreme Court ngayon po yan.

(0:12:55) And we have faith that the issue is something that is very important not only now but in the future the issue will determine our kind of democracy, our kind of government. It will also be a lesson to all senators when it comes to power and restraint and following rules. Tandaan nyo po ha, pag walang rules, pag walang batas, chaos po tayo.

(0:13:21) Ang mangyayari wild wild west, kung sino mas malakas boses, sino mas maraming baril, sino mas maraming pera, o babalik tayo dun sa… yung pag-uusapan natin ngayon, 4Ps  eh: Plans, Persistence. Purpose, [and] Principle.

(0:13:37) Pero kapag ka walang batas, babalik tayo doon sa guns, goons, and gold Di ba? Yan yung 80s eh. Yan yung sinasabi na pagka may 3G ka… Hindi 3G ng cellphone.

(0:13:52) Ang ibig sabihin nun, “Guns”, may armas ka, nandiyan sa iyo, pulis o militar o may private army. Goons kasi kahit may baril ka kung wala ka naman tao, but gold. Di ba? Kaya yung biro nung time na yun, na tinototoo ng ibang politiko or warlords is the golden rule.

(0:14:10) Who has the gold rules? So, alam naman natin ngayon kung nasaan yung gold. Nasa maleta at lumalabas kung sino nakakakuha ng mga maraming maleta. So, pinaglalaban ngayon using the modern-day guns and goons para maprotektahan yung kanilang gold. Ginagamit din po yung gold.

(0:14:30) So, persistence, purpose. So, ano po purpose natin? Purpose, lumabas ang totoo. Purpose is to build the kind of Philippines that we all want. May I ask the law students or all students, the Philippine Constitution is a subject that we should all embrace. Tignan nyo po yung preamble ng ating konstitusyon. Basahin nyo nang basahin po yun. Ako po, pag medyo na di-disillusion or kailangan paalalahanin ko kung anong ating pinaglalaban. Of course, binabasok po yung Bible, respecting everyone kung ano religion nyo going to God is the primary, di ba? Okay.

(0:15:07) But secondarily, I go to the preamble of the Constitution at pag nabasa mo yan, mararamdaman mo yung struggles ng ating mga heroes eh no? So, what are plans? Sabi po sa Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope in a future.” So sabi ng Panginoon, maganda plano ko para sa inyo.

O, planong pagpalain kayo’t hindi saktan. Planong bigyan ng pag-asa at kinabukasan, sabi ng aking kaibigan, aking kapatid, si Carlos, yung kinabukasan at yung pag-asa, pinagsama niya doon. Kasi nga yung pag-asa mo ngayon, pero may pag-asa ka rin bukas sa mga anak mo. So, what we’re doing now will affect.

(0:15:54) EDSA 1 affected my generation. EDSA 2 affected the other generation. All these scandals, Napoles, ngayon flood control, how we handle it will affect the generation of the Gen Z and the generation that has yet to be born. That’s why it’s important we’re persistent at huwag natin tong bitawan. So, tomorrow may special session. Kung titignan mo lahat ng nasaan, ang gaganda, isang tingin mo. O sabi ko, ang gaganda ng mga bills na ito. Some I agree with, some I don’t. But kung titignan mo, katulad ng anti-dynasty law, nasa interpellation pa lang yan eh. Imposibleng mapasaya sa isang araw unless babrasuhin nila para may pakitang tao. 

(0:16:36) Kung titignan mo yung ibang bills, alam nyo ba, pwede naming pinasaya nung Senate President ako? Pero ni hindi naglagay ng members sa committee yung nagsasabing sila na majority ngayon, yung 11 na naging 12. So, yung sinasabi nila na mga generals, and ako humingi ng apology sa kanila na ipit sila sa mga to. Alam mo nyo nung nag-adjourn sine die sila nung Wednesday, pwede silang mag-sesyon hanggang Friday kung naniniwala talaga sila na yung dose nila ay may quorum. At pwede nilang gawin lahat ng gusto nilang gawin sa special session tomorrow.

(0:17:12) So, yung mga nauna na nagbigay ng opinion that this is for leadership change, yan din na sa mind namin. So, sa meeting ng grupo ng ating mga senador yesterday, yan ang dinidiscuss namin na lahat ginagawa, pagsugod ng NBI, paghuli kay Bato, pag-walk out. Yung napakaraming issue na binabato nila, magtrabaho, etc. In the end, it’s all about the flood control and who’s guilty and how do we protect– how do you protect the mastermind and how do you protect Malacanang?

(0:17:45) So we will not get to the Lord’s plan. We will disagree on politics but we all agree that God meant the Philippines to be a prosperous powerful nation. Let me address myself to fellow Christians, no? Pasintabi sa aking mga kapatid na Muslim, no? Assalamualaikum sa mga kapitid na Muslim. For how many decades, centuries have we been claiming to be a Christian nation? Pero ano nababasa ng ibang mga bansa tungkol sa Pilipinas? Idolatry, immorality, corruption, di ba? So, we have to change that. So, diyan pupunta. How do we change that?

(0:18:22) Through our principles. Ang pinaglalaban namin, hindi power, hindi position. Prinsipyo. So, kung 13 na sa kanila. Congratulations! We know how you got it, sa pananakot, panunuhol. Sasabihin, ikukulong, but sabi namin na anytime na 13 kayo, kayo na mamuno. Pero hindi magbabago principle namin, kaya ang tanong ko, kung makukuha nyo yung 13, ano, buburahin na naman natin yung flood control or ifro front and center natin ito.

(0:18:52) Lahat, kinukuyog nyo buong Pilipinas na magkaroon ng impartial na impeachment. Pero ayun yung hindi kayo ang mag-preside. Ayaw nyo na ang numero ay 24. Binabago-bago nyo. Pinost ni Senator Win tapos tinanggal. Tapos ngayon ay sinasabi ni Sen. Ping, talagang 16-24. Tapos sinasabi ng ibang prosecutors, hindi. Supreme Court lang pwede magsabi. Whether yan ay congressmen and women prosecutors or yung private court.

(0:19:22) Ginugulo na po nila kasi kasunod niyan chacha. From the start po, di ba sabi namin, “Eyes on the ball.” Control. Cha-cha. Pag-whitewash para nga ma-extend yung term. Sana mali ako. Sana mali. Pero sa ginagawa. Tingnan niyo po sa Senate. Paulit-ulit, magtrabaho, magtrabaho, walang drama. Pag-upo pa lang nila, pinauwi. Nagbigay lang ako notice na Thursday, may Blue Ribbon Committee hearing sa session hall, biglang may threat na daw. Pero hindi makonfirm ng ibang security forces. Pero bukas, sa session. Pwede nang ulit gamitin. At pwede tayong lahat. Pero today and yesterday, bawal na ang mga senador may bisita. So, hindi ba lockdown din yun?

(0:20:07) Paulit-ulit sila, “Bantayan daw ako, baka daw padlockin ko yung Senado.” E basically, pinadlock na nila eh. Diba? Na sila na nagdedetermine sinong pwedeng pumasok o hindi. Simpleng kapitan, simpleng konsehal. Anytime, pwede ka pumasok ng Barangay Hall. Of course, hindi pwedeng armado, hindi pwedeng limandaang kayo papasok dyan. May security protocol. Ang dami namang kagalang-galang, and I respect the PNP, lalo NCRPO, SAF, yung mga nasa labas ng Senado, I think NCRPO and SPD, wala namang gulo eh.

(0:20:41) Kung may nagrarally, peaceful naman sila doon. Kung may konting gulo naaayos. Pero bakit ganun na ang Senado? Because they’re sending the message, wag kayong lumaban sa amin. Pag lumaban kayo, kaso, kulong. Hopefully, walang patayan. But allow me to say all of this because we never know what the future. I have faith. I’m walking by faith, not by sight. I do believe, ang mga witnesses, may ilalabas pa itong lahat. But we have to tell you, di ba? 

(0:21:09) One, we have to be persistent. Number two, what we’re fighting for is nothing less than the kind of government we want. The kind of Philippines we want, the environment that we want to have. A healthy environment where students can study, where Filipinos are healthy, when hindi na kailangan mag-abroad. Kaya po yan kung tanggalin natin yung massive corruption.

(0:21:31) Pero kung mangyayari po ngayon ay takot lang. So, tinatakot lahat. Pag lumabas yung masterminds, baka maging presidente si VP Sarah. Naka ilan laban na po tayo in the past, ang panakot parati, sinong vice president? O during martial law, tinanggal ang vice president. Pag tinanggal daw si FM Senior, baka magkagulo. So, magulo na po. Magulo na, nagkakagulo na sa corruption. Hindi magulo sa kalye. Pero magulo ang sistema natin kaya maraming kailangan umalis ng Pilipinas para maghanap ng trabaho. Maraming nagugutom dahil magulo ang pagnanakaw sa ating bansa.

(0:22:08) Ang kailangan ayusin ay mawala ang pagnanakaw. Hindi yung ayusin yung pagnanakaw na yun ang ginagawa ngayon. So, nung sinabing magulo kasi sa pagnanakaw, eh di ayusin pagnanakaw. Ayusin natin, tahimik, sino lang. Tama lang. Medium size maleta lang. Hindi po. We have to change all of that and we have that opportunity.

(0:22:30) So, let me sum it up, no? The Blue Ribbon Committee habang yan po ay legitimately under sa grupo, we will support Senator Dante Marcoleta. He is under much pressure. Baka nga kasuhan na daw, baka labasan na ng Warrant of Arrest. Hindi niya magamit yung session hall or ano, and then yung coordination sa labas, napakahirap po. Witnesses, be strong, be steady in any way you can. Tell your story because you never know if you’ll have the opportunity or not.

(0:23:05) Special session, we continue to discuss but obvious sa amin ang target dito ay kunin ang Blue Ribbon Committee at isecure yung Senate presidency. Actually, pinag-usapan namin ng grupo, ano eh, kunin na nila lahat, Senate Presidency, lahat ng committees. Pero kung sincere sila, iwan sa atin yung Blue Ribbon Committee para ang buong katotohanan. Mag-attend sila.

(0:23:27) Hindi naman natin gusto nung hearing na isang side lang nandun, pero hindi bibigay. Supreme Court, pray that it will be taken up, pray for all the justices. Pray na ma-articulate ng both sides yung kanilang stand. Diba? Tapos, Senate. Pag-pray nyo po, kasi ang Senate is the last bastion of democracy. Yun ang sinasabi na, ibig sabihin po, pag napatahimik na lahat, nandyan yan. Kasi dumating ang time in Martial Law, pati media, kaya nga hangang-hanga dati ako nun sa Malaya at sa Inquirer dahil nga may boses ng oposisyon. Ngayon, you know, ang style nila is hindi patahimikin yung media kung hindi guluhin, di ba? Tignan nyo ha?

(0:24:04) Yung sabihin lang, huwag tawagin 18 Marines. Bakit? Hindi ba sila dating Marines? Hindi ba pati pag-retired tawagin? So naging bagman. Ang bagman po, yun yung taga-kuha mo ng pera, hindi yung tagabuhat ng pera. So, yung mga bagman po, yun po ang sinusumbong nung labing walo, hindi po sila bagman. Tapos ngayon, ano na lang, former employees of Zaldy Co. At yung mga media, sumusunod yung iba.

(0:24:29) So ang Malacanang na pala nagdidikta, how to describe a witness. Ako hindi ko dinidikta sa media. But ang sinasabi ko lang, that’s the kind of environment we have now. That, the Anti-Corruption Forces can only rely on truth. But the pro-corruption forces have all the means, even the small means of crafting words, so that emotions can be controlled.

(0:25:00) So, ito po ang inyong lingkod, si Kuya Alan. Hindi ko na sabihin Senador, hindi ko na po sasabihin Senate President, whatever Kasi yung position, balewala sa akin yun. Pero gusto ko pong maging kuya kasi ang kuya po pinoprotektahan yung mga kapatid. Ang kuya po sinasandalan din ni tatay at ni nanay para tumulong din sa pamilya. Si Kuya, pwede mong katukin kahit anong oras.

(0:25:25) So I draw inspiration also from may colleagues and allies in the Twelve. Marami pong pagsubok ang bawat isa, whether it’s health issues, whether it’s yung kaso, etc. So, pag-pray nyo po kami. But yun nga po, let me affirm my faith in our system, in our constitution. In the Supreme Court, and first and foremost, in the God that I believe is alive.

(0:25:50) So again, we will update you. Please read the statement and I think the petitions should be made available usually after a few days, pinupost yan ng Supreme Court. God bless you po.

Gallery
More Media Resources

The cost of freedom and the fight for truth

(0:00:03) Praise God, Philippine Independence. Sa lahat nating mahal na kababayan sa Luzon, Visayas, Mindanao. Lahat ng kababayan natin na nagiging simbolo kung ano ang pagiging Pilipino sa bawat parte...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano