Supporting earthquake recovery in General Santos

Senator Alan Peter Cayetano called for unity in helping earthquake-hit communities in General Santos, emphasizing that disaster response should focus on relief, recovery, and reforms while setting politics aside.
Transcript

AUDIENCE 1:

(0:00:00) … Pater ng KCC, Dahil po sa lindol, pero behind po noon, nagpapasalamat po kami ng lubos sa mga taong naging instrumento na maging yung mga expenses po ng ospital, tumulong po sa amin. At lalong-lalo na sa mga prayers na maging okay po yung mga anak ko. Maraming maraming salamat po at sa atin pong lahat na, kahit po ganito ang nangyari sa ating buhay, matatag po tayo. Dahil nandyan po ang Diyos na umaalalay po sa atin at magtiwala po tayo sa process na Kanyang ginawa sa atin. Dahil behind po nito, may maganda pong mangyayari po sa ating buhay. Maraming maraming salamat po.

SENATOR ROBIN:

(0:01:09) Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh. Alhamdulillah, Rabbil Alamin. Mga magandang hapon, mga mahal kong kapatid. Sa mga kapatid po natin, kristiyano, suma inyo ang kapayapaan.a

(0:01:31) Ako po ay, siyempre, unang-una nagpapasalamat po sa ating Mayora Pacquiao, maraming salamat po. Syempre kay Congresswoman, maraming salamat po. Ito pong pagpunta namin dito. Ako po ay syempre, kailangan po natin bigyan ng masigabong palakpakan ang Senate President ng Taong Bayan.

(0:02:12) Isang taong hindi po nakakalimot sa inyo. Isang taong hindi po nalilimutan kung ano ang kailangan ng taong bayan, lalong lalo na po dito sa General Santos. Nagpapasalamat po ako sa kanya at ako po ay kanyang inimbitahan, na sinabi niya, haika, puntahan natin yung mga kapatid mong Muslim at Kristiyano. Alhamdulillah.

(0:02:41) Kaya ngayon po, nandito kami, kasama po ang ating idolo, Sen. Alan Cayetano.

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO:

(0:02:52) Maayong hapon sa kaninyong tanan. Kasabot ako, Bisaya. Pero dili pa maayo magsulti. Kinahanglan na kastoryahan si Mayor Ugsi, Congresswoman (Bisaya translation: Magandang hapon sa inyong lahat. Nakakaintindi ako ng Bisaya, pero hndi pa ako magaling magsalita. kailangan nang makausap si Mayor Ugsi, Congresswoman.). So, magandang hapon po. Di ba, simula sa ating pagkabata, tinuturo sa atin kung anong iyong itatanim? Yun ang iyong aanihin. So I’m so honored by your speech—sa testimony mo.

(0:03:24) Kasi kami magsabi na may magandang mangyayari sa inyo. Pwede niyong sabihin, hindi niyo naman na-experience yung linog (lindol) eh. Di ba? Pero kayo na na-injure at grabe yung nangyari sa inyo, pero nakakapag-testify kayo. Nandyan ang Diyos at babangon tayo. Pakisabi sa katabi niyo, babangon tayo. Di ba? Pakisabi sa katabi mo, mahal ka ng Diyos.

(0:03:49) Di ba? So anyway, nandito po kami para tulungan lang si Mayor at si Congresswoman kasi kayo naman talaga ang naapektuhan. Thank you, Mayor. Kahit na konti lang dala namin yung salubong nyo sa amin.

(0:04:02) Pero kung ano itanim natin bilang mga Pilipino na kapag ka may disaster, calamity, tulong-tulong na lang tayo, di ba? Wala ng politika. So sabi ko kay Robin, may hinanda tayong konting bigas konting grocery. Tapos sabi niya, ay nakakahiya naman, may cash assistance. Sabi ko sa kanya, hindi, huwag ka mahiya, Robin, kasi kinuha ko na rin sa sweldo mo yung ipamimigay natin eh.

(0:04:30) But, yun nga, Mayor, so bagaman alam nyo naman po, may problema sa legal si Sen. Bato. Tumutulong pa rin. Di ba? Si Senator Jinggoy, nasa kulungan na, namiminsipyo, pero sabi sa amin, sama yung anak ko nung unang punta. Nung sinabi kong pupunta ulit, sabi niya tulong na naman siya.

(0:04:54) Eh problema, hindi na nga niya kinukuha sweldo niya, tutulong pa rin. So, sampo ng aming mga kasamahan, Mayor, Congresswoman… ilan ulit yung nasirang structure? 34,000 na kabahayan. So, hindi biro yun. So, una-una. Kasi kung magpapagawa gobyerno, sabay-sabay, hindi namang matatapos, lahat kayo walang bahay. Pero mapagawa nung iba sampu, isang daan, NHA, makakapag pagawa ng sampung libo. Tulong-tulong po tayo. Tapos yung public buildings, mayor, ilan?

(0:05:34) 69, Major infrastructure natin ang sira, di ba? So gamitin niyo rin kami, taga-remind, taga pahinumdob (Bisaya translation: tiga pagpaalala), diba? Sa gobyerno na kailangan i-rebuild natin.

(0:05:50) Sabi nga nila, Relief, Recovery, Reform. So maasahan niyo kami sa reform, maasahan niyo kami sa relief. Hopefully, makatulong kami sa recovery. So, hindi kami magpapakahaba, kami ni Robin ay representative lang ng mga kasamahan niyo sa Senado. God bless you. Salamat po na sinalubong niyo kami lahat. Mayor, Congresswoman, thank you. Mga kapitan, chairman, thank you po.

Gallery
More Media Resources

Joining the call for accountability

SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:00) Thank you sa service niyo. Nakita ko kaninang umaga kahit umuulan. REPORTER: (0:00:08) Sir, what made you decide po to come here at EDSA and...

Defending justice and Senate independence

REPORTER: (0:00:00) … isasampa kay Senator Marcoleta, do you think na… kasi ako personally binasa ko mismo yung… SENATE MINORITY LEADER CAYETANO: (0:00:13) Napakasimple. Every Filipino should be for justice...

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano