SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:00) First muna sa possible mga taga-ICC, si Sen. Imee nung siya nag-chair ng Foreign Affairs Committee, you actually monitored some of them here. So mamaya kung pwede pagtagpi natin ang dates and if we can get the names. Kasi I think it would be important for the credibility of the ICC kung masubmit natin sa kanila sino-sino mga ito, ano nangyari. Kasi simple lang ang sagot parati, imbento lang yan.
(0:38) But again, may resibo, sundan natin. Number 2, Mr. Chairman, before we go to that general question na pagde-deliver, kanina nakilala na natin po si Sergeant Tube. Sino si Bulon Tate at Orbilio? So sir kayo yung na sa nag… inaudible… Kasi I’ll just give the context no, nung February pa dapat mag papalitan ng Senate President. At dapat ito, napunta kay Senator Loren Legarda. Pero nakatanggap kami ng mga tawag at doon sinasabi hindi maaresto si Senator Jinggoy. Hindi magkaka-kaso, huwag lang siyang sumama.
(1:24) Narinig ko mismo yung conversation. Pero may kasama pa kasi kaming isang senador na siya din ang nag-decide na huwag ituloy ang pagpapalitan. At netong ako na, kausap ko siya, payag siya pag no. 14 siya, no. 13 senator Bato. But tinatanong ko siya kasi wala naman siyang kaso. So tinatanong ko siya na Sen or Bro, wala ka namang kaso, bakit ka tinatakot? Sabi niya na kita mo naman sa Blue Ribbon, banggitin ka lang patay ka na. At itong ginagawa nila Senator Lacson, SP Sotto, mabigat. So ang tinatatakot niya wala naman siyang kaso, wala naman. I can back up this what I’m saying.
(2:08) But nagulat ako, dito po sa letter E 42 nakalagay dito, nagdeliver kay Senator Tito Sotto, pwede niyo bang i-verify kung totoo po ito? At i-kwento niyo yung circumstance.
MARINES:
(2:22) Yes, your honor. Sige sir. Yung time na yun, your honor, advance team roon—nauna kami sa area. Kasi inadvisan na kami ng team leader namin na mag-proceed na sa building ni Tito Sotto sa Baclaran. So after lunch, andoon na po kami aboard. Ngayon, nag antay kami na dumating sila ni Boss Zaldy, noong dumating sila, ngayon okay na ang area, nareco na namin pagdating nila, ako nag-guide doon sa baba. Parang may basement sa gilid po. Dumeretso yung limo ni boss, umikot, tapos nag-drop off.
(3:06) Tapos umakyat sa hagdanan your honor, tapos may elevator. Kasama niya po si Raymark tsaka si …inaudible… saka yung SO niya po na si Police …inaudible.
(3:24) Tapos noon pasakay siya sa elevator, pagbukas ng elevator, may salubong po doon, sumakay sila. Tapos yung maleta na dala po namin, na dala po ng mga kasama ko, tulak-tulak po nila yung dalawa, hinabol ko yung dalawa at sinabay po sa elevator. Tapos yung the rest na ibang maleta hindi po naka nahabol, nauna na po sa taas po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(3:52) Anong dineliver niyo? Pera?
MARINES:
(3:55) Pera po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(3:57) Alam mo magkano?
MARINES:
(3:59) Large po, malaki.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:01) Large? Ang large usually ang laman ay…
MARINES
(4:03) 40 to 70 po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:06) So ilan ang dineliver?
MARINES:
(4:08) 40 to 70 yung…
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:10) Yung maleta lang So, isang maleta lang?
MARINES:
(4:11) Lima po, lima.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:12) Limang maleta? Na tig-fo-40?
MARINES:
(4:15) Yes, Your Honor.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:16) So, more or less, kailan to? More or less, kailan? When?
MARINES:
(4:23) Year 2024 po. Bago mag…
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:27) Campaign period?
MARINES:
(4:29) Yes po. Okay.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(4:31) So, kaya ako ito tinatanong, dahil mabigat sa akin ito, dahil nga pinaniniwalaan natin yung Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senator Lacson, but everyone knows, mag-partner talaga yan si Senator Tito Sotto and Senator Lacson. Not partners in business, but partners in politics. And then, dun sa susunod na paragraph, pero walang pangalan kung sino, nandito din pangalan ni Senator Erwin Tulfo, na pinapangalan nilang susunod na Chairman ng Blue Ribbon Committee, kung sila masusunod. Sinong may alam nito?
MARINES:
(5:08) Dito po si…
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:09) So, babalkan kita, sir, dun sa details kay Senator Tulfo.
MARINES:
(0:05:14) Ako po yung involved doon kay Sen. Erwin Tulfo.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:23) Sir, pangalan tapos pakikwento na lang yung circumstance.
MARINES:
(05:27) Ako po, Sir, si Bernard Gumban. Bali po, nakapag-deliver po ako doon kay Sen. Erwin Tulfo ng dalawang beses. Yung una po, dalawang maleta tapos yung pangalawa po, anim.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:41) Ano yung dalawang maleta? Anong size?
MARINES:
(05:43) Malit na po. Small at medium siguro.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:46) Small. Ano ulit laman ng small?
MARINES:
(05:48) Nasa 20 to 25.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:52) Okay. And then medium?
MARINES:
(05:53) Yung medium po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:54) Yung medium ata yung 20 to 25, no? Tama ba?
MARINES:
(05:56) Malit po. Yung small po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(5:59) Okay. Tapos yung medium?
MARINES:
(06:00) Nasa 40 to 50.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(6:03) Okay. So ang dineliver mo is from 60 to 70. Okay.
MARINES:
(06:08) Tapos yung pangalawang beses po, Your Honor, 6 na maleta na po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:06:11) 6 na gano’ng kalaki?
MARINES:
(06:14) Halo-halo po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:06:15) Halo-halo na. So, even assuming small lahat, kung 6 sa 25, at least 150. At least. Saan ang first at saan yung second delivery?
MARINES:
(06:28) Dito lang. Sa may bahay niya po, Your Honor, dito sa Green Hills.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:06:32) Green Hills. Paano niyo alam na bahay niya yun?
MARINES:
(06:36) Tinanong ko po si Mark Ticsay. Sabi ko, Boss Mark, kaninong bahay po ba yun? Sabi niya kay Sen. Erwin.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(06:42) So pagdating niyo doon, katulad ng kwento doon sa Ilocos, may sumalubong, kinuha lang, pinapasok kayo, paanong…
MARINES:
(06:49) Bali po, Your Honor, si Mark po, tsaka si Boss Mark, si Mark Ticsay, tsaka yung contact doon sa bahay ni Sen. Erwin, sila po yung nag-uusap niyan. Tapos pagdating po doon sa bahay, ibababa po namin yung mga maleta, tapos ihatid doon sa loob. Yung nagre-receive na po yung si Boss Mark na po at saka si yung nagre-reserve, yung bala.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:11) So hanggang saan ka nakapasok?
MARINES:
(07:12) Nakapasok po ko doon. Yung bahay po may basement eh. Hanggang sa ano lang.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:17) Yung basement?
MARINES:
(07:19) Bababa.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:20) Kasama kotse or bababa?
MARINES:
(07:22) Hindi po, Your Honor. Yung maleta po.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:24) Yung maleta? So yung kotse, sa parking lang kayo?
MARINES:
(07:27) Sa labas lang po ng bahay.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:28) Tapos nadala yung maleta hanggang sa basement?
MARINES:
(07:31) Papasok lang po kasi may sumalubong na po doon eh.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:34) Okay. So kung alimbawa, idadala namin kayo dun sa mga lugar na sinasabi nyo, matuturo nyo na ito yung bahay, tapos
MARINES:
(07:42) Yes, your honor.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(07:42) masasabi nyo dito yung basement. Third lang, nagulat lang ako sa mga pangalan na ito, letter J. France Castro, nasa progressive block ito, at nandito siya noong Martes, at this week nandito siya. Sino may alam nito itong kay France Castro? Nasa paragraph 43. Tapos Lila de Lima. Tapos may nakalagay dito sa Polo Club na bigay. Sino po dito? Nagugulat lang po ako kasi traditionally ang anti-Marcos, yung progressive groups and yung Dilaw at Pink. Pero recently sa nangyayari sa Senate, Marcos na rin. But biglang nandito mga pangalan nila. Again, that doesn’t mean this is true. That’s why I want to found it. Sinong may alam nung kay Leila de Lima at saka kay France Castro, mga kongresista.
MARINES:
(08:35) Si France Castro, your honor. Laging ka-meeting yan nila Boss Zaldy Co sa opisina niya sa congress po at saka sa townhouse. Then pagkatapos po ng meeting nila, paglabas po, may mga bitbit na po yan silang mga paperbag
SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:08:53) Pag sinabing sila, sino pa usually kasama ni France Castro? Not necessary sa pera, sa meeting.
MARINES:
(0:08:58) Yung babae rin yun, Your Honor. Yung lagi niya kasama. Tatlo yan sila, Your Honor. Kasama si Raoul Manuel at saka yung isa pa. Si France Castro at saka si Brosas, Your Honor.
SP ALAN PETER CAYETANO:
(0:09:12) Okay. How about yung kay Leila de Lima?
MARINES:
(0:09:15) Si Leila de Lima po. Lagi po yan sa townhouse. Ka-meeting po sila boss. Then, pagkatapos po niyan, ganon din po. May dala-dala na rin po yan. Kwan yan, Your Honor, Quadcom hearing.
SENATOR RODANTE MARCOLETA:
(0:09:34) Kailangan natin i-clarify muna. Kasi yung pagkabanggit nyo kay Congresswoman Leila de Lima, kasama siya sa mga congressmen ng 19th Congress. Hindi pa siya Congresswoman noon. Bakit siya kasama rito sa listahan ninyo sa paragraph 43?
MARINES:
(0:09:53) Yan po yung… Siguro po may lapses po kami diyan kasi…
SENATOR RODANTE MARCOLETA:
(0:10:00) Napagkamalan nyo siyang Congresswoman nung panahon na yun?
MARINES:
(0:10:04) Nung panahon na yun, Your Honor, hindi pa po siya kong kongresista. Pero yung nami-meet na po kami ni Atty. Baligod, kong Congresswoman na po kasi siya, kaya nasama po dyan sa mga congressman po.
SENATOR RODANTE MARCOLETA:
(0:10:19) Kasi bukod sa kanya, itong tunay na mga congressman na ni-list down nyo sa paragraph 43, babanggitin ko na, salita nyo naman ito eh. “Ito yung mga nag-deliver po kami mismo sa bahay ng ilan, sa HOR, at yung iba kinuha nila sa Unit 8 o Unit 9 ng Polo Club Townhouse Forbes Park. Sila yung mga sumusunod. Benny Abante. Zia Adyong, Jose Alvarez.” Dito binabanggit ninyo kung saan kinuha eh. Halimbawa, si Benny Abante, kinuha niya sa House of Representatives, saka sa Townhouse. Si Zia Adyong, mga congressman po ito ah, House of Representatives niya kinuha. Jose Alvarez, sa Forbes Park House. Jojo Ang, Townhouse. Julien Baronda, Townhouse. Ace Barbers, Townhouse.
(0:11:19) Ching Bernos, House of Representatives. Arlene Brosas, House of Representatives, Townhouse. France Castro, House of Representatives, Townhouse. Joel Chua, House of Representatives. Mannix Delipe, House of Representatives. Ito nga, si Leila Dilima, Townhouse din niya kinuha. Dan Fernandez, House of Representatives, Townhouse. Janet Garin, House of Representatives, Townhouse. Don Gonzalez, Townhouse. Jay Khonghun, House of Representatives at Townhouse. Jerby Luistro, House of Representatives. Raoul Manuel, House of Representatives and Townhouse.
(0:12:07) Ito yung mga anong makabayan group na sinasabi ni Senate President kanina eh. Manuel, Raoul Manuel, France Castro, Arlene Brosas. Ito yung makabayan bloc na kapag nagsasalita sila sa House of Representatives, matagal ko po silang nakasama roon eh, wala nang ginawang mabuti ang gobyerno. Palagi sila na lang ang mabuti. Na parang sila, ay ngayon pala eh, hindi ko sinasabing totoo lahat ito, kaya kayo nandito para patibayan ninyo, para tindigan ninyo na totoo lahat ang sinabi nyo rito.
(0:12:41) Sandro Marcos, Forbes Park. Paulo Ortega, House of Representatives. Joseph Paduano, House of Representatives, Townhouse. Stella Quimbo, House of Representatives, Townhouse, and Residence. J.J. Suarez, House of Representatives. Erwin Tulfo, Green Hills, House of Representatives.
(0:13:10) Itong lahat po na binanggit ninyo, na mga ngayon ay naglilingkod na miyembro ng House of Representatives, yung iba naman ay wala na, kailangan mapatibayan natin sa pamamagitan ng inyong individual o sama-samang paglalahad na tama lahat na sila ay nakatanggap sa iba’t ibang paraan at iba’t ibang lugar ng salapi…