(0:00:39) Simula po ng ating pagkabata, simula po tayo’y namulat, tinuturuan po tayo na sa higit sa lahat, mahalin ang Panginoon, hindi po ba? At pagkatapos po tayo turuan na mahalin ang Panginoon, ang sinasabi saatin mahalin ang ating kapwa. Pero dahil lubusan nagmamahal ang mga Pilipino, ‘pag may gumagawa ng masama, minsan sobra ang ating patawad. Minsan paulit-ulit na ang pagnanakaw, okay din lang.
(0:01:14) Sobra na po ang ginagawa, tiisin na lang natin. Ako’y naniniwala po na kailangan hate is challenged with love. Make no mistake po. Tayo lahat naniniwala. Una ang Panginoon, mahalin ang kapwa, magalit tayo sa kasalanan, hate the sin, not the sinner.
(0:01:41) Ako’y naniniwala, we fight hate with love. Pero ako’y naniniwala, ang Diyos natin ay Diyos ng hustisiya, hindi po ba mga kababayan? Nung SONA, halos isang taon na nakalipas, malapit na po, ilang linggo na lang po SONA, ang sabi po ng ating mahal na Pangulo ay, Mahiya naman kayo!
(0:02:18) Yung iba po, yung iba ay nagkaroon ng pag-asa. Well finally, after 3 years, yung bali-balita sa kalye na 20% na, 25% na, 30% na, 40% na [ang] ninanakaw, umabot na rin hanggang Malacanang ang balita. Nagkaroon po ng pag-asa ang ating mga kababayan. Kasi baka naman dahil iba syempre ‘pag Pangulo, iba ‘pag na sa taas ka, hindi po ba?
(0:02:58) Kayo po ay napaka-blessed. Bakit po? Ang isang Pilipino, ‘pag sumulat po sa inyong taga pamahala, kahit na saan po sulok ng bansa, nakakaabot. ‘Pag may naaapi na kapatid, nakakaabot at inaaksyunan. Pero minsan, sa simpleng… inaudible… Minsan sa simpleng Mayor o Governor, kahit po sakin, maraming sumusulat, pasensya na, minsan po hindi ko natutugunan. Eh lalo pa ho ang Pangulo. Kaya nagkapagasa tayo. Agad-agad kumilos si Senator Lacson, nag privilege speech, eh naghe-hearing na si Senator Marcoleta noon. Sabi ko kay Sen. Marcoleta, sir gawal mag-privilege speech, dapat kapag hearing, hearing na, dapat sa hearing.
(0:03:59) Mabait po si Sen Marcoleta. Sabi niya, aangal ba? Hindi, baka makatulong sa atin. So nagkaisa kami sa minority noon. Sige, kahit na bawal ang ginagawa kung makakatulong sa bansa, kung mahahanap ang magnanakaw, kung ang kadiliman ay mabibigyan ng ilaw, ok na. Nag-speech po siya, na-reveal yung mga ghosts. Pagkatapos sinabi 400 yung ghosts, libo na yung ghosts, ang dami ine-exposed. And then pinalitan si Sen Marcoleta. Noong pinalitan si Sen. Marcoleta, ang mastermind ay Senador na lang. Nawala na po lahat nung iba. Nawala na sa departamento, nawala yung Secretaries, nawala yung Congressman. Nawala po yung napakalaking tao na kung siya po nagpagalaw nitong lahat. Pero
(0:05:01) Pero sabihin niyo, kapatid na Alan, biased ka. Hindi po si Ombudsman Boying Remulla mismo nagsabing meron mastermind. Sabi po ni Ombudsman meron mastermind. Ano po ang sabi ni Senator Lacson? Walang mastermind. So mga kapatid, malinaw na malinaw po na ang unang nagbigay ng pag-asa sa atin na Pangulo mismo nagsabing mahiya naman kayo.
Hindi na po sila nahihiya. Sa totoo lang po, kawalang hiya na ang ginagawa. Feb 4 po, ipe-pwesto po namin si Sen. Legarda bilang SP. 30 minutes before 3 o’clock tumahimik ang buong Senado. Bakit po? Nagtawagan na galing sa matataas na opisina at sinabi sa mga senador, hindi na kayo makukulong, bawiin nyo lang pirma niyo. Huwag niyo lang papalitan si Tito Sotto.
(0:06:18) Yan po ay recorded, yan po ay alam ni Jinggoy Estrada, yan po isisiwalat niya sa tamang panahon. Ang sabi po sa amin, huwag lang si Loren, huwag lang si Loren, hindi na namin tinanong bakit. Sabi ni Loren Legarda, Alan, anak ko lumalaban. So baka yun ang dahilan. Pero ok lang Alan, ok lang sinabi niya amin lahat, magtiis tayo, magtrabaho, pero sabihin natin wala nang lokohan. Wala nang lokohan sa flood control, walang lokohan sa chacha, walang lokohan sa dito sa darating na impeachment. Ano po nangyari? Araw-araw pabago-bago, sasabihin ni Senator Lacson, walang report. Tapos may report. Tapos may mastermind. Hindi, kasama na. Hindi, kasama na si Romualdez.
(0:07:09) Tapos nung sinabi ng isang witness, ito yung mga Secretary, nag-deliver, lumabas po di ba yung mga marines. Ano sabi ni Sen Lacson? Sabi niya hindi nag-deliver pero hindi sa malacanang. Eh si Sen Lacson naging witness na rin? Paano po siya naging witness? Yun po ang inalmahan namin. Kaya nung Mayo-Onse, dumating po si Senator Bato.
(0:07:42) Alam niyo po ba, lunes yon. Sabado, tumawag siya sa akin. Sabi niya, Alan, panay-checkpoint na hindi na ako makakarating. Wala rin naman yung isa. Hindi ko na sasabihin kung sino. Sabi ko, kuya, yung isang yon, pang-14, pang-13 ka. Sabi niya, ganun ba? Sige, pagdagasal ko. Alam niyo po, nung sinabi niyang pagdagasal ko, naramdaman ko.
(0:08:06) Naramdaman ko na hindi yun parang… may pag-asa ba? May pag-asa. Pero tingin mo walang pag-asa. Hindi, parang boss, laban, pagdasal natin. Hindi po. Naramdaman ko yung sincerity, ipagdadasal ko. Lunes ng umaga, 10 ng umaga, tumatawag. Sabi ko, Sen kung dadating ka, Alan, Alan, hindi Sen, gusto ko lang malaman mo kung darating ka, ito yung… Sen. makinig ka. Sabi ko ano yun kuya? Nandito na ako, sunduin mo na ako. So napagdasal niya at alam niya ang tamang gagawin. Akalain po ba namin puno na ng NBI ang Senado? Mahigit 20 operatives na sa loob ng Senado, nakakalat na. Mismo pong si President Cory Aquino, noong nagkaroon ng kudeta. Mismong Senate President niya na si Senate President Salonga, hindi pinayagan na kunin si Former Senate President Enrile sa loob.
(9:07) Pinayagan mag-privilege speeech muna tapos nag-surrender. Kahit na naniniwala sa panahon na yun na walang kasong rebellion complex with murder. Ngayon naman po may bagong kaso, plunder complex with campaign donation. Kung pandarambong po ang pag-accept ng campaign donation, hindi po bribery ah. Iba po yung bribery, yung may tatakbo, may kailangang kontrata, ito. Wala pong kailangan na kontrata yung mga nagdonate kay Rodante. Wala po. Kung yun po ay plunder, baka kalahati po ng mga nanunungkulan sa gobyerno ay sama-sama na dapat makulong dahil sa mga donasyon. Bibigyan ko kayo ng example ah.
(0:10:00) Although karamihan dito kapatid, sabihin na natin may iba pang mga sumama. Nung 2016 eleksyon, meron pong eleksyon, may isang kandidato nagpapadonate ng lugaw. Okay? Magandang project yun. Magandang project yun. Magandang project yun. Pero kung isang milyon po tayo na nagbigay ng 50 pesos para po magkaroon ng lugaw, 50 milyon yun, plunder po ba yun? O kayo po, may mga t-shirt kayo. Kung tatakbo po si Ka Dante, nagbigay kayo ng t-shirt worth 50 pesos, eh ilang milyon po ang mga kapatid? Sa isang milyon na lang po, nagbigay isang t-shirt, plunder po yon? Ang kasalanan po ni Sen. Marcoleta ay hinahanap niya ang katotohanan, yun po ang buong katotohanan. Alam niyo po, hindi po ako mag papakahaba. Alam ko pong mahaba ang programa, mahaba ang pagtitiis, pero gusto ko pong aminin sa inyo to. Kaninang umaga, nung pinapanood ko yung video at malakas ang ulan at hindi po umaalis, tapos may konting kaguluhan, nagsisigawan, we are one.
(Crowds shouted “we are one”)
(0:11:33) Aaminin ko po sa inyo, naiiyak po ako habang pinapanood ko yung video. Alam niyo po bakit ako naiiyak? Kinse anyos po, nandito ako sa EDSA. Maka-Marcos po ako eh. Nung bata po ako. Assemblyman po ang tatay ko, apat lang silang nanalo sa Metro Manila. Saan… nung grade 5, grade 6 kami po. Tatlo lang ang suntukan, pareho kayo ng crush, Crispa-Toyota, o Marcos-Aquino. Yun lang po, yung suntukan sa amin. Linggo-linggo, yun lang tatlo ang pinagkakasuntukan. Inuunahan mo ako sa crush ko, mas pogi ka, Ako, Crispa, Toyota yung mga kaklase ko o kaya, wala pang Ginebra nun, toyota pa nun o kaya, Aquino o Marcos. Pero dumating po ang panahon na kailangan sabihin, tama na.
(Crowds shouted “tama na!”)
(0:12:55) Noong 2023, halos isang trilyong piso ang DPWH. Ang flood control, mahigit tatlong daang milyon. Ang maintenance ng roads, unang beses, one-third din ng budget, mahigit din tatlong daang milyon. Usually, 70% ng budget ay bagong kalye, bagong tulay, bagong building. First time po noong 2023, flood control atsaka maintenance. Ang maintenance po hindi pa inimbestigan hanggang ngayon. Hindi pa rin po natuwa 2024, wala pa rin nagsabing tama na. Ganun na naman ang ginawa, DPWH pa lang ho yan, wala pang DOH yan, wala pang Department of Agriculture yan, wala pang BIR yan, wala pang LTO yan, walang smuggling pa yan. At lalong-lalong wala pang kita sa droga yan. Kaya nung dumating ang 25 na SONA, natuwa tayo nung sinabi. Nung sinabing mahiya naman kayo kasi ibig sabihin may nagsabi sa ating mahal na Pangulo, boss, tama na! Boss, tama na!
(Crowds shouted “Boss, tama na!”)
(0:14:23) Ano ang problema? Ang problema, nung natutukoy na ni Sen. Marcoleta kung sino, kung sino mastermind, nasabihan si Ping Lacson, tama na nalalaman na kung sinong ano. Ang problema, nung hindi na namin kinaya at pinalitan na namin si Tito Sotto, may nagsabi sa Malacanang, tama na, huwag niyo payagan yung mga yan makaupo.
(0:14:51) Sabi nila, tama na, litisin na. Tama na, litisin na ang ating Vice President. Nangako po kami, fair yung ating pong paglilitis. Eh bakit ayaw po nila isabay ang hearing ng flood control dun sa paglilitis? Selective justice, di ba? Kung sino lang po ang gusto nila, so ang ibig sabihin po, gusto natin maging malapit tayo sa hustisya. So sa malayo, ang ginagawa nila parang malapit. Pero pag tinutukan mo sa malapit, malayo. Malayo po ang ginagawa nilang hustisya. Kanina po papunta dito, we are one.
(0:15:34) Pangarap ko po, pangarap ko at dasal ko para sa ating lahat. Sana po, maging katoliko, maging born again, maging muslim, maging kapatid sa Iglesia ni Cristo, maging bisaya, maging kapampangan, bikolano, maging bata, maging matanda. Bilang Pilipino, nakasigaw tayo. “We are one! We are one! We are one!”
(Crowds shouted “We are one!”)
(0:16:14) Baka pumayag po kayo na makulong si Senator Marcoleta na hindi naririnig ng bansa
na karamihan kung hindi tayo lahat ay sumisigaw ng We Are One. Okay lang po. Pagkatapos po ni Sen. Marcoleta, isa-isahin na po kami. Kasi ngayon po, ngayon, dalawa na po ang nawawala sa kasamahan namin. Sinasabihan na si Sen. Bong Go, lalabas na warrant mo. So, 21 na lang. Sinasabihan na si Sen. Marcoleta, ikaw na susunod ngayong linggo. Ilan na lang yun? Apat? Bente na lang? Sabi ng Ombudsman, maaaring dalawa, tatlong senador. Eh trese na po sila. So yun yung hangarin, nasa trese, pwede na nila convict ang isang impeachable na officer. Kaya, yung iba natin kasama sa EDSA noong 1986, yung pong nagsasabing laban, ay ngayon po hindi lumalaban.
(0:17:23) Bakit po? Bakit sila hindi lumalaban? Bakit sila hindi sumisigaw na “we are one”? Dahil gusto nila pag na-impeach ang vice president, sila ma-appoint at sila naman ang magiging presidente. Dahil, eh bakit naman papayag ang Pangulo na ganun magiging presidente? Kasi ang sabi naman ng Malacanang yan, sige mag agawan na kayo. Wala namang election eh. Mag chacha naman tayo. So, lahat po ito ay sa pangalan lamang ng simpleng gawain. Ang gawain ng flood control. Kung wala namang pong flood control, normal po ang ating politika. Normal po, pwede natin sabihin we are one, pero ikaw dilaw, eto puti, eto itim, eto rainbow. Pwede naman po natin sabihin magkakasama tayo eh. Pero bakit po madugo ang labanan ngayon?
(0:18:22) Dahil iniisip po nung iba, lamunin na natin yung pagnanakaw. Pag tayo naman naging presidente, palitan natin lahat yan. Hindi po mangyayari kapatid. Kasi pag na-dungisan ka na at kasama ka na sa cover up, wala ka ng choice, itutuloy-tuloy mo na ang pananakip. Itutuloy-tuloy mo na yung selective justice. Baon ka na, hawak ka na nila. Yun po ang problema natin kay Ka Dante. Hindi natin po problema na makukulong siya. Ang problema natin hindi siya mahawakan. Ang problema natin hindi siya madidiktahan. Kaya mga kapatid, sana hindi kayo madiktahan. At sana po, yung mga nakikinig sa kanilang mga bahay, yung mga nanonood, pagdasal niyo po yung nangyayari ngayon. Kung may konti kayong oras at pamasahe, pumunta na rin po kayo dito dahil welcome po kayong lahat. Welcome po kayong lahat. Welcome po kayong lahat.
(0:19:48) Yung mga nabasa kanina, yung mga papawisan, pag uwi niyo yung t-shirt na to, lalaban nyo, di ba? You will wash it. Pero tingnan niyo yung t-shirt, they want it washed away. Siguro last na po ito. Yung mga kasing edad ko at mas matanda, hindi ko alam kung naalala niyo pa yung commercial ng 1980’s. Meron pong commercial sa TV kasi nga ang mga tao dumadami na noon sa Metro Manila, marami po nagtatapon ng basura. Naglabas po ng gobyerno ng commercial ang basurang tinapon niyo babalik din sa inyo. So kapag ka ikaw ay public official, at may desisyon ka, at kwinestyon ng tao, katulad ng ginagawa niyo ngayon, katulad ng ginawa niyo sa malawakan niyong rally, nung nanawagan kayo ng pagkakaisa, nanawagan kayong pakinggan kayo, dalawa lang po ang pwedeng gawin ng public official.
(0:20:56) Una, mag-reflect, makinig. Oo nga naman, baka tama sila. Baka nga selective justice, ayusin natin ito. Pero pangalawa, double down. Double down, ibig sabihin, yung mali, lalo nilang pagpipilitan na tama. So nakita na ni Sen. Lacson na nag kaloko-loko na yung Blue Ribbon Committee, inilagay pa si Erwin Tulfo, tapos sabi ni Erwin Tulfo, nung siya po ay pinagbintangan ng 18 ex-marines, huwag kayong mag-alala mga kababayan. Hindi po ako, si Senator Pangilinan, ang mag-heahearing. Pagkatapos, naging 13 na sila. Ano po ang sabi ni Senator Erwin?
(0:21:54) Ang buhay ba natin ay iikot na lang sa flood control? Pagkatapos niyong nakawin ang mahigit isang daang bilyong piso, ang trilyon-trilyong piso, sasabihan niyo kami, ang buhay ba natin ay iikot na lang sa imbestigasyon?
(0:22:18) Pero hindi pa nga natuwa dun eh. Huwag na tayo mag-imbestiga. Pero lahat ng manggugulo, ikulong natin yan, si Marcoleta ang kulit, ikulong natin yan. So, kaya po tayo nandito, wala pong pupuntahan itong ginagawa natin. Mga kapatid, tingin niyo po ba nagbago na?
(0:22:37) Okay lang kung pagkatapos ng one year at sinabi, sinabi, mahiya naman kayo, kung nahiya na lahat, edi dapat nag rarally tayo dito para magpasalamat. Pero ang katotohanan po, tuloy pa rin naman ang korupsyon. Ang katotohanan naman namimili, ikaw very good ka, ikaw umamin ka, ikaw magsoli ka, sila na lang nagtuturo. Wala na pong daan para sa katotohanan. Sabi nila, hinaharang natin ang daan. Oo. Bakit? Eh hinaharang nyo na yung daan ng hustisya. Edi, harangin naman namin ang EDSA. Ang sabi nyo, napeperwisyo ang traffic. Totoo po yun. At pasensya na po ang mga napeperwisyo sa traffic. Pero yung gutom araw-araw, dahil ninakaw ng gobyerno ang pera. Hindi ba kayo napeperwisyo?
(0:23:35) Yung nawawalan ng trabaho, hindi ba kayo napeperwisyo. Huwag niyo po kaming iwanan ko po sa inyo, mga kapatid. Huwag niyo po kaming alalahanin. Si Jinggoy Estrada, si Senator Bato, si Senator Legarda, na hindi nakaupong unang Senate President na babae, si Senator Imee Marcos, na kung saan dapat na-enjoy niya ang pagbabalik ng Marcos sa Malacanang, pero pinili ni Imee lumaban kasama natin. Si Senator Pia, na ang kanyang pinaglalaban, pamilya, anak, kababaihang. Pero isipin niyo po, kung hindi pa niya sinundo yung labing walong marines, hindi pa papasukin sa Senado.
(0:24:25) Si Sen. Padilla, nanilalait nila, kulang daw sa kaalaman. Pero siya po, malinis ang puso at nung sinabi nandyan ang Marines, kahit po sino humarang, hindi pwede, papapasukin namin. So, huwag nyo po kaming alalahanin, desidido po kami lumaban. Alalahanin nyo po inyong mga anak. Kasi kung ano tinanim natin ng 1986, kung ano tinanim natin ng 1992? Kung ano tinanim natin ng 1998? EDSA 1, EDSA 2, EDSA 3 ba? Naalala nyo pa? Kung ano tinanim po natin, yan ang ating aanihin. So mga kapatid, yung inyong paninindigan today. Peaceful rally ha? Peaceful rally po. Kanina pagkatapos sigawan “We Are One”, sumisigaw po din “Walang manggugulo.” Maayos lahat, di ba? Ang mga pulis, mahal natin sila, ginagawa nila trabaho. Pero sabi sa konstitusyon, ang pinakamataas, hindi presidente, ang pinakamataas sa isang democracy ay ang taong bayan. Sabi ng iba, huwag niyo i-damay ang Diyos. Hindi po, nakalagay sa konstitusyon eh, with the aid of the Almighty.
(0:25:49) Sabi po sa konstitusyon, tayo’y maka-Diyos. So mga kapatid, tuwing sisigaw kayo ng We Are One, sana maalala ng bawat Pilipino. Ano man ang ating edad, ano man ang ating kakayanan, ano man ating trabaho, ano man ating sport, ano man ating kapansanan, ano man ang ating religion, sana dumating ang araw, na lahat ng Pilipino ay pwedeng sumigaw ng…
(Crowds shouted “We are one!”)