REPORTER:
(0:00) Assessment niyo po sa pagdalaw niyo po sa Glan at Malapatan?
SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:
(0:05) Grabe ang damage tapos alam niyo naman ‘pag-earthquake, hindi niyo… ‘pag linog, hindi niyo sure yung mga aftershocks. So kailangan hindi lang relief, kailangan may plano sa rehabilitation. Tama yung sinabi ni Robin, dapat mag report ang NDRRMC sa total damage tapos magbigay ng deadline nung… hindi tayo pwedeng manghula. Katulad sa inyo, 34,000 na bahay, ano eksaktong ibibigay? 69 major infrastructure, gaano katagal gagawin yun?