(0:00:03) I thank God for this opportunity, mga Facebook family, mga kaibigan natin sa media, lahat ng kababayan natin, hindi lang yung mga nasa Luzon, Visayas, [at] Mindanao, pati ang ating mga kababayan around the world and of course our prayers dun po sa mga kapatid natin, mga OFWs natin na nasa Middle East. Sa pagbati namin sa inyong ngayong hapon ay napakabigat ng mga issues ang ating pag-uusapan dahil sa puso ng ating demokrasya.
(0:00:36) We have to ask ourselves, how important is democracy to ourselves? How important? Personal, personal. So like me, Alan, how important is democracy to you? Tayo as a nation, how important is democracy to us?
(0:00:59) So let me start with the biblical principle na nagsasabing ‘When the righteous rule, the people rejoice. When the wicked rule, people grow. So iba-iba pong word ang ginagamit niyan depende sa version. Yan po ay Proverbs 29:2. Pero obvious naman po siya, di ba? Whether yan ay negosyo, yan ay PTA, yan ay Joda, Toda, yan po ay Congress, yan po Republic of the Philippines, yan po ay EU.
(0:01:32) Yan po ay UN. When the righteous rule, people rejoice. Because pag tama ang pinaglalaban o tinanim, maganda po [ang] aanihin. Pero when the wicked rule, of course, malungkot ang mga tao kasi may consequence at may consequences ang paggagawa ng masama. So why am I saying this is about our democracy?
(0:01:59) Well, good governance kasi is about doing the right thing. And because men and women have their weaknesses, na-develop po yung presidential form of government at yung tinatawag na check and balance. Ibig sabihin, interdependent ang executive, ang judiciary, ang legislature, in our case, dalawang houses po ‘to, House of Representatives, and the Senate.
(0:02:27) But napaka-importante na independent ang legislative [at] ang judiciary from the executive. Kasi kung hindi, dictatorship yun. At pag may dictatorship ka, tama’t mali, iuutos na lang nang iutos to, wala ng check and balances. So, paulit-ulit sinasabing magulo ang Senate, hindi po. In this administration from 2022, it’s the first time po na nagkaroon ng majority at Senate President hindi lang po Senate President, yung majority, na wala pong kamay ang Malacanang sa pagpilit ng SP at ng mga komite. So, ibig sabihin po, I can dare say this is the first fully independent majority.
(0:03:19) Kaya, whether you talk about the 11, yung onse, or you talk about supporters nila, or you talk about some elements in the national government, like the NBI for example, sila po ang nanggugulo because hindi sila komportable na independent ang Senado. So when we talk about check and balances, may consequences po ito. So for example po, bilang check sa executive, meron pong impeachment process. So hindi pa po kami nakakaupo or bagong upo pa lang.
(0:04:01) Sinabi na po sa amin. So, sorry guys. I’m just asking, okay naman yung sound? Okay. Because we’re just using a cellphone and taking this opportunity to speak to all of you directly. So, nandun ako sa impeachment, di ba?
(0:04:30) Ang dami po, may mga bishops, may mga business groups, may mga schools, naglabas po lahat ng mga statement na kailangan independent, kailangan impartial yung impeachment. Sabi, itong bagong majority will do many things, will manipulate, will have machinations, whatever, para itigil yung impeachment. Pero nakita nyo po, napakaayos, walang naging problema.
(0:04:59) So yun po ang sasabihin ko sa inyo. Yung impartial, ibig sabihin po, base sa ebidensya, tamang proseso. Ang problema po kasi sa ibang nags-statement, na sa utak nila ay ang impartial, convict na. O ganun din sa kabila, yung sinasabing impartial ay acquit na. Wala pa nga pong trial eh. So hintayin natin ang trial at bantayan natin araw-araw. Pero nasaan po ang sense of truth?
(0:05:24) Doon po sa mga nag-issue ng statement na ngayon nakikita nilang tama ang pamamalakad at maganda at hindi issue po. Maganda po ang takbo tungo doon sa impeachment. Maganda ang schedule. Wala hong nag-statement na mali pala yung una nilang statement. Okay lang po yun. That’s your right. Ang sinasabi ko lang po kung anong itatanim nyo, lalo po yung mga namumuno ng mga eskwelahan, binabantayan kayo, gagayahin kayo ng mga bata.
(0:05:54) So dapat, pag tayo gumawa ng statement, with integrity, with truth. Ganon din po, yung events na nangyari po nung Tuesday. Let me clarify ha, hindi pa namin pinagbobotohan yung amendment sa rule na papayag po sa teleconferencing or online na pagboboto. Wala pa po kami doon. Ang pinagbobotohan pa lang po, whether or not pag-uusapan ito. So again, to the heart of democracy, is there anything wrong with talking about changing the rules?
(0:06:31) We’re not proposing murder. We’re not proposing abortion na mga per se mali na dapat ni hindi pag-usapan kasi ayon sa konstitusyon natin mali. Ang pinag-uusapan po natin kung sa mga panahon ngayon, given the threat sa Senate, given the different attacks on the Senate, given the different attacks on individual members of the Senate, yung experience po namin, nung minority pa kami, kung paano pigilan na magbuo ng majority, yung mga threats na tanggap namin.
(0:07:07) I’ll go to that later, and in the next few days, option po ng ibang mga senador yun, maglabas ng ebidensya sa mga pananakot na ginawa para hindi namin mabuo yung independent na senado. What’s my point po?
(0:07:21) Yung paulit-ulit po na sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan, paulit-ulit po na sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, paulit-ulit po na sinabi ni Sen. Lacson, at lalong-lalo na po na sinabi ni Sen. Erwin Tulfo. Hindi lang po sa session hall, sa media, at hindi lang Tuesday, even the days after, they kept on saying, bakit walang debate? Bakit hindi nila pwedeng pag-usapan yung side nila?
(0:07:50) Wala pa nga po tayo doon. Kung nakinig lang sila, kung sila po ay tinigil nila yung drama, even after the session, and instead, tried to listen to each other, the motion was to take up the amendment. Ibig sabihin, iso-sponsor pa to, and then ang bawat isa ay pwede magtanong, pwede pa nga mag-amend eh, kung tingin nilang mali. So I worked well on that, but just to say that the starting point has to be the truth.
(0:08:23) And ang problema, if you’re on their side, dun sa onse, na onse po kayo, kasi po sinasabi nila, wala silang chance na magtanong, magpaliwanag. Wala pa nga po dun eh. Meron chance. So sabi nila, tyranny of the majority. Hindi po. Tira ni Tulfo ‘to. Tira ni Lacson. Tira ni Pangilinan. Tira ni Hontiveros.
(0:08:47) Kasi palakasan ng boses, imbis na we listen to one another. Senator Lacson, I respect, he stood up and says he disagrees with the rule. So yung debate is whether or not we can take up the amendment. Hindi pa natin pinag-usapan yung amendment. E alam nyo po, parang paso yan eh. Pag nilagay mo yung seed sa isang paso, pwede mong kunin at ilipat. So, bantayan niyo po yung Senado.
(0:09:15) May tinatawag kami yung change of referral. Halimbawa po, nalagay sa committee on public order, tumayo yung chairman ng committee on justice the next day. Sabi, mali ang referral doon. Kunin mo muna at ilipat dito. So, ganun po nangyari. Yung proposal ni Sen. Marcoleta nandun po sa committee on rules at ang motion po ng acting majority leader is kunin at pag-usapan sa floor.
(0:09:43) Hindi pa po pinag-usapan yung merits or kung may masama o mabuti sa puntong yun. Pero sabi po nila na ang isda sa bibig nahuhuli. Kaya kita niyo po na, nakita niyo po, yun pala plano all this time. Arestuhin. Takutin. Intimidate ang nasa majority. Either lumipat or ikukulong. So as I said, the proper time evidence will come out. I won’t go to the merits [and] demerits. Wala kaming problema na kasuhan. Wala kaming problema na sa korte patunayan kung sila ay guilty o hindi.
(0:10:27) Ang problema po namin yung gagamitin yung threat na pag lumipat ka dito, wala ka ng kaso. Pag dyan ka, tutuluyan ka namin. E wala pa nga yung impeachment. Ganyan na ang usapan. Ano pa kaya? So again, I’ve communicated this behind closed doors. I’ve communicated this in rooms like this with the majority, minority. I’ve communicated it through the social media. I’ve communicated this with the traditional media.
(0:10:57) Hindi kami nandito para makipag-confrontation. Hindi kami dito para magbangayan araw-araw. Inayos namin yung impeachment. Kasabay ng impeachment po, inayos namin na may legislative calendar pa rin. Meron pa rin yung pag-aayos. Bakit po? I’ll talk about that maybe over the weekend. Ang numbers kasi natin, parati tayo nakoconfine sa 13-11, sa 12-11.
(0:11:26) Di ba? Sa 6-7. Kung ano-ano nung numbers eh. Ang importanteng numbers, inflation. Ang importanteng numbers, GNP [and] GDP. Ang importanteng numbers, productivity ng ating mga magsasaka. Ang importanteng numbers, yung dropout sa eskwelahan. Yung pagtaas ng kaso ng AIDS. Pagtaas ng teenage pregnancy. Ang dami natin kailangang pag-usapan na priorities. So tatlo ibabalanse po natin.
(0:11:55) Yung economic crisis where we have to talk about the quality of life. And when we talk about the quality of life, we have to talk about security. We also have to talk about drugs. When we talk about quality of life, we have to talk about education, health, jobs, kung sapat yung kita sa taas ng mga presyo at kung may trabaho pa rin ng tao. Yung second, yung impeachment, which will start in early July. But third, is the corruption issues katulad ng flood control.
(0:12:25) So we finished a caucus over lunch and we agreed subject to some minor discussion pa among our chairpersons and the paperwork that a subcommittee will be formed sa flood control and Senator Marcoleta will issue the notices on Monday para ituloy na sa Thursday yung flood control scam hearings.
(0:12:52) It will be impartial and we want the whole truth and not only some truth or some true, some not true to come out. Kung makikita nyo, may conflict na kaagad. Sabi ng ombudsman, meron mastermind. Sabi ni Senator Lacson, walang mastermind. Sabi ni Senator Lacson, ito yung mga dapat hindi imbitahin. Sabi naman ni Senator Marcoleta, ito dapat imbitahin. So I’m inviting the whole public bantayan niyo [ang] Senado.
(0:13:26) In the same manner that we are on trial when we have the impeachment, we also have to hold everyone accountable pagdating dito sa flood control. Which goes to my second point. The Committee on Public Order, dun po na-assign yung May 11 events that for us led to the May 13. And ngayon, kung sino-sino nag-imbestiga, sabay-sabay po ngayon nag-imbestiga, nags-statement sa Senate: DOJ, NBI, CIDG, may PNP, may CIDG, hiwalay pa sa spokesperson ng PNP. Meron pang… so Ombudsman, NBI, DOJ, PNP, CIDG, DILG. Agad-agad pumayag kami sa joint with the DILG at PNP but at one point, sila na lang.
(0:14:21) Kami ang tahimik para independent. Pero kung ano-ano na naririnig kong statement eh, katulad nung sa CIDG na imbestigahan daw si Robin at kami dun sa pagtakas ni Sen. Bato. Eh mismong boss niyo na eh. Mismong DILG at PNP nagsabi na May 13 wala pa kayong hawak na warrant at pending pa sa Supreme Court kung pwede nga i-serve yung warrant.
(0:14:47) So, paano naging pagtakas yun at paano naging krimen na tulungan siyang makalabas? So, kung iimbestigahan niyo ang buong Senate at majority, kailangan nyo imbestigahan ang Chief PNP at SILG. Kasi sila mismo nagsabi, wala namang warrant na ise-serve eh. So, you know, it’s getting crazy. Paulit-ulit na lang kayo na magulo ang Senado. Hindi po, ginugulo niyo. Let me backtrack ha. Nung natanggal po last year si Sen. Chiz Escudero, lumabas yung anyone but Chiz.
(0:15:18) Anyone but Chiz. Pumayag na si ano kanina, Senator Loren. Noong February po, iuupo po namin si Senator Loren. Doon nagsimula yung mga pressure at doon po nagumpisa, narinig namin na kasama sa deal yung mga kaso. Sinabi, anyone but Loren. O pag-upo ko naman, anyone but Cayetano. To be fair, hindi ko narinig sa Malacanang yan. Narinig ko sa mga kasama natin sa onse.
(0:15:46) And so far, since May 11 to now, what have we done but try to talk about the bigger picture? To talk about crisis? To talk about values? To talk about God in government? To talk about unity?
(0:15:59) Bakit kayo takot na takot na yung majority na ito ay gawin namin ang aming trabaho? Wala naman kaming tinatarget eh. Hindi katulad nung inyong dating majority na talagang tinarget ang Senado para pababain yung rating. Again po ha, wala dapat pagtakpan. Wala dapat po. From the President, the Vice-President, Senators, managot ang dapat managot. Kaya mag-repent na yung mga dapat mag-repent.
(0:16:27) Pero sobra po naman ata na lahat na nagsisi binibintang sa ilang tao o ilang partido lang. Bakit po ba yung taas ba ng presyo ngayon, pagtaas ng gasolina, yung kawalan ng trabaho, handling ng mga cases ng OFW, yung flood control, yan po ay sisisihin niyo sa opposition? Yan po ay sisisihin niyo sa majority ngayon? So anyway, that’s your privilege.
(0:16:56) Let’s have the hearings, then let the people judge. And yun ang advice ko sa onse. Maghanda na rin, mag-attend kayo. So rather than spewing out venom, calling us names, yung basura kasing tinatapon niyo, babalik din sa inyo. So kita niyo, yung mga tinawag niyo na names before is now all over the internet.
(0:17:22) Rather than debating, the Tuesday night should not have ended that way. There’s no need for the walkout. It would have taken us hours. Baka nga Monday o Tuesday pa matapos ang debate, sa dami [ng] gusto magsalita. Ang problema, you refuse to listen to us. So, let me talk about many more things. What are the important numbers? Why we have to think about our democracy?
(0:17:48) Why good governance is important. I’ll talk about that sa weekend. But importante tonight, matulog kayo na nalalaman [na] meron kayong gobyerno na hindi sunod-sunuran lang. Meron kayong senado na lalaban. Meron kayong senado na hahanapin ang katotohanan. May mga senador sa majority na hanggang makulong, ilaban lang yung kanilang prinsipyo na independent ang Senate.
(0:18:16) Tuloy-tuloy po ang intriga. Kaya tuloy-tuloy din po ang pagme-meeting namin. But our country is worth it. So if you ask me what can you do for us, pray for us. Pray that we stick together, that this majority will be given a chance. But pray then, na walang cover up kahit sino man. Di tayo pwedeng parang fraternity sa college na pag may rumble na, wala na akong paki alam kung sino [ang] tama [at] mali. Basta’t kampihan na lang yung yung brod natin kasi rumble na. Hindi po. If we love God, if we love our country, if we love the Senate, hindi pwedeng blind ang ating pagsuporta sa kahit anong grupo.
(0:18:57) So say a prayer. And habang may oras pa, yung gumagamit ng rains of power for their own purposes. You know, this kind of miscalculation, sabihin niyo, may makukulong, may makakasuhan. We can make your life a living hell. You know, again and again in history, tignan niyo how it ends. Di ba? So, dapat po, you know, we work towards having the righteous rule. So, does that mean palitan nang palitan? Hindi po. Pray for those who nakaupo. Kahit naman po yung apostles, di ba? Si Apostle Paul was killing Christians.
(0:19:38) Nagamit ni Lord. So ang dami-dami kong example kung saan ang tao na hindi righteous ay pwedeng maging righteous by simply repenting, asking God for revival, restoration, asking God na manilaw kung ano tama at mali. Let me end on a positive note. We’re willing to work with the 11.
(0:19:59) Sila lang naman nagsasabi eh na this will not work unless tanggalin niyo si Cayetano. Kung ako lang problema, no problem. Ang problema, pangatlo na ako eh. Anyone but Escudero, anyone but Legarda, ngayon anyone but Cayetano. So, sinong susunod? Basta’t hindi sunod-sunuran sa inyo at sa agenda niyo, dini-deny nila may agenda na palitan ang konstitusyon.
(0:20:23) But the reality is, in 2023, di ba, muntik na matuloy. Was it 23 and 22, 24. Di ba? Itutuloy na talaga yung PI (People’s Initiative). Di ba? So hindi mamatay-matay yung mga issue na ito because meron po talaga. So yung corruption, we can change as a nation. But we have to expose and we have to punish the right people.
(0:20:48) Good afternoon. Have a good weekend. And whether tomorrow or Sunday, I’ll talk about more details. Again, pray for the majority and abangan. And sana po yung mga witnesses, lakasan niyo po [ang] loob niyo rin. Sama-sama po. Basta ang kailangan lang, hindi pwede mag-witness yung magsisinungaling. Magsabi lang po parating ng totoo. God bless you po. Magandang hapon.