More Press Releases

Alan Peter Cayetano - Senate Minority Leader Banner

Cayetano encourages youth to discover their vision, identity and purpose

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Saturday challenged the next generation to break away from social expectations and embrace their true identity as “VIPs” — anchored on Vision, Identity, and Purpose.

Speaking before thousands of young participants during the Christian Bishops and Ministers Association of the Philippines (CBMAP) Youth Conference on October 3, 2026, Cayetano cautioned attendees against defining their self-worth through worldly standards such as social media popularity, career titles, or academic metrics.

“Kung ano man ang trabaho mo, hindi ‘yan ang identity mo,” the senator said.

“Ipakita ninyo na ‘Ang aming identity ay wala sa kayamanan, wala sa grades, wala sa gaano kasikat sa barkada or sa social media… ang aming identity ay nasa Panginoon,’” he added.

He reminded the youth that fundamental value is rooted in faith and not on vanity metrics or external expectations.

Elaborating on his “VIP” framework for youth empowerment, Cayetano explained that having a clear Vision counteracts feelings of hopelessness and directionlessness.

“Hindi ka pwedeng magplano nang wala kang vision… Isa sa dapat mong parating tinatanong ay, ‘Lord, ano’ng vision mo sa buhay ko? Lord, why am I here?'” he said.

He emphasized that true Identity is rooted in faith rather than social media clout, monetary wealth, or personal accolades, reminding the crowd that God alone holds the authority to grade human worth.

“Iisa lang po ang marunong mag-grade sa tao — ang Diyos lang,” Cayetano said.

Finally, the Minority Leader stressed the importance of remaining focused on one’s core Purpose to avoid being tempted, confused, or deceived by competing ambitions and external peer pressure.

“Remember that the devil will first try to tempt you. ‘Pag hindi ka niya na-tempt, he will try to confuse you, to deceive you… At y’ung purpose mo ang mag-ga-guide sa ’yo at magbibigay ng pag-asa” he said.

In an interview following his speech, the senator expressed concern over reports of young people losing hope despite having their entire lives ahead of them.

“Nakakalungkot ‘pag nababasa po natin na nawawalan ng pag-asa ang kabataan,” he said.

He emphasized that young people can still look forward to a better future regardless of their circumstances, including poverty, illness, and other personal difficulties.

Cayetano also called for more gatherings that would help young Filipinos strengthen their faith, discover meaning in their lives, and develop a stronger sense of community.

“May pag-asa… So, I hope there are many more conventions that bring young people together, build the community, because they are our future,” he said.

Filipino Version

Cayetano sa kabataan: Huwag hayaang iba ang magtakda ng inyong pagkatao

Pinaalalahanan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang mga kabataan na huwag hayaang ang social media, trabaho, grado, o iba pang pamantayan ng lipunan ang magtakda kung sino sila at kung ano ang kanilang halaga.

Sa harap ng libo-libong kabataan sa Christian Bishops and Ministers Association of the Philippines (CBMAP) Youth Conference nitong Oktubre 3, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang “VIP” framework na nakasentro sa Vision, Identity, at Purpose bilang gabay ng kabataan sa buhay.

“Kung ano man ang trabaho mo, hindi ‘yan ang identity mo,” wika ni Cayetano sa kanyang talumpati.

“Ipakita ninyo na ‘Ang aming identity ay wala sa kayamanan, wala sa grades, wala sa gaano kasikat sa barkada or sa social media… ang aming identity ay nasa Panginoon,’” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Cayetano na ang pagkakaroon ng malinaw na Vision ay nagbibigay ng direksyon sa kabataan at makatutulong upang hindi sila mawalan ng pag-asa sa hinaharap.

“Hindi ka pwedeng magplano nang wala kang vision… Isa sa dapat mong parating tinatanong ay, ‘Lord, ano’ng vision mo sa buhay ko? Lord, why am I here?’” wika niya.

Para naman sa pagkakakilanlan o Identity, sinabi ni Cayetano na hindi dapat nakabatay ang halaga ng isang tao sa kasikatan sa social media, yaman o mga nakamit sa buhay.

“Iisa lang po ang marunong mag-grade sa tao — ang Diyos lang,” wika niya.

Binigyang diin din ni Cayetano ang Purpose o layunin bilang gabay upang manatiling nakatuon ang kabataan sa kanilang nais makamit at hindi maligaw dahil sa tukso, kalituhan o pressure mula sa ibang tao.

“Remember that the devil will first try to tempt you. ‘Pag hindi ka niya na-tempt, he will try to confuse you, to deceive you… At y’ung purpose mo ang mag-ga-guide sa ’yo at magbibigay ng pag-asa” wika niya.

Sa panayam matapos ang kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na nakalulungkot ang mga ulat tungkol sa mga kabataang nawawalan ng pag-asa kahit marami pa silang maaaring marating sa buhay.

“Nakakalungkot ‘pag nababasa po natin na nawawalan ng pag-asa ang kabataan,” wika niya.

Sinabi ng senador na maaari pa ring umasa ang mga kabataan sa mas magandang kinabukasan anuman ang kanilang pinagdaraanan, kabilang ang kahirapan, karamdaman at iba pang personal na problema.

Nanawagan din si Cayetano ng mas marami pang pagtitipon na makatutulong sa mga kabataan na mapalakas ang kanilang pananampalataya, mahanap ang kahulugan ng kanilang buhay at magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa komunidad.

“May pag-asa… So I hope there are many more conventions that bring young people together, build the community, because they are our future,” wika niya.

Share This Post

alanpetercayetano.com

Copyright © 2025 Alan Peter Cayetano