Defending justice and Senate independence

Senator Alan Peter Cayetano questioned the planned case against Senator Rodante Marcoleta, arguing that the justice system must remain free from political pressure while stressing the need to protect the Senate’s independence and constitutional processes.
Transcript

REPORTER:

(0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung…

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice and we should all be against injustice. Lahat ng Pilipino ay dapat lumaban para sa hustisya at dapat labanan ang injustice.

(0:00:28) So si Sen. Marcoleta, makikita naman po natin even before the 2025 senatorial elections, during the elections, after the election, consistent. Mas mababang presyo ng kuryente, pagkakaisa ng ating Pilipino, laban sa corruption, flood control.

(0:00:45) So malinaw po sa akin na ang ginagawang ito ay panggigipit at injustice. Ang problema po, there’s a bigger picture, which is the numbers in the Senate. So whether ang pag-uusapan natin ay majority ng Senate, pag-uusapan natin two-thirds, impeachment, or ChaCha, may implikasyon po ito.

(0:01:05) Kaya ako’y lubos na nagpapasalamat. Hindi lang po dun sa mga lumalaban para kay Sen. Marcoleta yung nagdadasal at nag-appreciate sa ginawa ni Sen. Bato, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Go. Kasi walang perpekto na tao. Pero alam mo naman pag lumalaban at ang klarong-klaro po ngayon, alam nyo po kung lahat kaliwa at kanan kinakasuhan. Pwede nyo sabihin pang tinago…

(0:01:33) Yung kay Sen. Marcoleta sa gubat ng maraming laban sa hustisya, eh hindi. Lutang na lutang na ito’y may kasamang chilling effect sa lahat ng tutuligsa sa gobyerno.

REPORTER:

(0:01:49) So sa tingin nyo po ay parang bakit yung mga pagwa-one year na yung flood control cases pero ito parang in other week, announce agad na okay kakasuhan na? 

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:02:01) Pagka-ayaw, madaming dahilan. So dumating sa point na may mga mabibigat na gustong protektahan, nagkaroon ng point na conscious man o hindi, inarticulate man hindi, cover up na. That’s why ang ating panawagan ituloy at ang buong katotohanan ay lumabas. Pero hindi ito mangyayari na hindi independent ang Senado at hindi independent ang Chairman ng Blue Ribbon Committee. 

REPORTER:

(0:02:29) What is your reaction po na dahil wala nga po sa parameters ng plunder itong ikinakaso kay Sen. Marcoleta? Ipinipilit pa rin nilang… 

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:02:38) I think it’s a trick. It’s a… Pag ginagamit na kasi yung batas at institusyon, ang sasabihin sa tao, eh sa korte mo na labanan yan. Eh non-bailable ‘to eh. At hindi lang naman si Senator Marcoleta, napakarami ng pinopormahan na ganito. So Kapag mismong legal system natin at mga institusyon ay medyo nashe-shake na at nagugulo, tama lang na may peaceful protest at dapat makinig na ang gobyerno. Nangyari ang EDSA 1 and 2 precisely because naabuso ang mga institusyon.

REPORTER:

(0:03:16) So sa SP, malinaw po na under the Plunder Law, kung kakasuhan ka man, pera ng bayan ang… inaudible.

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:03:29) Yes. Maramin tayong experts, maraming abogado. Ako I just simplified it sa campaign contribution para mapakinggan natin mga kababayan. Pero kaya I don’t go into the details. Kasi yun ang gusto nung iba.

(0:03:43) We go into the details na nung dumating si Senator Bato, kasi may ICC warrant, wala naman maipakita. Dumating ang mga NBI ng May 13, ay wala sila exactly sa Senate, nasa GSIS sila. So nililito tayo sa detalye eh. Pero the bottom line is tama ba o mali? At mali ang ginagawa nila, hindi lang kay Senator Marcoleta, pero sa pag-abuso nung ating legal system.

REPORTER:

(0:04:06) SP, tanong ko lang kung natuloy kayo kanina sa Supreme Court.

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:04:10) Yes, so nag-file ng yung mga lawyers na ng manifestation na nagsasabi sa Korte Suprema na sana desisyonan pa rin nila yung June 3 na rump session kasi yung implication nun, yung ginawa ng labing isa na naging labing dalawa nun, yung paglalaro ng mga numero, yung rules ng Constitution at ng Senate, once na galawin ito at laruin ito, pwede na nilang laruin yung ibang provision ng Constitution, including sa impeachment, including sa chacha. So we’re praying, we’re hoping the Supreme Court will hear this case. 

REPORTER:

(0:04:45) Last na lang po, ano po next move ng inyong group then the other…?

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:04:50) Well, we continue to fight in various ways. Sabi ko nga, sa pinaka-simple pero pinaka-effective na prayer. Pag-aaral, pag-hahanda, page-expose, pag-re-research. But ang nangyayari nga, periodically, ay tinatamaan ng aming pag-ahanda o ang aming pakikibaka o paglalaban kasi iniisa-isa kami sa kaso at sa threat na ikulong na walang piyansa. Thank you. 

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano