Cayetanos talk impeachment rules family lessons and sports

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano and Senator Pia Cayetano discussed why rules and due process are important in the impeachment trial, stressing that the law should protect everyone equally. The siblings also talked about their family’s influence, sports, and the importance of supporting Filipino athletes.
Transcript

SENATOR PIA CAYETANO: 

(0:00:01) Ayan! Nag-live! Finally! Kanina pa ako walang signal! So ngayon may signal na and hello, hello, hello! Good evening sa inyong lahat! Ako ba yung nagko-connect? Nandyan ba kayo? Hindi ako sure kasi wala pa ako nakitang nag lilitawan na mga names ninyo.

(0:00:26) Sana connected na tayo. Okay. Hi everyone! Good evening! Please let me know kung yung sound ay okay at yung connection okay ba? At habang na inaantay ko yung sagot nyo kung okay, dahil sayang naman yung pag kikwento ko kung hindi okay, tell me na rin kung taga saan kayo para naman na ma-shoutout ko naman yung mga loved ones niyo, mga kapit bahay niyo. So nakikita ko na si (mentioned viewer). Hello everyone! (mentioned viewer). Good evening, watching from Singapore (mentioned viewer). Hello, hello, so, guys…

(0:01:12) I have an exciting guest. Excited na nga siyang lumapit eh. Pero huwag muna. Solohin niyo muna ako. Huwag muna. Huwag muna. Hello (mentioned viewer). Kamusta po kayong lahat? It’s late Saturday and family time. Alam niyo kanina pa ako magla-live.

(0:01:31) Pero hindi ko… mahina ang wifi. So, antay-antay ako tapos nag-connect na tayo. At I just wanna check in how everybody is. Alam nyo, medyo ako ay konting pagod. Pero I wanna ask you, what do you look forward to pag-weekend?

(0:01:54) Ano yung parang after a busy week, sabihin mo ng work stress o kung ano man, ano yung parang you’re looking forward na magawa over the weekend para naman makapag-relax kayo.

(0:02:11) Ako normally, normally, and I said this three days ago nung nag-live ako na nagtumakbo ko, talagang sports din talaga yung outlet ko because nasanay ako ng ganun sa tatay namin. Talagang siya rin, mahilig sa sports. So ako din, kung pwedeng at the end of the day or minsan maaga, iba-ibang oras. But pag-weekend, hinahabol ko din yun, especially kung yung sports ay may kasamang laro with my daughters. We play paddle together. Minsan yung son ko din. So looking forward ako doon. Yung passion ng son ko ngayon is chess eh. Eh ang mahilig sa chess si Alan. Hindi ako. So ano ba tingin nyo? Kailangan ba matuto na ako mag-chess? Marunong ako mag-chess ha. Pero hindi ako magaling. Eh sila ni Alan tsaka nung anak ko, magagaling na sila.

(0:03:02) (mentioned viewer), thank you. Thank you. You’re so sweet. And (mentioned viewer), what is this? (mentioned viewer). Shout out. Watching from KSA. Hello. Tapos si (mentioned viewer). Yan. So anyway, magkwento naman kayo. Si (mentioned viewer) from Oman. And from watching from (mentioned viewer) ba to? (mentioned viewer)? Uy, (mentioned viewer). Si (mentioned viewer). Nakabike na ako dyan sa (mentioned viewer).

(0:03:31) and (mentioned viewer) from Negros Oriental. (mentioned viewer)! Ayun ako, nakarating na ako dyan. Anyway, so normally, don’t forget guys, sobrang importante na mag-recharge kayo because hindi tayo robots, we are humans, okay? Alam mo, pag nakita mo yung bata, biglang parang sabi yung tatantrum, hindi niya ma-regulate yung emotions niya. Supposedly, as adults, we can regulate our emotions better, but there are ways to help us. And this would, number one, include better sleep. Tandaan nyo, importante yung tulog. Number two, support system. Your friends, your family na nandiyan na umaalalay sa inyo. You know, we all go through different things. There was a time in our life, kami ng family ko, may sakit yung daddy namin, nasa ospital, alam namin malubha. Mabigat yun. So kami-kaming buong pamilya, nagtutulungan. And then, before that, yung anak ko naman na malubha yung kanyang sakit, ma…

(0:04:29) He had trisomy 13, which is an incurable condition. Namatay po siya sa hospital. Ang support ko din talaga is yung family ko. So, we all have different stressors. Could be work, could be family, could be love life.

(0:04:46) But we need to know how to cope. And yun nga, yung when you exercise, nagbibigay yan sa’yo ng happy hormones. Kaya masarap din talaga yung nag-i-exercise. Masarap talaga yan. Walking, running, not only nakakabuti sa inyong katawan, pero nakakabuti din sa inyong pag-iisip. So yan ang aking tip.

(0:05:06) But you know, minsan, magtataka ka rin na parang sobra naman. Kasi napansin ko nga, okay, ito yung topic of the day before ko tawagin ang ating special guest. Hulaan nyo na kung sino yung special guest. Hulaan niyo na. Pero time out. (mentioned viewer), hello from Cebu. Kamusta na mo tanan sa Cebu? I hope maybe in two weeks makabisita ko sa Cebu soon. (mentioned viewer), sana nga magkita rin kita personally. Taga bukol si (mentioned viewer).

(0:05:36) So anyway, I was saying guys na nalaman ko na pati na pala ang aking tono ng boses pinag didiskitahan. And I don’t mind. Guys, hindi ako singer. Wala talaga akong boses. Kaya kung mag hanap ka ng campaign na kumanta ako, wala po kayong makikita dahil hindi ko po talent yung pag kakanta. So yung pag momodulate ng boses, hindi ko din po talent yun. Pasensya na po. I respect people’s crafts, no.

(0:06:13) Whether ikaw ay artist sa larangan ng music, ikaw ay artist sa larangan ng acting, artist sa larangan ng painting, I respect it. And wala akong karapatan na husgahan kayo sa craft ninyo. Ako naman isang abogado.

(0:06:29) Sanay ako na ang nature ng work ng lawyer is you, well, you know the law and then you will use that law to protect the rights. Pag-private practitioner ka, the rights of your client. In my case, as a senator, I make laws. And in this case, meron tayong impeachment. So I am doing my best, to the best of my ability, to be an impartial judge and to share my knowledge as a lawyer. So kung hindi nyo nagugustuhan, yung pagpapaliwanag ko, karapatan nyo naman po yun. Pero yung hindi nyo lang type yung boses ko, sorry na, kasi yan na ho talaga yung binigay sa akin ng Diyos. Wala ho akong training sa pagmamodulate ng boses. Kung may training man ako, ang training ko ay nasa pag-aabogado. And then as a hobby at nung ako’y estudyante, ang training ko ay nasa sports. O, ito na excited na yung guest ko, sandali, sandali.

(0:07:26) So ito lang, may nagsasabi daw, arrogant ako. Hindi po ako arrogant. There are times na masungit ako. There are times na impatient ako. Pero yung sabihin ninyo na nagsishare ako ng knowledge ko of the law, hindi po arrogance yun. You know, there was a time na half of the senators were lawyers. So lahat yan…

(0:07:51) Ginagamit nila yung kaalaman nila sa batas. Kasi nga, ano ba yung Senate? We make laws. Basahin niyo po yung Constitution. We make laws. So, kailangan kong gamitin yung pag-aabogado ko. So, there is never any intention on my part na magyabang. Ang goal ko nga po is ishare yung kaalaman ko. Kasi yung natutunan ko sa tatay ko is…

(0:08:11) ipaliwanag mo sa tao ang batas. So yun po yun. Hindi ko pwedeng i-disregard kung ano yung batas, pero ang job ko is ipaliwanag yung batas. So kung nagkukulang ako doon, by all means, tell me na, Sen, hindi namin maintindihan yung pinagsasabi mo. O edi sige, sabihin na sa akin, game ako doon, challenge ako doon. You know, I was a new lawyer when my dad invited me to be part of his show, yung Companero and Companera. 

(0:08:37) And nangangapa ako magpaliwanag kasi siyempre daddy ko sanay na sanay na, ako bago pa. So up to now, very willing ako, if you notice nga, pag nag-intervene ako, sinasabi ko pa kay presiding officer, sabi ko, okay ba yung tanong ko? Call me out. Sinasabi ko kung ano yung rules na sinasabi kong, oh dapat hindi tayo ganito, dapat, ano ba yung mga sinabi ko doon?

(0:09:01) Kung ano yung sinasabi ko na dapat sundin, sabi ko, pati ako, call me out. So, huwag niyo pong iisipin na arrogance yun. And if sa tono naman ng boses ko, pasensya na po. Kasi nga, hindi naman ako trained na magmodulate ng boses. Pero hindi ako nagyayabang in any way. Last point ko, bago ko tawagin yung bisita ko. Kasi ito, excited na siya. Kung ano nga nabasa, … inaudible… sa akin. Daldal ko daw. Pero mas madaldal siya. Hulaan nyo na kung sino.

(0:09:31) Ang point ko lang is, hindi pala type yung boses ko. Tapos sabi, pakulong daw ako dahil hindi type yung boses ko. Ba’t nagkaganito na yung mundo natin, di ba? Very clear naman sa batas natin kung ano yung mga kasalanan na dapat may kulong. Pero yung hindi type yung boses, sige, hindi nga type yung mukha ko. By the way, guys, kaya ako naka-shades. Baka sabi niyo, ang taray ko, graded po ito. At nagkataon na ito yung dala-dala ko. So, yun. Kasi pag hindi ko sinuot yan, hindi ko na mababasa yung mga names ninyo. But pag nakasalamin ako, I can read. Sabi ni (mentioned viewer), we support you. Thank you so much, (mentioned viewer). Tapos sabi ni (mentioned viewer), kamusta po? And I’m fine, (mentioned viewer) . Kamusta ka rin? So, I won’t be able to read kung wala ang aking salamin. So, ayan. Graded po kasi yan. Eto na. Eto na. Yung bisita kong sobrang excited na mag-join sa atin. Eto na. Hulaan nyo. Hulaan nyo. I wanna know kung may hula kayo. Kung sino yun. Hulaan nyo. Hulaan nyo.

(0:10:29) Minsan lang kami magsama in our FB Live! Hi guys! Special edition to especially sa mga walang tulugan because it’s 11 o’clock and dun sa ating mga OFWs na nasa ibang time zone. This is for you, Al. Say hello!

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:10:44) So, God bless all of you. I’m listening to Ate Pia. Sarap ng interaction nyo. At saka namimiss ko yung … inaudible. Kwentuhan lang. Parang in a room lang like this. Kasi nga, simula May 11, parang panay political issues. Sobrang thankful ako na…

(0:11:06) Nanonood kayo, nakikinig kayo, nag susupport, you’re praying for us when we bump into each other. Pareho kami ng experience ni ate. Dati, hi, hello, pwede picture. But ngayon, yung may conversation. So it really shows us that you care. What we’re doing, it matters. And then yung insight. Kasi kahit anong sabihin mong, ang politiko, kahit anong sabihin makamasa, di ba?

(0:11:33) Iba yung daily experience ng ating mga kababayan. Of course. One quick example, kasi sinasabi mo abogado ka. Yung sinabi ng isang pulis sa amin, Sir, nanonood kami, ilan mga kasama nyo paulit-ulit na hindi dapat technical, sabi nung pulis. Sir, pag nanghuli kami, unang-una, nasa kalya parati, kahit hindi sila naka uniporme, they’re still on duty technically because they have to respond to any crime. And then, pag nasa korte daw, it takes weeks, it takes months. Tapos isang technicality, mapapawalang sala yun. 

(0:12:12) Tapos kung gusto nila silang gantihan o pamilya nila o kasuhan, nandun. Tapos sabi na, tapos sir, manonood kami. Vice President yung pinag-uusapan. Tapos mga senador kayo. Tapos sasabihin nyo, huwag naman yung technicality. So, you know, those kind of insights, hindi ko maiisip on my own. Di ba? Kasi nga yun, hindi naman ako nasa korte parati na sa mga crimes na whether pickpocketing, whether nagkaroon ng suntukan, or whether yun nga yung sa drugs, lalo na yung sa technicality sa pag huhuli, whether yun ay using, pushing, illegal possession or pushing. So, we really appreciate your time, your effort, your watching, your prayers.

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:12:56) Thank you. And yun nga, yung sabi ko, Al, kanina, bago ka nag-join, na wala namang intensyong gawing technical na pahirapan. Yung bilin nga ni Daddy talaga is, well, yung kanyang practice mismo is ipaliwanag ang batas, di ba? Yun ang job namin as a lawyer. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:13:11) May isang nag-comment eh, na parang, bakit ginawang supletory yung rules of court sa evidence? Actually, yung first impeachment na nandun ako, which is yung sa Corona impeachment, I felt the same way. Sabi ko, ba’t nasa rules yun? And I think it was sa Senate President JPE who said sa parang sa isang caucus natin, eh anong gagamitin natin kung hindi yun? 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:13:38) You have to have some kind of rules. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:13:42) Pero sa akin naman, parang hindi, kaya nga impeachment, it’s quasi-political. So meaning parang hearing sa Blue Ribbon or hearing sa Justice Committee. Pero hindi. We all agreed that it’s such an important… Kaya nga trial siya. Hindi siya hearing lang. Hindi lang siya… Hindi siya town hall. Hindi siya parang… Sino mas popular? Palakpakan natin to. Palakpakan natin to. Or who made the better points? It’s also not a debate. It’s really a trial. So…

(0:14:15) It takes time, it takes effort, but… Let me put it this way, ate. The end does not justify the means. So kung wala kang rule, kung ano yung means mo to get to the end, paano? Palakasan na lang. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:14:35) Ayun na nga eh. And that’s the reason why we have rules. I cannot help but think of this example. Narinig nyo nang sabihin na, basketball nga, may rules, di ba? Tapos pag nag-foul ka, bibilangan ka ng foul. Pag nakailang foul ka, out ka, di ba? May rules. But Al, tanda mo nung bata tayo, oops, sorry, sorry, nung bata tayo…

(0:14:53) eh kahit matuto ka pala mag patintero, may rules yun eh. Di ba? Nandun ka sa guhit. Sa guhit ka nakatayo. Oh, hindi ka naman pwede lumagpas sa guhit at puntahan mo yung kinakalabit mo, hahabulin mo, iba naman yun, habulan na yun. Iba naman yung rules. Pag sinabing habulan, habulan. Hindi mo pwedeng batuhin. Hindi batuhan yun, habulan. There are always rules. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:15:12) Eh sa subpoena, may rules yun. So isang pinag-uusapan namin, pinag-aaralan namin, and back and forth kami ng lawyers ko, is kung yung nirequest na subpoena para sa AMLA, sa anti-money laundering, sa bank account, sa mga banko, at saka sa BIR, whether nag-comply. So, ang style na ginawa ko sa lawyers na tumutulong sa akin, sabi ko, guys, maghati kayo. Kalahati sa inyo, kamping-kampi sa prosecution, kalahati, kamping-kampi sa… 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:15:40) Parang debate ng high school, diba? Choose a side. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:15:41) Para I can see both sides. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:15:43) Oh, exactly. Ganoon naman din ginawa ko sa team ko. Isulat nyo both sides. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:15:46) Ito yung mabigat, diba? So, kanina I was mentioning, okay, na may senador, sabi ko nga, sa pagkaalam ko, nag-two times yung SALN, pero siya na nagsabi kanina, hindi, four times. So, that in itself doesn’t mean na may mali. That in itself doesn’t mean na may, i-dineclare mo nga, eh, diba? So, I was making the point, but halimbawa, hindi ko siya gusto. So, pwede ko bang tawagan na kaagad yung AMLA, yung BIR, at saka yung, kunin yung ano. Kasi ganoon ang parang isang lumalabas dito sa kabila, eh…

(0:16:20) It’s another story, pero rather than sagutin, etc., iba yung sagot. But my point is guys, pagka kasi may rules, protection natin lahat yun. Kasi hindi naman pwedeng, pag magsasaka ka, iba yung rules sa’yo. Pag bilyonaryo ka, iba rules sa’yo. Pag abogado ka, iba rules sa’yo. Eh di kung ganun, parating panalo yung rule makers. Yung rule makers, kung sinong gumagawa ng rules. Kasi papalitan lang yan nang papalitan eh.

 (0:16:47) Di ba? Or yung joke sa atin nung bata tayo, golden rule. Who has the gold rules? Di  ba? Kasi yung tunay na golden rules, do not do unto others, yung ayaw mong gawin sa’yo. 

(inaudible)

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:17:00) Yun ang masakit. Yun yung ayaw natin mangyari. Because remember, Al, may kasabihan na lagi din sinasabi ni Daddy noon. Hindi naman siya ang nag-imbento noon, but he would always say it, yung those who have less in life should have more in the law. And that’s why… Hindi nga si Daddy yung original noon, pero sinasabi parati ni Daddy yun noon. Tama ka, baka U.S. case yan. Kaya ako nag-aabalang magpaliwanag ng batas kasi, you know guys…

(0:17:30) Muntik na ako hindi maging lawyer. Actually, hindi muntik. Ito si Alan. Bata pa lang yan. Gusto na mag-abogado. Kasi I’m almost five years older than Alan, okay? So, yung mga friends ko, saan ba rin si Alan? Yung kapatid mo. Ang bata-bata, lagi may hawak na diksyonaryo. Kasi nga, gusto mag-abogado. Ako, hindi ko gusto mag-abogado. Gusto ko mag-teacher kapareho ng mommy ko. Then, at another time, gusto ko mag-journalist. Anyway, ang tagal. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:17:56) At saka sa pagmamahal mo ng sports, gusto mo mag-chiropractor one time.

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:18:00) Oo, gusto ko mag-chiropractor. Isa palang chiropractor sa Pilipinas noon. Gusto ko na mag-chiropractor kasi ang hilig ko talaga sa katawan eh. Yung sports, palakasin ang katawan. And now, nandiyan na yung mind-body connection, di ba? Mas maraming evidence to show na a healthy body is a healthy mind. Kaya kahit si Alan … inaudible….Dati mataba yan, hanapin mo yung mga pictures. I’m so proud of him. He was like, what, 40, 50 pounds heavier? He looked 20 years older 20 years ago.

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:18:28) O mga ano naman, 20 to 30 lang. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:18:30) O sige, pero basta, you’re so fit, you’re fitter now, I’m proud of you. Nag-iisip siya, nag-aano yan, nag-i-elliptical, yung parang treadmill, pero hindi tag-tag sa tuhod. Anyway, wala tuloy yung pag-iisip ko. Those who have less in life should have more in the law. And that’s why muntik na nga ako hindi maging abogado. So nung naging abogado ko, sabi ko feeling ko, calling ni Lord sa akin yun. And yet, hindi ko alam kung anong law yung papraktisin ko. Kasi nga, in a way, parang pilit. Kasi hindi ko na alam kung ano yung aaralin ko. Sabi nila, sayang naman, nag-graduate ka ng cum laude, economics, dapat law yan, pre-law yan. Ewan ko, hilig. Parang ano, ba’t napunta ako doon, then awa naman ng Diyos, magaganda naman grades ko, pumasa naman ako.

(0:19:17) Nag-graduate ako with honor. So, sakin ko, ano bang law gagawin ko? I did, because ang tatay namin was a lawyer and a practitioner sa law office. Sabi niya, you have to work in a law office para yung tuloy-tuloy, para ka nagma-masters, tuloy-tuloy yung training mo. Yung training. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:19:31) Gigitgitin ka talaga, pero…

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:19:33) Kumbaga sa Dr. Al, parang nag-residente. Balik ka pa, aral-aral. So I did that not knowing na ang calling ko pala is to become a senator. Hindi ko po alam yun. Hindi ko po alam yun. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:19:45) Walang may alam sa atin. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:19:47) Wala akong balak. Wala. So that’s why now that I’m here, I really take my job seriously. And if you look at my track record, sabi nga nung isa ang yabang mo. Hindi ko ako mayabang. But it’s my job.

(0:20:00) It is my God-given job to share whatever talent I have. May mas magaling sa akin magpaliwanag, I’m sure. May mas matalino sa akin, I’m sure din. Pero kung ano man yung konting talino na nabigay sa akin, we have to use it to share us.

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:20:14) … tayo lumaki tayo na respect kahit na nag a-argue. Nag a-argue kami, minsan three-way, four-way. Minsan parang kampi si dad sa view ko, kampi kay ate, kampi sa… but minsan tatlo-apat kami. Sabi niya, as long as may logic ka, as long as yun ang paniniwala mo, and minsan it’s so nakakaasar because you really believe in it or just because yung parang, ba’t hindi tayo mag-agree? Pero yung time na yun, wala naman yung parang galit na tayo kung we disagree or ikulong mo na yan kasi we disagree. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:20:46) Yeah. Guys, you know, there’s nothing wrong with having arguments, disagreeing. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:20:51) In fact, it makes you better. I mean, kung every point in my life, si ate agreed with me I don’t think I’ll be… I still have a lot of flaws. I’m still a work in progress. But I think between the women in my life, my mom, my wife, Lani, and si Ate Pia, they tell pag gusto o hindi. In fact, buong buhay ko ngayon lang nila… inaudible.

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:21:15) Bagay naman ano, nagulat ako bagay kasi hindi ako mahilig sa mag balbas. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:21:20) Every Holy Week kasi di ba, ate? At ina-attempt ko yan. Kasi pagdating pa lang nung Saturday before the Palm Sunday and before Monday, pinapatubo ko na yan. Tapos mga Monday pa lang, Tuesday, yan, si ate, si Lani, shave mo na yan, etc.

(0:21:36) Nung nag-start yung impeachment, sabi ko kasi, they might shave our votes. Sabi ni Robin at saka ni Senator Jinggoy. Tapos later, sabi ni Mark, wag na tayo mag-shave. Don’t shave our votes. Kaya nagulat nung sinabing two-thirds is 16. Kaya ano, shave na ba tayo? Kaya lang nga, grabe yung araw, so fast. Guys, yung…

(0:22:00) For me, ate makes it look so easy na yun ang belief niya, yun ang ano. But grabe yung aral at saka yung kailangan mong malaman, kailangan mong i-review. Kasi hindi naman namin everyday practice yan. And even if you’re in litigation, nag-aaral pa rin yung mga abogada. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:22:18) In fairness, nag-aaral pa rin yung mga yun. Alam namin, lahat naman nag-aaral. So, yun lang. Mabalik lang tayo dun sa ano na… 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:22:28) Oh, iwanan ko na kayo. Kasi minsan ko lang din makasama si ate yung mga pamangkin. Kanina nga. Nag-chess. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:22:35) Alam nyo guys, o, lasa, lasa. Sabi ko kay Al, kailan ka ba gumaling mag-chess? Kasi sa pagkakaalam ko lahat ng sports, mas magaling ako. Eh, ba’t ngayon magaling ka na mag-chess? 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:22:44) Dahil nag-start nung pandemic nga. Kasi nga, yung mga bata sa bahay, tapos hindi naman pwedeng hindi ka mag-anak. But still, hindi ko maintindihan. Then when si Lucas started attending, yung coach niya, hindi kami nagkatuluyan once, pero in-encourage ako. So, ang ginawa ko, nag baon na ako ng chess set sa kotse. So, every time nagla-lunch or dinner, tapos may kasama si Lani na marunong mag-chess. And then, ano? And then, nung nagkagulo na sa Senate, simula May 11. Yun, pag may 5-minute break, may 20-minute break. May kasama din ako sa office na magaling din at tinatalo din at natututo. Kaya lang tagal tumira. Kaya… inaudible… siya, parang ano, one out of five times ko lang siya kalaban. And then, of course, special mention, Brother Jeremiah Belica, scientific eh.

(0:23:39) Pareho sila, actually, Lucas. Scientific maglaro. Alam nila yung, yung, di ba yung parang sa gitara, guys, or sa piano, di ba, te? Meron yung sa kapa, tapos talagang… 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:23:48) Yung notes, ganun. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:23:49) Meron naman yung sa notes natuto na very, what you call this, academic scientific. Ah, hindi. Yung…

(0:23:57) I won’t even say na magaling pa eh. Sa chess pala, when they really know ano yung opening, everyone has to know the principles. But when you know the scientific, eto yung ganitong opening. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:24:09) Di ko alam yung scientific. Ako marunong lang ako yung steps. Kumbaga ako talaga baby sa chess. Steps lang alam ko.

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:24:15) But yung iba kasing mga laro, yung level of skill, lalo yung sa katawan mo, di ba? Nasa kondisyon ang katawan mo, ng mind and everything, but more or less yung moves defined. Sa chess, kahit computer ang kalaban mo, there’s millions of ways of the ending nun. So, it’s quite interesting. So, right now, parang nare-relax mind ko. Pero yun nga, so yung maganda naman dun sa matagal tumira, mahaba din kwentuhan nyo. Diba? Kasi nga, in between, gano’n. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:24:44) Basta sa bonding, happy ako. Kasi bonding nila nga ng anak ko eh. So, ang isip ko nga ako, dapat ba ako matuto. Kasi the last time I played with them all, gulpe talaga ako. Gulping-gulpe. Okay lang, guys. Hindi ako takot matalo, walang problema. Pero parang naawa ko sa kanya na wala na bang challenge sa kanya. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:25:01) Nung nag-start ka kasi magpadel, tapos nung nauso din yung pickleball, yung naka-attract sa akin doon. Kasi nga nag-start yung… paa ko, nagkaroon ng yung…

(0:25:11) Meron na yan 15 years ago, pero nakukuha, shout out kay (mentioned viewer), nakukuha nung nanghihilot dun sa ano ko. Tapos ngayon, kay (mentioned viewer) din. E ang problema, bumalik, tapos nung nag-basketball ako after the pandemic, halos hindi ako makalakad. But dun sa paddle at badminton, okay. Having said that, so parang in my heart, parang searching for sports na kahit matanda ka na…

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:25:36) Dapat talaga. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:25:37) Pwede, diba? So like swimming, wala namang age yan, diba? Golf, ano kasi sa oras, so hindi talaga ako matuto. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:25:45) Maraming hindi, like yung brother namin, ano yun, junior champion yun, si Ren. Pero alam ko, every time na tinitake up ko, sumasakit yung likod ko, eh. So medyo hindi ko hiyang si… 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:25:54) But it’s a thing, kasi like, alam mo, even tennis, di ba? May age talaga yan, whether heart mo or niece mo. Basketball din, si Dad, love talaga niya yan. Pero I think he was… hindi pa siya assemblyman nun. Ano pa lang siya, mid-40s, natumba. Okay naman siya, pero diretsong hospital. Unlike yung pag 15 ka, 20, tatlong beses kang natumba. Okay lang and everything. But yun nga, yung sports kasi nandun na lahat. Discipline.

(0:26:29) Teamwork, patience, relaxation, etc. And then, yung anti-drug campaign natin. Ang daling sabihin sa at least tayo pag may edad na, just being with people you love, having a nice meal, coffee date. Sabi nga kani-kanina, reading a book. Pero siyempre, pag bata ka, you wanna go out, you wanna be with friends, you wanna be active.

(0:26:55) Kung walang sports activities, parang bitin yung huwag kayo mag-drugs. I’m not saying dapat mag-drags, pero huwag kayo mag-drags. Anong pinaprovide mo na activity, di ba? 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:27:05) Actually, Al, and you can end on that note, yun yung kabiling-bilinan sa amin ng daddy namin na bawal mag-drugs, bawal mag-drugs, mag-sports kayo, mag-sports kayo. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:27:14) Kaya on that note, yung Southeast Asian Games kasi, hindi tinanggap ng isang country yun. Tapos kinulit tayo ng kinulit,

(0:27:22) Then, hindi dapat ako yung chairman doon, isang senador din. Then, hindi nag-work out kasi grabe yung politika sa sports. So, nung pinag-iisipan ko kung whether papayag nga maging organizing chair, pero tatlo yan eh kasi yung Philippine Olympic Committee at saka yung Philippine Sports Committee, Sports Commission, may nagsabi sa akin, “Sir, parati dyan, walang nagsusurvive dyan, walang kaso, etc.” So, sabi ko, “Ba’t niyo inoffer sa akin?” “Kasi sir, kung maganda ang takbo, it can actually launch a great sports program.” 

(0:27:58) And the reality is, since ginintuang alay, parang laglag. Kasi dati yung sports nasa depth. And then, tapos less crowded yung school. So, bawat school, may basketball court, may track and field. Like sa taguig dati, may mga baseball field. Now, we have a world-class one. But dati, basta’t bakante, may naglalaro dyan. So, maraming magagaling sa taguig sa baseball before. Pero nawala yun. Nung nawalan yung mga lupa. Ganun din sa football. Di ba? You have places like Bacolod, Iloilo, na napaka-popular. They have football fields. But yung iba, ngayon na lang na… Kasi more basketball nation tayo. 

(0:28:34) But my point is… yung walang talo sa sports eh. So, now, I mean, from the time I ran for speaker until now, may issues, but it’s worth it, diba? And actually, si Ate ang unang nag tanong sa akin nun, bakit ikaw? Kasi sa lahat namin mga kapatid, nag-varsity silang lahat, nag-Philippine team, diba? Ikaw, parati kang nasa gobyerno, diba? 

(0:29:05) But…After that, na nayaya ulit, there was another world championship, there was some Asian, etc. But it’s very fulfilling. And when you see young people na naayos ang buhay nila because of sports. Very fulfilling. Kaya ang dream din namin ni ate, sana yung sports, hindi naman katulad sa U.S. na parang religion na sa iba, pero ibig sabihin sa U.S., scholarships, high school pa lang, yung endorsements. Talagang sa atin, yung endorsements na sa online gaming, doon kumikita yung iba sa endorsements.

(0:29:42) Pero yung ang gagaling ng mga na sa UAP, pero kung hindi rin lang basketball, ngayon at least volleyball din, di ba? 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:29:48) Meron na rin. 

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:29:48) Oo, pero like sa US, whether track yan, whether… Basta ko, name the sport, basta it can give honor to the country. Merong ano yan, merong sponsor.

(0:30:00) So, yes, hassle, nakaka-stress minsan, but it’s worth it. Wala namang worth dito sa buhay na ito na hindi mo dapat ipaglaban muna.. 

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:30:11) Oh paalam ka na

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO:

(0:30:11) Okay, good night. Malapit na mag good morning eh

SENATOR PIA CAYETANO:

(0:30:12) Sige, good night. Sige, magkikwento pa ako sa inyo ng konti. Pero si Alan, eh, magpapaalam na.

(0:30:20) Anyway guys, just to continue on the topic of sports, kasi love talaga natin ang sports. Yung nabanggit na rin ni Alan sa Southeast Asian Games, diba 2019, that’s when we hosted it, and nag champion tayo, let’s not forget. Doon din naipakita yung galing ng napakaraming Pilipino 

(0:30:39) And, ah, kung hindi ako nagkakamali, Carlos Yulo, I’m not sure kung first Southeast Asian Games, pero may mga pictures ako, hahanapin ko lahat yon. 

(0:30:51) Al, tatawagan kita, wag ka muna matutulog. Ah, okay. Mamaya pa yan matutulog, pero mabuti na mapaalala ko na wag siyang matulog.

(0:31:05) Yeah, naalala ko may pictures ako with Carlos Yulo, and then yung kapatid niya si Eldru nandoon. Nag handstand-handstand doon. Ewan ko kung ilang taon lang si Eldru non. It was 7 years ago, so maybe he was 11. He was still a young man. 

(0:31:22) And then of course, EJ Obiena was there. I’m not sure kung Olympian na siya non, hindi pa yata. Ang dami nating athletes na…hindi naman yung na discover kasi magagaling na sila obviously, hindi naman sila magiging Southeast Asia Game participant and medalist kung hindi naman sila magaling. 

(0:31:42) But it really supported their growth and their career. Kasi for an athlete, kailangan mo ng training and then kailangan mo ng competition. So it really breaks my heart pagka yung konting nagagawa natin for sports eh nilalagyan pa ng dungis, kasi there so much more that we need to do in sports, and it’s a long way to go. Facilities, I’m so proud na ang dami kong naitulong, baka sabihin nag yayabang na naman ako. Kaya lang din naman ho ako ma kwento sa mga nagagawa ko, pero nagtatanong yung iba, may nababasa akong news article, na very on point na bakit grabe daw tayo makasalubong nung mga nag chachampion sa atin, diba pabongga, pag salubong, and they deserve it, they deserve that salubong. 

(0:32:30) Pero ano raw ba yung ginawa natin to support them nung sila ay nag tratraining, nung walang wala pa sila. And guys, with all humility, that is my passion and my advocacy. Hindi ho ako talent scout. But because I work with so many coaches and so many national sports associations, aware ako, tapos nag rerequest sila sa aking ng support hangga’t kayang ibigay, binibigay natin. So we’ve been able to support so many athletes in so many different fields, not just gymnastics, pati sa tennis, pati sa football, sa volleyball, sa basketball. We were part of those who worked on funding. Diba sabi nila, oh, insertion yan, insertion yan. Explain ko po how it works.

(0:33:23) Every agency of government makes a proposal for their budget. Pag-propose nila yun, meron silang priorities, tapos yung iba ma-a-approve masasama sa NEP, yun ho yung National Expenditure Program, na sinasubmit sa lower house, and then yung hindi pumasa sa mga request nila, irerequest nila ngayon sa congressman nila, sa mga senador.

(0:33:50) When it comes to sports, madalas po talaga akong nilalapitan kasi alam po ng mga…marami pong nakakaalam na I have a strong belief in the power of sports in nation building, and by the way, that is in our Constitution, that sports would contribute to nation building. So, hangga’t kaya ko, sinusupportahan ko. So, hangga’t kaya ko, i-pupush ko na magkaroon ng funding itong mga national programs natin to improve the lives of the athletes and to also host events here. Kasi nga, number one, gusto natin ipagyabang yung talent natin, di ba? Kung dito tayo mag-host. Number two, ideally, nagdadala din yan ng tourism. So, mahabang kwentuhan talaga tong sports. But if you look at what we spend on sports, it is so small compared to what is spent in other countries that are going to deliver Olympic champions. 

(0:34:47) Of course, it doesn’t mean na hindi tayo magiingat sa pera. Kailangan natin pinag iingat yon, ako ang job ko lang diyan as a legislators is to make the proposals, to make the amendments. Kapag natanggap yan, very good. Tapos kung marerelease yan ng DBM, very good. Pero never ko yan nakikita yan, hindi yan dumadaan sa akin. Pinapaliwanag ko lang ang proseso.

(0:35:13) Katulad ng flood control, malayo ko. Kasi ito makikita mo yung programs, makikita mo yung resulta, makikita mo kung nasan yung mga pinatayo. Kung may anomalya somewhere, then of course you dapat imbestigahan. But I’m just saying wag ho natin lahatin na lang na lahat ng projects masama, kasi nakakasama ng loob for all the athletes who work so hard and deserve better programs and better facilities. Ang importante is yung in charge, na ma-ensure na ma-implement yung program, na mapunta talaga sa athletes, na mapunta talaga sa sports infra, eh magawa din naman nang maayos. Ayun nama nyung importante.

(0:36:05) So for those just tuning in, I think it’s time na mag-hello ako ulit sa inyo. Kasi nga, kaya nga ako nakasalamin para mabasa ko po yung ibang mga mga ibang bumabati dyan. So sabi ni [mentioned name], fight lang. Yes, thank you so much for the support, and good PM din sa’yo. [mentioned name] and di ko alam kung anong kumpletong comment ni Ella, but definitely ayaw natin na napupunta sa corruption. Of course, definitely ayaw natin yan.

(0:36:42) Thank you [mentioned name], and we love you too. [mentioned name], kamusta kayong lahat? So anyway guys, ayan, medyo gabi na. I hope you take time during the weekend to relax. Take care of your body. So, exercise. If mahilig kayong mag jogging, mag jogging, pwede naman mag walking, pwede rin naman mag dancing. HIndi niyo ho ako makikita mag dancing dahil wala naman ako talent diyan. Pero maybe one day, kapag nakahanap tayo ng magaling magturo, baka mag-improve yung skills. Meron akong skills na magaling ako, meron din akong skills na hindi po talaga ako magaling, kaya  kaniya-kaniya po tayong talent.

(0:37:30) Anyway, God bless you all. Have a wonderful evening. Don’t forget to tell your loved ones that you love them. Don’t forget to be more patient as I also try my best to be patient. Find hobbies that bring you joy, that bring you peace. Last bati, [mentioned name]. Thank you for the prayers, at kay [mentioned names]. Sige, ingat po kayong lahat. Good night.

Gallery
More Media Resources

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano