Committing to recovery in Malapatan

Senator Alan Peter Cayetano pledged sustained assistance to earthquake-hit communities in Malapatan, saying support should extend from immediate relief to long-term rehabilitation and recovery while encouraging residents to remain hopeful and resilient.
Transcript

(0:00:03) For I know the plans I have for you, plans to prosper you, not to harm you, plans to give you hope and a future. Yan po ang nasa Jeremiah 29:11. Si Jeremiah po ay kinikilala ng Hudyo, Muslim at Kristiyano. Ang mensahe po niya, kahit anong bigat ng ating hinaharap, may planong maganda ang Panginoon sa atin. Tama po ba? 

(0:00:30) At napansin niyo po yung dulo, plano ng pag-asa at kinabukasan. Meron po bang kinabukasan mga taga malapatan? Mayor, maganda ba ang inyong kinabukasan? Mayora, pakisabi sa katabi mo, maganda plano ni Lord sa iyo. Di ba? So, alam nyo po, nung nagka-linog, pwede ako mag-practice mag-bisaya. 

(0:02:56) So, nakipag-storyahan si Cong. Carol sa ako. Ang pangutana ako sa kanya, unsa ang kinahanglan ng mga taga Saranggani. Unsang tabang? Ang sabi niya, dili na kinahanglan ng tabang, add to lang kayo doon. E sabi ko, adto ako doon. Wala man lang dala. Sabi niya, dalhin mo si Robin. 

(Bisaya translation: Kinausap ako ni Cong. Carol. Tinanong ko siya kung ano ang kailangan ng mga taga-Sarangani. Anong tulong? Sabi niya, hindi na nila kailangan ng tulong, punta nalang kayo doon. Sabi ko, pupunta ako doon, wala man lang akong dala. Sabi niya, dalhin mo si Robin.)

(0:01:27) Kaya nagpapasalamat ako sa ating kapatid. Napaka-busy neto. Pero isang text ko lang, kailan ka pwedeng pumunta ang Mindanao, text siya kaagad, lunes o martes. At katulad ni Robin, ang dami namin gustong sabihin sa inyo, pero hindi ito panahon ng salita, panahon ito ng gawa.

(0:01:51) So Mayor, tanggapin niyo yung konti naming dalang bigas, tubig, grocery. Meron na nasa warehouse po konting building material. Pero katulad din po ng kay Mayor Victor James kanina, hindi natin masasabay-sabay, di ba? At kung sabay-sabay yung materyales at tulong, hindi matatapos yung mga bahay. So parang una-una, pero nagko-commit kami sa inyo, linggo-linggo magpapadala kami ng tulong hanggang matapos po.

(0:02:22) Si Sen. Bato may problema pero nagpadala pa rin ng tulong. Si Sen. Jinggoy nanindigan. Ayaw niya na ang Senado ay maging dependent sa Malacanang. Nakakulong pero nagpapadala pa rin siya ng tulong. Di ba? So ano pa yung mga kasamahan namin? Di ba? Kaya kami nandito gusto namin i-commit sa inyo tatlong R.

(0:02:50) Relief na dala natin ngayon at sa susunod ng mga araw. Pero mas importante, rehabilitation. Recovery. At pangatlo, you have 100% authority na mangulit sa amin. Every week. Kung ano ang aming matutulong. So, pwede ba kaming magbalik-balik? God bless you. Sabihin niyo ulit sa inyong katabi nyo, maganda plano ni Lord sa inyo. Siguro last message ko sa inyo.

(0:03:20) Ang bata, hindi sinusunod ang sinasabi natin. Ang bata, sinusunod yung ginagawa natin. Di ba? So pag sinabi natin sa bata, alam niyo po, kahit saan kami pumunta, sa Davao, binubulong sa amin ni Robin, laban lang, laban. Laban daw. Iba-iba senyales, may ganon, may ganon, may ganon, may opa. Di ba? Lahat. Pero ang binubulong laban.

(0:03:46) So ang bata ang nakikita niya. So dun po sa lubos na nahirapan ngayon. Laban lang po ha. Laban. Para makita po ng mga anak ng Malapan (Malapatan) na kayo po ay titindig, kayo ay babangon at lalong gaganda ang inyong lugar. God bless you po.

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano