REPORTER
(0:00:00) Will this be that the Senate is already resuming with impeachment, with budget, with LEDAC bills?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00:08) We have a crisis of hope. Marami tayong hinaharap na crisis ngayon. Crisis ng tiwala sa gobyerno. I’m not talking about the administration lang, but to everyone. Hindi lang dahil sa batuhan ng akusasyon. Kasi after one year, hindi pa klaro yung reforms dun sa flood control at infrastructure scandal. Yung day-to-day na corruption, whether yan ay traffic violation, yan ay permits, ay parang naging sa kultura na natin. Having said that, unknown pa or uncertain kung ano nangyayari sa Middle East, kaya ang presyo ng gasolina, asahan nyo na bababa ng konti, after 2 months, 3 months, tataas na naman. Maraming malilit na negosyo ay umaangal na hirap na po sila. So on one side, magandang naitaas yung minimum wage, especially sa malalaking kum
panya na napakaganda naman ng profit margins. On the other hand, for small businesses, may question mark din. Tapos yung spending, OFWs nangangamba na pag tinamaan nga yung mga bansa nila, lalo sa Kuwait, Bahrain, Qatar, ay baka mawalan sila ng trabaho.
(0:01:27) Then of course for many in the opposition, yung undeclared martial law is an issue and meron nga bang election sa 2028. So all of this, SONA is an opportunity to give some certainty. SONA is an opportunity not to pin the hopes on the administration but hope na
on certain areas pwede magkaisa. Di ba? Halimbawa, sa economy. When I had the chance to speak to many of the high officials in my short stint as a Senate President, sinabi ko sa kanila yun na okay sa akin yung prioritize yung ekonomiya, okay sa akin at okay na okay yung fair at saka maayos na impeachment, and then paano natin i-resolve yung flood control na katanggap-tanggap.
(0:02:14) So, it’s an opportunity. Mamaya is an opportunity. But as you said nga, sa impeachment trial, may one-hourly surely lunch ka. But let’s say 4 to 7 yung session. So, ang matitira mo lang meeting time if you like meeting ng lunch, breakfast, or dinner is dinner. So, kung makauwi ka ng mga 9 o’clock, magbabasa ka ng isa, dalawang oras, 11, gising ka ulit ng 6-7, parang talagang ang gagawin mo na lang ay yung session hall at saka yung impeachment ng Monday to Wednesday. Meron naman Thursday to Saturday, but given that our senators are elected nationwide at dapat nagpapakita din kami sa other parts of the country, it’ll be a challenging… Di ko talaga malaman kung 3 months, 6 months, meron nga yung sinabi ni Senator Win na sa takbo ngayon, baka umabot ng one year. So let’s see. But we just have to rise to the challenge.
REPORTER
(0:03:16) How is … that we adjusting, sir? Knowing na tao rin naman kayo at may hearings, may budget?
SENATE MINORITY LEADER ALAN CAYETANO
(0:03:22) Partly you plan it. Well, ako yun yung main concern ko. Malaki sa mga skandalo ay hugot sa budget. So yung mas concern ko nga na pag umabot ito ng late October, November, kasi remember kahit na November na yung budget hearings dito or October during the break, binabantayan na namin yung sa house, binabasa na namin yun. So yun ang medyo mabigat. Tapos alam naman, ilan na ba yung secretaries na hindi pa nako-confirm?
REPORTER
(0:04:08) Sir, aattend po kayo lahat at bakit po kaya lahat nakablack?
SENATE MINORITY LEADER ALAN CAYETANO
(0:04:10) Hindi pa kami nag-uusap lahat. Ako mas preference ko siguro panoorin na lang sa TV. Baka mas komportable din yung administrasyon that way and it’s my simple way of protesting pati sa pagbla-black. Unlike in 1986-87 na ramdam talaga na may question of democracy. Ngayon, siyempre it’s more of poverty, economy at saka yung corruption. But I really believe that our democracy is in danger and talagang pag nagsalita ka, target ka bigla.
REPORTER
(0:04:50) What do you mean by undeclared martial law, kanina nung sinabi nyong merong undeclared martial law?
SENATE MINORITY LEADER ALAN CAYETANO
(0:04:52) That’s been said for the last six months. It’s about freedom and democracy. So, tignan nyo lahat ng nakakasuhan at lahat ng nakukulong. Pag tahimik ka at sumama ka, parang if you can’t meet them, join them, happy ka. Pero malungkot ang bansa. Pero pag tayuan mo yung mga prinsipyo mo, ikaw pa kakasuhan. This morning lang, I was meditating on Mike Defensor. I don’t know his activities. I haven’t kept in touch with him. But assuming he donated money. So assuming 50 million yung plunder, na hindi kami naniniwala tama yung interpretation kay Sen. Marcoleta. Pero kung nag-donate ka ng isang libo, isang milyon, tapos napasabay dun sa plunder, plunder ka rin, tapos non bailable. Bantayan nyo yung mga kaso. Pag medyo kumampi, et cetera, hindi mo sure kung ifa-file o kaya available. Pagkakalaban, non-bailable ka agad.
REPORTER
(0:05:55) Do you believe there is an undeclared martial law?
SENATE MINORITY LEADER ALAN CAYETANO
(0:06:07) Kung hindi man, we’re nearing that. Kung may vlogger ka na kakampi, wala namang cyber liber. Wala namang warrant kaagad. Kapag kalaban ka, nandiyan na kaagad. You also ask your editors, your owners of the networks, yung pressures kung meron o wala. Kayo makakasagot yan. Pero sa business at sa politika, even sa religious leaders, mga nakakausap ko na nakikita at nararamdaman nila na sana hindi. So one big assurance is paulit-ulit sabihin ng Malacanang na may election sa 2028, walang chacha, hindi ia-abolish ang Senado. And one way to ensure that is yung numbers. To say na two-thirds is really 16. Kasi nagsimula yan sa 12 is 13. Tapos ngayon, first few days sinabi nga 16. But then may mga gumagalaw na question-in nyo na sa Supreme Court. O kaya tignan natin. O kaya agahan natin yung pag ano nito. So, it’s dangerous times.
REPORTER
(0:07:01) Sir sa araw-araw may post si Senator Lacson… ?
SENATE MINORITY LEADER ALAN CAYETANO
(0:07:03) Ganun niya ako kamahal na paggising sa umaga ako naalala niya. From May 11, when I took the job, I knew that many persecution will be coming my way. Hindi ko lang na-expect it’s through a senior senator na maraming bilib sa investigation skills. But ongoing, everyday naman, may konti siyang amendment, etc. But like yung sinabi niya today, hindi ko alam saan nanggaling yun. I’m not the secretary of DPWH. I’m not the regional director. I’m not an engineer. But of course, taga Taguig ako. So as much as I can binabantayan ko. It’s on the record.
(0:07:51) I never said certain things that he says I’m saying or doing. But pag may nabubuko kaming mali, kayo di ba nakita nyo yung mag isa akong naghi-hearing halos dito dun sa bridge na bumagsak sa Isabela. May in-expose din ako ng mga tiwali na contractor na kung ano-anong ginagawa, whether it’s in our city or otherwise. Hanggang ngayon, hindi nakakasuhan yung contractor na yun. So marami kaming nakalaban sa Taguig, maraming natanggal, whether sa local government, sa national government, contractor. So maaring yun yung mga nagsusumbong. So i-verify lang nila mabuti. Pero haharapin namin yun.
(0:08:30) Wala naman kaming choice kundi harapin yun. Ang hinihingi lang naman namin is that makita nung tao yung bigger picture na kung sinong nag-iimbestiga, kung sinong nagci-criticize, biglang sila yung gustong imbestigahan. Hindi naman natin inaatrasan yan pero hindi dapat ang…
(0:08:47) ma-single out. Ang dami. May mahaba akong listahan na mga pwedeng tignan. So having said that, let’s finish the SONA, the Kontra SONA. Then we’ll have all the time for both the impeachment and allegations of corruption. But haharapin natin yan.
REPORTER:
(0:09:03) May insertion daw po kayo na more than 6 billion pesos sa 2025 budget?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:09:06) Kapagka minority insertion. Pag majority amendment. Pagka majority, pwedeng lahat ng senador may amendment and sasagutin ko sa tamang forum at panahon kahit sa harap niyo. But I want na ilatag niya yung ano ba talaga ang sinasabi niya, magkano, saan, etc. So ang sinasabi niya ba basta’t nasa budget at nasa Taguig ako na naglagay nun?
(0:09:37) Walang ibang officials from the cabinet to…, di ba? Hindi mo masasagot yung allegation ng hindi buo eh. So, halimbawa, di ba yung sinabi… pag sinabi yung mainstream media, maraming bayaran, di ba unfair sa inyong lahat yun? Di ba unfair sa lahat pati sa mga ano yun, di ba?
(0:10:00) So, sabihin mo, sino, paano, magkano, para masagot mo. Di ba?
REPORTER:
(0:10:06) Inaudible… sa tweet na yung mga projects na nabayaran na ng…
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:10:11) E, alin project nga yun? Alin project yun? So, pag sinabi kong may radio… Nimfa, matanda na tayo. Walang allegation na sinasagot na hindi mo alam kung ano yung allegation.
(0:10:23) Di ba, so pag sinabi kong meron dyan radio o anchor sa TV o may vlogger dyan na bigyan, may PR, sasagutin mo. Hindi mo alam kung anong…
REPORTER:
(0:10:33) Pero masisiguro niyo po walang ghost sa…
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:10:35) Sorry, last question. Yes?
REPORTER:
(0:10:37) … ang sinasabi niya po ang rightful place n’yo ay sa Payatas
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:10:42) Para sa administrasyon na ito, lahat ng kritiko nila gusto niya sa Payatas. So, I leave it to God. I leave it to our people. Kilala niyo ako. Kilala niyo yung naging patakaran ko. You ask our reputation sa Taguig. Kung pumapayag kami ng kalokohan. Kaya nga maraming galit na contractor eh. Kasi nga, mahigpit ang patakaran. Kung may nakalusot dyan, et cetera, let’s see. Di ba? But you know us. You know us. You might not always like me. Maybe more times asar o hindi, et cetera. But you know us. You know us. And people know us. Di ba?
REPORTER:
(0:11:17) Pero sa sinabi niya na walang ghost project … inaudible.
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:11:20) Sabi ko, to my knowledge, walang ghost project. I’ve said that again and again. Nung sinabi nilang Discaya, sabi ko, lahat imbestigahan. Pasig, Baguio, buong Pilipinas. One year na, wala pang report. Tapos after one year, biglang Taguig. Di ba? So hindi kami pwedeng tumahimik. Kung ano ang intensyon para kami manahimik, sorry.