Defending Senate independence and democratic process

In a media interview, Senator Alan Peter Cayetano defended the legitimacy of his leadership, arguing that Senate rules and the Constitution must prevail over political pressure and power struggles. He called for respect for democratic institutions, due process, and the continued pursuit of truth while urging dialogue over intimidation and partisan maneuvering.
Transcript

SP ALAN PETER CAYETANO:

(0:01:38) Everyone, ready? First question. 

REPORTER:

(0:01:43) SP Cayetano, how do you move forward from this situation? You don’t have the majority, … inaudible… against you. Someone has described this situation para raw po kayong hari na … inaudible.

SP ALAN PETER CAYETANO:

(0:02:06) Even if may kingdom ako, never naman ako[ng] hari. So yun po ang… si ano yan, si Ronald Llamas. Yun kasi ang kaniyang ideology… absolutist yan eh. Naniniwala yan sa hindi sa democracy. Alam niyo po, hindi tayo pwedeng maniwala sa democracy tapos when it gets messy, umaangal tayo. Di ba, it’s just like freedom of the press. Di ba? Do I always like what you report? No. But I have to support you. Can you imagine a Philippines without media? So, that’s why we went silent or went quiet noong Monday. Because ang Senado na kino-control ng Malacanang ay hindi tunay na Senado. And you saw. You saw how they did it. Di ba? May mga behind the scenes dyan. Kaya sabi ko nga, res ipsa loquitur.

(0:02:54) You read between the lines kung ano nangyari. But what is the reality? The reality is, I was elected by 13, the constitution, the senate rule says, hindi ka pwedeng palitan kung hindi 13. So, wala silang 13, so wala silang quorum. Kahit anong imbento nila sa kanilang justification, hindi totoo yun. Pangalawa, even assuming may quorum sila, 13 para tanggalin ang Sen. President, Sen. President Pro Tempore. Even if natanggal nila, kasi yung all seats vacant, nung pinukpok pa lang, natawa na ako, hindi alam ni Sen. Win, you cannot declare all seats vacant with 12. You can declare all seats vacant below the Sen. President and Sen. Pro Tempore with 12. 

(0:03:45) Pero hindi pwedeng Senate President. So dapat ang pinukpok ni Senator Win is that the motion is lost kasi 12 lang. Kami nung nag-declare kami all seats vacant, 13 kami. Kaya pwede.

(4:00) Okay, so having said that, democracy is messy, but we have to embrace the democracy. Where do we embrace. So sabi ng Constitution walang political dynasty. Pero may political dynasty sa Pilipinas. Ibig sabihin sunugin na natin buong Pilipinas? So sunugin na natin ang Senado because hindi nila gusto kung sino majority kung sino ang Senate President? 

(0:04:22) Kapag sila nag walk-out, okay lang, tignan niyo post ni Bam Aquino. Kapag nag walk-out, para sa bayan. Kapag kami hindi dumating, ayaw mag trabaho? Oh ano sabi nila ayaw naming magtrabaho. Sabi nila maiipit ang mga Heneral sa CA. Sabi nila kawawa ang mga pasyente sa hospital, kawawa yung mga estudyante, etc. O nung nag-session sila, may dose sila, sabi nila may quorum. Anong ginawa nila? Nag-CA meeting ba sila? Technically they can have a session till tomorrow. Hindi, nag-adjourn Sine Die.

(0:04:56) Oh, pinasa ba nila yung sa Hospital? Yung sa pasyente? Na sa agenda yun, pwede nila… hindi nila pinasa. So makikita mo they’re talking about power. We’re talking about what is right. Yung katotohanan napansin niyo kanina, if they attended today, then na-test nila ang credibility. Ito ang ayaw lumabas.

(0:05:20) Why would you call? Ang nakalagay sa rules dito kapag may problema ang security ng Senado, you can ask law enforcers pati police for help. Kita nyo gaano karaming police na sa labas. Saan ka nakakita Secretary of DILG ang ipapatawag? So si Senator Win wants to be Senate President, he’s exercising all kinds of immaturity to our democracy. 

(0:05:49) Papayag siya dose lang? Papayag siya acting SP? Samantalang nakalagay dito, you can only have acting SP pagkapatay na o walang SP? Papayag siya na ang tatawagan niya Secretary of Interior para dito? Anong image ng Senate? So doon sa inyo na buhay pa noong martial law, anong… ibabalik natin yung ganung image? That was a different time, there were different circumstances. 

(0:06:16) So ang sagot ko … inaudible… doon, they have to deal with it. And I have to deal with it. But I have to assert my authority as Senate President. Now it’s up to the employees ng Senate sa konsensya nila. Kasi alam naman ng lahat kung sinong nagsasabi ng totoo. So now it’s between power and truth. The truth is, and all of you know this by your heart, there are 24 senators, so you need 13 for quorum and for majority.

(0:06:44) Ito tanong ko sa inyo. Kung napasa nila quorum 12 daw, 12. Ilan ang kailangan para ma-impeach ang isang official? 2/3, 16. So mang aaresto na naman ngayon. So ang 12 is 2 thirds of 18. So kung mang aresto sila ng 6 na Senador, ico-convict nila kung sino ang gusto nila i-convict? Sasabihin nila eh nakakulong  yung anim eh. So ang quorum namin is based on 18, so based on 18, 10 lang ang quorum, 12 is 2/3. 

(0:07:21) Yan ang kasunod nito. Anong kasunod? P.I. …inaudible. So hindi biro yung kasunod daw. Hindi ito labanan ng Sotto o Cayetano, si Gatchalian o Cayetano, ang Malacanang at Senate. Hindi po future ng ating bansa ang at stake dito.

(0:07:41) Kaya hindi masagot diretso ng Malacanang at ng 11 plus 1 kung anong pinaggagawa nila. Sabi nila ekonomiya ang issue. Ayaw naman nila mag-usap tungkol sa ekonomiya. Sabi nila partial daw yung trial. Kailang impartial o may nakita na ba kayong partiality sa amin?

(0:08:00) Is there anything in my reputation? Sabi nila yan si Alan nangangagat ng amo niya. Una-una hindi ko amo si VP Sara. Pangalawa kaibigan ko siya pero hindi naming parating nagkakasundo sa politika. So wala naman pala silang angal sa impartiality ko. So bakit ayun ang sinasabi. 

(0:08:17) So ma’am Jessica the point is for their convenience the media, the Constitution, Senate should bend backwards? I don’t think so. I think they should follow the law.

REPORTER:

(0:08:31) Isa nalang po. Anong reaction niyo noong sumipot po bigla kahapon si Senator Escudero? … inaudible… majority yung dating minority. 

SP ALAN PETER CAYETANO:

(0:08:40) I’m praying for him. I know his circumstance. Many many people close to me said a lot of things last night. At ang sabi ko kung alam niyo lang ang pinagdadaanan ng bawat senador, alam mo ang pinakamabigat sa akin, I’m just human, but pinakamabigat sa akin pag lalaki umiyak. Kasi lalaki din ako eh.

(0:09:04) Sa buong buhay ko, twice ko lang nakita umiyak dad ko, noong EDSA Revolution and then one more time. Dalawang beses ko pa lang nakita umiyak yung dad ko. Noong nag pass away dad ko, the minuto noong nag pass away siya, lalabas yung luha sa mata ko, sinabihan ako ng uncle ko, you’re the man of the house. You have to take charge. Kumbaga, hindi ka pwedeng umiyak. 

(0:09:24) So makita ko yung kapwa senador na umiiyak na may kaso sila na hindi sila guilty pero pinipilit silang sumunod, mabigat sa akin yan. So hindi ko iisa-isahin kung sino-sino yung mga yun. Yung isang binaggit ko nga kanina walang kaso. Pero takot na takot na mabanggit ni Sen. Lacson. That’s the reality we’re doing now. So I ask all of you, akala ko ba sabi niyo ang gusto niyong mga senador, Salonga, Tanada, Recto, Miriam Defensor. Santiago? Okay. Then help us. Because that’s not what is happening now. Para kaming grupo ng konsehal o barangay kagawad na tinatakot ng sigang mayor. That’s what’s happening in the Senate now. 

(0:10:10) You may disagree with me. You might not like me. But you know in your heart I am telling you the truth. Yun ang importante. You know in your heart I am telling you the truth. So that’s my reaction. I’ll keep to myself my feelings. But I tell you honestly, Jessica, I will be praying for him. I love him as a brother.

(0:10:28) Alam ko yung pinagdaanan ni Heart. Alam kong ama siya na yung nagtatanong yung anak niya, anong nangyayari. So I’m praying for him. 

REPORTER:

(0:10:42) Of course, the Cayetano Bloc and the Getchallian Bloc now are both insisting that you are right. Ano po ang magiging susunod ninyong hakbang? Lalapit po ba kayo sa Korte? Korte Suprema para maresolba po ito?

SP ALAN PETER CAYETANO.

(0:10:56) Sila dapat pumunta sa Korte Suprema, pero hindi nila gagawin yun dahil alam niyong ang mali sila. That’s a trap for them that they want me to go immediately to the Supreme Court because they know it will take time. Maniwala po kayo, pag may naaresto pang dalawa, 20, tapos majority na naman kami, mag-iimbento na naman ng iba yun, sila. So that’s why I’m saying right now, no violence, I’m not calling for any kind of civil disobedience.

(0:11:28) I will calmly, actively fight for the rights of the Senate, rights of the duly elected Senate President, and appeal to people’s conscience. Di ba? I mean, some things like this take one day, some take 20 years, but so be it. Ang role ko po ngayon ay ipaglaban ang Senate. Paglaban yung totoo. But, you know, naawa ako sa mga magba-bar exam pag hindi nagsalita yung mga dean.

(0:11:56) Kasi ngayon, ano eh, as you said, kampo ng Gatchalian, kampo ng Cayetano. Ngayon kasi, ano eh, parang inaano nila, sinong Marcos, sinong Duterte. Siguro naman, the Philippines is bigger than just two issues and two personalities, di ba? We can start deciding what’s right or wrong for issue na hindi ka nababash ng kalaban o kakampi mo. Di ba? Yun ang problema. 

REPORTER:

(0:12:22) Sir, just a follow-up. Can you just expound to what you’ve mentioned a while ago that sometimes you have to bend a law to please Malacanang. Are you saying na … inaudible…

SP ALAN PETER CAYETANO:

(0:12:34) Bend the Constitution?

REPORTER:

(0:12:34) … that’s why nagkaroon ng 12 sa kabilang kampo? Or what is your reason for saying such?

SP ALAN PETER CAYETANO:

(0:12:42) Senator Jinggoy told the Senate media, at the right time, susunod na kabanata, ilalabas sa inyo yung ebidensya ng mga tumatawag sa kanya, nasa Gabinete yung mga yun.

(0:12:54) Na inooffer nga, na wala na siyang kaso, na basta’t huwag siyang aalis. That was not the first time that happened. It happened in February nung si Senator Legarda. At least tatlo o baka apat silang tinawagan. Itong labing isa nagme-meeting ‘to with Malacanang. Itong kahapon na nangyari, coordinated yan. I’ll stop there kasi it’s obvious naman. But let me say this, that’s the problem.

(0:13:22) The president keeps getting wrong information. Pati yung labing isa, yun ang sinasabi. Na kalaban, gusto kang alisin ng mga yan. Yung NBI, hindi pumasok. Sila nang gulo, sila nagpaputok. Ang nagpapasok ng NBI sa Senate premises, mahigit dalawang pong agents, ay si Senator Sotto. Kompleto kami ng CCTV yan. Ang nanggulpi, NBI. Tapos naka-full battle gear sila Wednesday, pinaligiran. 

(0:13:50) Pero lahat yan lahat yan ay on the record at lahat yan hindi dumadating sa Pangulo ng tamang, tamang impormasyon. 

REPORTER:

(0:14:03) For Senator Marcoleta, sir, with all due respect, the media felt you made a sweeping accusation against the media na sabihin niyo na nabayaran ang mga media. Can you just clarify the statement at kung ano po yung ebidensya ninyo para sabihin nabayaran ang media?

SEN. MARCOLETA:

(0:14:20) Pwede niyo ba i-play yung statement ko if I said that exact sentence? Baka hindi ganun ang pagkakasabi ko. Dineretso ko ba, media? Ganun? Gusto ko lang marinig muna para dami niyo. Parang ganun yung…

REPORTER:

(0:14:40) Narinig po naming lahat … inaudible… karamihan sa media. 

SEN. MARCOLETA:

(0:14:50) Oh yun. Kasi sabi mo, media, parang lahat na eh. Di ko nilalahat kasi you know I’m coming from deep frustrations. Ito naumpisahan ko na eh. I was using the example in the rally of the INC last January 13 yata in 2025.

(0:15:16) Ito sa 2 million crowd gathered in Luneta. Rally na nga yun. And I am one of the four speakers. So kung January 13 yun, January 14, I was expecting that that will be reported. May report naman talaga eh. Ang banner, 2 million crowd gathered in Luneta. 

(0:15:44) Except for the fact that I was the only one among the four speakers who provided the context of that rally. That rally kasi called for the rule of law, the due process of law, and then the INC’s position is for us to…

(0:16:10) Stop all these impeachment proceedings and let us face the problems of this country. They took the statement of the president. Kasi sinabi ng president nun, walang ibubungang mabuti sa atin yung impeachment. Napakarami nating problema. The INC supported that statement. Sabi nila, tama yun. Mag-rally tayo to support the president. And more than that, kailangan nating emphasize ang trans…

(0:16:37) Rule of law and due process. Ako yung nag-provide ng context na yun because dahil… inaudible… ako lamang ay ang abogado sa INC. Marami po kaming mga kapatid na abogado sa INC. Kaya lang ako lang ang nagkataon na member ng Congress. So I was in a better position to explain how the rule of law and due process are being violated. I spoke for about 45 minutes in that rally.

(0:17:10) Ano po yung pinaka-influential po nating mga malalapad na dyaryo? Philippine Inquirer and Philippine Star. Yung nag-report po ng incident na yun sa Philippine Star, walong reporters pinagsama ang isang. They work on only one report, walong reporters. On the other side, Philippine Inquirer, tatlong reporters ang nagsama-sama to develop that story.

(0:17:40) So, 11 reporters saw it. 11 reporters heard it. Alam nIyo, wala naman lang akong pangalan doon. Kahit na yung acronym lang ng pangalan ko, alam mo naman may naglagay, narinig namin si RTM, baka sakaling tanggapin ko na po eh. There were senators na nagpunta doon, they weren’t invited. 

(0:18:05) Basta nagpunta lamang doon, nasama sa crowd, nai-spot-an ng mga reporters, all their names, nandun po sa report, including their middle names. The Senate President at the time, is si Chiz Escudero, nagbigay lang ng isang maikling text. And he earned three paragraphs in that report. I’m airing my frustration. Bakit naman po ganun? Dalawang malalapad na dyaryo, if we are for the truth, kagaya ng sinasabi, pinagtatangol ng Senate President.

(0:18:39) How come 11 reporters did not see me and did not hear me as though I did not exist on that day? I spoke for 45 minutes. What do you say? Meron po bang basis yung frustration ko? Hindi ko po nila lahat. Wala ko sinabing the entire media ay bayaran. Wala po ko sinabing ganun. Maybe I had some frustrations with PRs. Ang mga PRs kasi sila gumagawa nun. They spin all this.

(0:19:09) They control some narratives. Kung ang basehan po natin ay katwiran at katotohanan, kagaya po nung hinanap naming pilit dito, yung katotohanan sa flood control, the media, the members of the media, is in a better and powerful position to help us. Kasi talaga nandyan kayo eh.

(0:19:30) Hindi po kayo, walang batas po na pipigil sa inyo. Kayo lang po ang industry na malaya na wala pong magka-cartel ng rights nyo. That’s why you are called fourth state. Ganon po ang kapangyarihan ninyo. At kinikilala po ng gobyerno natin yan. Kami po kinikilala din namin yan. Kung minsan nga eh ayaw namin magbalat sibuyas kahit na kung ano pinagsasasabi sa amin. Pero mga tao din kami na nafu-frustrate din. Kamukha nung nangyari itong kaganapan natin kahapon.

(0:20:02) Sino ba po ang nag-ulat na yung kaso po ng Avelino versus Cuenco cannot even be applied. Sabi ko nga kanina, even bar flunkers hindi nila tatanggapin because that was not applicable. Pero yun ang sinasabi ng mga nag-stage ng power grab kahapon.

(0:20:27) Alam po ninyo yung doktrina na itala ng Korte Suprema doon po sa Avelino versus Cuenco tsaka po yung binanggit nila noong presidente pa si Senate President Franklin Drilon. Ang doktrina po ganito eh, pag merong isang miyembro ng Senado na wala po sa bansa, gaya nang nangyari sa Avelino versus Cuenco, isa po yung wala noong panahon na iyon.

(0:20:57) That was March 21, 1949. So 23 lang po. Nagkataon meron po pong isa na nasa ospital. Kaya 22 lang po yung panahon na yun. So pwede na po yung 12. Dahil wala po yung isa. Ang sabi po ng Korte Suprema, because they are outside the country, they are outside the coercive jurisdiction of the Senate. Nangyari din po sa mga LGUs yun.

(0:21:25) You have to look at the cases of … inaudible… cases. Yan pong Zamora versus Carvalho. Mga ano po ito, mga local government cases. Ang sabi ng Korte Suprema, pag wala po sa Pilipinas, they’re outside the coercive jurisdiction of their sangguniang bayan. Ganon din sa panahon po ni President Franklin Drilon. Alam po nyo kung ilan yung outside noon ng bansa, apat na senador po yung wala.

(0:22:00) So, ang basis po ngayon ng majority, 20 na lang. So, yung 11 po pwede ng quorum. Pero yung nangyari po kahapon, ang basis po is 24. Sino po makakapagsabi sa inyo na si Senator Bato ay wala na po sa bansa? Gusto lang po nilang pilitin na tanggalin na po rito sa ating bansa at dalhin na po sa The Hague. Yan po yung totoo.

(0:22:27) Si Senator Jinggoy naman po, nandito pa rin po. Nakadetain sa ating kulungan, sa ating bansa. 24 pa rin po. Pinipilit po nila na i-apply po yung mga bagay na hindi pwedeng i-apply. 13 po ang majority. Lahat po ng ginawa nila kahapon. All motions, all actions that they did yesterday were illegal.

(0:22:57) Unauthorized and unconstitutional to say the least. Ba’t po nagmamadali silang ganun? Ayaw po nilang matuloy ang pagdinig sa araw na ito. Kaya po kinuha nila kaagad yung Blue Ribbon. Yan po yung pinagtatakpan nila. Ako po hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko. Kung sila po ay gagawa naman nang nais nating gawin lahat, malaman ang katotohanan sa likod ng karumal dumal na pagnanakaw na ito, okay po yan. 

(0:23:32) Nakita po ninyo kung anong ginawa nila nung sila ang nasa majority. Anong po ang ginawa nila? Natanggal po kami. Okay lang sa amin po. Nangyayari naman po sa buhay ng sinabi ko. Acceptable po sa amin yun. Pero ang una nilang tatargetin dahil nga sa blue ribbon. Tingnan po ninyo, kinuha nila yung blue ribbon at…

(0:23:53) Nagsagawa ka agad na kung anong announcement na walang pagdinig ngayon at naglagay pa sila ng isang schedule para sa susunod na araw. So naguluhan nga po yung mga inimbita namin. Talagang gusto nilang gawin lahat mang gulo. Gagawin lahat para sa ganun mapagtakpan nila yung direksyon na tinutungo natin para malaman natin ang katotohan. Yun po sana. Ang gusto kong ipakiusap sa inyong lahat…

(0:24:23) Kung talaga pong minamahal natin ang ating bansa. Sapagkat ang pinag-uusapan po, hindi na tayo dito. Ang pinag-uusapan po natin ang kalagayan ng bansa natin sa darating na panahon. Ngayon po, alam na natin kung anong nangyayari na sa bansa natin. Ang inflation rate ngayon, alam na po ninyo, 7.9%. Magbilang na po kayo ng mga ilang araw na lang, magiging double digit ito. 

(0:24:51) Alam naman po ninyo kung ano magiging epekto nito. Outstanding debt natin, 18 point something trillion pesos. Ano po yung foreign direct investment? Gano po ang porsyento na ang ayaw na mag-invest dito sa ating bansa? Higit sa kalahati. More than 50%. 

(0:25:14) Wala na pong gusto sapagkat nakikita na po nila ang in-instabilidad sa ating bansa. Hindi pa po tayo gagawa ng parang para ayusin natin? May nagtanong po sa akin noon eh. Ano po ba ang dahilan bakit hindi pa po tayo, hindi po kayo magkaisa alang-alang sa ating bansa? Sabi ko po, ako ang ayaw makipagkaisa? Alam po ba ninyo, unang susi para tayo magkaisa? Kaming lahat sa Senado ay magkaisa?. Umpisahan po natin ang flood control.

(0:25:48) Pananagutan po namin lahat ito na ito’y maresolba sa lalong madaling panahon dahil ang taong bayan po’y naghihintay po ng kasagutan sa kanilang katanungan. Pera po nila ito. Bakit sila po matagal na panahon nagbulag-bulagan, nagbibingi-bingihan, parang mga pipi pa? Sampung buwan ang nakaraan, meron po ba kayong nabalitaan na binuksan? Hindi po eh. Gumawa po pa silang napakaraming dahilan na huwag nang ituloy. Saan po kayo nakakita ng gano’n? Yun po sana gusto kong ipakiusap sa inyo. Yung katotohanan lamang po. Without fear or favor. 

(0:26:30) Saan kayo nakakita po ng isang partial report? Napaka-importante. Alam po ba ninyo kung nung kaya hindi kami makapirma-pirma ron? Akala po ba ninyo binigyan kami ng kopya nung partial report na yun? Hindi po. Binigay lang po sa amin isang link. Kami ang magpiprint. Pagkatapos, babasahin namin. Binigyan nila ng instruction daw yung mga staff namin. Hindi pa po kami ang kinausap. Mga staff. Kapag yung mga principal ninyo ay pumayag at okay sa kanilang partial report, ibababa namin yung last page, yung signatory page, signature page, pipirma ang principal.

(0:27:09) Paano kung papalitan nila yung ibang bahagi ng report na yun? Alam pa ba namin? About 400 pages. More. Kasi nakalagay lang po. Watermark. Nakalagay. Eh paano kung palitan po yung mga pahina doon? Tilang importanteng mga bahagi doon. Ano po po ang alam namin doon? Tama po ba yung ginagawang ganun? Kaya po kami ayaw pumirma. Pero sabi ko, unang-una hindi kumpleto. Paano ako pipirma sa isang report na hindi kumpleto? Pangalawa, wala man lang, kahit na po pasintabi lang na may pumirma kung kanino galing ito, wala po eh. Link lang po eh. Kami po ang magpiprint, makikita nyo may watermark.

(0:28:00) Pwede nilang i-deny yun. Hindi naman yan ang binigay namin sa’yo. Pero nakapirma na kami. Ibababa sa opisina na namin yung signature page doon kami pipirma. Sapagkat alam na namin, napirma, nabasa na namin. Paano kung papalitan nila yung ilang bahagi o yung buong kabuuan ng bahagi na yun? Maliban lang sa pagiging partial. Bakit po ninyo ibibigay na kondisyon yun para magpatuloy? Napakarami ko pong pangalang ibinigay sa kanya. Tawagin mo si ganito, si ganito, tsaka si ganito para makompleto natin ito. Alam mo yung ginawa niya? Ako pa pong binugbog niya. Kung ano-ano pong pinagsasabi sa akin. So pasensya na po kung ako ay nakapagsalita ng ganun. I did not mean it. Ito po ay dahil sa frustration ko sa nangyari at sa nangyayari pong nakikita ko. 

(0:28:56) Ang gusto ko po, makatulong kayong lahat para yung katotohanan. Ang katotohanan lang po, importante rito. Wala na pong iba. Kapag ang pag-uusapan po natin na hindi na katotohanan, hindi na po ko sasali doon. Yun lang pong masasabi ko. Maraming salamat po. 

SP ALAN PETER CAYETANO

(0:28:56) Papangalawahan ko lang yung sinabi ni Sen. Pasensya na kayo. Yung frustration. We’re human. But if you notice a while ago, kaya nga sinabi ko doon sa mga Marines, Attorney Lingwood, let’s not talk general. Mag-name kayo. So for example, ilan sa mga lumalabay ay PR, hindi media. Pero may media personality din. But just to share his frustration ha, meron na radio personality and news anchor, hindi Channel 7. 

(0:29:44) Nandito, nung ano, nung nandyan yung mga police, ang sabi niya kay General Aberim, “Sir, Yung ordinary tao sa bahay niya pag may warrant of arrest, di ba, dere-derecho ka sa bahay, isa-serve mo. Dito hindi nyo ma-serve?” Ordinary yung bahay ba ang senate? This is one of the biggest news channels, ha? At experienced anchor to. So kung ikaw, nanunood ka, kilala mo yung credibility ng estasyon at yun. Hindi ka ba medyo ano? Di ba? The same radio station naman nila, kanina, pinapanood ko sa loob. Expert, tama yung 12.

(0:30:30) Yun lang nakabaranda sa ano nila. Okay. There are probably a thousand legal experts in the country. Many disagree. Eh kung ikaw nanunood, ay, expert 12. So, yung pong sinasabi na, if you look at all these newspapers, not all, I haven’t read everything. It’s legitimate news kahit i-front page na kay Tano, Aplaza, and Robin kinakasuhan sa Obstruction of justice. Pero so far, yung binabasa ko, walang nakalagay dyan na mismong si Secretary John Vic Rimulla at yung PNP noong May 13 ay nagsabing, sila mismo nagsabing, wala silang arrest. So, paano naging obstruction of justice na pinigilan mo yung mag-a-arrest kung wala naman nag-a-arrest? 

Alam nga, alam nyo rin, dahil nireport ko sa inyong lahat na sinabi ng NBI may warrant pero hindi kami binigyan ng kopya.

(0:31:30) So kung may warrant kay Jessica Soho at hindi ako binigyan ng kopya at pinauwi ko siya ngayong hapon, walang obstruction of justice yun, di ba? Pero kung binigay nila sa akin ng warrant at sinabi ko sandali, naka-protective dito sa Senate, and then pinatakas ko, may obstruction of justice doon. So hindi mo masisi sa amin na hinahabol din namin yung old style ng reporting na buo yung istorya. Hindi clickbait na ito, tapos sa susunod na araw, sasagutin, etc. Having said that, it’s not a perfect system. Many of you can’t reach me. Diba? Because it’s a fast-paced news and you have to get the news. So, let’s just bear with each other. But as Senator Marcoleta said, he meant it in the context that there is PR. And there are things we need to balance, but he didn’t mean that most or many.

REPORTER:

(0:32:42) Sir, si Acting Senate President Win Gatchalian had a presscon this morning. He said he wants to reach out to you, all the members of the minority and the majority. He appeals for unity and get back to work. Will you speaking with….

SP ALAN PETER CAYETANO

(0:32:59) Anytime, pero, correct ko lang kayo, ha? Okay. Rule 2. The office of, officers of the Senate, which is rule 1, Senate President, Senate President, ay, Congressman Pepito Alvarez is here. Yes, please join us here. Nabanggit ang pangalan. I’m sorry, Congressman. He’s an old friend. Hindi siya pinapasok kaagad ng guard. Diba? But everyone is free to… I’ll pass it to him after this kung okay lang. Ito lang yan, ha? 

(0:33:35) Section 1, the Senate shall elect its officers, President, President Pro Temp, Secretary. Number 2, the office of the Senate shall be elected by the majority of all its members. De quorum yan, ha? Majority of all its members. 24 ang members, 24 members buhay. So 13 yon. They elected Win with 12. So hindi siya SPT. Okay. And even if he was SPT, sa Rule 4C, kailan pwede magkaroon ng acting? In the event of resignation, removal, death, or absolute incapacity of the President. They cannot remove me with 12. They can only remove me with 13. I’m alive. Okay. Look at Rule 10. The term of Office of President, Secretary, Sergeant of Arms, etc., shall end when their successors have been elected. Have they elected? Hindi. 

(0:34:30) We would be wise to meet in the Senate President’s office, pero ayaw pang umalis ni Senator Sotto. Diba? So, kung gusto niya makapag-meeting, ayusin nila, mag-meeting kaming dalawa sa office of the Senate President. Diba, nandito naman kami ngayon, alam niya naman may hearing, ang mahirap yung panay media, I wanna reach out, etc. Pero pagkausap yung mga membro namin, o wala kayong kaso kapag sumama kayo sa amin. Let’s be honest with the media, hindi yung pang media, we’re willing to talk. Pero pagkausap yung mga miyembro namin, I’m not talking to win, I’m talking to all of them in general. Gusto nyo kami kausapin, eh, tine-threaten nyo kami, in-intimidate nyo kami, gagawin nyo ilegal kahapon…

(0:35:18) makipag-usap ka, aminin mo. Hindi ka naman Senate President Pro Temp eh. At hindi ka acting Senate President. Diba? So, ibig sabihin, kung sabihin ko, ako na Presidente ng Pilipinas, sabihin ko kay President Bongbong, Boss, willing ako makipag-usap. Kalokohan naman yun. Diba? So, be honest with each other. Huwag pang-propaganda lang. Mamamaya na sa follow-up. 

REPORTER:

(0:35:41) Sir, last up po. Sir, kasi dalawa po kayong nag-uutos ni Senator Gatchalian. Kagabi, sir, dalawang types of memo. Memo niyo, sir, na tuloy ang blue ribbon, dapat magtrabaho yung mga Senate employees. And then another memo coming from Senator Win saying, work from home. Sir, ano yung stability ng Senate pag ganito dalawa po kayong nag-uutos? 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:36:02) It has been proven, ladies and gentlemen, noong May 11, kami sinisi kay Senator Bato. It has been proven sila nagpapasok ng NBI. May 13, kami daw napaputok. It has been proven. Naka-full battle gear yung NBI na sa labas. Ang likod po ng office, extension office ni Senator Loren, sa likod po, diba sa mismong video ng PNP, yung mga aircon? Aircon po yun ng mga office sa Senate. Yung CCTV na ginamit nila, hindi CCTV ng GSIS, CCTV po yun ng Senado. So nasaan ang mga NBI? Senate.

(0:36:38) Pero hanggang ngayon, ang report ng Malacanang at ng PNP, wala sila sa Senate. Yung labas ng pintu na yun, pero labas ng opisina na yun, Senate pa rin po yun. Alam nyo yan, dito kayo sa Senate, di ba? Okay. Yung sinasabi lang, magtrabaho na lang kami, pero nung nag-takeover sila, hindi sila nag-trabaho. So ang point ko, sinong susundin ng Senate? Una, sino ba nanggugulo? Kami o sila? Sino legitimately elected Senate President? Nasa harap nyo. So, dapat ako sundin. Pero hindi ko pre-pressure yung mga empleyado. Hindi naman ako permanente sa position na ito. Diba? First time ko maging Senate President, sila, nagkampihan na sila. Senator Drilon, Senator Coco, parehong naging SP. Senator Migs, sumama sana Senator Chiz. Sino pa naging SP sa kanila? Sotto. So, karamihan ng empleyado dito nang galing sa kanila.

(0:37:36) Kaya ayaw ko daanin sa loyalty sa tao. Loyalty sa institusyon. So sila Senator Win ang nanggugulo dahil atat na atat na sila ang maging majority at Senate President. So kung ayaw nyo nanggulo, huwag kayong manggulo. Lahat ng request nila sa staff, grinant ko. Lahat ng pinapirma nila sa akin, pinirmang ko. Nakiusap, ilang araw sa opisina, okay. Isang linggo pa, okay. Gusto niya sa 6-4, sabi ko, kausapin mo si Senator Ping. Kasi siya naman may opisina doon. Okay. Oh, dadating ang presidente ng Vietnam, pwede ko na ba gamitin? Pwede ko lang daw gamitin yung ceremonial, huwag daw opisina niya. Sabi ko, ilan ang gusto niya sa CA? Wala akong hindi in-okay. Ano sabi ni Senator Ping?

(0:38:23) SP Cayetano is a SP only for the 13, not for everyone. So my point na yan is, decide for yourself. I’m not talking to the media. I’m talking to people. Decide for yourself sino nagsasabi ng totoo. So I’m talking now to the Senate employees also. Is your loyalty to the institution or to certain personalities, ano ang tamang batas? Kaya nagpapasalamat ako sa mga naiwan, pati yung sa lounge na nagluto ng pagkain para sa ating bisita. Kasi… parusahan sila ni Senator Win at nung mga iba. But, you know, maybe, if this reaches the Supreme Court, maybe five years from now, you will look back at this and you will see we were correct. There’s no legal standing. But may I interrupt? It’s just a matter of fairness. Kuya, dito ka na dito para. Let’s just allow Congressman Pepito Alvarez, ating governor, to have his few minutes kasi nabanggit yung pangalan niya. Dito. Dito na. Kasi nandito yung mga mic. Okay lang. Ito po yung mga mic. Ito. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:38:23) Salamat. Salamat. Salamat. Senate President Alan Peter. Marami salamat po. Nung nakita ko po sa Facebook na nandito yung mga sundalo, sana naabutan po dahil wala namang masama na mag-usap. Tatanungin ko lang sana kung sa akin ba nila binigay yung maleta? Dahil nababanggit ang pangalan ko eh kawawa naman ang pamilya ko eh hinahanap sa akin yung maleta eh. So, ganun lang po kung maaari. Wala man akong sama ng loob. Kaya lang, siyempre, takbo agad ako dito. Alam ko nandito ko eh. Kung wala ka dito, hindi naman ako pupunta dito eh. Tsaka nandito si Senator Marcoleta. Alam naman nila, papasukin nila ako. 

(0:40:13) I vehemently deny that meron ko akong natanggap. Wala pong utang si Zaldy Co sa akin. Wala din akong utang sa kanya. At wala kaming transaksyon na maaari ko siyang bigyan o maaari niya ako bigyan ng pera. Umalis na si Atty. Rondain? Kausap ko siya nung isang araw. Pakiusap ko sa kanya. Kumuha ka lang ng isang note kay Zaldy. Kung makausap mo siya, na wala si Zaldy pinadalang maleta sa akin. Yan lang po. Hindi ko sinasabi na hindi totoo yung mga sinasabi ng mga Marines. Ang akin lang na ako, wala akong tinanggap personally for me. Dahil, modesty aside, ganito lang po ang buhay ko. Hindi naman ako naghahangad ng maletang maletang pera. Ganun lang po. Maraming salamat. Baka pwede silang magtanong? 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:41:09) Yes, of course. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:41:09) Baka pwede kayong magtanong? Okay lang. Mga five minutes. I’m not taking much of your time.

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:41:14) Take your time. It’s your right. Nabanggit kasi. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:41:17) Salamat ako dahil nakahabol pa ako. Kala po maabutan ko sila eh. I just want to ask them. Kanino nila binigay? Dahil wala man ako kinanggap, Sen.

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:41:26) Actually, nakita ko text niyo po. Tapos na rin talaga. At pinaakyat ko, precisely why we want everyone named to have their opportunity. And I thank you, Cong, for being here. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:41:40) Eh wala, kung malinis ang konsensya mo, pupunta ka rito, di ba? In fact, maraming kongresista na sasama sana. Ang isa doon, nagsabi sa akin na pupunta rin dito, yung Congresswoman Garin ng Iloilo. Pinsan ko pa yan sa Sabiloso. Sabi niya kung pupunta ka, sama ako. Eh, nakita ko ngayon, may meron kayong, hindi ko man alam to eh. Kung alam ko lang ito, nandito ako maaga pa, kinansela ko lahat ang aking mga meeting. So, any question po? 

REPORTER:

(0:42:08) Congressman, since nabanggit niyo pong walang katotohanan

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:42:13) Hindi, hindi sa walang katotohanan. Wala akong tinanggap na pera. Wala silang dinala sa aking maleta. 

REPORTER:

(0:42:19) Okay, ibig po bang sabihin, questionable yung mga sinabi kanina ng mga…

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:42:25) Hindi ko kasi narinig eh. Nasa kalsada ako kanina. May meeting ako kanina sa, dito sa PIMS, yung motor show. Nandun ako. Kami nagbukas eh. Umalis ako doon, mga alas diyes, pumunta ako kay …inaudible… sa San Miguel. After San Miguel, may ala una ako sa Manila Golf. On the way to Manila Golf, hindi ko lang maiwasan yung Manila Golf dahil may appointment akong taga-China at mga taga-Philinvest Bank na mag-meeting doon. In-introduce ko lang, takbo agad ako rito. Akala ko maabutan ko pa. I’m sure, papasukin ako ni Senate President Cayetano dahil matagal na kami magkakilala nito eh. Eh, tatay pa niya, kasama ko na.

REPORTER:

(0:43:05) Ano po kaya ang motibo kung bakit kinaladkad yung pangalan ninyo…

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:43:11) Mahirap man ako magsabi ng motibo. Ngunit, siguro may kinalaman doon sa pinadala sa akin ni Mike Defensor. Nandito pa ba si Mike? Si Mike Defensor nagpadala sa akin ng impeachment ni Pangulo. Ako yung walang. Nandito sa cellphone, gusto nyo makita? Pagkatapos, pinadala sa akin na kung maaari daw, i-endorso ko. Eh nung hindi ko in-endorso, bigla na lang ako nagkapangalan dito. O hindi ko sinasabi na, yung sinasabi na ano, ha? Mabuhay ka, Congressman Jose Alvarez po. Si Margaret ito. Hindi ko kilala ko si Margaret na nagpadala sa akin.

(0:44:03) I’m writing on behalf of Congressman Mike Defensor to request for your endorsement of impeachment complaint against PBBM for graft and corruption and the trial of public trust. Your principle stance… binola pa ako, on accountability makes you an ideal endorser. We respectfully request for your public endorsement to strengthen this effort and uphold the rule of law. Attached is the full complaint for your review. Thank you for your consideration. Hello po, will you endorse? Ang sagot ko, no, sorry. Hindi ko pa nga nabasa eh. Pinapa-endorse kaagad sa akin. Pinaprint ko ganyan kakapal. So, sunod noon, kasama na po ako rito sa Marines. Pero I can say, categorically, wala po akong tinanggap na maleta kayo, galing kay Zaldy Co dahil wala naman utang si Zaldy Co sa akin. Wala din ako utang sa kanya. 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:44:59) Okay? 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:45:00) Maraming salamat. Pasensya na. Pasensya na. And thank you very much. 

REPORTER:

(0:45:09) What’s your relation with Zaldy Co kung wala po talaga kayong natanggap?

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:45:00) Si Zaldy Co, si Zaldy Co, congressman. Kasama ko sa house. Vice Chair ako ng Appropriation since 2022 up to 2025. 

REPORTER:

(0:45:25) Pero outside the house? 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:45:28) Sinasabi nga doon na palagi ako nakikita sa park house? I’m always seen in the park house. Wala ko. Saan ba yung park house na yan? Wala akong alam kung saan yung park house. I do not go to Zaldy Co’s Horizon Homes. I know they have an apartment there. Kaibigan ko si Zaldy Co, bakit? Wala naman masama eh. Vice chair ako sa Appropriation. Ngayon, vice chair pa rin ako sa appropriation eh. So gusto ko lang sana, naabutan ko yung mga marines para at least na sa akin ba yun talaga binigay pera? 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:46:02) We will make sure na in the next hearing, informed lahat. But what I want to assure yung cabinet at saka yun nga, tao ang mag-judge, pero welcome kayo i-confront. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:46:02) Walang parliamentary parliamentary courtesy. Pupunta ako rito tutal, we just want to confront kung ano yung… Hindi ba na ako delikado, Senator Alan. Kung mayroong tatlong maleta, tatanggapin ko, di ba? Basta walang resibong pinapapirmahan. Di ba? 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:46:32) Nagbibiro lang si Congressman, but he’s here to clear his name, which is the process, di ba? Pag nabanggit kami sa house, we’re also given the opportunity to answer. Kaya nga, regardless of our topic, pagpunta dito, we will give them a chance. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:46:47) Maraming salamat sa inyo. Hindi ko akalain na nandito kayo lahat. 

REPORTERS:

(0:46:48) Thank you. Thank you, sir. 

MODERATOR:

(0:46:54) Next session for Marlon Ramos. 

CONGRESSMAN PEPITO ALVAREZ

(0:46:56) Sige, salamat. Papaalam lang ako. Salamat, salamat. 

REPORTER:

(0:47:02) Sir, just to clarify. 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:47:04) Yes. 

REPORTER:

(0:47:04) Anong po yung story nyo at nung kasamahan nyo po kung ito sa na hindi po pumasok ng last 3 sessions.

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:47:16) Di ba nag walk out sila kasi ayaw nila na makaboto yung 13 diba so they used a parliamentary tool which is calling the quorum then adjournment so we also used a parliamentary tool na walang quorum so yun yun. Yun lang kasimple but sila imbes na sumunod sa rules nung na checkmate sila, binasura nila yung Constitution and Rules by coming with a patently illegal maneuver yesterday. Ganun lang kasimple. Kasi nga, in-announce na namin, ang gusto nilang gawin, isa-isang arestuhin yung mga nasa majority. Pagkatapos, kunin nila yung committee. Pag nakuha nila yung committee, hindi tuloy yung hearings. Kaya kami, alam namin walking dead kami. Alam namin anytime, kukunin ang committee. Alam ko, eventually, magkakatrese sila. But sana, lumabas muna yung katotohanan bago mangyari yun. 

REPORTER:

(0:48:16) May nabanggit po kayo na si Senator Erwin Tulfo na sila lang po yung nabanggit ni Tito Sen. Pero dun sa original affidavit ng mga dating sundalo, nandun din si Senator Loren at saka yung magkapatid na Villar. 

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:48:35) So, actually, ngayon ko lang nakita yung affidavit.I have not read, etc. But that’s the problem with the Tulfos. Sasabihin nila, humarap ka, etc. Eh, di sana humarap siya kanina. Di ba? O, di yung 18, harapin niya sa susunod na hearing, bakit ako ang magtatanong nun? Hindi ko naman nabasa yung unang affidavit. Mas maganda nga yun pagka ganun kasi mate-test yung credibility. Di ba? Pero si Erwin na sa groups naman namin yan, may mga nagbanggit din doon na may nabanggit sa majority bakit hindi niya pinatanong. Meron din doon, nabanggit sa majority nila. Ang sagot nila doon, hindi daw pwedeng gawing witness na yun. Pero yung witness na yun ay ginagamit laban kila Joel Villanueva at sa ibang mga senador. Kaya sinasabi ko nga sa inyo, bantayan niyo nang husto yung Blue Ribbon Committee kasi imbis na instrument for truth, ginagamit na instrument para magkaroon ng mga scapegoats o kaya selective justice o kaya ginagamit para hindi mabuo yung tunay na majority.

REPORTER:

(0:49:40) Inaudible… Nagbanggit na po si Senator Erwin na they will also hold a Blue Ribbon hearing on Monday. Ano pong gagawin ng grupo niyo?

SENATE PRESIDENT ALAN CAYETANO

(0:49:36) I will assert the powers of the Senate President. Having said that, have any one of you known me? In my ilan years na ba ako in government, 8 plus… 34 years in government, have I ever stopped anyone who wants to talk? Siguro kung may time limit. So gusto nilang gamitin yung Senate, gusto nilang magkaroon ng event, go ahead, but it’s not an official Blue Ribbon hearing because hindi naman siya Chairman ng Blue Ribbon hearing, di ba? Ang tapang-tapang nilang magsabi dati na dapat mag-inhibit yung mga wala doon. Ngayon, sila nabanggit. Gusto nila mag-hearing. Ayaw nila, bakit ba ayaw nila mag-hearing today? Kaya nga sila nag ganyan kahapon eh. Okay next.

REPORTER:

(0:50:39) Next question from Bilyonaryo. 

(0:50:41) Hi, Sen can you please explain to us lang po if, paano po ito, like how does this bear any weight? Meron po bang presence ng blue ribbon stamp kanina, paano po ito papasok sa Senate records given na hiwalay yung kampo niyo and Gatchalian.

SP ALAN CAYETANO:

(0:50:59) That’s a good question, not only because it happened today, we expect it to happen in the next few weeks. So that’s what I meant na kaninong… Hindi pa ako nag-breakfast, kaya over 3 o’clock na. 

(0:51:18) So, democracy is messy. And we’re in a mess. I’m just saying, they never gave us a chance. From the day we took over, how many Senate presidents na ang nadaanan ko since 2007? May honeymoon period yan eh. Whether matagal o maikli, di ba? Ako Day one, kay Bato. Day two, privilege speech, pinagbigyan nila ako mag privilege speech. Tapos day three, eto na, yung NBI na dito. The next week, privilege speech, uupakan kami na kami ang magulo, tapos sasabihin kami raw yung hindi nagtatrabaho, do you that until today, kahit kahapon, never sila nagbasa ng members nila sa kahit na anong committee.

(0:52:03) So paano nila sasabihin na gusto nilang magtrabaho na lang? Every day tinatanong ko anong committee sa gusto nyo at hindi nila binabasa kahit membership. Tapos sila ang gusto magtrabaho. They want power not work.

REPORTER:

(0:52:18) So sen, pasok po ito sa senate recomm.

SP ALAN CAYETANO:

(0:52:21) Our staff are going to have to do it. 

REPORTER:

(0:52:23) How about yung BROOM staff po, meron po bang presence? 

SP ALAN CAYETANO:

(0:52:26) I’m not sure. Meron bang nag-attend na taga BROOM? Wala? Wala. 

REPORTER:

(0:52:31) Paano po po mag tutuloy-tuloy ito sen? Hahantong pa ba ito sa committee report? 

SP ALAN CAYETANO:

(0:52:35) It’ll be part of our history. If you look at the history of the United States, nagka-civil war pa. Because nga yung North at South hindi magkasundo sa slavery. There’s a lot of votes in the U.S. Congress, pati constitutional change, that were one vote, di ba? Nagkaroon ng time ang Supreme Court hindi sinunod ni President Kennedy. So part of democracy talaga is messy. But ayun nga remember people make the actions for the constitutions.

(0:53:08) So, in the end, the Gatchalian group blames us. We blame them. But in the end, I take responsibility. We’re all to blame. I’m just saying it’s unfair to say, magulo yung time ni Cayetano. Kayo yung nang gugulo eh. Sila nang gugulo eh. Tapos sasabihin nila magulo. 

REPORTER:

(0:53:24) Last na po, na-mention niyo po kanina na ayaw po ng Sotto Camp na umalis sa Senate President’s office. Do you have comments from the Senate actually? 

SP ALAN CAYETANO:

(0:53:35) No, no, to tell, what I’m saying is that he kept on extending it, I allowed it. Then we kept on saying, di ba? So I was saying that in context na gusto makipag usap ni Senator Win? Prove your sincerity, vacate the SP room. Mag meeting tayo doon, pero yung itatake over niya at sasabihin niyang siya na ang senate president, kahit acting, hindi good faith iyon.

REPORTER:

(0:54:04) Sabi daw po ni senator Sotto ay nag usap daw po kayo ang balak daw po ay adjournment, aalis daw po, do you confirm…?

SP ALAN CAYETANO:

(0:54:08) Hindi, nagusap kami noong first week ang sabi niya, pwede bang bigyan mo akong time? Tapos nag-usap kami ulit at the same time, pwede bang adjournment yan? Then nangyari yung May 13. Nagkaroon ako ng memo na hindi secure yung opisina ko dito at hindi magagarantee ng security namin kasi na ang daming bisita at may mga opisina dito. So kinausap ng staff ko staff niya, kung pwede that weekend. At kinausap niya ako ng Monday, ang sabi niya, ah ano to…so sabi ko “So tito Sen, paano yung security, ganito ganiyan” and yet ilang araw pa hanap mo ako opisina, so hinanapan ko siya ng opisina, merong opisina na pala. So binalikan siya ng staff ko, binalikan niya ako, binalikan ko, na meron na opisina. Sabi niya “hindi, kailangan sa 6th floor”, and nasa 6th floor lang naman na walang right to be there in the sense that si Sen. Legarda is now the SPP

(0:55:07) And then, yung majority office sa majority naman yon, wala pang binabanggit, so sabi ko, “Sir, kayo na magusap ni Senator Ping, pinasabi ko sa staff, or mag-issue pa ba ako ng memo. So, susunod na linggo, dadating yung president ng Vietnam. So, sabi ko baka this weekend, baka pwede na kayo umalis. Kasi nakakahiya naman, baka mag-CR ako, mag-CR yung presidente ng Vietnam, alangan naman sa hallway ko papuntahin, sa opisina across, baka magalit, hindi pa rin umalis, so yun lang, pero hindi issue yun. 

(0:55:41) In the context of an issue, alam ko na plano nila, they never thought na tatagal kami ng ganito katagal. Kasi ang tingin talaga nila, yung mga hawak nilang alas, eh bibigay yung mga nasa 13. So my point is, kay Sen. Win, same thing. If I say I’m acting president, then I tell President Bongbong, mag-usap tayo. Kakausapin ba ako nun? Eh, siya legitimate president eh. O, diba? So, okay, usap, etc. Pero ano pag-uusapan? Paanong pag-usap? Tsaka, usap kayo from day one, May 11. Usap, pero huwag kayo mag-threaten. Eh, isipin mo, lalapit sa iba, yung iba sa (inaudible)…Monday, kulang na kayo oh ikaw, may kaso ka. So, anong klaseng usap yun?

(0:56:30) So ang (inaudible), which wala, diba? Hindi naman pwede usap, meaning “Oy ito complain, usap, sabihin ko kasuhan ko kayo” That’s what I meant, we’re sincere if they’re sincere.

REPORTER:

(0:56:51) Sir, paano ninyo nakikita na i-discharge yung function niyo, considering na yung counterpart ninyo yung House of Reps ay kinikilala si Sen. Win, ang palace kinikilala si Sen. Win. Dito po nagbigay kayo ng instruction sa mga empleyado pero sa mismong hearing ninyo wala pong sumipot para sundin yung instructions po ninyo sir.

SP ALAN CAYETANO:

(0:57:15) Three books, three books. The Rules of the Senate. The Philippine Constitution, and mawalang galang sa mga hindi natin ka religion na mga Christian, the Bible. Do we follow power or do we follow these three books? And yung pagsunod ng House of Representatives at saka ng Malacanang, obvious na play nila yun. Di ba? So yung mga empleyado, give them time over the weekend pag-isipan, pero hindi madali sa kanila kasi livelihood nila at career nila at stake.

(0:57:55) At alam mo naman ang mga Pilipino, we have a notion of utang na loob. So kung nagpasok sa kanila ay si Sen. Koko, Sen. Drilon, etc., eh lumalabas siya…Actually, ano eh, sabi nila pag ka si Alan Cayetano hindi unifier, di ba? Hindi totoo yun, ha? Kita mo lahat sila, Marcos na rin eh. Nagkaisa sila doon. Nagpagkaisa ko sila doon. Yung kaliwa, yung mga dilaw, yung mga pink, yung mga dating aktibista, yung mga dito, kampi-kampi na ngayon sila sa Malacanang. So, napagkaisa ko sila. So, hindi totoo na hindi ako unifier. Thank you. First time ako napalapakan ng media, walang bayad yun.

(0:59:03) Guys, ang hinihingi ko lang, don’t give us any quarters, prayers lang for the country. Thank you, everyone. Thank you. 

REPORTER:

(0:59:11) Sir, kanina na-mention niyo na yung threat lagi sa mga kasama ninyo. How do you intend to protect po yung mga kasama po ninyo para hindi pa kayo malagasan lalo? 

SP ALAN CAYETANO:

(0:59:21) Prayers, walk of faith. Nung nawala si Bato, yung misis nag-text sa akin, nag-text o tumawag kay Senator Robin, nag text, tumawag kay Senator Bong Go. Sana naman daw sa bawat panggigipit maalala na si Bato, maganda na ang taguan, pero pumunta pa ng Senate para magbago ang direksyon. Nung nakulong si Jinggoy, ayun din sinabi niya sa akin, ako rin kasama niya doon, sabi niya “pare dead meat na ako dito, baka mabulok na ako dito kapag naghiwahiwalay pa, sabihin mo sa grupo hindi ako bumigay”.

(0:59:57) I saw him during the most crucial time, so nangyari yung nangyari kahapon so we’re still praying. But remember, tao din yung labing isa plus one. Baka meron pa ma konsensya sa kanila. Even the problem with corruption in the Philippines is that when you put every single person under the microscope, may makikita ka eh. The best answer I heard was the former Secretary Angelo Reyes. Sabi niya, alam mo, pag tinanong yung politiko, nagnakaw ka ba?

(1:00:27) E sabi niya, mag-uwi ka lang ng paperclip eh, sa gobyerno, nagnakaw ka na eh. So it’s a matter of degree eh. So that’s why once upon a time sabi ko, baka gusto nyo resign all na lang. Tapos bawal na tayo tumakbo para clean slate. Lahat sila ayaw. Kasi nagkaisa din sila. Ako lang daw dapat mag-resign. Kaya I unify people. Okay? Thank you. 

REPORTER:

(1:00:48) Sen, sino yung umiyak?

SP ALAN CAYETANO:

(1:00:50) Marami.

REPORTER:

(1:00:56) Sir, are you still confident sen sa grupo niyo na wala na kakalas, knowing na lumipat na si Sen. Chiz?

SP ALAN CAYETANO:

(1:01:00) Confident ako na pare-pareho prinsipyo namin, and that we’ll make the right decisions together. Kasi kung ako lang, parang gusto ko nang sabihin isa sa dalawa sa kanila na pahiram niyo na yung boto kasi ang hirap eh. Ang hirap nung pinagdadaan nila. Tapos, para bang ako lang nakikinabang dahil akong SP. So, although alam na nila na ilang kaso na at ilang na ang hinahalungkat sa akin, so, nandun yung support. 

(1:01:28) So, I’m confident in our democracy. I’m confident that the Philippines is a country of the Lord. So, I face this. I’ll just quote someone na kasama ko. Sabi niya sa akin, Brad, alam mo naman ako kasi magkasama kami nun.

(1:01:45) Hindi ako naka sama kay Erap, nakasama ako kay GMA. Sabi niya sa akin, Brad, alam mo naman, kahit barilin ako sa luneta, single ako nun, wala akong pamilya, wala akong asawa, bata pa tatay ko. Pero ngayon, baka atakihin sa puso tatay ko, baka yan, pero hindi ako kakalas. So, ganun na yung salitaan namin eh.

(1:02:03) So although my asawa ko, I haven’t been blessed to have children. I have a lot of pamangkins I treat as my children. I have my ate na I didn’t want to pull in. But she’s a senator as much as me and she’s happy to do this. She didn’t want the blue ribbon. But kanina siya nagsabing, ay, kung magkakagulo dun sa baba, baka respetuhin nila akong babae. So siya bumaba. Buti na lang sumama si Robin kasi kahit pala babae, haharangin pa rin sa baba. So I’m confident God is in control.

(1:02:32) But I cannot tell you more than now. I don’t know what will happen later. I don’t know what will happen tomorrow. I don’t know what will happen on Monday. Thank you. Kanina nahack yung Facebook ni ano, ni Senator Marcoleta. Tinignan ko, may nag-drudrum. Sabi ko, baka bombo yun.

REPORTER:

(1:03:09) How do you feel about the palace recognizing the leadership of the Senate President…? 

SP ALAN CAYETANO:

(1:03:16) Expected. I don’t feel bad about that kasi expected. I feel bad na since actually nagpahiwatig ako sa palasyo, two weeks before I took over. I talked to many of their allies and told them mukhang improbable na pumalit kaming grupo pero possible. Improbable dahil marami kayong hawak dahil tinatakot niyo, pero probable kasi hindi na tentable yung ginagawa ni Sen. Lacson, Sen. Pangilinan, Sen. Sotto. So, nung nagulat sila, nagsisisihan na kasi hindi sila naniwalang mangyayari.

(1:04:04) Pinaabot ko na priority namin impartial na impeachment kasi yan naman yung hinihingi ng ating mga kababayan at yung ekonomiya kasi hindi natin nararamdaman dito sa Manila at dito sa mga air-conditioned na kwarto pero yung mga kababayan natin sa bawat barangay, whether Metro Manila, Luzon, Visayas, Mindanao, OFW sa Middle East, nararamdaman nila. So, tinanong ng mga ibang kakampi nila, Blue Ribbon, sabi ko, we want to know the truth, but we want it as a fair, so sana both sides nandun. 

(1:04:36) So nagulat lang kami for the next three weeks, kami na kalaban. But maybe I can say I just found out today kasi grabe pala yung mga testimony. Again, totoo ba o hindi, I will not comment the same way Senator Lacson did. I’ll just leave it to the people to believe or not believe yung narinig nila.

REPORTER:

(1:05:05) Thank you very much for that answer. Follow up question, aren’t you worried that this particular statement could further erode public trust and doubts over your leadership as of the moment? 

SP ALAN CAYETANO:

(1:05:08) My leadership doesn’t matter. What matters is we do what is right. I mean, sabi ko nga, kung one day lang ako SP, shortest SP, kung ganyan, you know, hindi ako magbabanggit na religion kasi ano, but it’s not how long you have, but it’s what you do with it. So, as long as every single day that SP ako, I’m doing my job. I told my sister kanina, sabi ko, ate, part of me wishes may 13 sila kahapon para tapos na. Di ba? Mabisita ko si mommy, nag-birthday mommy ko kasabay ni Sen. Ping at matagal ko na hindi nakikita nanay ko. May time ako sa mga pamangkin ko. Bumalik ng normal buhay ko. Mahirap trabaho ng asawa ko. So, mahirap na everyday ganito yung buhay.

(1:06:06) So sana kung nag-trese sila, wala na akong paglalaban kung hindi yung katotohan na lang, pero hindi ko na-responsibility yun, di ba? Yung sinabi ni Stephen Covey ba yun na, sphere of influence, sphere of authority. Pag sphere of influence mo lang, so halimbawa, any of you knows I’m doing something bad. Hindi nyo naman ako asawa, hindi nyo naman ako anak eh. So influence, ibulong nyo lang sa akin, Alan mali ka. Pero kung kayo ay nanay o tatay ko, asawa ko o anak ko, then may authority kayo, then you should tell me.

(1:06:34) So, while I’m SP, may sphere of authority ako, I have to do something about it. Diba? So, dahil SP pa ako, kailangan ko ipaglaban. Pero kung part of me, parang sana nag-13 na sila, hindi na 12 lang, parang wala nang pag-usapan. But ano, I will continue fighting. I mean, I am not, I am no one at all if I do not fight for what I believe in. 

REPORTER:

(1:07:06) So you’re saying in the off chance that you do get unseated from your position, there will be relief from you as well. 

SP ALAN CAYETANO:

(1:07:16) When you have authority and power, you can do something rude and you’re happy with it, but it is stressful. It is a messy democracy. So when you’re mayor, naayos mo yung schools, you’re happy. Pero makita mo walang gamot yung hospital, it’s stressful. Now, when you’re no more mayor, you still want to be mayor, but you have a little bit relief that it’s someone else’s job. So, yung pagiging SP is one of the most temporary jobs. Stable pa maging speaker. Sa SP, 24 yan na lahat magaling. So anytime, pwedeng palitan yan. 

REPORTER:

(1:07:57) SP, what if magpatawag po ng special session para ma-actionan yung mga na-iwan na bills and kung magkaroon ng 13? 

SP ALAN CAYETANO:

(1:08:04) We’ll deal with it. Kung pag 13, wala ng problema.

REPORTER:

(1:08:08) Pupunta po ba kayo?

SP ALAN CAYETANO:

(1:08:09) Kung may 13, wala nang pupunta kami at tapos na doon. Kasi 13 sila eh. In fact, kung nagsabi silang 12, sila…Basta 13 sila, wala nang pag-uusapan. Okay? They don’t even need us to go. Kasi 13 eh. Okay, now, let me ask Malacanang. What’s more important to you, power or order? 

(1:08:32) So if you wanna call a special session just to consolidate your power, wala na ngang tiwala yung marami nating kababayan. Kasi pana’y gulo na lang nangyayari sa ating bansa. Na-entertain man kayo sa Senate, hindi naman Senate ang magulo eh. Ekonomiya natin magulo, politika natin magulo, mga lansangan natin magulo. Because there’s a failure of many things. I won’t point just to the President. So kung gusto nila maayos to, humanap sila ng paraan.

(1:09:00) They have all the power, they have all the money, they have all the influence. I’m not at par. Sabihin nila parang Cayetano versus Win or Cayetano versus Marcos. Hindi eh. Parang elementary varsity versus NBA ito eh. Nasa kanila lahat ng kapangyarihan. Ang nasa amin lang katotohanan.

REPORTER:

(1:09:19) So SP, pupunta po kayo, yung bloc nyo po? 

SP ALAN CAYETANO:

(1:09:22) I’m not sure. It depends. Anong balak nila? We reserve the right to use every parliamentary tool that is available to fight for what we have. Many times in history, all we had was you, the media. All we had was katotohanan at the media. Of course, God’s will. Diba? Many times lumaban kami. Impeachment ko. Sino-sino kalaban. Diba?

(1:09:45) So ito, hindi ko itatali yung natira sa amin, hindi ko itatali kung anong gagawin namin na hindi ko maalam kung ano pang balak nila. So kung halimbawa, papatawag sila Monday para hindi kami makapag-blue ribbon ng Tuesday, ba’t kami pupunta?

(1:10:00) Pero halimbawa, nakipag-usap sila. O ito Blue Ribbon, o ito Chairman, ayaw nyo kay Marcoleta, ayaw namin kay Erwin, ito. Ito schedule, ito mga patatawag natin. Ba’t naman kami hindi makikipag-usap ng maayos? 

REPORTER:

(1:10:12) What about bukas po? Tuloy po ba yung investigation sa shooting incident? 

SP ALAN CAYETANO:

(1:10:17) Actually, hindi pa namin napag-usapan. Tinuloy ba ni Sen. Marcoleta? 

(1:10:25) I’m sorry, you know we’re all focus here, we didn’t know kung makakapasok ba kami ng senate, but that is a good question. I have to ask senator Marcoleta.

REPORTER:

(1:10:33) Sir, next week onwards po, is it safe to say parang you’re going to act on your own while the Gatchalian Bloc will be acting  on there own.

SP ALAN CAYETANO:

(1:10:44) I will assert my authority, legitimacy as Senate President. I will write the letters. I will perform my duty. Then let’s see, kung anong gawin ng Malacanang at saka ng… So for example, sa hearings, malamang hindi pumunta yung mga kabinete pag kami nagpatawag. But that’s a reflection on them, not on us. 

REPORTER:

(1:11:05) Pero pag sabay po, kunyari may (inaudible)

SP ALAN CAYETANO:

(1:11:14) It’s up to the people to decide. Alam ko, yung mga nasa elevator, mas mahal ako kaso kayo kaibigan si Rose. So pag sabay kami sa elevator, ako ang papaburan ni Rose. Pero kung gusto ni Win mauna, okay lang. 

REPORTER:

(1:11:25) Pero now po, sa precedence, technically sino ang masusunod?

SP ALAN CAYETANO:

(1:11:33) You know, it’s just like a corporate takeover sa kumpanya niyo. So most of you here are in corporations. Pagka may nag-takeover, may labanan sino, you have to decide sa conscience kung sino. But ang apektado lang kasi sa isang korporasyon, yung shareholders, yung empleyado. Ito kasi buong Pilipinas. Kung ako naka-side kay Sen. Win, I will not act as acting president because he knows it’s illegal. Masisira yung buong career niya in the future. I waited. I’ve been a senator since 2007. I thought never na ako magiging senate president. But I waited until binigay sa akin. And I think Senator Win, is an intelligent, studious, creative, ang dami kong magandang adjective na sasabihin. So ang akin lang advice kay Sen. Win, wait for your time. Don’t grab, receive. Okay na nga, pinili ka na ng grupo mo. Pero pag illegal ang pinagagawa sa’yo, huwag mong gawin. Mapapahamak ka lang.

REPORTER:

(1:12:46) How confident are you that the employees of the senate will keep your orders, given that (inaudible)..

SP ALAN CAYETANO:

(1:12:53) Honestly, I don’t know. Kasi nga, I haven’t, have I appointed anyone? I don’t think I have appointed anyone in the last three weeks, di ba? And everyone, the thing about the Senate employees, they’re very political in the sense that they’re up to date with everything. Buhay nila kasi yung government, yung pag-ano eh, diba? And many of them started from the lowest going up. So, I can’t just tell them, you know, sumunod kayo, kung hindi, kakasuhan kayo. They have to make the decision by themselves. But the problem is, I don’t know how they’ll make a decision as a group. So, I don’t even know paano nila dinesisyunan ayusin ito, magluto ng pagkain, di ba? Kanina, yung ibang OSAA, ayaw papasukin yung mga Marines. Pagbaba ni Senator Pia, sumunod naman. So, it’s going to be a struggle, but it’s going to be a struggle to do for the country. 

REPORTER:

(1:13:55) (inaudible)

SP ALAN CAYETANO:

(1:14:04) Well, kung kalaban mo ay Malacanang at mga kasama nito at male-maletang maleta, siguro yung nararamdaman ko, mararamdaman ko.

(1:14:17) So except that nung bata ako, yung mga dean ng law school, mga retired justices, etc., kahit yung kampo nila ay kampo nila. Pag mali, sasabihin nila mali. If this happened even during martial law, even in the 70’s, 80’s, this happened, 95% of the legal community will come out and say, it’s just wrong. It’s just wrong. But we live in a different world where your algorithm at yung part-time fraternity na ‘di bale lang mali yung mga brod mo, e brod mo sila. So that’s the problem of our next generation now. Di natin tinuturo, tama is tama, mali is mali. Ang tinuturo natin, kampo natin ito, so siguro tama ito. 

REPORTER:

(1:15:05) Sir, yes or no lang po. Sabi po ni Senator Gatchalian, that he would preside over the impeachment daw po, ano po masasabi niyo?

SP ALAN CAYETANO:

(1:15:23) No and no. First of all, because I am Senate President, and if you look at the Constitution, it’s the Senate President only in the case, if it’s the president being impeached, will it be the chief justice? And no, because they amended the rules. Kahit tama sila, si Senator Pangilinan ang gusto nila. But by the way, they offered that to me. Bumaba daw ako ng Senate President. Ako mag-prepreside, pero tinanggihan ko. 

REPORTER:

(1:15:54) Inaudible. 

SP ALAN CAYETANO:

(1:16:04) Kami, hindi kami nag-amend para hindi madelay. Pero kami ang inaakusahan na gusto i-delay. Pangalawa, tignan niyo statements ni Senator Pangilinan since 2016. Ang sabi nila, ang grupo daw namin hindi magiging fair kasi maraming Duterte. Tapos maglalagay ka ng presiding officer na yung previous statements niya ay guilty na. Di ba? So, you know, it’s quite…So I’m not saying that he will not be impartial. I’m just saying it’s double standard. Pagka-grupo namin, automatic pro-Sara. Pero pag-grupo nila na yung mga statements ay talagang anti, impartial sila. So let’s have the same standard for everyone. 

REPORTER:

(1:16:55) Inaudible. 

SP ALAN PETER CAYETANO:

(1:16:58) Sorry? It’s Jose Luis Montales. That’s the legitimate. They cannot take out Joel Montales without a vote of 13. He’s also an officer of the Senate. Nasa rules ng Senate. So, I mean, they might be able to do it de facto. So guys, siguro, next ano na, pero De Facto versus De Jure. Sometimes it happens na they are able to exercise it De Facto meaning in fact nangyayari, pero illegal. Ito lang, noong araw, pag patently illegal, nagre-revolution na.

(1:17:35) So ngayon, may nagsasabi pa may presumption of regularity. Walang presumption of regularity pag patently illegal. 

REPORTER:

(1:17:44) Sir, ganon si Sen. Gatchalian, De Facto? 

SP ALAN PETER CAYETANO:

(1:17:48) No, I wouldn’t even call him De Facto kasi nga, nag-aagam-agam at nag-ano pa yung mind ng mga … inaudible… kung sinong susundin. De Facto kasi completely ganun na. Nakita mo, nandito kami.

REPORTER:

(1:18:03) Sir, is it safe to say you won’t allow Sen. Sherwin to preside…?

SP ALAN PETER CAYETANO:

(1:18:09) We won’t allow each other. Mahaba pa naman, July pa, so marami pa pong mangyayari. Tingin ko kaya nila gusto mag-special session. Thank you, thank you everyone.

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano