Reflecting on the nation’s direction

Senator Alan Peter Cayetano reflected on the country’s current challenges, calling for truth, accountability, and adherence to the Constitution while urging Filipinos to work together for meaningful national reform.
Transcript

(0:00:03) Purihin ang Panginoon sa pagkakataon na muli kayong ma-i-address. Deretsuhan. No filters. Magandang-magandang tanghali po sa ating lahat. Today po, June 30, one year from the 2025 election. June 30 after the election, that’s one year when our public officials took office.

(0:00:31) And of course, four years since 2022 presidential, national, and local elections. So one month from now, magkakaroon po tayo less than one month from now, yung constitutionally mandated na State of the Nation [Address]. So ngayong tanghali, allow me to speak about what I think.

(0:01:00) What many people think, kung ano po ang nasa puso at isipan ng marami nating mga kababayan, kung ano ang state of the nation ngayon. Bakit? What’s the purpose? Alam niyo po ang government official, pag gumawa ng isang pagkilos o gumawa ng isang action, meron pong corresponding reaction yan.

(0:01:24) Yan po ay isang principle. For every action, there is a reaction. Di ba? So kung sinabi ko yung piso ay gagamitin sa pabahay, or yung piso ay gagamitin sa ayuda, or yung piso ay gagamitin para sa flood control, may reaction po yan. So ang nangyayari po…

(0:01:48) Pag nagkakaroon ng reaction sa ginawa ng isang namamuno, namamahala, or isang public servant, at ang reaction po ay galit o ang reaction po ay negative, the public official has two choices. One is to double down.

(0:02:06) Di ba? Halimbawa po, sa ginagawa ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna noon ni Sen. Lacson at ngayon sa pamumuno ni Sen. Erwin Tulfo at sabi nila yung subcommittee kay Sen. Francis Pangilinan na hindi pa nag-a-action. So, meron pong reaction yan.

(0:02:27) So you can double down. So that’s what Senator Lacson is doing, doubling down and saying na naging matapat siya sa takbo ng Blue Ribbon Committee. Or you can reflect. And when you reflect, pwede mong aminin ang pagkakamali. Tandaan po natin pagka-inamin natin ay may pagkakamali. It could be a partial mistake. It could be a crucial mistake. Everything can be a mistake. 

(0:02:54) But the point is, it is part of leadership to tell the people pag may mali at itama ito. Kasi kung pagpipilitan natin na ang mali ay tama, lalo pong lalaki ang problema. What is the biblical principle involved here? The biblical principle involved here is kung anong ating itatanim, yan din po ang ating aanihin.

(0:03:21) I can also say that the biblical principle here is about truth—katotohanan, na the truth shall set you free. Alam naman po natin sa Bible ang context po nun.

(0:03:33) Ang katotohanan ng Panginoon na Hesukristo at yung freedom from sin. Having said that, many biblical principles or all biblical principles are applicable kahit tanggalin niyo po yung spiritual or religion. Katulad kung anong ating itatanim, yan ang ating aanihin. Magtanim ka ng saging, ang magiging puno at bunga niyan ay saging. Magtanim ka ng santol, ang magiging puno at prutas niyan ay santol.

(0:04:06) So, let’s put everything into context first. First, meron po tayong announcement from the Ombudsman na kakasuhan ng plunder si Senator Marcoleta. Ano po yung context at background niyan?

(0:04:24) Nung 2025 SONA, sinabi ng Pangulo, mahiya naman kayo, exposing then what seemed to be anomalies and corruption sa flood control and sa infra. This was not new. Many senators in the 2023 to 2024 budget…

(0:04:48) Yung inyong lingkod po sa 2022 pa lang, discussion of the 2023 budget, tinanong na po natin bakit one-third bigla ng budget ay flood control at bakit one-third ay maintenance.

(0:05:01) So ang ating iniimbestigahan pa lang po mga kababayan, flood control pa lang ha. Sa maintenance, napakarami pa ho yan and one third ulit ng budget yan. So kung trillion na po sa pinagsama after 3 to 4 years ang budget sa flood control, ang budget din po sa maintenance ay 3 to 4 years ay isang trillion na rin.

(0:05:25) At isang departamento pa lang yan. Hindi pa natin pinag-uusapan ang BIR [at] Customs bago pong pamamahala nila. So I’m referring to before 2025. Ganun din po sa iba pa hong ahensya, sa DA, sa DOH po. Huwag na po yung corruption na nababalita. Yun na lang pong hindi maka-deliver ng mga bakuna at mga gamot na dapat bilhin at panay-excuses ang ating inabot. So kasabay po ng ating State of the Nation [Address], ngayong 2026 is the 40th anniversary of the EDSA revolution.

(0:06:04) So you cannot help it but people like me, ako personally, I was at EDSA. My father was one of the first, di ba, dun sa assemblyman at kasama po si dating assemblyman, naging congressman Goles na nasa EDSA.

(0:06:23) And some were in the Marcos side, some were in the Cory Aquino side, but the point is 40 years later. That’s one generation. Biblically, that’s one cycle 40 years. Ano nangyari dyan sa generation na yan?

(0:06:37) Sa Monday po, July 6, mag-uumpisa ang impeachment trial. That’s an issue by itself, whether it will be impartial. May ginagawa ba ang administrasyon na ito? May kinalaman ba nito? Ang May 11 at May 13 na kaganapan sa Senado. May 11, pag-deploy ng mga NBI para hindi po makaboto si Senator Bato. May 13, yung mga armado, naka-full battle gear na mga taga-NBI na pumasok sa Senado, hindi lang sa GSIS.

(0:07:12) Patuloy din po ang conflict sa Middle East. Sabi, may deal na, tapos wala. Kahapon, may deal na ulit. At of course, we’re all praying na magkaroon ng tunay na kapayapaan, tunay na peace, na magkaroon ng agreement. But habang bumabalik-balik ang sitwasyon, patuloy pa rin ang taas ng presyo ng gasolina, patuloy pa rin ang disruption. Hindi lang po sa natural gas, hindi lang sa oil and gas, pero pati, for example, sa fertilizer. Dahil nga po yung byproduct ng natural gas, yung urea, ay siyang pangunahing ingredient o yung ginagawang fertilizers.

(0:07:52) Today nag-file din po ang ating mga abogado ng isang manifestation sa Supreme Court na nire-reiterate po ang finile natin na hinihingi na mag-desisyon ang Supreme Court sa ginawang alleged rump session ng labindalawang mga kasama natin sa Senado nung June 3. Maraming implikasyon to. Isang implikasyon po neto, yung Blue Ribbon Hearing na ginawa nung susunod na araw na sinasabi po ni Sen. Lacson ni Sen. Erwin Tulfo, ng administrasyon na yun po ay hindi tunay na Blue Ribbon Hearing.

(0:08:31) So yung pag-file po natin sa Supreme Court ay pagsasabi that this is not about the Senate presidency. This is about constitutional order. It is about the numbers but it is about the moral boundaries and the law. That is, for example emphasized in ano ba ang majority of all members. May kaugnayan po ito sa impeachment kasi narinig na natin, sabi nung iba, ay pag 23 lang sila o 22 lang, edi baka hindi 16 ang kailangan para mag-convict. Earlier, nasabi ko na, so ibig sabihin 12 pa lang sila noon, ngayon 13 na. So ibig po ba sabihin kapag ka 6 ang natanggal na senador o kinulong. 12 pwede nang i-convict ang kahit sinong impeachable na officer. 

(0:09:25) So, kasama din po sa balita ay kahapon yung announcement ng opisina ng kagalang-galang na Ombudsman na kakasuhan ng non-bailable na kaso si Sen. Dante (Rodante) Marcoleta. Non-bailable po, ibig sabihin sususpendin siya, makukulong hanggang matapos yung kaso. Ibig sabihin hindi siya makakalahok sa Blue Ribbon Committee man sa sesyon or sa impeachment proceeding.

(0:09:54) So that’s the importance of our petition in the Supreme Court. I will talk more of that in the coming days but I think more urgent is that we talk about the protest yesterday and the ongoing protest ngayon sa EDSA. Unang-una, ano ba pinaglalaban natin? Nalilito na po yung iba kasi may mga ganon, pro-admin, meron pong laban dapat pero naging Marcos na rin, meron tunay na lumalaban.

(0:10:28) Meron pong sinasabi Duterte. Meron pong prayer rallies. So lahat na po ng klaseng sign nandyan. But siguro po kailangan natin ng isang pagkakaisahan natin. And let me propose this na lahat po tayo ito ang ating ipaglaban. We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace. Do ordain and promulgate this constitution. So give away yung dulo. Do ordain and promulgate this constitution. So mga kababayan, mga kapatid, mga magulang, ito po ay hindi proposal ng Iglesia ni Cristo. Ito po ay hindi proposal ng mga kapatid nating katoliko. 

(0:11:43) Ito ay hindi proposal ng mga kapatid nating evangelical. Hindi lang ito proposal ng mga kapatid nating muslim. Hindi ito proposal lang ng Ilocano, ng Bisaya, ng Waray-Waray, ng Kapampangan, ng Bicolano. Hindi po. Ito po ay pinagkaisahan ng lahat ng Pilipino. Ano man ang edad, saan man pinanganak, anuman ang religion.

(0:12:07) Ano man ang paniniwala, ano man ang pinaglalaban. Sabi po dito, with the aid of the Almighty God. So dun po [sa] nagsasabing nang wala pong dapat sa public discussions natin ang Panginoon. Ako at sang-ayon sa inyo, huwag natin sabihin ang Panginoon ay para sa grupo na to o grupo na ‘to o kampi sa akin ang Panginoon. Pero hindi natin pwedeng tanggalin ang Panginoon sa ating usapan. In fact, we should all be on His side. Why? Because without moral foundations, without a moral compass, so pinag-uusapan po natin dito ang Panginoon but also yung pagtuturo.

(0:12:44) Siguro naman po, pagka tinignan natin ang pagtuturo ng Katoliko, ng Iglesia ni Cristo, ng Islam, tignan po natin ang Evangelical Christians, may nagsasabi po doon lahat eh. Bawal magnakaw. Nagsasabi po doon lahat na bawal pumatay. So, cheating, stealing, and lying is a universal principle that we find. At kaya nga meron nakalagay dito po na independence and democracy under the rule of law, regime of truth. 

(0:13:18) So, let me simplify. Sa lahat ng para sa katotohanan, magkakampi dapat tayo. Ang dapat po, lumabas ang buong katotohanan. So nung sinabi ng Pangulo, mahiya naman kayo, ibig sabihin po lahat ng guilty. At lahat po ng hindi guilty pero walang ginawa. So kami, lahat sa Senado, kung alam namin may nangyayari at nagkulang kami, dapat mahiya. Lahat sa Kongreso…

(0:13:48) Si Senator Erwin Tulfo mismo nagsabi nung congressman siya, umiikot-ikot siya at alam na may bentahan ng mga kontrata. Siya mismo nagsabi na tumatambay siya sa opisina ni Zaldy Co. Oh si Senator Lacson, buong buhay, nilalaban niya against pork barrel, pinaglalaban niya against corruption. We honor that.

(0:14:14) Kaming lahat po na nagbigay ng warning bakit ganyan na ang budget ng DPWH pero nagpulang po kami. So ang question since SONA last year until now, anong ba nangyari? Ang problema po, imbis na ipaglaban ang batas, imbis na po na hanapin ang hustisya, imbis na ipaglaban ang katotohanan, binaluktot ang batas. Bend the law.

(0:14:37) So makikita po natin yung Blue Ribbon Committee, maganda umpisa sa ilalim ni Sen. Marcoleta. Hindi po perpekto, wala pong perpekto. Tandaan po natin mga kababayan, kay Sen. Lacson mismo o kay Sen. Marcoleta po mismo, pag nagsimula ka mag-imbestiga, 100 billion, trillion piso ang umiikot sa mga bulsa na kumita na dito.

(0:15:02) So sabihin nyo po, sa dalawang taon, 700 billion pesos. Sa 10%, 70 billion pesos yun. Sa 20%, 140 billion. Doon pa lang. Marami pang ibang pagkukunan ng pera. So gumagalaw po yung pera. Yung mga kumita na yan, ayaw nila na lumabas yung katotohanan. Puwera pa yung kapangyarihan. Kasi pag nasa kapangyarihan ka, hindi mo lang ginagastos yung pera para pagtakpan, tuloy-tuloy din po ang pagkita o tuloy-tuloy pa rin ang korapsyon. Ano nangyari nung pumalit si Sen. Lacson? Nung umpisa, lahat nanonood. Kami, benefit of the doubt. Nung una, medyo nalihis lang, napunta sa Senado. Sige po, kasi dapat wala tayong sinasanto. Pero pakunti-kunti po, naging malinaw.

(0:15:53) Na kung titignan mo po yung dating malinaw, malinaw kay Sen. Marcoleta, naging malabo. Ano po yung ibig ko sabihin maging malabo? Nakita na ang Malacanang, nakita na si Sen. Lacson, nakita na doon sa DOJ pa ata, tapos naging Ombudsman kay kagalang-galang Boying Remulla, e para bang may konting, nung umpisa, parang konti eh. Ngayon, malinaw na may coordination. Pag sinabi ni Sen. Lacson, dito dapat papunta, biglang nandyan na po. Yung kung sino man prosecutor or USEC sa DOJ, imbis na itesting mo yung witness, itago yung affidavit at i-testing kung siya talaga sumulat nun. 

(0:16:46) Gusto basahin yung affidavit lang at pagkatapos dadaling sa DOJ. Andami ko pong detalye na pwedeng sabihin at sa tamang panahon. What’s the main point? The main point is, the Office of the Ombudsman, and don’t get me wrong, I am one of those who watch the career of Ombudsman Boying Remulla. And like any other Philippine politician, he has done great things, and there are some things I disagree with. And when he said, wala tayong sasantuhin dito, you know, that was scary for many, but it has to be done.

(0:17:19) Pero ano nga po ang nangyari sa pamamahala ni Senator Lacson? Si Senator Lacson na nagsabi, dito ang direksyon, eto sasabihin. Nung may nabanggit ng mga pangalan, siya na naman sasabi, eto sinabi ni Usec. Bernardo, meron delivery pero hindi sa malakayan, sa ganito. So, naging kasangkapan ang Blue Ribbon Committee para baluktutin ang batas, imbis na para ito’y gamitin para lumabas ang katotohanan. That’s why noong May 11, nagka-pag-asa, hindi dahil sa akin, hindi dahil ako ay naging Senate President, kung hindi dahil yung bagong majority na galing sa minority ay nagsabing tatlo ang ating priority. 

(0:18:06) An impartial impeachment, lumabas ang buong katotohanan sa flood control at i-address ang problema ng ekonomiya. And I am concerned that it is not only the truth regarding corruption, regarding the flood control scam, regarding many other scams that is being withheld from us. The true state of our economy, ang tunay na pananalapi ng ating gobyerno, magkano na yung utang, anong gastusin, mabagal ba, mabilis ang paglabas ng DBM ng projects, kamusta po ang ating mga government contracts, yung spending?

(0:18:43) Maraming businessmen ang nagsasabi 20-30% na ang baba ng kanilang sales or ng income or ng tama sa kanilang negosyo. Maraming negosyante nagsasabi na even when the US announced na magkakasundo na sila ng Iran at ng Israel ay lalong hihirap at the end of the year. So there is a lack of honesty. But it is more than a lack of honesty. There is cheating, stealing, lying. 

(0:19:11) So today, the government is facing protest. And they can do two things. Double down. Kami tama. Ikulong na lang kayong lahat na makukulit. Tandaan nyo po, hindi ordinary kaso to. Hindi na to yung mga cyber libel na makikita nung una, sabi ko, ba’t yung NBI ngayon? Naging commission on cyber libel, yun na lang. And then pagkatapos, nakita nyo po sa Senado kung anong ginawa. So nakita na po natin na marami na pong ginawang attack dogs. Maraming institusyon ang tinatamaan na. Kaya napaka-importante ng Korte at ng Supreme Court. 

(0:19:51) Again po, we’re not against the full application of the law. Lahat ng dapat managot, dapat managot. Pero hindi naman pe-pwede pong medyo aayusin para non-bailable para mabawasan mga senador. Para hindi na pwede mag-participate. Tapos pagkatapos sasabihin, pag kumampi doon, abswelto na o wala ng kaso, o non-bailable na. Pag dito, hindi. Hintay natin si Jingoy Estrada kasi siya nagsabing may ebidensya siya at hiningi niya na sa tamang panahon siya maglalabas. 

(0:20:25) Pero let’s assume good faith. Let’s say tama si Ombudsman Boy na walang deal. Sige, dahi hintay natin. But the point is, bakit po sinasabi ng Ombudsman meron, merong mastermind? Pero bakit nahuhuli? Di ba kung may mastermind, dapat inilabas na kung paano siya naging mastermind, tapos kinasuhan. Pero bakit po sinasabi ni Senator Lacson, walang mastermind?

(0:20:51) Napakagaling naman po kung ganun kalaking anomalya, ganyang kalaking corruption tapos walang mastermind. At mukhang yung mga nagiging state witness, so ngayon biglang si Secretary Bonoan pagkatapos sabihin wala siyang kinalaman kay Senator Jinggoy, biglang gagamitin ngayon sa kaso ni Senator Jinggoy at sa iba pa, kulang na explanation, walang basis. Mukhang yung mga, dapat kasi pagka ikaw, hindi mo kailangan maging least guilty para maging state witness. Pero kailangan hindi ikaw ang most guilty. 

(0:21:23) So that is why we wanted another Blue Ribbon Committee hearing. Hindi lang ito para sa ex-marines o dun sa mga bagong witnesses. Ito ay para sa mga napakaraming government officials na binanggit pero hindi na pinatawag. Tapos ang nag-testify na para sa kanila, si Senator Lacson na. Tapos sasabi ni Sen. Lacson para sa 2028 ito. Sino ba po sa amin, sa grupo namin, ang nag-iisip ng 2028? Samantalang sa grupo ng majority ngayon, alam naman natin, nag-uunahan, nilolunch na nga eh, ang pagtatakbo. 

(0:21:57) Sayang Sen. Lacson. Kasi alam mo kung yan ay pinagpatuloy mo, sana yung lifelong struggle mo against corruption tumatak sa’yo. Who knows? Baka ikaw pa naging choice for president sa susunod. Pero hindi, sinira nyo eh. Sinira mo. Ang ginawa, you’ve bent the law. May agenda. And who are you protecting? Why? After years, di ba?

(0:22:22) So, ito po ang problema. Yung ibang mga taga-Malacanang lalong tumatapang. Bakit? Kasi yung Senado na last bastion of democracy, siya pang nagamit eh. Para lalong magkaroon ng injustice. So kung pakonti-konti itong mga institusyon na ito– DOJ, NBI, minsan ginagamit ang kapulisan, paggamit po sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, hindi lang para sa corruption, pero baluktutin ang batas.

(0:22:56) So mga kasama, I ask you today, number one, prayer po. Prayers move mountains. Number two, participate in your way. If what you can do is pray, then pray. If what you can do is pray but also post in your Facebook, in your Instagram, sa kahit anong social media, meron kayong WhatsApp, Viber groups, imulat ang ating mga kababayan sa nangyayari sa ating bansa. Sa inyo na nandito lang sa Greater Metro Manila at mapapakita niyo yung boses niyo, sumama po sa ating po mga kilos protesta. Let us support and let our voices be heard. 

(0:23:30) Now, if hindi kayo makakapunta sa EDSA. Pero meron kayong maliit na community. Magtipon-tipon po kayo. Kesampu, 20, 30. I-post nyo sa social media. Bakit po ito importante? Dahil sa bawat aksyon, may reaksyon. I-interpret na naman ito ng ating gobyerno na tama ginagawa nila. Na yung pananakip ay nagwo-work. Na pwede nalang arestuhin at kasuhan ng non-bailable ang kahit sino. Pakonti ng pakonti po ang inyong mga lingkod sa Senado dahil sa ginagawa nila. 

(0:24:07) So nung nakulong nila at kulang yung protesta kay Jinggoy Estrada, na-predict nila yun, natakot yung iba natin mga kasama. So ngayon, sinusubukan naman nila kay Senator Marculeta. Sana po hindi tayo pumayag kasi mali talaga. Mali talaga po kahit anong tingin nyo. Sabi nung iba, ipaubaya nyo sa korte. Alam nyo po, pag kayong batas ay binabaluktot na at ginagamit na ang ating legal system, hihina yung ating mga institusyon. Again, 40 years after EDSA. That’s what happened during martial law.

(0:24:39) At the start, sabi nila, may disiplina. At the start, na-address ang mga problema sa ating bansa na check ang ating mga oligarchs, nabigyan ng check ang arm struggle. Pero tignan niyo po anong nangyari later on. Nagkaroon ng cronies. Nagkaroon ng maraming exemption. Pag mayaman, walang batas. Pag mahirap, kailangan sumunod sa batas. Kaliwa at kanan ang human rights violation at pagkukulong. At tapos nangyari, lalong lumaki ang armed struggle. 

(0:25:10) Because pag nagkaroon ng injustice, iba-iba tayo ng takbuhan. Some run to prayer, some run to religion. Some run to armed struggle. Some run to the streets. That’s why ang pakiusap po sa ating law enforcers, not only maximum tolerance, respect the right for peaceful processes and peaceful protest. Ang hiningi po natin ay sundin ang konstitusyon. Kaya ang hiningi natin ay peaceful protest. Pero napaka-importante po mga kababayan na maramdaman ng gobyernong ito na mali ang kanilang ginagawa na hindi tayo papayag na pagtatakpan po ang katotohanan. 

(0:25:53) Injustice. Sabi po nila, we are obstructing justice. Hindi po, we are obstructing injustice. Pag injustice na po, kailangan iharang na natin ang ating mga katawan. Kailangan magsakripisyo na po tayo. Kailangan po handa tayo sa kahit anuman kinakaharap natin. Bakit? Kasi po patapang nang patapang yung mga nagnanakaw. Patapang na patapang po yung cover up. At kita nyo po ah, madalas tahimik na ang aming grupo. Pero tuwing tatahimik, hindi lang bagong issue. Hindi lang yung impeachment na lang, wala nang iba. Eh parang palalabasin pa nila na yung May 11 hanggang June 16 ay kasalanan ng isang grupo na gusto lang maging malaya ang ating bansa, na gusto ang katotohanan ay lumabas. 

(0:26:47) Bakit wala nang gulo ngayon sa Senado? Kasi happy na po ang Malacanang sa sitwasyon sa Senado. Pero tanong ko po sa inyong mga kababayan, happy ba kayo sa sitwasyon sa ating bansa? Mahirap ang buhay, kaya walang may gusto po na may mga protesta at may magulo. Pero alam nyo po, ang kaguluhan ay dala ng corruption at kahirapan. Hindi ito dala ng mga protesta. So ngayong tanghaling ito, mga kababayan, let’s all join in prayer, asking God for solutions for our country. But let’s put a step to our prayer. So with your permission, may I lead us in a short prayer. 

(0:27:27) Diyos Ama, lumalapit po kami sa inyo. Anuman ang aming religion, anuman po ang aming edad, anuman ang aming estado sa buhay, kami po man ay senior citizen or young people sa ating bansa. Kami po man ay nasa Luzon, Visayas, Mindanao or all around the world. We surrender everything to you. Kami po ay likhanyo. We are made in your nature and in your image. We know, Lord, that you intended the Philippines to be a powerful nation, to be a rich nation, to be a prosperous nation. You empowered Filipinos with understanding, wisdom, and knowledge. Ngunit katulad po ng isang paso na punuputo ng liquid gold ay unti-unti itong binutas ng mga dapat pumuprotekta nito para po mapunta ko saan-saan, pati sa sariling bulsa.

(0:28:20) Sometimes there were good intentions. Most of the times there were bad intentions. But we know that there is now a time of reckoning and shaking. So as we pray for mercy for our people and nation, we pray that you spare us from calamities, yan po man ay maging earthquakes o malalakas na bagyo, sa mga sunog, sa mga baha na nangyayari. We do know, Lord God, na sa bawat aksyon may reaksyon. Sa bawat tinanim, may aanihin.

(0:28:45) At itong mga baha ay ani dahil po sa ginawa sa nature, sa kalikasan, ginawa po sa pandarambong sa ating mga proyektong pang flood control. So Lord, we ask for your forgiveness. We ask, Lord, that as we seek your kingdom and righteousness, you raise up the right leaders. Leaders, Lord, sa bawat pamilya. Leaders sa bawat simbahan. Leaders sa business community. Leaders po sa health sector.

(0:29:16) Leaders po sa media, leaders po sa entertainment, leaders po sa ating gobyerno na ipaglalaban po ang katotohanan. We lift this up to you in Jesus’ name. At kung ano pa ang religion ng ating mga kababayan, we join them in the desire for a better Philippines. In the desire for justice. Thank you, Lord God. Thank you, Lord Holy Spirit. So, thank you for praying with me.

(0:29:43) There are many, many more things that will happen in our nation. Many, many more issues. But we have to start somewhere. And somewhere is number one, fighting for the same thing. Nasa preamble ng Constitution. Number two, in everyone agreeing with the rules. Ano po yung rules? Yung Constitution, yung batas.

(0:30:02) Without those rules, including moral rules, wala tayong character. Wala tayong identity as a nation. And we will not find ourselves unless we have a national identity. And I hope our national identity, again, will flow from what the preamble says. One, it will be from the aid of the Almighty, ang source natin. Then it will promote common good and it will be based on the rule of law, a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace. So let’s fight hate with love. But let’s fight. Magandang tanghali po. God bless you.

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano