SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:00:03) Praise God for the opportunity na makausap kayong lahat, mga kababayan natin sa Luzon, Visayas, Mindanao. Mahal nating mga OFWs, ang ating mga bayani na nasa buong mundo. Ngayon tanghali, alam kong inaabangan niyo na po yung impeachment. But let’s start on a hopeful note. Let’s start na medyo mas unifying at mas masaya. Naalala ko po nung maraming pagkakataon na may economic crisis, political crisis, issue ang cheating, stealing, lying, malalaking corruption issues. Sabi nga nila, pati daw yung mga magnanakaw tumitigil pagka pinapanood yung boxing matches ni Manny Pacquiao.
(0:00:50) So yesterday, at least dun sa mga may access, ay tumigil din po ang mundo para bantayan po ang ating Filipina superstar na si Alex sa laban niya and pinakita po talaga niya na yung fighting spirit po at saka yung chase after your dreams at yung ibig sabihin ng hope. Let me talk a little bit about the biblical concept of hope kasi sa English pag sinabing hope and I’m basically listening to Tim Keller, his lecture on Galatians and identity and also kay Max Lucado dun sa Facing Your Giants.
(0:01:30) At sinasabi nga nila, and many preachers have said this, na kung titignan mo yung Hebrew at saka Greek word for hope, ito’y total assurance. Hindi katulad po sa English na pag sinabing, oh Alan, magkikita ba tayo next week? I hope so. Alan, sigurado ba yung two-thirds, sixteen?
(0:01:53) We hope so. Alam mo naman yung kabila. So yung hope pag ginamit po sa English can be very powerful but it can also mean na I’m not that sure. Unlike pag tinignan mo yung Greek word at yung paggamit nito sa Hebrew culture na ang sinasabi total assurance, yung isang pastor nga po sa CCF Alabang ang ginamit niya yung rope, na parang nakatali-tali na ganoong katibay yung hope.
(0:02:20) So, I’d like to start out of that note that whatever’s happening in our country, especially for young people, di ba yung violence na naganap recently, I think all of us related kay Alex nung sinabi niyang baka dun sa iba na mga sanay sa ganun level ng competition at yung mga elite, pagiging elite athletes ng kanilang bansa because they had the opportunity.
(0:02:50) It’s not that big a deal to win a match at that level. But for someone from the Philippines, nakaka-relate po dyan yung someone from Africa, nakaka-relate dyan yung someone from East Timor, someone from Bangladesh. Kasi nga, it’s just like football, di ba? Ang daming napakagaling na football sa Pilipinas, pero number one sa atin yung basketball. Kaya pag sinabi mo halimbawang football, iba pa rin yung level ng paglalaro, let’s say, sa Europe or sa Middle East, no?
(0:03:19) So, there are things that bring us together, and I think that is very important, and we cannot forget, despite all our differences, we’re all Filipinos. So, the Bible also talks about knowledge, understanding, and wisdom. And kung meron po tayong pwedeng common prayer, anuman ang ating politika, ano ating pananaw, anuman ang ating panig sa lahat ng nangyayari sa ating bansa, I think malinaw na malinaw naman na we can pray na lahat tayo magkaroon ng tamang knowledge, tamang understanding, at tamang wisdom.
(0:03:54) Pumasok si Brother Robin, tatawagin ko siya maya-maya. The Bible talks about seasons. Baka we want to ask also Robin mamaya yung sa pananaw naman niya sa mga basic principles sa buhay based on his faith. So, sa akin po kasi, yung seasons, may season talaga ng renewal, pagbabago. At yung season ng renewal, nagsisimula po yan sa repentance. Wala pong nagbabago na nagsasabing, tama ako.
(0:04:24) Kasi pag sinabi mong tama, ba’t mo babaguhin, di ba? So, kung yung addict, hindi niya aaminin na addict siya, yan man ay sa babae, sa lalaki, sa sugal, sa drugs. Kung sasabihin, hindi, hindi, every weekend, pero ano lang yun, party [at] drugs yun, balewala yun. Ba’t ka magbabago, di ba? Pero pag sinabi mo, functional ako, pero mali eh, kailangan magbago. So, yung season ng renewal starts with repentance. So, yes, may acknowledgement sa flood control at corruption.
(0:04:52) Pero makikita nyo sa SONA one year na, makikita mo yung deep repentance, wala doon. Nandun yung galit ng tao. But yung repentance as a nation, repentance ng mga politiko, repentance ng administrasyon na mali talaga eh. Mali talaga kahit anong gawin mo at dapat i-bulgar lahat. So ano ba mga headlines today? One impeachment starts today.
(0:05:15) Sinabi, yung isang side 62 trial days, yung isa 30 trial days. Ano po ibig sabihin nito? Kasi three times a week lang po kami. So, tatlumpung linggo po tayo magta-trial. Okay lang po yun. Kasi napaka-importante po ng accountability. Napaka-importante masunod yung impeachment.
(0:05:32) But ito po tanong ko, bakit natin ginagawa lahat ng pag-aayos, lahat po para maayos po ang impeachment, 30 weeks, pero walang schedule sa Blue Ribbon Committee sa flood control? Ni isang hearing, hindi makapag-announce kung kailan yung hearing at mabigyan ng pag-asa yung mga witnesses. Pero pagdating dito sa impeachment, ulitin ko po, hindi ko kini-criticize, tama yung impeachment, tama na isaayos natin ito, tama na nagkaroon ng pre-trial.
(0:06:00) Tama na lahat tayong maging impartial. Ba’t hindi ba tayo pwedeng maging impartial din sa flood control? At napakarami pang ibang corruption issues. Senator Marcoleta was arrested today. Hindi ko isa-isahin yung mga issues na pag-usapan na yan during the rally. We know that many, many people feel it’s selective justice. And it’s not even only selective justice, pero yung issue ng campaign finance versus plunder, para sa marami napakalayo nito. At sabi nga po ni Congressman Leandro Leviste, di ba, na Legarda na, eh kung ganun din, 90% ng politiko makukulong.
(0:06:43) Pagpasok ko sa Senado, nagulat po ako. Alam ko po na simula noong May 11, nagbago ang Senado. Talagang naging under attack, naging under siege. Talagang nag-attempt ang Malacañang na makontrol ang Senado. Pero nagulat po ako kasi yung Senado is usually just like the House of Representatives, a house of people.
(0:07:01) Siyempre, may mga gate. Pag tinitignan nyo po yung bagong building sa BGC, mas open po ito. I mean, sa Fort Bonifacio, mas open. Pero ito, dahil GSIS building at dahil nga nagkaroon ng mga issues, sabihin mo na kailangan itaas yung security. Pero pumunta po kayo dito, mukhang Kampo po ang Senado ngayon.
(0:07:21) Napakalayo pa lang, puno po ng mga pulis, may mga barikada, sunod-sunod po yung mga checkpoints. So, it’s not only like a military camp, it’s like a garrisoned camp. So, dun sa nagtatanong na, halimbawa may dumating na foreigner or mga businessman or mga ambasador, sabihin, Marshall Law ba, syempre hindi. Pero bakit ang Senado ngayon ay mukhang garrisoned or fortified na kampo?
(0:07:47) So, beneath all of this, there is a creeping economic crisis. Marami sa maliliit natin mga negosyo ay may problema. So, on one hand, maganda na tinaas yung sahod, and I’m in favor naman na itaas yung sahod. But yung per industry at per business, iba-iba kalagayan. So, maraming small businesses, halimbawa ngayon, 20-30% ang niliit ng kita, in danger na masara. So, tumaas nga sweldo, nagsara naman.
(0:08:15) And dahil ang focus ng gobyerno ay nasa impeachment, wala dun sa anti-corruption, wala dun sa ekonomiya, mukhang creeping na palaki itong economic crisis na huwag naman sana. In the meantime, may padating na super bagyo. In the meantime, mayroon na strong or super El Nino. In the meantime, alam natin bagyuhin tayo.
(0:08:36) Nag-alboruto yung iba nating mga bulkan. So, we have to read the season. So, guys, ang sasabihin ko lang, common sense, in prayer, in knowledge, read between the lines sa pag-aresto kay Sen. Marcoleta. Iilan na lang po kami dito. So, paano po nangyari na sa dami ng lumalaban, ang parati pong may kasalanan parati yung lumaban o yung gustong lumabas yung totoo.
(0:09:05) So, I would dare say there’s also a crisis of confidence. A crisis of confidence is not only in the administration but in all politicians. Anong problema nito? Ang makikinabang lang po dito yung extreme left at yung extreme right or yung komunista at yung pasista. Kasi sila po yung mga lumalaban na mali ang buong sistema at sila po ang mga kalaban ng democracy.
(0:09:27) So, regardless of our politics, we have to fight for democracy, for our democratic rights. And democratic rights, may freedom po talaga yan to speak out. May freedom po talaga yan na labanan ang korapsyon. Ang problema pag nagagamit na yung mga legal institutions at system, humihina po tayo.
(0:09:46) I’m comforted by the verse I read this morning that the light shines on the darkness and the darkness has not overcome it. Alam mo habang binabasa ko ito, sunod-sunod na yung text na huhulin na si Senator Marcoleta, nandun na sa Sandiganbayan.
(0:10:02) Dadalhin na sa Payatas and everything. We’re all human eh. So, parang nakakawalan ng pag-asa, di ba? Parang magsa-start ka ng impeachment, iilan na lang kaming abogado dito sa Senado, narinig na natin, na papababain nila yung numero para imbis na 16 to convict, maging 14 or 13. So, let’s see kung may argument pa yan o wala. Tapos biglang, isa nalang kasama mo. And then, meron pong mga nagpapalutang, may dalawa tatlo pa. So, makikita niyo mga kababayan…
(0:10:34) I don’t need to keep explaining that. Common sense and read between the lines na lang po tayo. This is our democracy. It’s not my democracy. It’s not Robin’s democracy. It’s not the majority’s democracy. It’s not Imee Marcos or Bongbong Marcos or the Aquino’s democracy. It’s our democracy. Lahat ng Pilipino.
(0:10:55) And if we don’t do much more about it. Pag hindi tayo naging aktibista at kumilos, kung hindi po tayo lumaban, magiging biktima po ang ating demokrasya. So, while I’m asking Brother Robin to join us, sandali, can I read to you ulit yung preamble ng ating Constitution? Kasi napakaganda nito eh. Pag binasa niyo po ito, ito po, magkakaisa tayo na ito ang gusto nating klaseng Pilipinas.
(0:11:19) We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God in order to build a just and humane society and establish a government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves our posterity.
(0:11:41) The blessings of independence and democracy. Tingnan nyo po ito ha. The blessings of independence and democracy under the rule of law in a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace do ordain and promulgate this constitution. So, yun po ang pakiusap ko ngayong hapon na ito. Paglaban natin ang constitution ng ating bansa.
(0:12:02) Paglaban po natin katotohanan, labanan natin yung corruption. Let’s not fight each other. Let’s fight corruption. Let’s debate kung ano yung tama sa Constitution. But let’s fight for the Constitution. Brother Robin, halika sandali. So usually po, naggagather po ang minority bago mag-session. Pero ang impeachment naman po, hindi majority at minority. Alaikum Salam, brother. Brother, mga kababayan natin.
SENATOR PADILLA:
(0:12:30) Assalamualaikum po. Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito po ang… Alam nyo, ako po’y estudyante ng kasaysayan. Ito pong mga nangyayari sa atin ngayon, ito po parang napaka-gifted po nating lahat. Dahil nangyayari lahat sa harapan natin ng kasaysayan. Isang araw, ito po’y magiging kasaysayan at maisusulat sa lahat ng talaan.
(0:12:56) At tayo po ay saksi sa mga nangyayari. Kaya ako po ay sumasangayon sa sinabi ng aming Senate President ng Taong Bayan, Alan Peter Cayetano.
(0:13:09) Na maging mamatyag po tayo at huwag po tayong parelax-relax lang na parang walang nangyayari sapagkat dito po, kapag ito po ang naghusga ay ang kasaysayan, huwag naman po sabihin ang inyong mga magiging lahi na kayo’y naupo lang at walang ginawa. Ito po ay tandaan po natin, meron po tayong obligasyon una sa Panginoon Diyos, pangalawa sa bayan natin at sa taong bayan. Huwag po natin kalimutan yun.
(0:13:44) At napakaganda po nung kanyang sinabi kanina na tayo’y magkaisa, tayo’y… Ang kalaban natin korupsyon. Hindi tayong Pilipinong magkakalaban. Yun pong korupsyon ang kalaban natin. At yung mga mapaggawa po ng mga kwento, mapaggawa ng mga storya, yung mga magagaling manira, yan po ang kalaban natin.
(0:14:05) Panahon pa lamang po ng mga propeta, isa na po dyan, si Jesus Christ, peace be upon him, ang kalaban din niya, fake news. Sabi nga po dati, ang una daw na gumawa ng fake news is si Satanas. Totoo po yun, hindi ba? Kaya dito po sa pagkakataong ito, dapat alam natin kung sino ang kakampi natin. Doon ba tayo sa katotohanan o doon tayo sa fake news. Yun lamang po. Maraming salamat po.
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:14:35) So, in behalf ng buong grupo at ni Brother Robin, so addressing ourselves to Christians, Muslims, mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo, mga Buddhists, mga hindi naniniwala sa mga spiritual. Lahat pa rin tayo yung Pilipino pa rin, bansa pa rin natin ito.
(0:14:57) So, ako, sang ayon kay Robin, first, meron tayong obligasyon sa Diyos. Pero, regardless ng paniniwala natin sa Diyos, which is, of course, most important to us, yung responsibility natin to each other. So, paumanhin lang po sa Senate Media, alam ko ang gusto nyo magtanong about yung…
(0:15:15) Yung pagtanggal kay General Mao, sasagot na rin kami ni Senator Robin dun sa obstruction of justice. Linilinaw ko po, yung buong grupo, we obstruct injustice. Guilty po kami of obstruction of injustice.
(0:15:34) Yung obstruction po, panghaharang, hindi po namin naharang ang hustisya. Ang hinaharang po namin, yung pong kawalan ng hustisya or injustice. So, paumanin lang sa Senate media, let’s focus on the impeachment today. And in the next few days, kasi Monday to Wednesday yung impeachment. Para lang pong mabigyan din po namin yung…
(0:15:57) … ng substantive na laman yung aming sinumpaan na impartial justice. Having said that, the other issues will go on and meron naman tayong Thursday, Friday, Saturday during the week. At yun, ulit-ulitin po namin, pwede naman po natin isabay na magkaroon po ng imbestigasyon sa flood control, sa iba pang DPWH projects, sa corruption sa ating bansa, maging anong ahensya man yan, yung pong mga pang aapi sa ating mga kababayan, pwedeng ituloy-tuloy po lahat yan.
(0:16:33) We cannot stop. Hindi one-issue nation tayo. Thank you, Brother Robin. At hintay natin mga kasamahan natin kung dadaan pa o doon na magkikita-kita. Bantayan niyo po yung impeachment at don’t forget, mamaya, panoorin niyo po ulit yung laban. I think ang Gilas din, may laban din. So, magkaisa din po tayo at least sa sports po at sa ating mga heroes.